"The artist alone sees spirits. But after he has told of their appearing to him, everybody sees them.”
Magsisimula ang lahat sa isang dasal. Para raw hindi maakit ang anumang kademonyohan.
"Ama namin, sumasampalayataya kami,ipagkaloob sa amin ang espiritung hinihingi..."
Huminga sa baso. Huwag magmadali. Tawagin ang pangalan ng espiritung gustong kausapin at pagtanungan. Itaob ang baso sa mga isinulat na letra, A-Z. May mga numero, 0-9. Bilog na may Oo at bilog na may Hindi. Ito na ang magiging tagpuan.
Tandaan: Hindi maaaring isa lang ang naglalaro. Kailangan dalawa. Mas mabuti kung tatlo. Ipatong ang daliri sa puwit ng baso. Matigas. Malamig ito.Angkop na hintuan ng mga multo. Maghintay. Ulit-uliting itanong, "Nandyan ka na ba?". hanggang sa gumalaw ang walang-buhay na baso. Sasayaw papuntang Oo.
Sinong nagpapagalaw sa sumasayaw na baso? Mga espiritung halimaw o ang mga naglalaro?
Meron tayong kamalayan na natatago. Binubuo ng mga pagnanasang nabigo. Mga tinalikurang pangarap. Mga ipinagbawal na sarap. At pagtupad sa ating libido. Kumikilos ito sa mga paraang hindi natin nalalaman. Napapagalaw natin ang ating katawan, litid, laman at buto. Marahil sa kagustuhan na rin ng mga naglalaro, itinutulak natin ang baso. Hindi natin napapansin ang kilos ng mga daliri. Isang misteryosong krimen na nerbiyos lang ang saksi.
Itanong muli, "Nandyan ka na ba?"
Hindi aalis ang baso sa bilog na may Oo.
Dahil nandito na ako. Walang saysay ang buhay ko. Ako ay nagpakamatay. Hindi ko ibibigay ang tunay kong pangalan. LUCY na lang ang inyong ipalayaw.
Nagmula ang larawan dito...
"I will color the world one step at a time..."
20 comments:
"Meron tayong kamalayan na natatago. Binubuo ng mga pagnanasang nabigo. Mga tinalikurang pangarap. Mga ipinagbawal na sarap. At pagtupad sa ating libido."
-alak this! hehe!!
SALAMAT sa pagsuporta!! ehehe! :P
"...isang misteryosong krimen na nerbiyos lamang ang saksi." - I like this image, but I can't explain why. hehe
napakamisteryoso ng dating, tulad ng isang kandila na hindi mo alam kung para saan ba ito..may kandilang nauupos ng walang dahilan dahil sinindihan ito ng walang dahilan. may mga kandila rin namang ,bawat liwanag ay nagbibigay tanglaw at nagiging makabuluhan.
@HOMER - Haha. Bumili kasi ako ng bagong Pentelpen. :)
Surely! as always! Congrats ulit!! :)
@Shattershards
- Anong misteryosong krimen kaya ang nakikita mo? :)
@blographics
-Wow. Gusto ko yung KANDILA ANALOGY mo. :)
Tama. Tama. Tama
Salamat sa pakikikulay!!
masama ba mag spirit of the glass lolz.
nice post po...iba ka talaga
pati espiritu
silang mga hindi nakikita... pabayaan na sila....
ikaw din.... baka kunin ka nila...
choz... scary kaya yan....
@Paps
-Di ko rin alam eh. masama ba yung espiritu sa baso?
Dami ko pa ngang naiisip na gustong patulan eh. :)
@YJ
- Di ko na nga masyadong inelaborate kasi nakapikit ako nung nagttype. Baka kasi may biglang dumungaw sa screen ng laptop.. Yikes!!
Mga ipinagbawal na sarap. At pagtupad sa ating libido."
nagawa ko na yan, naniniwala ka?
@Dencios
- Hala. Buong akala ko ano... :)
Ang sarap! Nagawa ko na to ng aking kabataan, walang nang yare. Ahaha! Ayos ang kandila, liwanag sa dilim! =)
maganda ang bagong pentelpen mo... makulay at malalim ang guhit, panalo!
@Keb
- - Haha. Sarap ba?
Ako ang liwanag na tatanglaw kapag brown-out.:)
@Shykulasa
- - At ang bango bango pa ng bagong Pentelpen ko. Ayos to! :)
Salamat sa inyo! :)
kung totoo man ang kumakalat na tsismis na si bob ong ay isang conspiracy..na wala raw isang bob ong kundi likha ng maraming maiingay ang utak...iisipin ko na bahagi ka ng grupong yun
<*bow ala jang geum*>
@PERIOD
--Haha. Ganun? Sa tingin ko isang tao lang si Bob Ong. Discreet lang sya. Minsan nga naiisip sya si Wanda. haha.
Pero kung toto mang isa syang conspiracy. Sana nga bahagi ako ng grupong yun.
Haha. As always, Salamat!! :)
*Anong lasa ng pagkain Jang geum?*
di talaga nagwowork pag mag-isa? kaya naman pala. hehe. scary!
@kokoi
--Haha. nag-try ka rin pala ng mag-isa... :)
Post a Comment