- Angela's Ashes (Frank McCourt)
Hindi ko alam kung paano magsisimula. Teka, hmmm... Ilang taon na ang nakalipas bago pa nagpaulan ang langit ng 3G phones, gumawa ako ng mga blog. Pero hanggang simula lang. Header lang or isang post lang. Tapos makakalimutan ko na ang log-ins ko. Di ko na tinangka pang gumawa ulit. Pero mahilig ako magbasa ng mga blogs ng kung sinu-sino. Nainggit ako. Kaya makalipas ang ilang taon, gumawa ako ng bagong makulay na sanctuary. Ito na ang pinakamatino kong blog na nasusuplayan ko ng info araw-araw. Mga ilang araw pa lang ang blog ko. Gusto kong magsulat, kasi alam ko hindi ko maililigtas ang buong mundo (di ako superhero), pero sana kahit isa lang may maapektuhan sa gawa ko. Salamat tol. :)
Nung binabasa ako ang POST mo, yung totoo, nagulat ako. Sino nga bang magsasabing si john arthur villanueva ay kilala ko rin. Ibig kong sabihin, marami tayong john arthur villanueva. Ilang bahagi ng sarili ko, nakikita ko rin sa kanya. (At madalas din akong dumaan ng balagtas at Lyceum dati).. haha..
Maraming bagay sa nakaraan ang gusto nating kalimutan, pero kadalasan bumabalik sila.
Kababasa ko lang ng Kapitan Sino ni Bob Ong, isa rin syang halimbawa ng post mo. Dahil sa maling paniniwala ng sosyalidad, bawat isa apektado. Kahit may isang superhero na sasagip sa buong mundo, darating ang panahon siya mismo ang talo."Tutulong ako kung ano ang makakaya ko". Pero di ko papangaraping masagip ang lahat ng tao. Kahit si Noah, di nya nagawa. Limitado lang ang sakay ng arko nya.
Hanga ako sayo. Marami kang nagawa na hindi ko narating. May boses ka na dapat iparinig sa iba. Wag mong katakutan ang mayayaman at good looking. Hindi lahat sila kampon ni Puma Ley-ar. Nagawa mo ngang harapin ang isang ex vice gov. Sila pa kaya? :)
May mga bagay na dapat tuldukan. Pero magpapatuloy ang buhay.
Salamat ng marami. Salamat sa pagtitiyaga.. :)
ACRYLIQUE
"I will color the world one step at a time..."
10 comments:
sino nga bang magaakala?... ;)
Tama. sino nga namang mag-aakala.. :)
OMG. Di ka na ma-reach.
Baka busy ka na sobra sa pagbablog, baka magtampo na yung friend nating si Barang. Wala na magpapaganda sa kanya. At sino pala magbabantay sa tindahan? ^_^
@Niel - wahehehe...
Sino si Barang? :)
wala akong budget para sa kapitang sino. pwede pahiram :)
ACRYLIQUE, ako ang dapat magpasalamat sa iyo...
kasi naging makulay ang pagtatapos ng isang bahagi ng nakaraan ko...
abangan mo ang sunod kong post, tinatapos ko na ang isang short story na ang title ay--iguhit natin ang bukas sa tubig
@HERBS - Surely.. teka, taga-saan ka ba? :) baka magkapit-bahay tau. Hehe
@PERIOD - Sige, aabangan ko yan.. :)
Si Barang, yung 50-anyos na ale galing Mattel. :P
@Niel-
haha. Nalala ko na.. Di ako sanay na tawagin syang Barang.. hehehe
Magpapaganda pa rin ako ng mga katulad ni Aling Openg at ni Bb. Barang. At ang tindahan, kasalukuyan ko pa ring tinatapos...
Pamatid uhaw ko lang ang makaluy na Veranda kong ito... hehehe...
Mahusay ang pgkakakulay mo.sige lang ipagpatuloy ang pgsaboy ng pintura!
Post a Comment