Mayo 1991, kakarating lang ni Marco sa isang studio type apartment. Ang napili nya mula sa sampung nakita nya sa peryodiko. Nakangiti syang pinagmasdan ang apat na dingding ng apartment. Sapat na espasyo para sa mga paintings nya. Iniisip nya kung paano iaayos ang pagkakasabit ng mga ito sa dingding. Matagal syang nakatayo sa harap ng puting dingding. Naka-pamaywang. Parang nasa isang Art Museum sya. Parang nakatitig sa Spolarium.
Matapos ang eksaktong tatlumpung minutong pagtitig sa dingding. Nag-ayos siya ng mga gamit. Isinandal nya sa dingding ang limang painting na dala nya. Ito ang unang pagkakataon na naipagsama-sama nya ang mga iyon ng maayos. Tuwang-tuwa sya. Habang pinagmamasdan niya ang mga gawa nya. Makikita sa mukha ni Marco ang pagmamalaki.
Pero alam ni Marco, pansamantala lang ang kasiyahan na naramdaman nya. Pakiramdam nya huli na lagi ang lahat para sa kanya. Iniisip nya na hindi na sya magtatagal. Anim hanggang sampung taon na lang daw sya mabubuhay. At kailangan na nyang gawin ang lahat ng dapat nyang gawin. Dahil mabilis lumipas ang panahon.
Sa madaling panahon, nagawa nya ang isang istilo na masasabi nyang kanya. Madilim at malungkot na magkakasalungat na kulay. Malaki at matingkad na guhit. Asupre ang itinawag nya sa unang painting na ginawa nya sa apartment. Mahigit sa isa ang nagagawa nya sa isang araw. Ito raw ang tunay na pintor. May brutal na kamay ng higante. Mga ugat ng isang nagwawalang babae. Isang misteryosong kaluluwa. Orihinal. Malungkot. Nag-iisa. Sya lamang ang nakakagawa ng isang matingkad, makintab, mala-kalawang na kulay.
May mga nakilala syang ibang pintor na naging kaibigan nya. Ngunit walang makatukoy kung ano talaga ang sakit nya. Anu pa man ang dahilan, hindi raw sya nababaliw. Itinulak ni Marco ang sarili hanggang sa hangganan. Nagpinta sya maghapon. Mas madalas sa gabi. Madalang sya kumain. Uminom ng maraming kape at alak. Naging chain smoker.
Nakilala ni Marco si Clara. Modelo si Clara sa isang nude painting session na dinaluhan ni Marco. Maganda si Clara. Maputi. Mahaba ang buhok. Isang hostes. Nahulog ang puso ni Marco sa kanya. Ilang beses sya niyaya ni Marco na kumain sa labas. Sa lahat ng pagkakataong iyon, tumanggi si Clara. At sa huling beses na nagkita sila. Dinukot ni Marco ang isang Swiss knife mula sa bulsa nya. Hiniwa ni Marco ang sariling braso. Isinulat ang bawat letra ng pangalan ni Clara.
Magmula noon, hindi naging madali ang buhay para kay Marco. Isang kaibigan ang bumisita sa kanya minsan. Maayos na nakipagkwentuhan sa kanya si Marco. Ngunit bago sya umalis para magpaalam. Kinailangan nyang pigilan si Marco sa pag-inom ng isang boteng thinner.
"I will color the world one step at a time..."
24 comments:
magkakasundo kami ni marco umiinom sya ng thinner hehe!!
anung meaning ng ASUPRE??
ayus din yung paghiwa nya ng braso naiisip kong gawin un minsan, there's this unexplainable feeling when you experience pain.. haha! (HINDI PO AKO MASOCHISTA!) HAHA!!
ganun ata ang mga pintor. masyadong passionate sa kanilang artworks.
tsaka depende sa mood...weird...
kaya napagkakamalan minsan e. hehe
attitude of painter weird sa paningin ng iba dahil di sila mahilig magsalita bagkus sa bawat pagkumpas ng kamay sa canvass dun mo mababasa kung anong kanilang nadarama,maybe he think that carla is the right girl for hertuladng asupreng pininta nia pakiramdam nia he's alone in his wholelife, but she found carla yun nga lang the girl doesn't feel the same way for him, isa ppa yan sa mahirap sa kanila malalim silang magmahal...weird, but when you see their paint you how they feel..,..hehehe...may kakilala ba kong pintor..yata..ewan..di ko alam..
ano problema ni marco? bitin!!!
sana may magsabi kay marco na end of the world na raw sa 2012. so swerte nya kung may 10 years pa sya.
siaya ang magiging ultimate survivor.
parang napanuod ko na to ah...
marco clara?
prang si juday at gladys ang bida dito. tama ba ko?
ay para siyang yung kilala kong pintor... kaso kyutix ang gamit niyang pintura at mga kuko ang kambas niya... nadepress kaya ayun... uminom ng mertayolet hehehehehehe
Ahaha, entertaining masyado ang kwento. Ang sarap. Haha, cool!
nabitin nanaman ako ha :) bkit nga kaya ang mga artist ay may ganyang personalidad ... i hope science can really explain it!
@ HOMER
- Ma-try naman ang varnish. haha
ASUPRE- SULFUR :)
@ Homer
- Unexplainable pain?
hmm... Sige na naininwala ako. HINDI KA MASOKISTA! :)
@crappy
- Hay ang mga pintor talaga. :)
@SEAQUEST
- Minsan nga lang ang hirap sakyan ang mga ideas ng pintor.
Teka parang super-related ka. Sinong pintor yan? :)
@gillboard
- iniisip ko din. Ano bang problemang mokong na marco na ito. :)
@KRIS JASPER
- Sige, sasabihin ko kay Marco end of the world na sa 2012. :)
@HARI NG SABLAY
--Tama! All the while nasa taas lang ng tv ang diary! :)
@Yj
- hmm, bagong ideya yun. Sige sabihin ko kay Marco. try nya rin mertayoleyt. :)
Gagaling pa mga sugat sa loob ng katawan nya. :)
@ keb
-That's Entertainment! Walang tulugan! :)
@shykulasa
- hala! Nambitin na naman ba ako? hehe.
buti na lang di ako artist. *drooling-saliva*
Hindi nag-iisa si Marco sa pag-aakalang katapusan na ng mundo ang pagtanggi sa kaniyang pag-ibig. Ngunit hindi lahat ng bagay may malulunasan ng thinner. May mga pintura sa ating buhay na hindi nito kayang tunawin.
Teka, 1991 nung binigyan siya ng 10 taon na taning, di ba? Ano nang nangyari sa kaniya?
Dala ba niya yung mga painting nung umuwi siya kasama ng kapatid niya? Sabi nila, mas nagiging mahal ang paintings kapag namatay na ang nagpinta nito. hehe
Awwwwwwwwww!
@ShatterShards
-- Matagal ng wala si Uncle. hay, wala ring may alam kung nasaan na mga painting nya.
@Jepoy
- Awts! :0
Post a Comment