Wednesday, June 3, 2009

PLEBO

"All I really need is love, but a little chocolate now and then doesn't hurt!"
--Lucy Van Pelt in Peanuts by Charles M. Schulz







“Bok, bok, boodle…”

Habang niyuyugyog nya ko mula sa mababaw na pagkakaidlip. May hawak syang isang bar ng Cloud 9. Hati daw kami. Sem break. Yung iba nagsasaya. Kami ni bok, kakatapos lang maglinis ng hallway kanina. Bumalik kami dito para magpahinga.

Lahat ng estudyante rito may talento sa pagtatago ng boodle. Madalas kasi ang surprise inspection ng fleet commander sa bawat quarters. Dapat malinis, walang ebidensya. Nilagay ng iba ang tinimplang Ovaltine sa malaking bote ng Family alcohol. Yung iba itinatago sa ilalim ng mga labada, kasama ng mga nagamit ng briefs at nagpuputik na medyas. Yung iba nakatago sa loob ng sapatos, sa ilalim ng kwelyo, at kung tatanga tanga ka hindi mo kakainin ng sabay sabay ang limang bar ng BigBang. Kagaya ko. Dahil kapag nag-inspeksyon na, mahirap ubusin yun ng isang lunukan lang. Kasalanan ko kung bakit kami naparusahan. Ang parusa, paghahalu-haluin ang tanghalian namin, kasama ng ibang nakumpiskang junk food sa quarters. Boodle fight daw. Pero para sa akin, kaning-baboy yun. Pero kailangang ubusin, kundi magdamagang squats at ‘sandaang weeks ng push-ups.

Ang mga upperclassmen dito may karapatang mang-alila ng mga bagong estudyante. Kasama yun sa mahabang panahon ng initiation. Meron akong iniiwasan na isa sa kanila. Itago na lang natin sya sa pangalang, Mr. Retainer.

Madami na akong narinig tungkol sa kanya. Grabe raw sya mang-alila. Madalas daw sya mang-trip ng mga bago dito. Nariyan na ang ikaw ang magpo-polish ng mga sapatos nya. Magpplantsa ng uniform nya. Pakintabin ang garrison belt at sword nya. Tapusin lahat ng assignments nya. Minsan kailangang hanapan mo sya ng boodle, kundi isusuplong ka nya na nagtatago ka ng pagkain. At biglang may lalabas na lang na ebidensya na gawa-gawa nya. Notorious si Mr. Retainer.

Isang hapon, 1400H, kakatapos ko lang mabuo ang utak ko na nalusaw sa Physics. Nakita ko sya. Nakatayo sa may corridor kasama ng iba pang upperclassmen doon. Nagbubulungan sila at nakatingin sa akin. Dumeretso ako sa pantry. Lumapit ang isang bagong estudyante sa akin na may kakatwang poknat sa ulo. Pinapatawag daw ako ni Mr. Retainer sa barracks nila. POTAH! Sa dinami-dami namin dito, bakit ako pa? Bilisan ko raw dahil ayaw nyang naghihintay. Tumayo ako. Inayos ang pagkaka-tuck in ng T-shirt ko. Binitbit ang mga libro ko. Kumakaba. Pinilit na pakalmahin ang sarili sa unang engkwentro kay Mr. Retainer.

Kumatok ako sa pinto ng barracks nila. Pumasok ako. Mag-isa lang sya. Nakaupo sya sa kama, may hawak na gitara. Pinaupo nya ko sa isang silya na nasa tapat nya. Tinanong nya ako kung marunong ako tumugtog ng gitara. Umiling ako. Kung kumakanta daw ba ako. Umiling ulit ako. Sabi nya kwentuhan ko na lang daw sya. Tungkol sa sarili ko o sa kahit na anong topic na gusto ko. Kwentuhan ko raw sya habang tumutugtog sya. Sa loob ng dalawang oras, nagsasalita lang ako. Ini-strum lang nya ang gitara. Di sya nagsasalita. Mukhang hindi nya ako pinapakinggan. Pero napansin ko, pinipigilan nya mga ngiti nya. Ano kaya ang trip nito? Pagkatapos nun, pinakita nya sa akin ang assignment nya sa Thermo Dynamics. Parang Physics, pero di ko maintindihan. Umiling ako. Ang sabi ko di kayang sagutan yun. Pinaalis na nya ko. Di naman pala sya ganun kalupit. Bagay ang retainer sa kanya. Ang cute nya ngumiti.

