Showing posts with label blog. Show all posts
Showing posts with label blog. Show all posts

Monday, August 17, 2009

PICTURE EXERCISE



“Every artist dips his brush in his own soul, and paints his own nature into his pictures.”

- Henry Ward Beecher




Nagmula kay PINKNOTE, Salamat sa Tag.
Ang hirap ng ehersisyong ito.
Mahirap maghanap ng pictures. Ang dami.
Hindi pa naman ako mahilig mag-picture.

Heto sisimulan ko na...


1. A picture of you in your room.



Inaantok na talaga ako nyan.


2. A picture of you that shows what you do when you're bored.



Kapag wala akong magawa, hindi ako nagbabasa.
Camwhoring! Yun ang the best!







3. A picture of you with a team or a club you're in.




Miss ko na ang MATRIX CBG TEAM J.











4. A picture of you in one of your fave outfit.



Kasabay kong binili ang shirt na ito at ang CANCER shirt ko.




5. Youngest pic of you in digital form.



Hanapin nyo na lang ako.
Madali lang naman ako hanapin.



6. A picture that shows the real you.



Child at heart.
Fan ni Barney!



7. A picture of you being absolutely ridiculous



First session FREE!




8. A picture of you making a goofy face.



Blow-up!


9. a picture of you that you had no idea was being taken



Promise, di ko alam yan.


10. a picture of a time when everything was changing



Lahat nagbabago kapag tulog ako.


11. A picture of you on your birthday or fave holiday



X-mas?


12. A picture of you that you edited to make yourself more attractive.



Haha. Pinadilim ko lang.


13. A picture that makes you smile.




Si NOG-NOG!











14. A picture of a night that you regret.

N/A


15. A picture of you very drunk.



Lasing sa liwanag.


16. A picture of you with a new haircut.



Buzzed!







17. A picture of a time in your life that's over but you wish it wasn't.



My TV guesting in Umagang Kayganda.
Dapat binigyan nila ako ng sariling show.
Haha!



18. A picture of a time in your life that's over and you couldn't be more thankful that it is.

N/A

19. A picture of you that you were anything but happy.



Saya ka-jamming ni Manang eh.


20. A picture of you when you were different from the person that you are now.



This is me... 7 years ago. Bata, sariwa, inosente. Yikes!









21. A picture of you with someone that you love.



PENG...





22. A picture of how you'd like the world to see you.



All SMILES!







23. A picture of how you'd like to spend everyday.



Ang Matulog!
Kailangan ko yan para lumaki.





24. A picture that makes your heart hurt.



HEARTBREAKING! Bawal na sa akin ito!



Pati ito! Darn!



25. A picture of one of your best days/nights of your life.



EK adventures! Apir!










Hayan, Photo Album! Salamat!







"I will color the world one step at a time..."

Sunday, August 16, 2009

KREATIV BLOGGER


“True art is characterized by an irresistible urge in the creative artist.”

- Albert Einstein






Maraming salamat kay

♥superjaid♥

sa paghahandog sa akin ng award.

To accept this award there are 7 rules:
1. Thank the person who gave you the award
2. Copy the logo and place it in your blog
3. Link the person who gave you the award
4. Name 7 things about yourself that people might find interesting about you
5. Share the award with 7 other bloggers whom you think are creative
6. Post links to these 7 blogs
7. Let them know you've given them an award




7 FACTS tungkol kay ACRYLIQUE:

1. "Take me I'll Follow" ni Bobby Caldwell

- Original Soundtrack ng pelikulang Mac and Me. Napanuod ko ang pelikula siguro mga 17 years na ang nakaraan sa betamax. Hindi ko makakalimutan ung wheelchair scene at nung umakyat ng puno si Mac nang habulin sya ng aso. Dahil ang OST ang score. Simple ang istorya. Isang alien na namasyal sa Earth, naiwan sya ng parents nya nung umalis na sila. Pero mas tumatak sa akin ang musika ng pelikula. Parang permanent LSS ko na magmula nung mapanuod ko. Hindi ko alam kung ano nag title o kung sino ang kumanta. Ilang linya lang ng chorus ang alam ko. Wala pang internet noon, wala akong paraan kung paano i-research. Paminsan-minsan naririnig ko sa radyo. Nang makatuntong ako ng high school, nakilala ko si Mr.Google. Ang galing! Sa pamamagitan ng ilang linyang alam ko, natunton ko ang kanta.

