Thursday, June 11, 2009

BAWAL

"There is a charm about the forbidden that makes it unspeakably desirable.

-- Mark Twain






Tapos na ang klase. Napurga ang utak ko sa pag-intindi sa quadratic equation. Tinext kita. Ang sabi ko hihintayin kita sa labas ng classroom nyo. Di ka nagreply. Malamang naka-silent ang phone mo. Baka kasi mapagalitan ka na naman ni Miss Solomon. Ako pa ang sisihin mo. Alam mo namang ayokong nagagalit ka sa akin.


Nasa labas ako ng classroom nyo. May balak na naman yatang mag-extend ng klase si Miss Solomon. 30 minutes akong maghihintay dito. Okay lang, basta para sa iyo. Umupo ako sa bench. Dinukot ang nagkabuhol-buhol na earphone sa bulsa ko. Kinabit sa cellphone ko. Pinakinggan ang mga kantang paborito mo na dinownload ko noong isang linggo.


Nagkandahaba ang leeg ko sa pagsilip sa iyo mula sa bintana. Makita ka lang. Nakahanda na ang matamis na ngiti ko. Kung sakaling titingin ka. Kinalabit ka ng katabi mo at itinuro ako. Habang nagbubulungan ang mga nasa likod mo. May isang tumapik sa balikat mo. Nakatingin sila sa akin. Parang nahihiya ka. Lumingon ka sa bintana. Ngumiti ka sa wakas. Napansin kong halos pumalakpak ang katabi mo.


Natapos na rin ang klase mo. Lumapit ka sa akin. Nagpasalamat ka. Nagkantyawan ang mga classmate mo. Pinadala mo sa akin ang mga libro mo. Inaya kitang kumain muna. Sabi mo huwag na. Dahil marami kang assignments ngayon. At tuturuan pa kita sa Physics. Kaya dun na lang ako sa inyo maghahapunan. Hinawakan mo ang kamay ko. Magkasabay tayong naglakad.


Tumigil ako sandali. Para ayusin ang pagkakabuhol ng sintas ng sapatos ko. Lumingon ka. Ngumiti. At nagpatuloy sa paglakad. Napakagandang pagmasdan ang bawat paghakbang mo, suot ang puting stockings, at ang pag-indayog ng mahaba mong buhok.


Dumating na rin tayo sa bahay nyo. Pinapasok mo ako sa kwarto mo. Inilapag ko ang mga libro sa kama mo. Binuksan mo ang air-con. Amoy strawberry ang kwarto mo. Napakabango. Ang sabi mo sandali lang dahil magbibihis ka. Tumalikod ako. Kitang-kita ko ang repleksyon mo sa salamin bintana. Pumikit ako.


Lumapit ka sa akin. Kinalabit ako. Tumalikod ka. At natatawa ka habang sinabi mong,


“Noel, pakitanggal ang kawit ng bra ko.”



Kinabahan ako. Napakakinis pala ng likod mo. Nanginginig at naninigas ang mga daliri ko habang tinatanggal ang kawit ng bra mo.


At ang nasabi ko sa sarili,



“Shirley, sana naging tunay na babae ka na lang.”


"I will color the world one step at a time..."

38 comments:

Niel Camhalla said...

ayun yun eh!

HOMER said...

ayun naman pala!!! haha!!! apir!! :P

MarcoPaolo said...

ahh... :)

teka, ikaw ba gumuhit nyan? ganda ah...

Dhianz said...

aheheh... ayos ahh... galing sa pagkuwento ahh.... ahehe... oo nga 2nd d' motion kay marco paolo... kaw bah gumuhit nyan? sige. ingatz lagi. Godbless! -di

ORACLE said...

Ahahaha! Kakaiba trip mo parekoy ha! As in KAKAIBA! Lolz! :)

keb said...

Grabeh, nakakawindang ! Ahaha!

gillboard said...

errr... la ko masabi..

DN said...

wow. astig!!! ang galing talaga ng shorts mo :D

Yonyilsonyee said...

heheeh...bow ako sa short mo na to..keep it coming..sana makaIwan karin nang comment sa akin..heheh..

Nice one..

