“My evening visitors, if they cannot see the clock, should find the time in my face.”
-Ralph Waldo Emerson
Mahamog nang gabing iyon.Malamlam ang sinag ng buwan. Maaninag ang ilang bahagi ng matamlay na libingan.
Makikita ang lumang musileyo. Ang kinakalawang na tarangkahan ay nakakandado. Nababalutan ito ng kalawang at mga gumagapang na damo. At isang malaking puno ng akasya sa tabi nito.
Makikita ang mga nakahelerang puting nitso sa paligid at mga nakapilang puting krus na nakatayo sa damuhan. May mga dagang nagtatakbuhan sa tabi-tabi. Mas malinaw ang lahat ng ito kung kabilugan ng buwan.
Sa ganitong oras ng gabi, makikita ang isang maputlang babae. Umiindayog sa ihip ng malamig na hangin ang kanyang mahabang itim na buhok. Nakaupo sya sa isang puntod. Nakayuko. Pagdaka'y tatayo. Kung kumilos sya'y parang nagsasayaw. Hindi mo kaagad mapapansin na naroon sya at nakaupo. Sa unang tingin, para lamang syang hamog, liwanag o anino. Pero naroon sya. Minsa'y naglalakad papasok sa nakandadong tarangkahan.
"Pepe!" sigaw ng babae. Ang boses nya'y parang hangin na lumalasgaslas sa talahiban.
"Pepe, Halika rito!"
Yumuko ang babae, tumingin sa lupa. Isang anino ang gumalaw sa ilalim ng sinag ng buwan. Isang matangkad na lalaki. Tiningnan nya ang asawa. Pagkatapos ay tiningnan ang nasa lupa. At nagkamot siya ng ulo.
"Selya, aking irog", kung magsalita si Pepe ay parang isang makata. "Tama ba ang tinuturan ng aking paningin?"
Nakatuon ang mata ng mag-asawa sa isang batang nakaupo sa lupa.Tiningala sila nito. Napanganga ang bata. At bumagsak ang pacifier na kanina pa nya kinakagat. Itinaas nya nag mabibilog at mumunting mga kamay. Nais nyang magpakarga kay Selya.
"Sampalin mo ako", ang sabi ni Pepe. "Kung hindi bata ang aking nakikita."
"Malamang bata ito", sagot ni Selya. "Ang tanong, anong ginagawa nya rito?"
"Tama, iyon ang katanungan irog ko. Ngunit hindi manggagaling sa atin ang kasagutan. Dahil ang mumunting batang ito ay buhay. Wala syang kinalaman sa atin. Hindi sya bahagi ng ating mundo, irog ko ", sagot ni Pepe.
"Pepe, tingnan mo ang mga kamay nya. Ang liliit. Ngumingiti sya , Pepe. Nakakatuwa sya." Hinimas ni Selya ang ulo ng maliit na bata. Tumawa ang batang si Samuel.
Umihip ang malamig na hangin sa gitna ng natutulog na sementeryo. Lumikha ng ingay ang mga kawayan sa di kalayuan. May kung anuman ang biglang nagwawala sa may tarangkahan. Inaalog ito. Kinakalampag. Humahampas ang kadenang nakapalupot dito at ang mabigat na padlock. Parang isang hayop na gustong kumawala.
Binuhat ni Selya ang maliit na bata at niyakap ito. Hanggang ngayon kahit mahigit isandaang taon nang sumakbilang buhay sina Pepe at Selya, nanginginig pa rin sa takot si Pepe kapag nakakaita siya ng multo. Kahit araw-araw na silang nakikisalamuha sa kapwa patay. Araw-gabi sa sementeryo.
Mula sa tarangkahan, nakakita sila ng tatlong hugis na parang usok. Kulay abo. Parang telebisyon na walang signal. Noon lang sila nakakita ang ganoon. Hindi nila kauri.Dalawang malaki, at isang maliit. Ang isa sa malalaking usok ang nagningibabaw. Sumisigaw sya sa napakahinang tinig.
"Ingatan nyo ang baby ko! Alagaan nyo sya! Papatayin nya si Samuel!" , ang sigaw ng maliit na tinig.

"From now on I will only write about death..."
19 comments:
waaaaah pole tadpole kinilabutan ako... ingat ka palagi ha.. :)
Wag mo hayaang mamatay ang bata..huhuhu
ay,masyado ako nadala..hehe
Sabihin mo k Selya mag tago na sila at alagaan si Samuel, lumipat nalang sila ng lugar.
Sana ay akey na ang kaibigan naming si Pole :-D
Masaya ang Buhay! Kumain ng matamis para gumaan ang kalooban.
nakakatakot naman pang haloween presentation ba ito, hehe ... sundan mo na, nabitin ako :D
itago dapat ni Selya si Samuel. kawawa naman ng bata.. tsk.
Ang creepy creepy naman. Takot akoooooooo!!!!!!! Kawawa naman 'yung bata.
sinong papatay kay samuel?
Bitin! More more more! :D
and yet another masterpiece :D
astig!
pede sa susunod ako naman ang bida> haha
whew.. brrrrr... pasidhi-sidhi, pagbugso-bugsong emosyon ang aking nadama.. love this one.
wahhhh momoooooooo
mahusay ka palang gumawa ng story
takot ako don ahh
sa totoo lang nahihiwagaan ako sa mga post mo... parang may malalim na pinaghuhugutan...
alam mo magaling ka magsulat, napapag isip mo ang mga tao... like mo...
apir...
So, naniniwala ka sa multo?
a part of this reminds me of The Others....
tatlong tumbling....
When I sensed something eerie in this post, I instantly jumped to click the comments thingy. Mag-isa lang ako kasi dito ngayon. LOL!

This will not have effect in fact, that's exactly what I suppose.
Post a Comment