Wednesday, August 5, 2009

REMOTE CONTROL

"Dear friends who were born to mourn and weep,
Behold the grave wherein I sleep,
Prepare for death for you must die,
And be entombed as well as I."

-The Clairvoyant by Marian Thurm








Napag-isip-isip ko, humigit-kumulang tatlong minuto ang aabutin sa pagbabasa ng post na ito. Ayon sa statistics, sa loob ng tatlong minuto, 300 tao ang namamatay, at 620 naman ang ipinapanganak.


Maaaring matapos ko sa loob ng kalahating oras ang post na ito: nakaupo sa harap ng laptop, sa ibabaw ng kama. Habang nakatutok sa electric fan, nag-iisip kung paano isusulat ang mga nagkakagulong salita sa utak ko. At kung paano ko tatapusin ang post na ito. Napapaligiran ako ng mga libro at magazines na pambata. Habang nanunuod ng Sleeping Dictionary na pinagbibidahan ni Jessica Alba. Nanlaki ang mata ko nang tanggalin ni Jessica Alba ang telang nakatapis sa katawan nya.Ilang beses nagpabalik-balik sa Back, Pause, Zoom at Play buttons ng remote control ang hinlalaki ko. Kahit magkakalyo pa ang daliri ko, napangiti naman ako.


Napag-isip-isip ko, mukhang normal naman ang araw na ito. Pero sa loob ng kalahating oras na iyon, 3,000 tao ang namatay, at 6200 naman ang ipinanganak. Sinu-sino kaya ang libo-libong pamilya na umiyak dahil nawalan ng mahal sa buhay? Saang parte kaya ng mundo naroroon ang libo-libong tao na napasaya sa pagsilang ng bagong anak, pamangkin, apo o kapatid.


Sa palagay ko, maraming napasaya si Jessica Alba. Pinindot kong muli ang Pause button. Tumigil ako sandali. Nag-isip. Nagnilay-nilay. Ilang libong tao kaya ang naghirap sa malubhang sakit? At nagpasalamat nang tumigil na ang pagtibok ng puso nila? Ilang daang bata kaya ang naging bastardo, magiging ulila, at iiwanan sa kung saan-saan o sa ampunan o sa basurahan? Anumang sandali ay mapapabilang na sa bilang ng mga taong namatay bago ko pa man matapos ang post na ito.


Nakakalungkot. Nakakamangha. Isang simpleng statistics na nabasa ko habang pinapanuod ang pelikula ni Jessica Alba. Nalaman ko ang ilang bagay tungkol sa pagkamatay at pagsilang. Tungkol sa pagluha at pagngiti. Kung ilang tao ang namamatay ng mag-isa sa loob ng kwarto, nang mag-isa sa buhay. Kung ilang bata ang sikretong isinisilang at masasayang ang buhay.


Napag-isip-isip ko habang nakatitig kay Jessica Alba, minsan ay napabilang ako sa bilang ng mga batang isinilang. At darating ang araw na mapapabilang ako sa bilang ng mga taong mamamatay. Mamamatay din ako. Mamamatay din tayo. Gaano man kahirap at kaganda ang buhay, magpapaalam din ako sa mundo.


Habang pinoproblema ng ilang tao kung paano makakakain sa araw na ito para mabuhay. Habang ang ilan naman ay abala sa pagsulat ng bucket list. Parang pelikula lang ang buhay, may simula at katapusan. Masaya ako na kahit sa pelikula lang nakita ko ang kagandahan ni Jessica Alba. Pinindot ko ang Play button para matapos ko na ang pelikula.








"I will color the world one step at a time..."


28 comments:

ACRYLIQUE said...

Yes, I am back finally!

I have been to hell and high waters. I have flown to the moon and back. :)

Pero I am here na ulit. Miss you guys!

Sa lahat ng bumati at bumabati pa rin sa bertdey ko, Maraming Salamat! :)

ShatterShards said...

It's good that you're back!

Pahiram din ako ng video ni Jessica Alba. hehe

shykulasa said...

happy to hear from you again :) ang tagal mong nawala and im really hoping mag update ka!

while reading your entry napaisip ako, with that statistics, di ba ang swerte natin, that we're still here, alive and kicking at me purpose pa tayo kaya lets always celebrate Life :)

patola said...

oo nga noh kuya... may mga taong ngumingiti pero may iba naman na lumuluha. ganun yata talaga ang buhay. hindi katulad ng napanood mo na pwedeng ipause, rewind at kung ano man.. kaya dapat we should live life to the fullest.. hehehe.. :)

madz said...

