“Seek knowledge from the cradle to the grave”
- Muhammad
- Muhammad
Sinundan ni Jack ang amoy ng bata sa hangin. Nakarating sya sa sementeryo. Nasa kamay nya ang kutsilyo. Hawak nya ito ng mahigpit. Nakapikit sya. Tumigil sya sa paglakad. Nawalang bigla sa hangin ang amoy na tinutunton nya.
Minulat nya ang kanyang mga mata. Nagsalubong ang mga kilay nya. At tiningnan ang paligid. Umaasang may maririnig syang iyak ng isang bata.
Nagsalita sya sa dilim, “Nasaan ka?”
Magaspang at malaki ang boses nya. May narinig syang kumaluskos.
“Anong kailangan mo?” , sabi ng isang mahinahong boses.
Matangkad si Jack. Ngunit mas matangkad ang nagsalitang lalaki. Parehong itim ang suot nila. Tumingala si Jack.
“May hinahanap ako”, sabi ni Jack. Itinago nya sa likuran ang hawak nyang kutsilyo.
“Sa gitna ng sementeryo, sa hatinggabi?” tanong ng lalaki.
“Isang bata. Napadaan ako kanina. May narinig akong umiiyak. Nakita ko ang isang bata sa loob ng musileyo”, paliwanag ni Jack.
“Mataas ang bakod ng musileyo. Nakakandado ang gate. Kung aakyat ka sa bakod at makita mo ang bata. Paano kang makakaakyat muli na may dalang bata?”
“Tatawag ako ng saklolo. Hanggang sa may dumating.”
Kumalansing ang hawak na susi ng lalaki. “Kung ganon ako yun”, ang sabi nya.
Pinili ng lalaki ang pinakamalaking susi, “Sumunod ka sa akin”, dugtong nya.
Sumunod si Jack sa likuran, hawak pa rin nito ang kutsilyo.
“Kung ganun ikaw ang sepulturero?” tanong ni Jack.
“Ako ba? Ako nga.” Ang sabi ng lalaki.
Naglakad sila patungo sa gate ng musileyo. Sigurado si Jack na nasa loob ng musileyo ang bata. May susi ang sepulturero. Hawak nya ang kutsilyo. Pareho silang nasa dilim. Malayang nyang magagawa ang lahat. Kayang-kaya nya. Itinaas nya ang kanang kamay na may hawak na kutsilyo.
“Kung meron ngang bata,” sabi ng sepulturero.”Malamang hindi rito sa sementeryo. Maaaring nagkakamali ka lang. Malabong magkaroon ng bata na gumagala ng ganitong oras ng gabi. Maaaring pusa lang ang narinig at nakita mo. Ngayon, sabihin mo sa akin kung bata nga ang nakita mo.” Tanong ng sepulturero.
Nag-isip si Jack.
Binuksan ng sepulturero ang gate. “Isang pusa” sabi nya. “Ang alaga kong pusa. Maaaring inakala mong bata ang pag-ngiyaw nya. Nagkamali ka lang ng pagpasok dito sa sementeryo. Ang batang hinahanap mo maaaring nasa paligid lang. Ngunit wala siya dito sa musileyo.”
Tumayo sa labas ng musileyo si Jack. Nasa loob ng musileyo ang sepulturero. Kinandadong muli ang gate. At itinago ang susi.
“Saan ka pupunta?” Tanong ni Jack.
“Lilinisin ko ang musileyo at dito ako matutulog”, sagot ng sepulturero. “Magandang gabi.”
Humakbang patalikod si Jack ng dalawang beses. Itinago nya sa likuran ng kanyang jacket ang kutsilyo. Mula sa dilim at anino, pinanuod ng sepulturero ang pag-alis ni Jack.

"From now on I will only write about death..."
21 comments:
death?
hmmmm......
scary but interesting.
From now on I will only read your posts if Im with someone here beside me.
@KRIS JASPER
- hehe. Di naman nakaktakot.
nakakatakot naman ang post mo na ito... jan ba talaga tayo papunta... nakakalungkot pero wala namang magagawa kaya magenjoy na lang... kaya ano pang hinihintay mo... Day II na sa Boracay adventure ko, halika pasyal na ulit tayo...
Buti kamo may sepulturero at least di na cia nahirapan pang akyatin ang bakod ng musileyo...Ano yung pusa? pusang itim ba? hehehe..c blacky meeoow.
what??nabitin ako! hehehe!
kabitin naman to kuya, uhm..a bit scary to, pero mas scary pa rin ung nauna,
nakaka tindig balahibo ang kwento sa dilim
parang nawala ako :) kasunod ba ito ng takas?
so ibig sabihin, sinusundan nya ung naaamoy nya na pusa pala na akala nya bata..tama.. hehe..
This reminds me of Neil Gaiman's The Graveyard Book.
Nagbabalik po, matagal-tagal din akong nawala. hehe
---
Nakasali ako sa top ten. Salamat sa spam, este, sa comments! hehe
creepy.. :D
Yung bata bang hinahanap nya ay yung baby na nakawala sa bahay na may massacre? :D
hhhhhmmmmm..... sana may kasunod pa tong kwento.. :)
akala ko pa naman mauuwi sa love scene ang eksena.... hmmmmmmmmmp
katakot pero mas katakot ung kutsilyo..
ei,,panu niya nasusundan ung amoy??
at anung hiwaga ang meron sa larawan ng isang manikin na walang ulo??
cant wait for the next..
*** i hope that one day you'll color the world again.. one step at a time... ;)
sana di na nya matunton yung bata.sana patayin sya nung sepultorero..hehe ambad ko..
To be continued ba ito? Balak ba niyang patayin ang bata? o ang pusa?
wala po, napadaan lang, akala ko kasi may bago na...
patunay lamang na always akong bumibisita sa bahay mo.
Pagkatapos? Bigla bang nawala ang Sepulturero ng nilingon uli siya ni Jack? Sige nga, sulat ka pa about kamatayan. Pwede ba yung nakakatakot kaonti? Gustong-gusto ko 'yan. Ako ang tipong tao na mahilig sa nakakatakot na istorya pero kumakaripas ng takbo kung natatakot na.
Sige na, sulat ka pa.
Waah.takot ako sa dilim.
Hanep sa imaginatn at hanep sa suspense.galing!
Post a Comment