“My body is a journal in a way. It's like what sailors used to do, where every tattoo meant something, a specific time in your life when you make a mark on yourself, whether you do it yourself with a knife or with a professional tattoo artist.”
- Johnny Depp
- Johnny Depp
May kamay sa dilim, may hawak itong kutsilyo.
Inukit na kahoy ng bayabas ang hawakan ng kutsilyo. Ang talim nito ay mas matalim pa sa labaha. Kung mahihiwa ka nito, hindi mo mararamdamang nahiwa ka, hindi kaagad.
Nagawa na lahat ng kutsilyo ang dapat nitong gawin nang marating nito ang kabahayan. Ang talim at ang hawakan ay basa. Nakabukas ng bahagya ang pinto kung saan dumaan ang lalaking may hawak ng kutsilyo. At dahil sa bukas na pinto, nagbabago ang kapalaran ng buong kabahayan.
Huminto ang lalaki mula sa tahimik na paghakbang. Itim ang buhok nya at mga mata. Palagi syang may suot na itim na guwantes. Tumayo sya ng walang imik. Hinugot nya ang puting panyo mula sa likurang bulsa ng kanyang pantalon. Pinunasan ang hawak na kutsilyo at kanang kamay na may suot na itim na guwantes. Isinuksok nyang muli ang puting panyo sa kanyang bulsa. Malapit nang matapos ang gawain nya. Iniwan nya ang babae sa kama, habang ang lalaki sa sahig, ang batang babae sa makulay nitong kwarto na napapaligiran ng mga manika at stuffed toys. Isa na lang at matatapos na sya. Ang batang lalaki sa kuna. Inayos nya ang pagkakahawak ng kanyang mga daliri sa kutsilyo. Sinabi nya sa kanyang sarili, hindi sya ngingiti hangga't hindi sya natatapos.
Ang kuwarto ng batang nasa kuna ay nasa itaas ng bahay. Tahimik siyang umakyat ng hagdan. Tinulak nya ang pintuan ng attic. Pumasok sya. Itim na balat na sapatos ang suot nya . Pinakintab na parang mga itim na salamin sa dilim. Maaaninag ang repleksyon ng buwan sa sapatos nya. Hindi maliwanag ang buwan nang gabing iyon. Ngunit para sa kanya, tama lang ang liwanag. Sanay ang mata nya sa dilim. Nakita nya ang batang nakakumot. Kahit sa ilalim ng kumot kabisado nya kung alin ang ulo, dibdib, katawan, kamay at mga paa. Lumapit sya sa kuna. Dumungaw sya. Itinaas ang kanang kamay na may hawak na kutsilyo. Pinuntirya nya ang dibdib ng bata. Ibinagsak nya ang kanang kamay ng buong lakas. Ngunit ang nasa ilalim pala ng kumot ay isang teddy bear. Wala ang bata.
Sininghot nya ang hangin. Naamoy nya ang bata. Amoy gatas. Parang chocolate chip cookie. At ang maasim na amoy ng basang disposable diaper. Naamoy nya ang baby shampoo sa buhok ng bata. At isang gomang laruan na laging kinakagat ng maliit na bata. Lumabas ng kwarto ang lalaki. Sinundan ang amoy ng bata sa hangin. Bumaba sya ng hagdanan. Pumasok sa kusina, banyo, salas at garahe. Nakita nya sa garahe ang basang diaper sa tabi ng dalawang bisikleta.
Ipinasok nya ang kutsilyo sa bulsa ng kanyang jacket. Lumabas sya ng bahay. Tumingin sya sa buwan. Sininghot ang hangin. At mabilis na humakbang sa ilalim ng aandap-andap na ilaw ng poste.
"I will color the world one step at a time..."
