Tuesday, June 23, 2009

SAPOT

“Sometimes I miss you so much and I can’t understand it.”

--- Jack Twist (Brokeback Mountain)





Bakas ang sunog ng sigarilyo at katol sa lumang kamagong na aparador. Marahang lumalangitngit ang nakabitin na salamin sa kinakalawang na mga kwerka. Matagal nang wala ang mga hawakan ng mga drawers. Sa loob ng aparador, patung-patong ang mga librong tatlong dekada na ang tanda. Sa isang maliit na asul na kahon, nakatago ang halos isang daang sulat. Makukulay na kinupasang sobre at papel na pinaglapatan ng mga salita ng pag-ibig at pamamaalam.



Nalalatagan ng alikabok ang berdeng kobre-kama at mga puting unan. Hindi pantay-pantay na nakasabit ang mga kwadro. Larawan ng mga batang lalaki at babae. Nakadungaw sa maingay na daan ng Kalye Salcedo ang mga makukulay na salamin at kapis ng bintana. Bahagyang nakabukas upang makapasok ang hangin at sinag ng araw sa maliit na kwarto.



Sa tabi ng pasimano, nakatayo ang isang lumang telebisyon. Black and white. May sariling kayumanggi at malaking kaha. May sariling pinto. May malalaking speakers sa magkabilang tagiliran. Maingay ang pihitan ng tuner. Dalawang dekada na rin itong hindi nagagamit. Ang ibabaw nito ay naging patungan ng isang babasaging plorera. Isang laruang kabayo na nililok sa kahoy. Napanalunan sa perya.



Sa pagitan ng telebisyon at paanan ng kama, may isang upuan na yari sa narra. Bakas dito ang bilog na puwitan ng tasa. Alaala ng magdamagang pagpupuyat. Mga gabi-gabing pagbabasa ng libro at pagsusulat ng liham. Sa ilalim ng upuan, nakapila ang isang pares ng top-sider at bota. Pudpod na ang swelas ng top-sider. Nakangiti at halos humiwalay na ang swelas ng bota. Ang lahat ng ito ay nababalutan ng alikabok at tae ng butiki. Dumikit na ang magkahalong agiw at alikabok sa kahoy na kisame. Bumalot na rin ito sa pundidong bumbilya.



Sa isang sulok ng kisame, naroroon ang isang malungkot at umiiyak na babaeng gagamba. Naghihintay sa isang pangako. Sa isang inasahang pag-ibig. Isang dahilan kung bakit pinipilit nyang mabuhay. Naghihintay sa isang di tiyak na pagbabalik.



Dalawang linggo na ang nakalipas. Nagkaroon ng sumpaan ang dalawang magkasintahang gagamba. Isang gabi, tanglaw ang sinag ng bilog na buwan. Nagpaalam ang lalaking gagamba. Maghahanap ng pagkaing lamok at langaw. Ang sabi nya sandali lamang sya. Ang mga huling salita nya ang tanging pinanghihinawakan ng babaeng gagamba;




“HINTAYIN MO AKO RITO, PAGBALIK KO SABAY TAYONG GAGAWA NG SAPOT.”






"I will color the world one step at a time..."



27 comments:

Aris said...

napakahusay ng iyong paglalarawan. hindi ko akalaing maaantig ako ng kuwento ng pag-ibig ng dalawang gagamba. ang galing! :)

HOMER said...

Kwarto mo ba yan? lol

Anu yung KWERKA? haha! (ayan vocabulary mode na naman tayu haha!!!)

Ayus yung quote mo ngayon, I think my quote answers it back hehe!!

livingstain said...

hindi pala pweding maglagay ng picture dito noh,,,, lalagay ko sana yung pic ng gagamba ko.

Niel said...

as usual, naaliw ako sa napiling mong imahe.

Rouselle said...

Wow! Parang si Odysseus and Penelope lang. Hintay hintay lang for her beloved husband kahit inabot ng twenty years ; )

Anonymous said...

what's KWERKA?? eewww.. sang chestbox mo kinuha tagalog mo? hahaha.. echos!!!

nice one..

ibang SAPOT naisip ko! hehehe...

DN said...

si spiderman at si mary jane watson 'ata. (ang korni!!!)

=====
galing talaga. hehehe. :P

ShatterShards said...

Baka natakot ang lalaking gagamba, dahil napag-alaman niyang may lahing Black Widow ang kaniyang kasintahan. Gusto pa niyang mabuhay ng matagal. hehe

Very descriptive and romanticized writing once more from Acrie, ang galing! Enumerating the time-worn pieces scattered all over the place clearly gave that melancholy mood of hopeless waiting.

Jepoy said...

Feeling ko si Gagambino ay nahuli ng Pilyong bata at kinamit sa gagamba fight sa stick at itong si Gagambino ay nasawi. Ngayon mag isa nalang si girl gagamba na gagawa ng sapot! How tragic...

Panalo ang word na "Pasimano" 'di ko yoon alam. 'Di kinaya ng Filipino vocabs ko ahahaha

Nice writing!

Yj said...

sad... kasi baka yung lalaking gagamba yung nakuha ko sa bakuran namin.... ayun inilaban ko sa kanto, natalo siya.... natigok na.... huling kita ko sa kanya, balot na ng sapot nung nakalaban niya at nakabitin nalang sa isang stick ng walis tingting....

"(

Hari ng sablay said...

si gagambino ba ang tinutukoy mo?

hindi na babalik yun pinagsabong na ng mga bata sa kanto,lols

Anonymous said...

mahal na kita!!! hehehe, ganda ng page mo! lagi na kitang bibisitahin!!! add kita sa blogroll ko ah? nice entry! :)

Unknown said...

kuha mo ba yung tsinelas? ang ganda ha!

bilib ako sa lalim ng tagalog mo :)

ACRYLIQUE said...

@Aris

- Salamat dude. :)
Naantig din ako sa pagbasa mo. :)

ACRYLIQUE said...

@HOMER

- haha. di ko kwarto yun eh. :) sumilip lang ako.
Nag-uusap nga mga quotes natin. :)

ACRYLIQUE said...

@HOMER

- KWERKA- hinge
example: isang kinakalawang at mahigpit na kwerka. :)

ACRYLIQUE said...

@livingstain

- patingin nga ng gagamba mo. :)

ACRYLIQUE said...

@Niel Camhalla

- hehe. Salamat Niel.

ACRYLIQUE said...

@- A n g e l -

- Ganun talaga siguro ang spider love. :)

ACRYLIQUE said...

@LhanDz

- haha. KWERKA- nige lang yun.
teka anong sapot iniisip mo?

ACRYLIQUE said...

@DN

- Salamat dude.
Sa plagay ko tama sila. si Gagamboy yon. :)

ACRYLIQUE said...

@ShatterShards


-Katakot nga kung Black Widow ung girl gagamba. hayan tuloy widow na tuloy sya. :)

Salamat dude! :)

ACRYLIQUE said...

@Jepoy

- Tsk. Tsk. kawawa naman si gagambino sa sinapit nya.

PASIMANO- window pane. :)

ACRYLIQUE said...

@Yj

- Hala! sa iba pala sya nakipagpalitan ng sapot?

ACRYLIQUE said...

@HARI NG SABLAY

- Ginawang manok pala si Gagambino? tsk

ACRYLIQUE said...

@iprovoked

- hehe. Mahal na rin kita! Thanks Dude!

ACRYLIQUE said...

@Shie

- Yup kuha ko nga ang tsinelas. :)
Mlalim ba? hehe