--Thich Nhat Hanh
Kinapa nya ang kanang bulsa ng kupas na pantalon. Mula roon dinukot nya ang isang puting panyo. Idinampi nya iyon sa noo, sa leeg, sa malalaki nyang bisig. Katanghaliang tapat. Punong-puno ang kapiterya sa dami ng estudyanteng nananghalian. Parang palengke sa ingay. May pakumpas-kumpas.May nagmamayabang doon. May nagbibiruan. May nagtatawanan.May mga abalang-abala sa pagkain. May nakasubsob sa PSP. Tuluyan nang nalunod ang musikang nanggagaling sa mga speakers sa dingding.
Pagod na pagod sya. Umupo sya sa mga case ng Coke at Sprite. Kapag ganitong gusto nyang mamahinga ng kaunti, ang sulok na ito ang kumakalinga sa pagod nyang katawan. Sa pagkakasandal nya sa mga case, isang estudyante ang lumapit sa kanya at inalok ng yosi.
"Relax lang, dude."
Isang ngiti lang ang isinagot nya. Pagkatapos ay kinuha nya ang tray at basahan. Lumapit sya sa isang mesang puno ng pinagkainang plato, mga baso at mga kutsara't tinidor. Masiglang pinagpatong-patong nya ang mga ito sa isang kahanga-hangang paraan. Maliksing pinunasan ang ibabaw ng mesa at parang isang sirkerong binabalanse sa isang kamay ang mabigat at punung-punong tray. Kitang-kita ang pumuputok nyang mga bisig sa kanyang mga manggas. Sumisipol syang bumalik sa pinanggalingan.
Maingat nyang kinuha ang isang libro na nakaipit sa pagitan ng mga case ng softdrinks. Unti-unting nabawasan ang ingay habang papalakas naman ang musikang nanggagaling sa mga speakers. Break time nya. Sa halip na kumain kaagad, hawak nya ang libro at naupong muli sa mga case."Pride and Prejudice" ni Jane Austen. Naiwan ito ng isang estudyante sa kapiterya noong isang linggo. Hindi na binalikan at hinanap. Kaya sya na lang ang nagtago. Sinusubukan nyang basahin kahit na karamihan sa mga salitang nakasulat doon ay hindi nya mabigkas at maintindihan.
Isinara nya ang libro at itinukod sa kanyang baba. Maganda ang pagkakahubog ng jawline nya. Labis syang humahanga sa mga estudyante. Ang gagaling mag-English ng mga ito. Samantalang sya, English na pang-elementarya lang, hirap na hirap na sya. Ganunpaman, patuloy nyang sinasabi sa kanyang sarili;
"ISANG NGITI LANG JASPER, MAGANDA ANG BUHAY."
Nagmula ang larawan dito...
"I will color the world one step at a time..."
22 comments:
Gustong gusto ko ang mga ideya mo. Isa ka bang manunulat? Kung hindi, siguro magandang pagisipan mo na maging isang manunulat at panigurado ako na makikilala ka.
Isa na ako sa mga tagahanga mo.
Isang ngiti lang... gaganda din ang buhay.
oo, kapag si kenny ang nag smile, kilig na nag growers ko..hehehe.piz
nga pala, yung nabasa mo about kenny is 'fiction'...
lahat ng nakasulat dun ay mismong si kenny ang napost sa aking friendster account..kaso kung pakikianggan mo yung i dont know why you love me, tapos babalikan mo yung entry ko na haaaay! at emo mode, tapos papansinin mo yung dates ng mga messages ni kenny, at titingnang mabuti yung tittle na 'umaaasa', then magegets mo na bakit siya naging fiction...
kaso yung mga nagreact ( na mataga na raw nagbabasa ng mga post ko), puro nagreact kasi pogi si kenny
walang nakaintindi nung istorya
@The Green Man
-- Naku maraming salamat! Talagang tumataba ang puso ko. Isa lamang akong nangangarap na maging manunulat. Kaya sa blog, scratch paper at upuan ng bus ako madalas sumusulat. Sana nga balang araw makasulat ako ng libro.
SMILE!! :)
@PERIOD
-- Ganun ba? Bakit namn kasi fiction pa. hehehe
Sige babalikan ko yung mga entries na yan para maintindihan ko. :)
Ok lang yun. Smile ka nalang. :)
habam buhay may pag-asa..
hango to sa totoong buhay, ikaw yung nagabot ng yosi hehe
@Dencios
- APIR! Haha
Ang saya ng short story mo. Sige susubukan kong ngitian na lang ang buhay. :)
@DN
- Ngiti lang ng ngiti. :)
Nakakabata yan.. :)
apir!
tunay yan ngiti lang ng ngiti, magandang pagmasdan yan basta wag lang bungi .... hehe :)
@shykulasa
--Haha. isang malaking check!! :)
SMILE!! :)
Salamat!!
wow nman!
pride and prejudice pa ang napiling basihin. hehe. pero bakit hndi?hndi pa huli ang lahat sa kanya. habang may buhay pa nga eh may pag-asa.
@Jelai
--Haha. Naku, meron din yata syang Sense and Sensibility. Idol nya yata si Jane Austen or male feminist sya. Haha
Salamat!! Smile :)
Actually, ang saya talagang basahin ng posts mo. Ang the photos are amazing. Keep posting more! Mag kulayan tayong lahat!
@Kebby
--Nakakatuwa naman yun.
Maraming salamat sa pakikikulay! :)
Romantic. Ironic. Ano pa bang ka-ic-ic-an? ^_^
PS
Ang ganda ng bagsak ng "Pride and Prejudice" dito.
PPS
Parang may pagnanasa kay Jasper ang narrator. LOL.
@Niel
--haha. salamat sa mga ic-ic! :)
PS.
Salamat sa pagsalo mo s apagbagsak ng Pride and Prejudice. hehe
PPS.
Honga, pansin ko din. Malandi yang narrator na yan. May pagnanasa nga. :)
Ooohh.. a happy tale! Yay!
* Love "Pride and Prejudice" too. ♥
ang galeng! :D salamat sa pag-share ng gift mo. :D
parang ang sarap este saya naman maging friend ni jasper. haha turuan natin siya mag-english. :D
@shykulasa
--- Salamat sa pagbasa ng short ni Jasper...
@cb :: 林偉文
-- Maraming Salamat din. Malugod kong ibabahagi ang aking mga kulay at si Jasper. :)
naghahanap ba siya ng tutor? haha tara turuan natin!
@cb :: 林偉文
- haha. sige, sige. :)
Post a Comment