2. "Name Game" ni Laura Branigan

- Ito ang unang pop song na natutunan kong sayawin. Kailangang magkaroon ng dance presentation ang klase namin noong Kindergarten. Ito ang napili nila. Kahit hindi ko gustong magsayaw, napilitan ako. Hirap na hirap ako matutunan nag bawat step. palagi ako nakatingin sa katabi ko para kopyahin ang ginagawa niya. Masaya naman sila sa presentasyon. Nasiyahan na rin ako. magmula noon, araw-araw na namin sinasayaw sa eskuwela ang ;

"Tony, Tony
Bo, Bony
Banana, Fanna, Foe. Fony
Fee, Fie, Moe, Mony
Tony"

3. Opening Song ng Maskman

- Ito ang pinaka-astig na sentai soundtrack na alam ko hanggang ngayon. Kabisado ko pa rin ang lyrics, haha! San ka pa makakita ng mga taong naka-lampin habang nagpaplit anyo? Sa Maskman lang!

Humanda na kayo
Kampon ng kadiliman
Oras na ng pagtutuos
Kasamaan nyo dapat matapos
Narito na sila
Bayaning tagapagtanggol
Sama sama'y lilipol

Maskuman kayo lang ang pagasa
Iligtas kami sa marahas na kadiliman
Kami'y inyong ipaglaban

Sige sige laban maskuman
Ipagtanggol ang kapayapaan
Sugod sugod laban maskuman
pagsanggalan ninyo ang katarungan
Buong mundo'y magpupuri
pagpupugay mabuhay

Laser Squadron Maskuman


4. Praise song ng Shaider

- Ito ang kinakanta ng mga kampon ni Fuma Ley-ar. Kapag kinakanta nila ito, maraming nahi-hypnotized. Ang mga bata nagiging animals. Kaya kapag may kaaway ako, yari sila. Kinakantahan ko sila nito. Pero walang epekto. Ano nga ba naging ending ng Shaider?

"hu shigi-shigi wa ka mashigi nuwa
shigi-shigi
hu shigi wa ka ma shigi
keto keto keto keto
hu hi-hi hi nu wa
hi-hi hi nu wa ..."


5. "Mga Kababayan Ko" ni Francis Magalona

- Grade 4 ako. Kahit saan ako pumunta, ito naririnig ko. Halos lahat ng kabataan may bandana sa ulo, sa tuhod, sa mukha. Maliban sa akin. Wala akong pulang bandana. Mabuti na lang. makikikanta na lang ako. Agosto, Linggo ng wika. May dance presentation, Salamat talaga at hindi ako kasali.


6. "Macarena" ng Los del Rios

- Second year high school, sa PE class. Finals namin, bumuo ng grupo at magsayaw ng modern song. Sasayaw na naman? Darn! Kailan pa naging basehan ng grade ang pagsayaw? Kahit sapilitan, wala ako nagawa. Nagsayaw din ako. Kahit nakatayo lang ako sa buong kanta, pumasa rin ako.


7. "Nobody" ng Wondergirls

- Nag-aabang ako ng jeep papuntang Cubao. May nakasabay akong isang grupo ng mga batang lalaki na Koreano. Mga lima sila. Medyo may kaingayan sila mag-usap. Pero wala akong maintindihan. Dumating na ang jeep. Sumakay din sila. Maingay ang pinapatugtog ni Manong Drayber sa jeep nya. parang remix ng Salbakuta at Aegis. Nakipagsabayan sa ingay ang mgha batang Koreano. Itinigil ni Manong ang tugtugin nya. Tinanggal ang cd. Ikinabit ang MP3 niya sa speakers. Ang sambulat ng intro;

"You Know I still Love You Baby.
And it will never change."


Biglang tumigil sa pagsasalita nag mga Koreano.
Nagpatuloy ang kanta,


"I want nobody nobody But You, I want nobody nobody But You
Nan dareun sarameun sirheo niga animyeon sirheo
I want nobody nobody nobody nobody"

Nagkatinginan ang mga tao sa loob ng jeep. May napapangiti. Tapos titingnan ang mga Koreanong natameme. Yung isa parang gustong sabayan ang kanta. May mga matang nangungusap, nagtatanong. Sa buong biyahe tahimik ang jeep. Maliban sa kanta ng Wondergirls na paulit-ulit pinatugtog ni Manong.



Paumanhin pero susuwayin ko ang isang alituntunin ng pagpapasa ng award. Mahirap pumili ng pitong blogger. Dahil bawat isa ay may "creative juice" na dumadaloy sa katawan. Kaya sa sinumang nagbibigay kulay sa mundong ito, sa inyo ko ipinapasa ang award. Salamat.





"I will color the world one step at a time..."