Monday, June 8, 2009

VALENTIMES

He didn't tell me how to live; he lived, and let me watch him do it.

~Clarence Budington Kelland





Nakatago ito sa isa sa mga kabinet sa aking kwarto. Ibinigay sa akin ng mga anak ko. Dati itong kahon ng sapatos na nilagyan ng mga dekorasyon: tatlong kulay ng art paper - pink, pula at puti - na halos kumupas na. Aluminum foil, mga maliliit na bulaklak na gawa sa papel, macaroni, monggo, butil ng mais, mga makukulay na kendi, mga maliliit na puting puso. At ang lahat ng ito ay pinagdikit-dikit ng Elmer's glue.


Ang kahon na ito ay luma na at medyo inaamag. Dahil sa mga kending nakadikit dito. Malagkit ang ilang bahagi. Pero napakahalaga nito sa akin. Isang kayamanan na nagpapaalaala sa akin ng kanilang kamusmusan.


Kapag tinanggal ang takip nito. Makikita ang dahilan kung bakit ko ito itinatago. Sa isang nakatupi, kupas at marupok na dating puting papel, nakasulat ang mga salitang;


"Hi Tatay"

"HAPPY VALENTIMES"

"I LOVE YOU"


Ngayon malalaki na ang mga anak ko. Wala nang maliliit na mga kamay na nakabitin at nakakapit sa mga braso, binti at leeg ko. May sarili na silang buhay at binubuo ang mga pangarap. Kahit hindi ko na sila madalas makita, alam ko mahal pa rin nila ako. Isang pagmamahal na hindi ko pwedeng ilagay sa kahon.


Walang may alam na itinatago ko ang kahon na ito. Paminsan-minsan, kinukuha ko ito at binubuksan. Isang pagmamahal na pwede kong hawakan. Ito ang aking kayamanan. At kung ako ay papanaw na, gusto kong isama ko ito sa akin. Gusto kong makasama ito gaano man kalayo aking marating.



Nagmula ang larawan dito...



"I will color the world one step at a time..."

30 comments:

dencios said...

balang araw magiging tatay ka din at mararamdaman yan :)

ACRYLIQUE said...

@dencios

- miss ko na si tatay. :)

HOMER said...

Tatay tatay paano moko ginawa haha!!

:P

ACRYLIQUE said...

@HOMER

-Akala lang nya wala.
Pero meron, meron, meron!

Hari ng sablay said...

hapi valentines and hapi fathers day sayo

ACRYLIQUE said...

@HARI NG SABLAY

- Ganun din po sa inyo! :)

Yj said...

aaaaaaaaaaaaay...........

happy father's day sa mga tatay naten... at sa mga tatay jan....

ACRYLIQUE said...

@YJ

-hala. father's day na ba?
kelan ba yun?

bampiraako said...

june 21 ata fathers day. Ang sweet ng post. SHORT but SWEET..

Mabuhay ang mga tatay!

hmmm...Kelan kaya ako?

eMPi said...

hmm.. happy father's day na ba? hehehe...

shykulasa said...

ang swit!!! malapit na pala father's day! :)

ORACLE said...

Ako rin may treasure box ng mga kung ano anong anik anik na matindi ang sentimental value. It's a good way of keeping in touch with our humanity sa mundo na patuloy na nagiging robotic at superficial ang takbo.

Nice site. Salamat sa pagdalaw! Kita kits! :)

mavs said...

nakakaiyak naman tong post na to parekoy...
so nostalgic...
haiz...
father's day na nga pala...
sa lahat ng mga tatay jan...
isang tagay sa tagumpay...hehe

nga pala...
gusto ko dito sa bahay mo...
sobrang makulay tsaka apat na columns pa...
and tenkYu din for following my blog...
hehe...
add na kita sa blogroll ko para
mabilis ang update...hehe

keb said...

Thanks sa ating mga tatay. Happy pappy day! maaga pa ah.. Hehe

Dhianz said...

"I will color the world one step at a time..." wow luv d' quote... thanks palah sa pagdalaw-dalaw sa page koh... i appreciate it...

oh yeah kakamiss den tlgah ang mga bata... like my niece... nakakatuwa nung baby pa sya pa-toddler... kc pag lumalaki... tumitigas ang ulo... at nde yon... nagkakaroon nagn sariling mundo... few years more... may sarili nang barkada at baka dehinz koh na ren gano maka-hang-out.... at baka ren by dat time i'll have own kids of my own... naks fast forward akoh... eniweiz... kaya nga minsan eenjoy moh lang kapag bata pa silah... minsan u can't wait for them to grow up... pero mabils silang lumaki... kaya enjoy every moment lang tlgah sa buhay... ang bilis lumipas nang panahon...

happy father's day sau... ingatz. Godbless! -di

=supergulaman= said...

awts... parang kailan lang din ng kasama pa naman ang itay... ngunit mahigit isang taon na din mula ng sya ay pumanaw...nakakamis...

...ang katotohanan na darating ang panahon na lahat malapit sa iyo ay isa-isang wawalay ay hindi maiiwasan...magkagayunman... naging bahagi na sila ng ating isipan at puso na hindi mawawaglit kailanman...

***salamat sa pagpasyal parekoy...nailagay na kita sa aking blogroll...salamat... ^_^

gillboard said...

Tatay ka na ba? Anyway, nice Father's Day post!!!

Rouselle said...

Naluha naman ako sa post na to. I love my daddy soooo much. He's the best father in the whole world. Ü

adaptedboy said...

wow, this moved me!

ACRYLIQUE said...

@bampiraako

-- Hehe. Hindi ko kasi alam kung lailan. Thanks sa pag-update.

Nagpupugay para sa mga Tatay!

Kelan nga kaya tayo?

ACRYLIQUE said...

@Marco Paolo

- Sa June 21 pa raw. :)

ACRYLIQUE said...

@shykulasa

- Honga, malapit na!! :)

ACRYLIQUE said...

@ORACLE

-- Namana ko yata sa Tatay ko ang pag-iipon ng kung anik-anik at treasure box...

Salamat. Kita-kits.. :)

ACRYLIQUE said...

@MAVS

-Yess. Tagay tayo jan! :)
Happy father's day sa lahat ng Tatay.

Salamat sa pagtambay sa balkonahe ko. Makulay ang buhay. :)

ACRYLIQUE said...

@Keb

- haha. Di ko naman akalain na malapit na Pala ang Daddy Day. Napaaga nga. Haha!!

ACRYLIQUE said...

@DHianz

-- Salamat!

haha. Yun ang mission ko sa buhay. Naks! ang gawing coloring book ang mundo.. haha

Saya naman ng pamangkin mo. Kelan kaya ako magbubuntis? haha

ACRYLIQUE said...

@SUPERGULAMAN

-Kaya't ipinagmamalaki ko ang aking ama. Mahal na mahal ko siya.

Salamat po. :)

ACRYLIQUE said...

@gillboard

-Haha. Di pa naamn ako tatay.
Nangangarap lang na maging tatay. Di pa namn ako nagbubuntis. :) haha

ACRYLIQUE said...

@ANGEL

- Naku, salamat sa iyong walang sawang pagbisita.. :)

Happy Father's day sa Fudra mo. :)

ACRYLIQUE said...

@badlydrownedboy

-- I was moved more by your compliments. Thanks guys.. :)