Thursday, June 18, 2009

ALIN ANG TOTOO?

"All truths are easy to understand once they are discovered; the point is to discover them.

---Galileo Galilei



Matapos ang ilang araw na pag-iipon ng mga sagot at comments. Ipapamahagi ko na ang CRAYOLA AWARD.

Heto ang aking kasagutan;


1. Hindi totoong ipinanganak ako sa Vietnam. Hindi rin Vietcong ang Nanay ko. Pero Kapampangan kami. Ipinanganak at lumaki ako sa isang fishing village sa Abucay, Bataan.

2. Totoong naliligo ako sa dagat noon. Pero kumakain ako ng bangus kahit madalas akong matinik. At hindi rin totoong allergic ako sa hipon. Gustong-gusto kong magpahipon.

3. Thundercats nga ang paborito kong cartoons. Pero hindi ko niyaya ang mga kapatid ko para tumalon sa ilog. Dahil sobrang liit pa nila para gawin yun. Papatayin ako ng magulang ko kapag ginawa ko yun.

4. Oo, nagpunta kami ni Tatay sa Cindy’s. Pero kasama si Nanay at mga kapatid ko. Apat kaming magkakapatid noon. Kaya dapat pantay-pantay. Bawal mag-inggitan. Hindi lang minsan kung magpunta sa Cindy’s. Every weekend nagpupunta kami doon. Nakakalungkot nga lang ng biglang nawala ang Cindy’s. Wala na ring Thundercats. Wala na rin yung pridyider namin na dinikitan ko ng maraming stickers. Batang Cindy’s ako, kaming magkakapatid. Kaya ipinangalan nila sa isang kapatid ko, CINDY.

5. Ang Dyesebel nga ang unang pelikulang napanuod ko sa sinehan kasama ang pinsan kong babae. Hindi totoong naglublob ako sa tubig pag-uwi ng bahay. Kinabukasan ko ginawa yun. At wala rin kaming bath tub. Sa malaking batya ko ginawa.

6. Kung ito ang sinagot mo. Sa iyo mapupunta ang award! Ito ang unang pagkakataon na sinabitan ako ng sash. Haha! Paksyet kasi ang mga kaklase ko. Masyadong nabighani sa kagwapuhan ko. Pero mas gwapo yung nanalo. Kaya First Runner Up lang ako. Bawat klase may kanya-kanyang rehiyon na i-re-represent. Kami ang Rehiyon XI. Nakakangawit palang tumayo at pumalakpak sa entablado ng dalawang oras.

7. Dahil sinabi ko na kung alin ang totoo. Malamang, kasinungalingan din ang #7. Pero Bok, hindi man lang kita nakita nung umuwi ka. Alam ko nandito ka sa Maynila. Pero hindi tayo nagkikita. Nasa magkabilang panig kasi tayo. Malamang nagpupunta ka pa rin sa Malate. Ingat ka lagi. Kahit anuman ang mangyari, makakayanan mo. Pareho tayo eh. Sobrang lakas ng loob. Saludo ako sa’yo.

8. Isang kurso lang ang kinuha ko noong college. Mechanical Engineering. Magulang ko ang pumili. Di ko kasi alam kung anong gusto ko. Kasi ang pangarap ko nung bata ako ay maging pari. Alam kong hindi ako tatanggapin sa simbahan kaya di ko na lang tinuloy. Hindi pa ako graduate, may isang semester pa ako. Pinag-iisipan ko pa kung tatapusin ko.

9. Nakita ko ang sarili ko sa gitna ng inferiority complex at identity crisis. Nagrebelde ako. Kaya nagpunta ako ng Maynila. Mag-isa. Hindi isang libo ang dala kong pera. Kundi three-hundred lang. Nakitira ako sa mga kakilala. Nakahanap ako ng magandang trabaho. Hindi totoong gumawa ako ng props at backdrafts. Hindi rin totoong naging PA ako sa fashion shows. At lalong hindi totoong naging nude model ako! Ako ang nagdrowing dun sa nude. Dahil gumawa ako ng maraming painting at maraming pangarap. Computer technician ang trabaho ko ngayon. Tuwing gabi.

10. Limang taon na nga ang lumipas. Limang taon na humubog sa pagkatao ko. Dahil sa pagmamahal ko sa pintura. Naging mabait sa akin ang buhay. Hindi pa ako nakakarating sa Manila Bay. Hindi pa ako nakakatuntong sa Baywalk. Hindi ko pa rin napapanood ang paglubog ng araw doon. Pero umuuwi ako ng Bataan. Sa tubig-dagat ako nagmula. Sa tubig-dagat ako babalik.


AT ANG MGA NAGWAGI;














Syempre may award din ang lahat. :)
























































"I will color the world one step at a time..."

49 comments:

Herbs D. said...

gusto ko yung ano eh. ayaw ko niyan. madaya to! madaya! hahahahaha

ShatterShards said...

Salamat sa crayolang bughaw!

Better Than Coffee said...

aba at meron din akong crayola. hehehe. salamat.

@acrylique: asan na crayola ko. hehe. jk!

