Sunday, May 31, 2009

HAUSMATE

"Did you know that when you walk at night, there's a 30% chance that your body will be heavier because some spirit ride at your back?"
- Time Magazine



2:00 am, malapit na ako umuwi. Bago maghilamos, hinubad ko ang puting t-shirt na suot ko na namantsahan ng alikabok at grasa. Ipinunas sa mukha, balikat at dibdib ko. Amoy pawis. Binuksan ko ang locker, kinuha ko ang malinis na damit. Nagbihis ako. Ito ang pangkaraniwang ginagawa ko sa locker room ng pabrika ng ganitong oras kasama ng iba pang lalaking nagtatrabaho rito.

2:30 am, kasama kong lumabas ng pabrika si Ramil. Nagyosi kami sandali. Pagkatapos, umuwi na. Muslim si Ramil. Pero mukhang bombay. Maskulado. May punto kung magsalita. Madalas na kinakantyawan dahil hindi maintindihan ang ilang salitang sinasabi nya. Sya ang madalas kong kakuwentuhan, ka-apiran, kasikuhan at kachest-bumps. Isang kanto ang layo ng boarding haus nya sa tinitirahan ko.

2:45 am, nagsimula na kaming maglakad pauwi. Bilog ang buwan. Maliwanag ang daan sa talahiban. Sa shortcut kami palaging dumadaan. Mas maikli ang lalakarin namin. Yun nga lang, matalahib. Makuliglig. Minsan malanggam. Malamig ang hangin. Ang mga puno sa di kalayuan ay parang mga taong nakabarikada at naghihintay.

2:55 am, sa tapat ng kawayanan biglang tumigil sa paglakad si Ramil. Naiiihi daw sya. Kasabay ng pagbukas ng zipper nya at ng lawiswis ng kawayan, nagsindi ako ng yosi. Sumipol sya. Pinagmasdan ko ang anino nya. Parang bukas na gripo ang lagaslas ng ihi nya. Kumaligkig. Isinara muli ang zipper. Humingi sya ng yosi at nagpatuloy sa paglakad. May pumaswit. Liningon namin kung saan nanggaling. Nagkatinginan kami. Nagngitian. Bumilis ang paglakad namin.

3:05 am, sa matuling paglakad narating na namin ang kanto papunta sa tinitirahan nya. Nag-chest bumps, nag-high five at nag-see-you-bukas-bro. Ako na lang mag-isa. Mas binilisan ko ang paglakad. May nakasalubong akong aso. Kumahol sya. Galit na galit sa anino ko. Pumulot ako ng bato. Binato ko. Tumakbo ang aso habang umaalulong. Sa gilid ng mata ko, may nakitang akong taong tumatakbo. Tumingin ako sa paligid. Walang ibang tao.

3:13 am, nasa pintuan na ako ng boarding haus. Pumasok ako. Basa ng pawis ang likod ko. Naghubad ng t-shirt. Naghilamos at nag-toothbrush. Umupo ako sa harap ng electric fan. Humiga sa kama. Nakaidlip.

3:30 am, nagising ako dahil naramdaman kong umuga ang kama na parang may tumuntong. Nakita ko ang dalawang paa, hinakbangan ako. Bumaba ito ng kama. Sinundan ko ng tingin kung saan papunta. Palabas ng kwarto. Pero di bumukas ang pinto. Umupo ako sa kama. Tumayo. Binuksan ang ilaw. Walang ibang tao. Ako lang ang nasa kwarto. Umandap ang bombilya. Napundi yata. May biglang kumatok.

3:33 am, binuksan ko ang pinto. Isang lalaki ang nakita ko. Naliligo sa pawis. Hinihingal. Di makatayo ng diretso sa sobrang pagod. Kahawig nya si Ramil. Pero alam ko hindi sya yun. Tumingin sya sa akin. At ang sabi nya, "NAUUHAW AKO."

Nagmula ang larawan dito...

"I will color the world one step at a time..."

22 comments:

dencios said...

nagulat ako sa ending. may part 2 ba 'to? di kaya yung kumatok sya rin itong naramdaman mo na tumakbo din sa scene ng kumakahol ang aso?

kung anu man e mahusay na kwento! baka naman base yan sa lovelife mo? Loko lang. ingat!

ACRYLIQUE said...

@Dencio - Siguro nga sya rin yung nakita kong tumakbo... Yung part 2, kasalukuyan pang tumatakbo sa isip ko... :)

Hehe, may mga bahagi ng kwento ang totoo.. yung iba piksyon.. :)

Ingat din at salamat.. :)

HARI NG SABLAY said...

yayy... sensya na dko tinuloy basahin, khit ano ok lang wag lang tlga multo... yih!kakakilabot,haha

ACRYLIQUE said...

@HARI NG SABLAY -

Haha. Sex sana ang isusulat ko. Ewan ko ba bakit napunta sa multo. :)

HOMER said...

Baka naman nakasinghot ka lang ng rugby! hehe!! apir!! ;)

Herbs D. said...

go for thesex dali! mwahahah a

ACRYLIQUE said...

@HOMER - Heaven, pare. heaven!! :)
**chest-bumps**

ACRYLIQUE said...

@HERBS - Haha .. Pag nag-climax na sa utak ko. Ilalapat ko na sa blog.. :)

ShatterShards said...

Ang galing! Sana nga may kasunod.

Pero agree ako kay @Herbs, magsulat ka rin ng sex! haha!

ACRYLIQUE said...

@ShatterShards
-Haha. Salamat!!
Sige, subukan ko. Pero di ko tiyak kung talagang magagawa ko. hehe :)

the donG said...

kakakilabot. kahit piksyon pero parang meron talaga.

ACRYLIQUE said...

@the donG

- Haha. next time yung babae sa tabi ng washing machine naman... :) Salamat..

gillboard said...

creepy yun, at palagi nangyayari sakin yung tipong parang may tatabi sayo sa kama kahit wala ka kasama...

ACRYLIQUE said...

@gillboard -

Tapos paggising mo may mga scratches ka sa mga bahagi ng katawan mo na di mo naman kayang abutin... :)

ENGKANTADIYA said...

bitin ang kwento. hindi kaya kakambal sya ni ramil? heheeh.

period said...

reminds me of shutter..yung kumukuha ng pic, kaya pala mabigat yung balikat, may nakasakay na mumu

uy, daan ka sa blog ko, may kaunting regalo ako para sa iyo

ACRYLIQUE said...

@Period - Nasapul mo yun tol... :)
Shutter nga ang nasa isip ko nung sinulat ko yan. Saka lagi kasing umiikot sa utak ko yung Did you know what message na nabasa ko...

Naeexcite naman ako... Babasahin ko na.. :)

ACRYLIQUE said...

@ENGKANTADIA - Bitin ba? hehe. Inaayos ko pa ang sequencing ng Part 2.. :)

shykulasa said...

sobrang nakakakilabot yung shutter, yan din ang naisip ko sa quote mo :)

ang galing ha, hintayin ko ang part2!

ACRYLIQUE said...

@SHIE

--hehe. Thank you...
Naku dapat ko na yata tapusin ang part 2. :)

- A n g e l - said...

Huwaaaaahh... Takot ako sa mga ganyan, as in. Naiiyak ako sa takot. : /

ACRYLIQUE said...

@- A n g e l -

-- Hehe. Ganun? Ako rin, minsan... Yoko makakita ng duguan!! :)