Thursday, May 28, 2009

AYSKRIM

Lust's passion will be served; it demands, it militates, it tyrannizes. -Marquis De Sade

http://wwwdelivery.superstock.com/WI/223/1415/PreviewComp/SuperStock_1415R-110209.jpg

Di mo ba natatandaan
Mga sandali nating nagdaan
Kapag di ka natitikman
Buhay ko’y napaparam.

Ano bang katangian ang taglay mo
Halos lahat ay baliw sa’yo
Anong kasarapan ang dulot mo
Pag-ibig ba o pagkalito.

Kapag ako’y may ramdam na init
Ako ay iyong pinapalamig
Lahat ay aking nalilimutan
Sa tuwing ika’y natitikman.

Kapag hawak ka’y nag-aalumpihit
Parang yakap ko ang langit
Batid kong masarap ang iyong katulisan
Ngunit mas malinamnam ang iyong kaibabawan

Habang init ay sumisilakbo
Sa pagdila, ako’y walang hinto
Di ko hahayaang may masayang
Hahabulin ko bawat tumulo.

Lahat ay ibibigay sa iyo
Wag mo lang ipagkait ang nais ko
Dulot mo sa akin ay ibayong sarap
Mahal kita, ICE CREAM na paraluman.

Nagmula ang larawan dito...

"I will color the world one step at a time..."


4 comments:

Herbs D. said...

hangenet ngayun noh? like super ever bonggang bonggang enet. it was so inevitable not to have someone walk across that smells like shit. like..kakalerki!

gusto ko tuloy mag ice-cream.

Waterbased said...

Isang malaking check HERBS...
Baka magiging isang malaking STEAMBATH na ang Pilipinas...

Tara, dumila tayo ng Ice-cream!!

Anong flavor ang gusto mo? :)

Herbs D. said...

im already replying via my cbox. so i dont think i need to expound on this one ;)

Waterbased said...

Haha. I know, right? :)