34 comments:
bakit nakakagawa ng mga ganito? o sadyang makata ka lang at malawak ang imhinasyon?
di naman siguro ito base sa tunay na buhay mo..
huhu scary..kawawa naman si baby..:(
o_o mamatay tao pala.. sino nga pala yang picture na nakapost sa entry na to? hehehehe...
ang galing po ng imagination mo.. suspense... nadedz yung bata? implied kasi kaya di ko masyado nagetz kung ano nangyari.. hehehehe
hindi siya ngumiti... so nasan na si baby?
how come? baby come... baby baby come.. come.. ???
whew... katakot.. walang awa..
mukhang may sequel ah,, abangan ko... :)
btw.. nice quote from johnny depp... i like it... :)
ang lawak talaga ng imagination mo kuya, creative blogger ka talaga..Ü
@dencios
- Hindi naman ito nangyrai sa kin. Minsan lang kasi napppraning ako sa sariling imagination ko kaya sinusulat ko na lang. Hehe
@PinkNote
- Ano kayang pwedeng gawin kay baby? :)
@patola
- Salamat magandang Patola. :)
Yung nasa picture, isa sya sa mga MIMES dito sa Eastwood City. :)
@Yj
- pinag-iisipan ko pa kung ok yung gagawin ko kay baby.
@Goryo Dimagiba
-hehe. napakanta ako dun!
@gesmunds
- i love Johnny Depp. :)
May sequel nga, pero nagtatalo pa kami ng sarili ko kung ilalathala ko. :)
@♥superjaid♥
- Super thanks, Superjaid! hehe
Napadala Acrylique... :)
I hope the baby is hiding in a very safe place. : )
This reminds me a little of a scene in Dean Koontz's book "Intensity". Nung binabasa ko 'tong book na 'to, hindi ako makahinga sa suspense. Intense talaga! Hehe.
Missed reading your stories. Take care!
nice.... ^_^
-enJAYneer-
JAYtography: An Online Travelogue
Astig!!!! Ang galing galing nag pagkakasulat! Hindi ako marunung ng mga ganyan ganyan.... Anu kayang nangyari k Baby, masyado mong pina e-exercise ang aking imagination, tatlong conclusion tuloy ang naisip ko lolz
ibang klase..galing mo acry.. malalim ang pinaghugutan mo o sadyang malikot lang ang iyong emahinasyon.
wer is da beybi... di ko ba nagets or hindi ko binasa ng mabuti... ;)
@MarcoPaolo
- Salmat at nadala ka. :)
@- A n g e l -
-tinapos ko lang yung mga tags. kaya stories na ipopost ko. hehe.
hehe. so praning na imagination lang?
yabang...
sabagy ang mga tru artist talaga minsan praning. :)
hahaha. teka sabi mo praning ka ha. di ko sinabi :D
@enJAYneer
-You are nice as well. :)
@Jepoy
- ano nman conclusion mo?
@eli
-haha! salamat! Malikot lang talaga imahinasyon ko. Parang ikaw. :)
@dhyoy
-Haha. next post malalaman mo kung nasaan si beybi. :)
@dencios
-haha, Praning nga siguro ako. :)
iniisip ko tuloy kung anong inspirasyon mo, hehe .... hintayin ko ang kasunod! :)
freaky...
wawa aman yung baby.. :(
di kasi blatantly stated kung anong nangyari sa kanya e..
may sequel po bah? hmm... u love to write 'ur own story noh?... 'ur pretty good at doin' it... medyo kinda scary nga lang 'ung story but it happens in real life... i wonder kung ano ang magiging kadugtong... ano nangyari kay baby?... or may angel na nagligtas sa kanyah.. or lalaki sya na mag-isa and pano magiging buhay nyah... dmeng sinabi eh noh.. sige po aabangan na lang po namen... wehe... salamat po sa pagbisitah saken... ingatz... Godbless! -di
Galing talaga ng imahinasyon mo bilib din ako sa iyo, scary, asan na si baby?
wow ah, pati bata dinamay. Kuya san mo naman nakuha ang inspirasyon mo dito parang ang dilim kasi nung kwento eh. madilim na masama. sabi nga saken, it's either may malalim na pinaghuhugutang emosyon oh sadyang malawak lang ang imahinasyon. sana ung malawak na lang haha
grabe ang mga title mo bro
Post a Comment