Magmula nang matutong maglakad si Samuel, nakita nya kung gaano kalawak ang mundo. Nalaman nya kung gaano karami ang kaya nyang gawin. Natutunan nya ang paggamit ng kamay at paa sa pag-akyat at pagbaba sa kahit na anong bagay.
Nang gabing iyon, nagising sya mula sa isang malalim na pagkakahimbing. Ginising sya ng isang malakas na kalabog mula sa labas ng kanyang kwarto. Nagising sya at hindi na sya makatulog. Gusto nyang maglaro at lumabas mula sa kanyang kuna. Mataas ang bakod ng kanyang kuna. Ngunit alam nyang kaya nyang makaalis doon. Kailangan lamang nyang gamitin ang kanyang mga kamay at paa.
Dalawang teddy bear ang nasa loob ng kuna. Ang isa, katabi nyang matulog. Ang isa ay nakaupo sa isang sulok ng kuna. Kinagat niya ang pacifier. Tumayo sya. Hinawakan ng maliliit nyang mga kamay ang bakod ng kuna. Inapakan ng kaliwang paa ang hita ng teddy bear. Inangat ang kanang paa at inapakan ang ulo ng teddy bear. Binuhat ang sariling katawan hanggang sa nakaapak na ang dalawang paa nya sa ulo ng teddy bear. Bumitin sya palabas ng kuna at bumagsak sa mga stuffed toys na nasa sahig. Mga stuffed toys na ineregalo sa kanya noong unang taong kaarawan nya. Ang iba ay stuffed toys ng nakatatanda nyang kapatid.
Nagulat sya nang bumagsak sya sa sahig. Masakit pala. Pero pinigilan nyang umiyak. Kasi alam nyang kapag umiyak sya, pupuntahan sya sa kwarto at ibabalik sya sa kuna.
Gumapang sya papunta sa pinto ng kwarto. Palabas.
Magmula nang matuto syang maglakad, nalaman nyang mahirap umakyat ng hagdan. Ngunit mas madaling bumaba ng hagdan. Siple lang. Bumaba sya ng paupo. Nagpatalbog-talbog sa suot nyang diaper. Habang kagat-kagat pa rin ang pacifier. Iyon ang pabortito nya. Kahit ilang beses nang sinabi ng Mama nya na malaki na sya para sa pacifier.
Napakasaya nya. Pakiramdam nya sa kanya ang mundo. Masaya sya dahil nagawa nyang bumaba ng hagdan. Masaya sya dahil walang nakakita sa kanya. Masaya sya dahil walang pumigil sa kanya.
Nang marating nya ang huling bahagdan ng hagdan, halos magtatakbo sya nang makitang bukas ang pintuan palabas ng garahe. Nakita nya ang mga bisikleta ng Dadi at Ate nya. Ang sabi nya sa kanyang sarili, "Balang araw makakapag-bisikleta rin ako." Natanggal sa pagkakadikit ang suot nyang diaper. Nahulog ito sa kanyang paanan.
Nakita niyang bukas ang gate. Pakiramdam nya ay nag-iimbita ito. Pagkakataon nyang makita ang buong mundo. Nagpatuloy siya sa paghakbang hanggang sa makalabas sya sa daan. Nakangiti syang tinitimbang ang sarili sa bawat hakbang. Sa ilalim ng buwan at aandap-andap na ilaw ng poste.
"I will color the world one step at a time..."
19 comments:
wow..!baby's day out ba ito?Ü hehe cute..ang likot ni baby..
baby...gusto ko ng baby...gusto din ng grasya ng baby...kailan kaya...sana...
ang totoo nyan...matagal na namin itong pangarap...nasasabik na makita ang galak ng sanggol na kaloob ng Maylikha...kya grasya sna umuwi ka na... ;)
naku baka masagasaan sya ng kotse wawa naman
Hala lagot ang yaya ni baby. Hahaha. Baby pa lang lakwatsero na. Good luck!
si baby, lakwatsero agad.. ahaha.. :D
galing nang sequel nang kwento... can't wait for d' next... =) ingatz... Godbless! -di
hindi ba magfafast forward sa susunod... binata na si samuel at hinahanap na niya ang sira ulong pumatay sa pamilya niya?
wahhhh!! sam! wag kang lalabas! tsk tsk.. pero nung talagang iniimagine ko ung pagtakas nya nakakatuwa. lalo ung paglabas sa crib saka pagbaba ng hagdan. hehe. ang kyutttt!!
naiimagine ko ang kwento mo at wag naman sana sa continuation ay maligaw yung bata. hehe happy ending a
galing naman... suspense ang dale ah! kaya pala wala na siya dun sa kuna nang sinaksak siya ni killer..
cant wait for the next... keep it up, dude! *_*
oi ano nangyari sa baby????????
hehe... ibalik natin sya hehe.....
eto na yung part 2 ng kwento.. part 3 part 3.. hehehehe.. galing naman ni kuya.. hihihi
naku kinakabahan naman ako kung anong mangyayari kay baby .... tragic ba ito o comedy, hehe
kung mapapadaan ako dun, kikidnapin ko si baby.
Abay kakuleet hindi pa man marunong ng magistokwa, ano kaya cia pagtanda magtatanan cguro hehhehe, pero mas maganda acry, dugtungan mo kung what happen sa daan nung nakalabas na cia...para itong kwento sa radyo nung araw ah, gabi ng lagim hehehe...
waaaaaaw cuteness ;3 love eeeeeet
ayun pala ang nagyari sa baby. nice. galing!
Ayos, he he. Ganyan na nga ata talga ang mga bata ngayon. Ganyan din 'yung pamangkin ko nung una palamang nyang natututunang tumayo, maglakad, gumapang, atbp. :D
cute ng baby..
sino ba ang nagturong maglakwatsa jan?hehe
Post a Comment