"I want to be rich and I want lots of money
I don’t care about clever I don’t care about funny
I want loads of clothes and i want fuck loads of diamonds
I heard people die while they are trying to find them

- The Fear by Lily Allen
Siyam na taong gulang si Kiko, kamag-aral nya si Bobot. May sumpa ang pamilya ni Bobot. May malubhang sakit ang ang ilang miyembro ng pamilya niya. Isang karamdamang walang lunas. At isa-isa silang namamatay.
Naiinggit si Kiko kay Bobot. Dahil sa tuwing may namamatay sa pamilya ni Bobot, maaari syang di pumasok sa paaralan ng isang linggo, minsan mahigit pa.
Ngunit ngayong bakasyon, nag-aalala si Bobot. Malapit nang mamatay ang ate nya, si Brenda. Mayo pa lang, kung mamamatay siya bago mag-Hunyo, hindi sya makakaliban sa eskwela. Dahil hindi naman sya pwedeng mag-absent sa eskwela kung wala namang pasok at bakasyon.
Niyaya ni Bobot si Kiko na magpunta sa simbahan upang magdasal. Ang ipagdasal si Brenda na sana humaba pa ang buhay nito kahit hanggang Hulyo.
“Bakit kailangan mo pang ipagdasal si Brenda?”
“Kiko, kung tatagal pa si Brenda, pwede akong magbakasyon sa eskwela. Pwede ka ring magpunta sa lamay. Makakakain ka ng sopas, biskwit at mani. Makakapagkape ka pa. Meron ding payn-epol dyus.”
Isang bagay na hindi mapapahindian ni Kiko. Makakakain siya ng libre. Nilapitan ng dalawa ang lahat ng santo at rebulto sa loob ng simbahan. Dinasalan pati mga kandila. Dinamihan nila ang dasal. Umaasang maririnig ng Diyos kahit isa sa mga dasal nila.
Maaring dininig ng Diyos ang dasal nila dahil tumagal si Brenda hanggang sa unang dalawang araw ng Agosto. Nasasabik si Bobot sa isang linggong bakasyon nya. Habang natatakam na si Kiko sa makakain nya sa lamay.
Sa gabi ng lamay, pumunta si Kiko at isa pang kaibigan sa bahay nina Bobot. Walang masyadong tao. Tahimik. Nakita nila si Bobot. Umiiyak. Nilapitan sya ng dalawa. Sa di malamang dahilan nagalit si Bobot kay Kiko. Sumigaw ito at pinaalis sila. Hindi man lang sila binigyan ni Bobot ng kahit ilang pirasong kendi.
Kinabukasan bumalik sa simbahan si Kiko. Nilapitan niya ang lahat ng santo at tinirikan ng kandila. Ipinagdasal niyang sana mamatay ang mga miyembro ng pamilya ni Bobot tuwing bakasyon. At hindi na sya makakaliban pa sa eskwela kahit kailan.
Sa sumunod na bakasyon, si Bobot ang nagkasakit. Malubha. Namatay sya sa unang linggo ng Mayo.

"I will color the world one step at a time..."
17 comments:
morbid but funny!
hehehe ang kulit naman nun, parang hindi nagiisip
Impakto si Kiko yan tuloy namatay ang bff nya..LoLz
ang mga simpleng isip ng bata nga naman...
wala pang muwang si bobot tungkol sa mga nawawala niyang mga mahal sa buhay... thats then he realized,.. tsk tsk...
oo nga ang morbid naman pero parang comedy.... weird :)
hehe ang kulet naman ng kwento na to,haha morbid pero sadyang nakakatawa..Ü
hahaha anak ng jueteng naman oh.... bakit ang konti lang ng pag kain sa lamay nila? wala bang keyk o spageti?
Minsan talaga kailangan natin ipagdasal ang iba para sa pansariling kapakanan. Yan ang life.
Hindi kaya si Kiko ng "Music and Lyrics" ko to? ahaha!! http://iamstayingalive.blogspot.com/2009/05/music-and-lyrics.html
pwede mo na icompile for publication ang mga kwento mo...
wahahahaha... natawa ako.. bakit naman kasi pinaalit ni bobot si kiko.. yun tuloy, pinagdasal siya na mamatay.. ahmmm... hehehe.. ang lakas pala ng kapit ni kiko sa mga santo.. hehehe
taragis makaliban lang sa klase... ipinagdasal na mamatay ang angkan...
now this is something....
hmmmmmmmmmmm basta iba ang impak....
anyways.... patambay later at makapag back read..... medyo naging busy lasi lately kaya d nakakadalaw....
ciaoooooooo.....
Kawawang Kiko, pinagtabuyan....
Bat kaya nag iba ang mood ni Bobot?
aw biglang sumungit c bobot...bakit kaya? e sabay nama nsilang nagdasal sa ate nya..hehe
love your language...
nkakatakot naman yun,busit na kiko yun ang lakas manalangin,lols
Post a Comment