"I've only read two books in my life: Baseball Sparkplug and Love Story.”
-- George Brett
Kasalukuyang umaawit ang radyo ng isang awit ng pag-ibig. Sinasabayan ko ng pagsipol habang kinukumpuni ang makina ng kotse ni Mang Abdul. Pagdaka’y kinakanta ko na ang bawat letra. Papikit-pikit pa. At dala marahil ng puso kong puno ng sentimentalismo, naudlot ang aking nilalamay na trabaho. Tumigil ako sandali. Inangat ang mukha. Habang hawak ang vise-grip at pakumpas-kumpas.
Kinuha ko ang isang larawan mula sa aking wallet. At malambing na nanaginip. Larawang kuha nang ikaw ay maliit pa. Marahil magpipitong taong gulang ka. Ito lamang ang iyong napagdamutan. Pinagpipistahan at pinagmamasdan. Sa sandaling hinahanap ka at hindi ka naman makapiling. Hindi kita matawagan sa telepono. Dahil hindi ko alam ang bagong numero mo.
Naakit ako sa larawang ito. Na kuha noong kamusmusan mo. Nakasakay sa isang maliit na kotse sa perya. Dilat ang mga bilog na mata. Sabukot ang kulot na buhok. Hawak ng maliliit mong kamay ang manibela. Larawan ng kawalang-malay at kawalang-malisya. Larawan ng dalisay na pagkamangha at pagkabigla. Tunay na kahali-halina.
Ano kaya ang iniisip mo noong musmos ka pa? Habang paikot-ikot ang maliit na kotse. Naglulumukso kaya ang iyong puso? Natutuwa kaya ang iyong damdamin? O ikaw kaya’y nahihilo?
Bakas sa iyong mga mata ang labis na tuwa at kasiyahan. Isang batang simple lang ang kailangan. Kay sarap pangarapin na makayanan kong abutin. Ang panahon ng iyong kamusmusan. Sapagkat nagagayuma ako nitong larawan. Hinahatak ang buo kong kalooban. Kung maiibalik ko lamang ang nakaraan. Noong ako rin ay musmos pa. At magkatagpo tayong dalawa. Kahit na mga bata pa, sana ay atin ng madama. Ang pagmamahalang ngayon ay tinatamasa. Kung maari lang sana.
Ipipikit kong muli ang aking mga mata. Habang ibibirit ang huling bahagi ng kanta.

“Dadalhin kita sa aking palasyo.
Dadalhin hanggang langit ay manibago.
Ang lahat ng ito’y pinangako mo.
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko.”

6 comments:
sa tuwing may pangyayaring hindi maganda sa buhay ko, takbuhan ko ang mga awitin ni miss regz...
paborito ko yung someone to watch over me na version niya
@PERIOD
--Haha. Asia's Nigthingale talaga! :)
Sabi nga ni Wanda. Yan ang power ni Ate Regine. :)
hay nako pole may pagka emo ka pala??
parang di naman halata.. hehehe..
sa kapangyarihan ng teknolohiya pwede na!
yung isang ofcmate ko, pinaphotoshop nila yung pic nila nung bata pa sila. cute!
@Lhandz
- Emo ako promise, emo ak. hahaha
Remnants mo yan. :)
@Niel
- Makapag-install nga ng adobe photoshop. Marami namang pirated nun. di ba? Hehe
Post a Comment