“Patay na si Megan Fox?” habang inililipat ko ang cellphone sa kabilang tenga. Bumagal ang taxi at lumiko sa kaliwa. Gusto ko mang malungkot pero ganoon talaga ang buhay. Mahalaga sya sa akin. Hindi ito inaasahan.
“Ok lang ako,” ang sabi ko. Habang gumuguhit ako ng pusa sa nahamugang bintana ng taxi. Tumingin ako sa labas. Malakas pa rin ang ulan. Huminto ang taxi. Nakatingin sa akin ang driver habang kinukuha ko ang isang daang piso sa wallet ko. Lumabas ako ng taxi. Tumakbo ako at hinanap ang ER. Nakita ko doon ang isang eksenang noon ko lang nakita sa buong buhay ko. Narinig ko ang beterinaryo na nagsabing “Stand clear”. Habang hinihiga nya si Megan. Hawak ng doktor ang dalawang maliliit na resuscitation paddles. Pagkatapos ng pitong beses na pagkuryente sa dibdib ng kaawa-awang pusa. Pinunasan ng doctor ang noo nito at nagsabing, “OK, oras na talaga nya.” Makikita sa mukha ng beterinaryo ang pagkadismaya. Tinanggal nya ang mga rubber gloves sa kamay nya at itinapon sa basurahan. At ang umiiyak na nurse ay tinakpan si Megan ng maliit na puting tela.
Naaalala ko pa noong una ko syang makita. Naglilinis ako noon ng kotse. Narinig ko ang bawat iyak nya. Sinundan ko kung saan ito nanggaling. Natagpuan ko sya sa basurahan. Nakabalot sya sa isang plastic bag. Isang mutaing itim na pusa. Kinupkop ko sya. Ginawan ko sya ng tulugan mula sa isang yantok na basket na pinaglagyan ng prutas. Gumawa rin ako ng maliit na kitty litter box. At kapag mamimili ako ng groceries, kasama na sa listahan ang gatas at Whiskas nya. Mabilis syang lumaki at tumaba. Malikot at mapaglaro. Tuwing malakas ang ulan na may kulog at kidlat, tumatabi sya sa akin sa kama.
Midnight ang dating pinangalan ko sa kanya. Kaya lang madalas syang magkasakit. Sinisipon at hinihika. At nang isinama ko ang bestfriend kong si Karen sa Vet Clinic. Para ipagamot ang pusa. Madalas nya itong tawaging Megan Fox. Kahit na ilang beses na sinabi ng beterinaryo na lalaki ito. Minsan umaalis ng bahay si Megan. Siguro nature na talaga ng mga pusa ang mamasyal. Umuuwi din sya bago pa ako makarating sa bahay mula opisina. Pero isang araw, hindi sya umuwi. Sinabihan ko si Yaya na anatabayanan ang pag-uwi ni Megan. At paghandaan na sya ng pagkain. Baka sakaling umuwi sya at gutom na gutom. Lumipas ang tatlong araw. Napanis na ang inihandang pagkain ni Yaya. Wala pa rin si Megan. Nag-aalala ako sa kanya.
Habang tinatapos ko ang mga paperwork sa opisina. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Yaya. Nakita na nya si Megan. Nasa garahe. Nakahiga sa isang sulok. May maliliit na hikbi. Duguan ang kaliwang mata. May sugat sa tagiliran at isang paa. May nagmalupit kay Megan. Tinawagan ko si Karen na dalhin si Megan sa Vet Clinic.
Lumiipas ang isang linggo magmula ng pumanaw si Megan. Nag-jogging ako at pauwi na. Nakasalubong ko ang isang emo na tuta. Pasuray-suray sya kung lumakad. Parang galing sa gimik. Parang lasing. Parang tumira ng sampung boteng Grande. Tumigil sya. Tumumba. Binuhat ko sya at inuwi sa bahay. At sa espiritu ni Mother Teresa, binigyan ko sya ng pangalan. Siya na si Shia LaBeouf.

"I will color the world one step at a time..."
33 comments:
hirap naman ipronounce name ng aso mo! hahahah..
sori to hear about your loss, pero good luck na rin sa bago mong pet!
CUTE nya!
pag nawala yan, ano naman kaya ang mapupulot mo? elepante? palaki ng palaki kasi mga pets mo.
:)
Wawa naman naalala ko tuloy si Marley sa Marley and Me hehe!!
Nice name! Love ko pa naman si Megan Fox hehe!!
Wahh transformers na!! Kailangan manood na ko!
Ahaha ayos. Kamukha ba ng kuting mo si MeganFox? Hehe, peyborit ko kasi iyong role nya sa How To Lose Friends and Alienate People.
