Wednesday, June 10, 2009

SHIRLEY

"...If you can make a girl laugh - you can make her do anything...

--Marilyn Monroe






“Oh, Noel. Ang aga mo? Kanina ka pa ba nandyan? Bakit di ka man lang nagtext na darating ka ng maaga? Sus, may pa-surprise-surprise ka pang nalalaman. Di ko naman bertdey. Kanina ka pa ba kumakatok? Halika, pasok ka. Pasensya na, naliligo kasi ako. Sina Mama? Ah, maaga silang umalis. Umuwi ng probinsya kasama si Nonoy at si Papa.”


“Kumain ka na ba? Ako hindi pa. Gago ka kasi. Ano bang nakain mo at ang aga mo ngayon? Dati-rati halos mamuti na mga mata ko sa kahihintay sa’yo. Joke lang! Manood ka ng tv. Nandyan yung remote. Pili ka, Unang Hirit o Umagang Kayganda. Umulan kasi kaya yan lang ang malilinaw na channel.”


“Teka, ayos ang gupit natin ngayon ah? Kelan ka nagpagupit? Bakit di mo sinabi, sinamahan sana kita. Naku, arte nito! Kelan pa ba ako nainip? Sinamahan mo naman ako sa Watson’s kahapon. Sana sinabi mo para nasamahan kita. Saan ka ba nagpagupit? Sa Parlor ni Brigette? Haha, gago ka rin! Saan ka nga nagpagupit? Sa kabilang kanto lang naman yung barber shop. Ikaw talaga!”


“Anong gusto mo, iced tea o orange juice? Hoy, mabasag yang salamin namin! Alam ko na, heto kape. Nerbiyosin ka naman! Kamukha raw ni Piolo Pascual. Kapal nito! Sige, habang nagha-hallucinate ka dyan, magpipirito lang ako ng hotdog.”



“Tara, heto hotdog. Kain tayo. Hala! Kelan ka pa nag-diet? Bahala ka. Masarap itong cheesy jumbo hotdog. Tender juicy. Mighty meaty. Finger licking good! Akala ko ba nagdi-diet ka? Bakit kakain ka ng hotdog? Exam natin sa Trigonometry, di ba? Nag-review ka na ba? Pakopya! Ubusin mo na yan, magbibihis lang ako.”



“Noel, patulong naman dito. Pakikabit naman ang kawit ng bra ko.”








"I will color the world one step at a time..."

32 comments:

Yj said...

haaaaaaaaaaaay isa lang ang kaibigan kong ganyan.... at minsan naiisip ko na kung tuwid lang ako... siya na hahahaha

eMPi said...

hehehehe... may ganon enoh...

HOMER said...

ahaha! ayus! anung cup nung bra? hehe!!

keb said...

Actually wla syam bra. Ahaha, ang saya! Tender Juicy hakdog. sarap. bertdey ko, pakilala mo sya sakin, para ma samprise ako. jok

Hari ng sablay said...

napalunok ako ng laway dun ah,lols

=supergulaman= said...

aha...parang dapat may karugtong pa ito... ahahaha... :)

Dhianz said...

aheheh... okz ahh.... teka... hmmm... tatay ka na bah tlgah? wala lang.. natanong koh lang... ingatz at salamat sa madalas na pagdalaw sa page koh... Godbless! -di

gillboard said...

napapaisip ako ng mga sinasagot nung kausap ni Shirley... hmmm...

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

ay. na-at home akey ditey sa blog mo agad. winner! klap at kembotchi ang mga tunay na veyklas sa yo!

ORACLE said...

Ahahaha! pare kami ni gillboard. nagawan ko ng mga sinagot nung kausap ni shirley... ahahaha. Lang ya! :)

ShatterShards said...

Naaliw naman ako kay Shirley. hehe. Masyado siyang palagay sa kasama niya.

Anonymous said...

Magandang Gabi Bayan. :)

jason said...

nung bata ako, mama ko ang mahilig magpatulong sa pagkakabit ng bra

Goryo said...

May sequel ba tong post na to? Kelan lalabas ung susunod? Aabangan ko.. =)

Niel said...

para lang may kausap sa telepon ah

ACRYLIQUE said...

@Yj

-siguro dapat sila magsama ng kaibigan ko. tapos sabay natin kabitan ng bra. :)

ACRYLIQUE said...

@MarcoPaolo

--hehe. may ganon kasi sya. :)

ACRYLIQUE said...

@HOMER

- haha. hindi cup. Bowl pare, BOWL!

ACRYLIQUE said...

@keb

--- sure kebby. Pakilala ko sya sayo. :)

ACRYLIQUE said...

@HARI NG SABLAY

--- ako nga rin lumunok eh. :)

ACRYLIQUE said...

@Dhianz

- di pa po ako tatay. di pa ko nagbubuntis eh. :)

ACRYLIQUE said...

@=supergulaman=

- napag-isipan ko na ang karugtong. :)

ACRYLIQUE said...

@gillboard

-- hehe. ako din. :)

ACRYLIQUE said...

@Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Veykla

-- Kyembot darling!! Palamas!! Inadd na kita sa baler kez! :)

ACRYLIQUE said...

@ORACLE

-- Salamat sa inyo ni GILLBOARD. Salamt sa pakikipag-usap kay Shirley. :)

ACRYLIQUE said...

@ShatterShards

--- honga, napaka at ease. :)

ACRYLIQUE said...

@JasOnizeRs

Magandang Gabi din Bayan . :)

ACRYLIQUE said...

@Jason

--ngayon, sino na kinakabitan mo?

ACRYLIQUE said...

@Goryo

-napost ko na po.. :)

ACRYLIQUE said...

@Niel Camhalla

-- hehe. next time test naman. :)

Bi-Em Pascual said...

ahehehehe... makulay talaga ang lyfsung ni ate acrylique... penge nga ng crayons! para magkakulay naman ang buhay ketch....

ACRYLIQUE said...

@Baklang Maton in the Suburbs


---Surely!! Bigyan kita ng dalawang kahon ng crayons! :)