" Think in the morning. Act in the noon. Eat in the evening. Sleep in the night."
BIYERNES, Gumising ako na naliligo ng pawis. Ayoko pang imulat ang mga mata ko. Dahil antok na antok pa. Nararamdaman kong gumuguhit ang pagtulo ng pawis sa noo at dibdib ko. Bakit napakainit pa rin kahit Disyembre na? Di ko maramdaman ang hangin ng electric fan kahit pa naka-number 3 ito. Basang-basa ang kama ng pawis ko. Minulat ko ang mga mata ko. Hinimas ko ang pawisan kong noo. Bumaba ang kamay ko sa leeg, sa dibdib, hinimas ko ang buhok sa pusod ko pababa sa loob ng boxer shorts.
Inabot ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Alas-onse na pala. Halos 12 hours ako nakatulog. Tumagilid ako at umupo sa kama. Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang pagod na pagod. Tumayo ako. Humarap sa salamin. May mga pulang marka sa magkabilang tagiliran ko. Bakat ng limang daliri. May mga marka rin sa likod ko. May mga markang hindi ko maabot. Mas malaki sa daliri ko ang mga marka.
Magmula ng lumipat ako sa apartment na ito. May mga araw na paggising ko, may mga pulang marka sa katawan ko. Hindi ko na inintindi. Hinayaan ko na lang. Nakasanayan ko na.
Dumungaw ako sa bintana. Nakita ko si Romeo, isang boarder sa kabilang bahay. Sa labas sya madalas maligo. Naka-briefs lang sya. Kasalukuyan syang nagsasabon. Sinundan ko ang hawak nyang sabon. Umikot ito sa magkabilang balikat, sa malalaki nyang dibdib, sa matigas nyang tyan at pumasok ito sa loob ng briefs nya. Dalawang minuto ring naglaro ang sabon sa loob ng briefs nya. At napansin kong nakatingin pala sya sa akin. Umiwas ako ng tingin. Tumalikod at kinuha ang tuwalya ko.
Tumayo ako sa may pintuan ng banyo. Narinig kong lumalagaslas ang tubig. Parang umaapaw na tubig ang timba. Binuksan ko ang pinto. Nakasarado ang gripo. Walang laman ang timba.
Nakasanayan ko na rin ito. Noong mga unang tatlong gabi ko rito, madalas ako bumangon sa gitna ng gabi. Dahil naririnig kong may pumapatak na tubig sa banyo. Palakas ng palakas hanggang sa lumagaslas. Pero kapag titingnan ko na at bubuksan ang ilaw sa banyo. Walang tumutulo. Tuyo ang tiles. Sarado ang faucet at shower. Ikinuwento ko na rin sa landlady ko ang nangyayari. Natawa lang sya. Ang sabi nya, baka raw kasama ko ang may gawa noon. Ngumiti na lang ako, kahit na alam kong mag-isa lang akong umuupa sa apartment.
Pagkatapos kong maligo, ininit ko ang chaofan na galing sa ref. Tinake-out ko yun kagabi. Di ko na nakain dahil sa sobrang antok. Pagkatapos ng dalawang minuto, kinuha ko ang chaofan mula sa microwave. Kumuha rin ako ng isang basong tubig.Umupo ako sa kama. Binuksan ko ang tv at isinalang ang dvd na nabili ko sa Cubao. “The Pillow Book" starring Ewan McGregor. Nang maubos ko ang chaofan. Humiga ulit ako sa kama. Nakatulog ako habang sinusulatan ng Chinese calligraphy sa buong katawan si Ewan McGregor.
Nagising muli ako na basang-basa ng pawis. Inabot ko ang cellphone. Walang nagtext. Tiningnan ko ang oras. 3:35 na pala ng hapon. Di pangkaraniwan ang tahimik na palagid nang hapon na iyon.Walang humaharurot na motorsiklo. Walang naglalaro ng basketbol sa ginawang half-court sa daan. Wala ring signal ang Globe. Tapos na rin ang isinalang kong pelikula kanina. Blanko ang tv. Napakainit ng singaw sa kwarto.
Napako ang tingin ko sa pintuan ng banyo. Umikot ang door knob. Bumukas ito. Kitang-kita ko ang isang matangkad at matipunong lalaki na lumabas mula sa banyo. Hubo’t hubad. Nakatitig sya at humahakbang papalapit sa akin. Naalala ko sya. Nakita ko na sya noon. Tatlong taon na ang nakaraan.
"I will color the world one step at a time..."
24 comments:
parang naaalala ko yung Ju-on (the Grudge) kasi parang may time loop na nangyayari, may isang tao from three years ago na nakikita yung taong titira sa appartment niya three years in the future. Or at least ayon ang interpretasyon ko sa post mong ito. hehe
At kailangang Pillowbook Diaries ang pinanonood? Hahaha!
hehe!! diko alam to -Pillowbook Diaries” tsk tsk! gusto ko pa naman mga movies ni Ewan Mcgregor lalo na sa trainspotting.. hehe!!
@ Homer: hindi ko pa rin napapanood ang Pillowbook Diaries, pero dahil daw sa movie na ito, napatunayang mahaba ng lightsaber ni Obi-Wan. hehe
:)
Ngyay! Nananakot ka na naman eh! :P
hmmmm... parang nde koh nagetz ang story... i'm lost.. ahehe.. teka.. who'z d' guy in d' drawing? kaw bah 'un?... sige... ingatz... Godbless! -di
Para akong bumalik nung high-school ha. nung mga taon na yun, dun ako nahilig sa pagbabasa ng pocket book.. cool =)
Akala mo ba'y matatakot mo ako at masisindak na hindi halata ..?? Hah!!! Sumagot kA...SagUt!!!
>>>>>>>>>Cut..!!:)
ah eto ang part2 ng hausmate at may part 3 :)
gwapo pala ang hausmate mong mumu parang kamukha ni troy montero :)
dahil di ko magets yung kwento.. sabihin ko na lang... di maganda yung humihiga agad pagkatapos kumain... hehehe
habang binabasa ko ito nakapikit ang aking mata,ayoko manilip. lols
scary story ba to o erotica? or boat! hmmm...
@ShatterShards
--- hehe. Time loop. Ganun nga cguro ang nagyayari.
Kinorrect ko na- The Pillow Book yung movie. Potah kasi! RED VIBE DIARIES yung nasa isip ko nung sinusulat ko to. :)
@HOMER
--- Hinanap ko pa talaga ang The Pillow Book. Di naman ako na-dissapoint.
Nagustuhan ko rin yung ibang movies ni ewan. Trainspotting, Velvet Goldmine, Moulin Rouge, Phillip Morris. :)
@.pOot!
--- :)
@- A n g e l -
--- Ganun na nga. :)
@Dhianz
--- Di ako yung naka-drowing. Si Troy Montero yun. :)
@Purong Pinoy
---Epekto yata ito ng pagbabasa ko ng Bulgar, Abante at Remate dati. :)
@shykulasa
--- Naku sana nga kamukha na lang ni Troy. Hehe.
@gillboard
--- Honga naman. Baka kasi bangungutin o makaka-appendix. haha. Kunwari walang appendix. :)
@HARI NG SABLAY
--- Haha. ako dilat-na dilat. :)
@Niel Camhalla
--- Dahil sa tabloid kaya naging ganito. hehe
bitin yata ang story... :D
@vinceleste
- Mahilig yata talaga akong mambitin. :)
Post a Comment