Ayan, may replacement na agad. Good luck and sana maging masaya pa kayo ng bagong tutang emo.
Cool!
aww. wawa naman si megan.
---
cute naman ni shia.
hirap ipronounce ng 2nd name ah.
hahaha.
shia na lang. lol.
hahaha badaf na badaf si shia! bat di na lang shia labadeouf? ahihihi... korni ni ateng..
panalo naman sa names ng pet nini, stellar mashado, napapanahon pa sa cinemas...
potah muntik ko nang isearch sa google bakit nawala si megan fox, buti binasa ko muna ng buo ung blogelya mesh...
nawala man si megan, mananatili sha sa puso mo!
Aaaawwww... He is so adorable. ♥
I'm sure Shia will really love you back. I should know because my dog Coochie really loves me, too. Dogs are built that way. Teehee.
P.S. MeganFox will be looking down at you from kitty heaven.
Ü
Too bad about your cat. I guess it isn't true about their having nine lives after all. I used to love caring for our pets, but the two dogs I gave most of my affection to have already passed away. Right now, I just couldn't find the energy nor the time to commit to our new pets.
The puppy is too cute! haha!
jusko sinasaniban ka pala ni mother theresa!good yan!
sorry about the cat.may ganyan din samin tinira naman ng pellet gun un pusa namin nung araw ayun patay,hinagis nalang namin sa ilog LOL!
at jusko ginawa mo naman aso si shia!
Awwwwwwwwww! Kawawa naman si megan fox buti nalang ayoko kasi ng pusa e ang baho ng pupu jowk! Ang cute nung dogie sa pix :-D
akala ko naman sinong Megan Fox?! kinabahan naman ako dun... phew!!!
akala ko rin inispoil mo Transformers 2!!! hahaha
@LhanDz
- haha. Hirap ba? Honga noh?
@KRIS JASPER
- Parang gusto ko na syang iwala. Husto ko ng Hippo. :) Joke!
@HOMER .
-- yess!! Transformer nah! :)
@keb
- Cguro kamukha nya nga si Megan. Di ko pa napapanuod yung mga movie na yun. :)
Nakilala ko lang siya sa transformers. haha
Good luck talaga sa ka-emohan namin. :)
@cheezy
- hehe. SHIA na lang nga. :)
@Baklang Maton in the Suburbs
-- haha SHIA LABADEOUF. I like it. :)
Dahil sosyal tayo. dapat sosyalin rin names ng mga pets na gala. :)
Haha. buti na lang di mo ginoogle. :) Manantili sya sa puso kez.
@- A n g e l -
- hehe. we are adorable as well. Megan will be looking down at Shia and Coochie. :)
@ShatterShards
- I know your dogs loved you as well and they missed you. Malay mo may makasalubong ka ring katulad ni Shia o kaya ako. haha.
@Mac Callister
-di lang si Mother Theresa ang sumasanib sa akin. Pati si Princess Di.
@Jepoy
-haha. Honga di kabanguhan amoy ng pupu ng pusa. :)
@gillboard
- Baka sabunutan ako ni megan Fox kapag inispoil ko ang Transformers. :)
ok pala ang bago mong pet, party lover! haha.
nalungkot ako sa nangyari kay megan pero aliw ako paano mo iknuwento. transformer nga, nabago ang mood ko after ko mabasa ang buong entry. lol
@bampiraako
- kailangan ng kaunting life ng tutang ito. masyadong emo eh. :)
hulaan ko. cguro babae naman cya noh? hehe
@curious_girl
-Curious girl ka talaga. This time lalaki na si SHIA. :)
hehe sori. pinanganak n kong ganon.. cguro add kita twitter pag nakgawa n tlga ko. pinagiicipan ko pa din.. hmm...
FB?- mawawala n pagiging malamisteryosa ko pag in-add kita e... ^ ^,
@curious_girl
- haha. Cge, cge. Honga noh. Pag inadd mo rin ako sa FB mawawala na rin pagka-misteryoso ko. hihi :)
yeiz... elepante na nga susunod na mapupulot mo at megatron na ang ipapangalan mo...") happy na si megan....
@Yj
Ayus yun elepante. di na tatablan ng pellet gun. haha :)
aw
una akala ko as in ung totoong megan fox ang namatay hehe buti na lang di ako tinamad magbasa hanggang huli hehe
sad naman ng nangyari kay megan fox,... at masaya naman ako para kay shia lebouf dahil nakatagpo siya ng magmamahal sa kanya ^_^
nakakalungkot naman nangyari kay megan :( pero ayan may kapalt na at kyut ni shia! :)
kyut ng tuta mo :)
Post a Comment