“The most important things to do in the world are to get something to eat, something to drink and somebody to love you.”
- Brenda Ueland
- Brenda Ueland
Nangangarap siyang pumayat.
Pangarap nyang maging payat, sexy, maalindog at makuha ang lahat ng lalaking gusto nya. Pero heto sya nakaupo sa office table kaharap ang Country Style double-decker sandwich. Pero kahit naman sino pwedeng mangarap, hindi ba?
Kalahating oras na lang bago mag-lunchbreak. Kalahating oras syang nakatitig sa latest edition ng paborito nyang magazine. Hindi nya binabasa ang anumang nakasulat doon. Bakit ba kailanagan nyang basahin? Libo-libong salita tungkol sa How To Keep Your Man, How To Spice Up Your Sex Life, How To Spot The G-spot. Puro walang kabuluhan. Walang kinalaman para sa kanya. Wala pa syang naging maayos na boyfriend. Binibili nya ang magazine, hindi dahil sa cover lines.
Binibili nya ang magazine, lahat ng edition nito, dahil sa mga litrato. Uupo sya, pagmamasdan ng mabuti ang mga makikintab na larawan ng mga ilang minuto. Bawat isa. Halos malusaw ang mga modelo sa larawan sa pagkakatitig nya sa mga hita, maliliit na bewang, bilog na mga boobs, makikinis na balat. Sinisimulan nya ito sa mukha, sa magkabilang cheekbones, sa heart-shaped na baba, pababa sa katawan. Marahan at walang makakaligtaang kalamnan.
Meron syang ilang paborito. Pag-uwi nya sa bahay ginugupit nya ang mga larawan ng mga paborito nyang supermodels. Si Heidi sa kanyang sex appeal, Si Alessandra sa kanyang mga labi, si Tyra sa kanyang mga mata, at si Gisele sa kanyang katawan. Bago pa man sya paghinalaang isang lesbiana, isa lang ang hihilingin nya kung hihimasin nya ang isang magic lamp. Lalabas ang isang gwapo at hubad-barong genie. At kung magkakaroon sya ng isang kahilingan, hindi nya hihilinging manalo sa lotto. Hindi rin sya hihiling ng true love. Kundi ang magkaroon ng isang mala-supermodel na katawan, parang si Gisele Bundchen. At mapapanatili ang isang magandang katawan, gaano man karami ang kainin nya.
Siya si Jane. Matakaw. Malakas lumamon. Madalas niyang mapansin ang mapanghusgang tingin ng mga taong nakakasaluboong niya kapag naglalakad siya sa mall. Kapag kumakain siya sa labas. Ginagawa niya ang lahat, balewalain lamang sila. Mabait si Jane. Matalino, masayahin at maalalahanin. Pero hindi yun nakikita ng mga tao. Dahil ang nakikita lang nila, si Jane na mataba.
Hindi nila nakikita kung ano ang nakikita ni Jane sa harap ng salamin. Ang malambot at makintab nyang buhok. Hindi nila nakikita ang kislap sa mga mata nya. Kung gaano kaganda ang mga labi nya. Walang anumang espesyal. Pero para sa kanya natatangi ang mga iyon. Mga best features nya.
Hindi sya naniniwala sa diet. Dahil para sa kanya, ang buong buhay nya ay isa nang malaking DIET. Dahil sa oras na itinigil ang pagkonsumo ng isang pagkain. Ang pagpipigil na ito ay magiging pagnanasa. Hanggang sa hindi ka na makapag-isip ng maayos. At ang tanging paraan para mawala ang pagnanasa ay kumagat sa isang tsokolate. At ang isang simpleng kagat ay mauuwi sa isang buong cake.
At ngayon nakaupo sya sa office table nya. Kinakagat ang sandwich. Lumilingon sya sa paligid. Tinitingnan kung mayroong nagmamasid sa kanya. Walang nakatingin. Walang nanonood. Binuksan nya ang drawer. Kinuha ang isang bar ng Cadbury. Pinunit ang kulay lilang papel at palarang nakabalot dito. Kumagat sya. Nasundan pa ng isang malaking kagat. Ilang segundo lang ang lumipas, wala na ang tsokolateng kanina lang ay hawak nya.
