"It takes two men to make one brother."
- Israel Zangwill
“Mabuti naman ako at maayos ang kalagayan,” sumulat sya sa utol nya. Magmula nang tumigil sya sa pag-inom ng alak. Gumaan ang pakiramdam nya. Sinubukan rin nyang tumigil sa paninigarilyo. Pero hindi maiwasan ang pagsindi ng isang stick sa tuwing mag-iisip sya.
Dalawa lang silang magkapatid. Ang utol nya ang itinuturing nyang bestfriend. Tatlong taon ang pagitan ng edad nila. Sya ang kasangga nya sa tuwing may maghahamon ng away sa kanya sa eskwela. Ang utol nya ang gumawa ng love letter noong unang beses syang manligaw. Ang utol nya ang tinakbuhan nya nang mabasted sya. Ang utol nya ang nagtanggol sa kanya nang pinagalitan sya ng Tatay nila. Dahil bumagsak sya sa Trigonometry.
Nang mag-asawa ang utol nya , naisip nyang kailangan na rin nyang harapin ang buhay ng mag-isa. Dahil hindi habambuhay na aasa sya sa utol nya. Gumawa sya ng plano. Umupa sya ng sariling apartment sa Makati. Doon nya ipinagpatuloy ang pagpipinta. Sa Laguna naman nagpatayo ng sariling bahay ang utol nya.
Hunyo 1993, binisita sya ng utol at hipag nya. Kasama ang pamangkin nya na ipinangalan sa kanya. Masaya siyang nakipaglaro sa pamangkin nya. Ipinasyal nya ito sa Manila Zoo at Luneta. Tinuruan nya itong gumawa ng eroplanong papel. Maglaro ng yoyo. Mag-dribble ng bola.
“Kumusta naman si Marco? Dahil ipinangalan nyo sya sa akin. Ayokong lumaki syang kagaya ko.” Pagpapatuloy nya sa sulat. Magmula nang nagsarili sya, pakiramdam nya hindi naging tahimik ang buhay. Maging ang pagbisita ng pamangkin nya ay bumagabag sa kanyang kalooban. Gusto nyang tumulong sa pagpapalaki rito. Pero nang maubos ang kanyang naipon. Ang utol nya ang sumoporta sa kanya. Buwan-buwan syang pinapadalhan ng pera. Para sa pagkain, pambayad ng bahay at panggastos nya. Ang sabi ng utol nya, bayaran na lamang daw nya kapag naging sikat na pintor na sya.
Noong isang taon, nakapagbenta sya ng painting sa unang pagkakataon. Pero hindi iyon naging sapat para mabawasan ang bigat na nararamdaman nya. Nagpatuloy sya sa pagsulat, “ Hindi ko na kailangang isigaw kung ano ang nararamdaman ko. Lumalabas ito sa mga pinipinta ko. May nagsabi sa akin, napakalungkot raw ng mga gawa ko. Madilim.”
Pakiramdam nya nag-iisa sya. Nawalan sya ng tiwala sa sarili, sa lahat ng bagay. Pagkatapos nyang magsulat, itinupi nya ito. Inilagay sa bulsa ng suot nyang jacket. Kinuha ang revolver na nakapatong sa mesa. Hiniram nya ito sa isang kaibigan. Umakyat sya ng rooftop. Makulimlim ang hapon na iyon. Itinutok nya ang baril sa dibdib. Ipinutok. Bumagsak sya.
Nagising sya. Duguan ang kanang bahagi ng dibdib. Tumayo sya. Pumasok sa kwarto. Dumating kinagabihan ang kaibigan nya. May dalang hapunan. Pinuntahan sya sa kwarto. “Sinubukan kong magpakamatay. Pero di ako napuruhan.”
Tumanggi syang tanggalin ang bala sa dibdib nya. Nagpahinga sya. Kalmado. Nanigarilyo. Kinabukasan dumating ang utol nya. Magkasama sila buong maghapon. Marami silang napagkwentuhan. Ang kabataan nila. Ang eskwela. Mga pangarap. Pinilit syang kumbinsihin na magpagamot. Tumahimik lamang sya. Pakiramdam nya wala ng natitira pang ilusyon para sa kanya. Walang hanggan ang kalungkutan.
Tumingin sya sa utol nya na kapwa nangingilid ang luha. “Gusto ko na umuwi.”
"I will color the world one step at a time..."

16 comments:
Galing nito ah... pwede ding title 'UTOL' haha nakialam!, kaso medyo common haha!!
Ayus to ah, naalala ko tuloy utol ko. galing galing, tapos may touch pa ng pagiging artistic nung bida kasi painter parang yung mayari ng blog na to haha!!!
Anu pa ba? ayun gusto ko din to kasi I love exploring the minds of suicidals and disturbed people haha ayus!!
Sana may sequel.. :D
Kathang isip ba 'to o based sa true story tulad ng may ari ng blog na ito?
Kung based ito sa true story sana wag ng malungkot dahil makulay ang buhay lalo na pag nag blog ka :-D
parang gusto ko rin ng emo entry ahahaha (Nainggit?!)
deep and disturbing....
Very "Virgin Suicides"... Ang sad naman. :(
May mga bagay sa buhay na hindi mo kakayaning mag-isa, at maswerte ka kung may malalapitan at mahihingian ka ng tulong. Ang unang hakbang lamang ay ang pag-hingi ng saklolo.
This post is affecting me on different levels, it would take a whole new post to fully explain it.
Kudos!
@HOMER
- APIR tol! haha may DSL ka na! :)
Iniisip ko nga rin ang UTOL na title, pero para hindi redundant. bumalik ako sa original title. haha. at yes, super commen ng utol. :)
Naku, Salamat! Ang gwapo kasi ng may-ari ng blog! :)
Ayus! Gusto ko rin ang nag-e-explore ng mga disturbed minds. Mas komplekado mas exciting.
Tama. Meron itong PREQUEL. :)
@Jepoy
- Ito ay pinaghalong fiction at true story. Parang MMK. haha.
Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na mag-blog sya. Para naman may distraction sa buhay nya. Pero malamang di nya gagawin.
Yesss, mag-EMO tayo. :)
@Yj
- yup, Nakakalungkot talaga. hay
@- A n g e l -
-I've read the book (Virgin Suicides)
Now i'm eager to see the movie. :)
@ShatterShards
-May mga taong pilit kinakayang mag-isa kahit na alam nilang hindi nila kaya. kahit may matatakbuhan sila at malalapitan.
Salamat sa pagbasa. Sinusulat ko ngayon ang PREQUEL. :)
emo kung emo! nalulungkot ako pag me nababasa akong talented na tao na suicidal, gusto ko talagang tulungan kasi alam ko chemical imbalance lang yun, makukuha sa gamot!
anyway, magaling, magaling! ok yan gusto kong mabasa ang prequel! :)
Nice!!! OO nga noh, parang bagay utol hehehe..., puede ring namang BRAD KO..hehehe nakialam din parang c homer...but this is a nice post para sa mga magkakaptid...
@shykulasa
- Great Wasted talent. hay. Kung alam lang nya.. :)
@SEAQUEST
- haha. Sana may UTOL'S DAY din. :)
Makulay ang buhay.
hi.. pasyal pasyal lang... astig tong entry na to,, sa lahat ng nabasa ko na post mo,, dito ako napahinto at napaluha ng konte... nadama ko siya.. lalu na sa sinabi niya na gusto na niyang umuwi... haayy... san mu nakukuha ang mga idea na ito? mga idea sa mga kwentong gawa mo? napaka makapangyarihan...
Post a Comment