Naulit yun kinabukasan, at sa sumunod pang tatlong araw. Linggo nun, naglalakad ako galing ng messhall. Nakita nya ko, ang sabi nya, “Bok, punta ka mamaya?” Tumango ako.

Pagpasok ko sa barracks nila, kumakain sya ng Cloud 9. Inihagis nya sa akin ang isa. “Ang init, bok. Tara swimming tayo.”

Mayamaya lang nasa swimming pool na kami. Walang tao sa gym. Kami lang. Hubo’t hubad. Kahit na alam naming bawal ang hindi suot ang official swimming trunks ng college. Nagtampisaw kami na parang mga bata.


Nagmula ang larawan dito...


"I will color the world one step at a time..."

16 comments:

Niel said...

If others would tell this story, they would give more details on the activity on the pool. Not you.

You don't feed too much info and let the reader imagine for him/herself.

A literary professor was once asked when to end a story. He said end it when the reader can predict what's going to happen next.

Good job.

Herbs D. said...

so yun na yun? tampisawan lang? :-p

oo, fishing ako.

Yj said...

aaaaaaaaaah.... hmmmmmmmmp.

cute nga ang retainer sa guy....

<*period*> said...

YOU NEVER FAIL TO IMPRESS ME, MY DEAREST ACRYLIQUE

so what kung walang nangyari senyo ni mr retainer

pero i enjoyed imagining kung ano ang histura ni mr retainer

<*kilig ang growers*>

ShatterShards said...

It's nice the way the story started and ended with a chocolate bar, and the subtle differences in the manner that it was given/shared.

I agree with @Niel, end the story when the readers know how to proceed with it by themselves.

HOMER said...

ahehe!!! sarap ng cloud 9! walang bigbang? hihi!!

So anu nga ginawa dun sa pool bat kailangang nakahubad haha!!

ACRYLIQUE said...

@Niel - Napansin mo pala. hehe. Yun din ang sabi nung Filipino teacher ko nung high skul. Dahil hindi nya ako pinapasok noong first day ko sa kanya. Late ako. At di ko naipasa yung ginawa kong essay.

Dahil di ko sya makalimutan, Sinunod ko ang sinabi nya. Hanggat maaari gusto ko na ang mambabasa ang magtatapos sa istorya... Salamat!! :)

ACRYLIQUE said...

@Herbs - Haha... Nagtampisaw at sumisid sila.. :)

ACRYLIQUE said...

@YJ - Bakit nga kaya cute nag retainer sa guy.. :) Thank you!! :)

ACRYLIQUE said...

@PERIOD - Salamat ng marami.. :)

Napapangiti rin ako kapag naaalala ko si Mr. Retainer. Hihi. Swerte nya.. :)

ACRYLIQUE said...

@HOMER - May cloud 9 pa ba? Yung Bigbang di ko na rin nakikita.. :)

Mainit kasi. As in. Kaya dapat hubo't hubad.. :)

Salamat.. :)

ACRYLIQUE said...

@ShatterShards -

**blush**

- Thanks.. ;)
It only proves na nababago ng tsokolate ang mundo.. :)

keb said...

Ahaha! Ang saya ng kwento, loved reading it. Parang gusto ko ng MILO. Haha. Sarap. Keep posting!

ACRYLIQUE said...

@KEB -

Hehe. Tsalap nyan.. painom... :)

Thanks!

Rouselle said...

First of all, masarap talaga ang Cloud 9. Second of all, am wearing retainers too, but am not a guy. Wahaha.

As usual, naaliw ulit ako sa kwento. ♥ May totoong Bok at Mr. Retainer ba?

Mwah! Take care!

ACRYLIQUE said...

@-A n g e l-

---Baka babae talaga si Mr. Retainer. Ms. Retainer sya... :)

Salamat sa pakikikulay!!

Yup. Totoo sina Bok at Mr. Retainer. napapngiti nga ako kapag naiisip ko silang dalawa!! :)