ACRYLIQUE said...

@Niel

- Haha . yun na lataga. :)

ACRYLIQUE said...

@HOMER

-- Haha! APIR!

ACRYLIQUE said...

@MarcoPaolo

-- Opo ako po ang nagdrowing. :)

ACRYLIQUE said...

@Dhianz

-@nd d motion dancers din. Ako po ang nagdrowing. :)

ACRYLIQUE said...

@ORACLE

-- Hehe. Siraulo kasi ako. :)

ACRYLIQUE said...

@keb

-- Nandekwat kasi ako ng Pentelpen sa ofis! :)

ACRYLIQUE said...

@gillboard


- Hehe. Salamat! :)

ACRYLIQUE said...

@DN

--- hehe. next time. boxers naman. :)

ACRYLIQUE said...

@Yonyilsonyee

-- Salamat sa pag-bow sa shorts ko. :)

Goryo said...

Tru 2layp is-tori ba i2 ?
Akala napa-tigil ako dun ah. Diko akalaing malikot ang iyong paint brush...

=)

bampiraako said...

nice one!

kala ko yun na e!

ACRYLIQUE said...

@Goryo

-- hindi po tru tu layp yun. Kagagwan lang po ng paint brush ko. hehe

ACRYLIQUE said...

@bampiraako

-- hehe . Salamat!!

shykulasa said...

hahaha baklush pala katukayo ko!

kaaliw, hehe

ACRYLIQUE said...

@shykulasa


-- hehe. Kasi nag-iisa lang ang SHYKULASA. :)

lucas said...

is that her? the woman in the portrait? it's beautiful...is it ok if i refer to her as a she? hehe!

---
what a beautiful line! thanks for sharing. i haven't seen that movie by Robin Williams...thanks for the drop :)

ACRYLIQUE said...

@lucas

-- hehe. That's her. Uhm, actually she's a she. I just changed the story. :) SSSHhhh.. :)


As always. :) Hope you'll see the move one day. it's a feel good one. :)

ShatterShards said...

Nakakatuwa naman ang continuation ng istorya ni Shirley! Nakakaaliw, nakaka-baliw. haha!

HARI NG SABLAY said...

haha, nayari ako dun ah.

npalunok pa nman ako ulit ng laway

ACRYLIQUE said...

@ShatterShards

- - Hehe. Naaliw kasi ako sa bra nya. :)

@HARI NG SABLAY

- - Napalunok din po ako. :)

jei said...

Inaantok na talaga ako pero nakita ko lang ang mga magagandang crayola sa blogsite mo, gising agad ako. Mas lalo pa nung nabasa ko ang post na 'to!

Teka...baka ikaw si Bob Ong ha. Sabihin mo lang at ipapadala ko ang Bob Ong collection ko para pirmahan mo, hahahaha.

Add din kita! Salamat sa pag add sa akin.

Mac Callister said...

kala ko kung ano n ang nanigas e haha daliri pala!

ACRYLIQUE said...

@jei

---Haha! Salamat.
Teka ako nga ba si Bob Ong?
Baka magalit yun sa akin, sabihin pa nya inaagaw ko pagkatao nya.
Wag mo na ipadala mga libro mo. padalhan na lang kita ng pictures ko. Mas ayos ba yun? haha

@Mac Callister

-- Gaya ngayon, naninigas ulit at hinihimas ko... ang daliri ko. I love your flowers talaga. :)

PABLONG PABLING said...

wow. nice post.. kakakilig yung umpisa. nangyari na rin sa akin ito . .

pero totoong babae naman.


talaga bang di siya totoong babae.

ACRYLIQUE said...

@PABLONG PABLING

-- hehe. babae sya, wag ka lang maingay.

Salamat! :)

- A n g e l - said...

Sabi ko na! Hehe!

Sana may continuation to :D

ACRYLIQUE said...

@- A n g e l -

--hehe. iniisp ko pa kung pano ko itutuloy. :)

tumbtaxiturvyjandijunpyo said...

hehe!! cool.. kala ko babae..

ACRYLIQUE said...

@tumbtaxiturvyjandijunpyo

-- Sana nga. :)