Kaya nga mahirap maging si Superman. Dinig mo lahat ng sigaw ng bawat isang tao, sino ang una mong tutulungan?

Pero ang Diyos, dinig Niya ang lahat. Walang Siyang ihuhuli, lahat Kanyang uunahin :)

an_indecent_mind said...

huwelkam bak!!!

HOMER said...

Namiss ko to! ahahaha!! :D

Anyway, di ko lam yang movie na yan ni Jessica Alba ehehe!! mukhang maganda! :D

gillboard said...

onga, tagal mong nawala... welcome back!!!

SEAQUEST said...

oo nga di kita napagkikita sa sirkulasyon ng mga ilang araw, maligayang pagbabalik at di ko alam yang pinanuod mo eh, kaya di ako makarelate....

Boy Bawang said...

welcome back tropapips.. =)

Dagger Deeds said...

Haha... body double lang ni Jessica Alba yung nude sa film na yun... Di sya yun. Well, sabi lang naman ng ka-work ko na crush si J. Alba.

Naku... don't overthink. Sinusubukan ko yan dati, sumasakit lang ang ulo ko. Just let life be..

miss Gee said...

dahil nag welcome back sila ako din. WELCOME BACK!.. w8 san ka ba galing?

Uso ata ngayon ang post about sa kamatayan. gaya sa huling blog na iniwanan ko ng comment. ganon din ang masasabi ko

" maiksi ang buhay. matuto tayo magpahalaga at iparamdam ang pagpapahalaga" :)

Jepoy said...

yay! Welcome back...

Life is too short kaya enjoy lang!

gesmunds said...

miss you acrylique! :)
ang profound ng post mo ngayon ah?!
it makes me appreciate life more... imbis na magpakalungkot e isipin ko nalang ang kagandahan ng buhay ko kumpara sa iba.
Cheers!

Anonymous said...

life is too short. that's why i don't make too much long term plans. short terms marami. hehe. kasi hindi natin alam kung kelan tayo kukunin. nakikitira lang naman tayo dito sa mundo eh..

PinkNote said...

Teehee! Welcome back, Jessica Alba...ahehe

I missed you acrylique!=)

Superjaid said...

yippie!your back, finally!Ü

balance of nature..yan ang tawag ko sa phenomenon na yan kapatid..at wag mo na lang yan masyadong isipin, sasakit lang ulo mo, just live life to the fullest but still take things one step at a time..hehe ang gulo ata nung sinabi ko,Ü

Maria said...

"Ayon sa statistics, sa loob ng tatlong minuto, 300 tao ang namamatay, at 620 naman ang ipinapanganak"

kaya pala overpopulated sa mundo.. so posible pala na ung 300 namatay nareincarnate bilang tao tpos ung 120 nareincarnate bilang ipis. so sad! hehe

eMPi said...

nawala ka pala? di ko alam yon ah... hehehe! welcome back!

Niel said...

Mabuti at alam mo na hawak mo ang remote. ^_^

livingstain said...

mr krayola kumusta ka na, wow kumpleto sa istadistika ah...

pasensya ka na kung matagal akong hindi nakadalaw, yaan mo babawi ako.

bea trisha said...

nice one...!

bea trisha said...

everything that begins has its own way of saying goodbya..
di nga lang happy all the tipe pero usually, patring with something is a necessity/...

Dhyoy said...

akalain mo ang dami mong nasabi dahil kay Jessica Alba... ;)

lucas said...

sana ganun din ang buhay... pwedeng i-play, rewind, fast forward, pause or stop...

---
Thanks for that very enlightening quote. Are you a painter or something? I paint or I used to paint, and acrylic is my fave medium. :)

Anonymous said...

nice to have you back bro!

saul krisna said...

hmmmm ayus ang post na ito.... haaaay naku sana di ko pa time....

RaYe said...

weebee sa'yo...

maganda ba yung movie?
super crush ko kasi dati si jessica alba e.. ehehe