"I will color the world one step at a time..."
37 comments:
Some lines are too telling (as opposed to showing) for a characterization.
Pero syempre naaliw ako sa pektyur.
Di natin masisisi si Jane.. masarap kumain!!!
huo nga! tama si gil! pero sabihin mo try niya mag Fit 'n Right or Xenical. Effective daw e. Ahihihihi... :)
wawang jane.. patago pa. sarap naman kasi kumain lalong lalo na ung cadbury!! yummmm!!
jane enge ng cadbury. mukha palang manikin si jane.
Ang sarap sarap kumain! Period. :D
Kung pwede lang i-share ang mabilis kong metabolism.. :D
sarap kayang kumain...
ano kayang magazine binibili nya? :D
agree ako kay oracle.. mag fit n right na lang sya.. masarap aman yun e.
aw, wawa naman c jane... well ganyan talaga ang tao e, mean..hehe
mahal naman ng fit n right para sa araw2 na konsumo.. sinubukan ko na..:(
hindi kc cia papayatkung wala ciang disiplina hehehe, pero in fairness tsokolate pa nakawilihan ha...papayat nga cia..
Sarap kumain, ikaw ba naman pakitaan ng mga chocolates.. hirap kaya iresist, pero yun we have to always think of our health.. dapat in moderation lang ang mga bagay bagay
iparinig mo sa kanya ang kanta ni MIKA na BIG GIRL YOU ARE BEAUTIFUL....
para hindi na siya malungkot.....
i love country style sandwich!
mabuti pa si jane, may cadbury.
jane,
kung binabasa mo to, mas ok kung toblerone ang bilhin mo, then tunawin mo sa cup na may mainit na gatas.
yun lang.
Dear Jane,
Lakasan mo ang loob mo! Kelangan mong tigilan ang pag kain ng Tsokoleyt now na...
Pero...
'Di ka nag iisa pareho tayo mahilig sa tsokoleyts kaya jumujoba :-S
Ang Iyong abang lingkod,
Jepoy
@Niel Camhalla
- hehe. sige i will take note of that opposing thing. :)
@gillboard
-isang malaking check! :)
@ORACLE
- sige sabihin ko sa kanya mag fit n right sya.
@chikletz
- YUMMMM! :)
@HARI NG SABLAY
- Honga noh, manikin pala sya. :)
@- A n g e l -
- Masarap nga kumain. exclamation point! :)
@HOMER
- baka namn kasi pwedeng i-share yan.
@MarcoPaolo
- yes! SUPER!
@Rwetha s
- Cosmo yata binibili nya. :)
@PinkNote
- may mas mura pa ba kesa fit n right?
@SEAQUEST
- haha. jane namn kasi eh.
@pickleminded
- kung puro chocolate kinakain nya. teeth na lang nya isispin nya. :) cant resist!
@Yj
- Thanks. i think na-inspire sya. :)
@Turismoboi
-Same here. yumm!
@KRIS JASPER
- Me, myself tried that melted toblies and hot milk. HEAVEN!! :)
@Jepoy
- dear jepoy,
Ipinapaalam sa iyo na wag ka mag-alala. Nilalakasan nya ang ... kain nya, este loob nya. At sobrang saya nya na malamang hindi sya nag-iisa. VIVA TSOKOLATE!
sorry po pero napagrin tlaga ako ng mabasa ko to.. para kasing true story ng kakilala ko rito.. at take note jane din name nya..
masarap ang chocolate, basta. hehe..
@Niqabi
- hehe. Baka iisang jane lang yung kilala natin. hihi
ViIVA CHOCOLATE! :)
Kainia naman! Mukhang ato itong si Jane ah! Bwahahahahaha...
Walang biro, ako nga ito.
@jei
- Hello Jane, I mean Jei. :)
Dear Jane,
Agree ako sa sinabi ni Kris Jasper. Mas ok pag Toblerone itunaw mo sa mainit na gatas. Salamat!
www.toblerone.com.ph
Post a Comment