Anonymous said...

wowo maraming salamat! i wanna cry heheh..

Unknown said...

salamat acrylique :) kahit di ako nanalo me crayola pa rin akong purple!!! yey!

pero infernes ganda ng crayola ng mga nanalo!!!

Jepoy said...

Maraming Maraming Salamat sa Crayola Award na kulay Green... Tenchu!!!!!!

PinkNote said...

salamat sa crayola award! yey! pero ang ganda rin nung para sa mga winners..next time nalang, sana meron pa..hehehe^^

kyle said...

salamat sa crayola award... :)

DN said...

wahehehe. salamat sa consolation prize. :D

Anonymous said...

dakal a salamat king award na binye mu kanaku...

pinost kune king site ku ngeni.

Ching said...

hehhehehe ayos dito ahhhhh may crayola.... saan sa akin?

bago lang salta....


ching

bampiraako said...

yipeee! panalo ako.

salamat sa makulay na crayon!

escape said...

hahaha... kulit. daming kakatuwang bagay tungkol sa yo. salamat salamat sa award.

jason said...

wow parang seminar.... may certificate ang bawat isa ahehehe

tnx

Yj said...

nyahahahahah ang landi ng kulay ko hahahahaha

KRIS JASPER said...

LOL at number 5 (dyesebel)! Nakakatuwa ka naman.

:)

Dagger Deeds said...

Hahaha... Ang saya... Sabi na mas okay kung totoo yung 6 eh. Parang ang sayang experience nun...

Salamat sa crayola

PABLONG PABLING said...

sabi ko black hindi gray!
hahaha joke po.

- ganda nung crayola award. . .

nice ang tiyaga mo po gumawa ng award. salamat ng marami may maibabasket na naman ako

ACRYLIQUE said...

@Herbs D.

- Madaya ba? hehehe

ACRYLIQUE said...

@ShatterShards

-Welcome! aliw ako sa bughaw. :)

ACRYLIQUE said...

@Nobe

-Syempre meron ka rin!

ACRYLIQUE said...

@LhanDz

-- I wanna cry as well. :)

ACRYLIQUE said...

@Shie

- Magaganda kasi tayo!

ACRYLIQUE said...

@Jepoy

- Yer Welcum! :)

ACRYLIQUE said...

@PinkNote

-YES! marami pa!! :)

ACRYLIQUE said...

@kyle

- - -Salamat din.. :)

ACRYLIQUE said...

@DN

--Walang anuman. :)

ACRYLIQUE said...

@chorvacheorvamus

- Alang Anuman ta! King susunud ulit. :)

ACRYLIQUE said...

@Ching

- Salamat sa pagbisita sa Coloring book ko. Next time may crayola ka na. :)

ACRYLIQUE said...

@bampiraako

- Congratulations!

ACRYLIQUE said...

@the donG .

- Walang anuman!

ACRYLIQUE said...

@Jason

- - Haha. Seminar talaga. :)

ACRYLIQUE said...

@Yj

- malalandi kasi tayo!

ACRYLIQUE said...

@KRIS JASPER

- haha. Salamat at natuwa ka. :)

ACRYLIQUE said...

@Dagger Deeds

- Di ko makakalimutan yun! Welcome! Congrashulasheyns!

ACRYLIQUE said...

@PABLONG PABLING

-Na-ambunan kasi yung black crayon kaya naging gray! :)

Maria said...

Nako sb ko na nga ba dapat nanghula na ko e, di sana may crayola n din ako huhu. oh well.
Congrats s mga sumali ^ ^,

wanderingcommuter said...

pwede ba violet sa akin? hidni na matulis crayola ko eh.

Dhianz said...

ang bongga naman... may crayons kmeng lahat... yahoo! saya saya naman... buti na lang nde akoh nanalo... kc mas labs koh 'ung simpleng crayon na pink... salamat salamat po... ganda ganda... pero baka sa susunod koh na lang pik-apin ha... pakiingatanz po ha... tenk u tenk u... ahlab it! really... ingatz... Godbless! -di

Niel said...

effoert gumawa ng award ha! ^_^

meron bang crayolang tangerine, mustard, lemon lime at rust? ^_^

jericho said...

ba't wala akong award.. hehe

Hari ng sablay said...

ay sayang di ako umaabot, kung san san ako ako ngpupunta eh,haha busybusyhan lang..hehe

ACRYLIQUE said...

@curious_girl

- dont wory next meron ka na. :)

ACRYLIQUE said...

@wanderingcommuter


-Surely! bakit di na matulis?

ACRYLIQUE said...

@Dhianz

- Isang bonggang-bonggang yer welcum sau! surely iingatan ko. Sau lang yun eh. :)

ACRYLIQUE said...

@Niel Camhalla

-honga eh. ang tagal gawin. ang dami. Syempre meron ding ganung color. :)

ACRYLIQUE said...

@jericho

- next time meron ka na. :)

ACRYLIQUE said...

@HARI NG SABLAY

- Dami mo sigurong mall shows. super busy! :)

www.camobel.org said...

In my opinion everyone must look at it.