"The true harvest of my life is intangible - a little star dust caught, a portion of the rainbow I have clutched."
---Henry David Thoreau
RED
- Hindi ito ang paborito kong kulay. Hindi ko alam kung bakit. Pero karamihan sa mga kamiseta ko, kulay pula. Palagi kong binabalak bumili ng bagong t-shirt, yung ibang kulay.Pagpunta ko sa mall, nalulunod ang mga mata ko sa dami ng mga t-shirt. Pagkatapos ko mag-ikot ng apat na oras. Ang nabili ko, tatlong t-shirt. Kulay pula.
ORANGE
- First year high school ako noon. Nagrereview ako para sa Periodical exam. Narinig ko mula sa transistor radio ng kapitbahay, ang radio program ni Ernie Baron. Ang sabi nya para raw tumalas ang memorya, tumitig sa matingkad na kulay. Gaya ng orange. Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang kulay orange na reflector ng bisikleta ko. Kinalas ko iyon. Tinitigan ko buong gabi. Kinabukasan, masaya kong sinagutan ang exam.Subject: Filipino. Bumagsak ako. Kalahati ng klase, bagsak din. Napaisip ako. Hindi lang yata ako ang nakinig kay Ernie Baron. Hindi lang yata ako ang tumitig sa kulay orange. Napangiti ako.
YELLOW
- "I drew a line,I drew a line for you,Oh what a thing to do,"
Ito ang linya mula sa paborito kong kanta ng Coldplay. Galing sa album nila na Parachutes. Una kong marinig ang kanta, tumindig na ang balahibo. Nang mapanuod ko ang music video, napa-wow ako. Dahil sadya akong inggitero, nainggit ako. Gumagawa ako ng sarili kong music video...sa loob ng banyo.
GREEN
- Nabasa ko sa isang tabloid dati, Remate. Yun kasi ang binibili ng tatay ko. Wala akong ibang binabasa dun kundi horoscope lang. Promise. Hindi ko nga alam ang istorya nina Kristal, Tonyo, Nene at Magda. Hindi ko nga ginupit yung picture ni Ynez Veneracion. Kasi horoscope lang talaga binabasa ko. Nabasa ko na GREEN ang lucky color ko. Kaya kapag nasa “What is your favorite color:” na ako ng slumbook, GREEN ang isinusulat ko.
BLUE
- Noong bata ako, para matuto akong lumangoy. Tuwing linggo, sakay ng isang bangkang de motor. Isasama ako ng tatay ko sa laot. Kasama ng aso namin, si Sharon. May baon kaming monay na may palaman na sardinas at isang litrong coke. Pagdating sa laot, ihahagis ako ng tatay ko sa tubig. Kasama ng aso namin. Ewan ko ba, balak yata akong patayin ng tatay ko. Kapag hindi ko na kaya at nalulunod na ako. Hahatakin ako ng tatay ko sa bangka. Kakain ng baon naming meryenda.
INDIGO
- Sabi nila, wala naman daw talagang indigo. Ano ba naman kasi ang indigo? Alanganing blue. Alanganing violet. Kumbaga, sya yung nasa gray area. Kung may Yes or No, sya yung or. Kung nasa gray area sya, hindi sya indigo. Gray sya. Pero sabi nila, wala raw talagang gray area. Dahil it is either OO at HINDI lang. Hindi ako naniniwala dun. Kasi ang buhay ko ay laging nasa alanganin. Isang malaking Indigo.
VIOLET
- Minsan sa buhay ko, tumira ako sa Nagcarlan, Laguna. Nagbakasyon ako roon. Mahigit isang taon din. Natikman ko ang lambanog. Mas masarap kesa gin. Pwedeng bilhin sa tindahan ng tingi. Parang toyo at suka lang. Masarap inumin kahit walang pulutan. Minsan bahaw lang ang katapat. Solve na! Paggawa ng kakaning ube ang ikinabubuhay ng marami doon. Syempre minsan tumutulong din ako. Naghahalo at nagmamasa ako ng ube. Araw-araw kumakain ako ng ube. Nakakasawa pala yun. Araw-araw din naliligo ako sa isang sibol. Sa gitna ng gubat. Sa umaga at sa hapon. Hubo’t hubad.
Ako si ACRYLIQUE at ito ang ilan sa mga kulay ng buhay ko. Ang bahaghari na kumukulay sa kalangitan ko. Ang liwanag na sumasabog sa bukang liwaway at sa dapithapon. Ako ang pintura, ang buhay ang aking obra. Mga kulay na tinitimpla ko, magmula pa noong nakita ko ang liwanag sa mundo.
Post Note:
Hindi ko na kamukha ngayon ang mga nasa larawan.
"I will color the world one step at a time..."
50 comments:
makulay nga pala tlaga ang buhay mo,hehe
hapi beerday, pashot kana dali,haha
ayon! haberday! nirelease din ang beauty nya..sa wakas!!
Happy birthday sa batang naka-birthday suit. haha!
Nawa'y mas maging makulay ang iyong buhay sa panibagong taon ng pakikisalamuha. Dagdagan mo na rin ng iba pang kulay, tulad ng vermilion, tangerine, carnation, at iba pa. Mas makulay, mas masaya.
Haba haba berdie haha!! HAPPY BIRTHDAY ACRYLIQUE! hehe!!!
Sabi na sayu kamukha mo talaga si Kuya Kim haha!!!
Tapos mahilig ka pa dati makinig kay Ernie Baron eh diba sya yung pumalit sa kanya hahahaha!!!
Ay censored ang picture haha!!! :D
Happy birthday ulit -pakanton ka naman! haha! :D
nagtatampo ako sa iyo.hindi ka na dumadalaw sa blog ko.hmf.
pero dahil bertdey mo, palalampasin ko na lang..basta ba treat mo ako sa cinemalaya..<*grin*>
Happy Kaarawan Acrylique!=)
inuman na!
sadyang makulay ang buhay mo! :)
HAPPY BIRTHDAY ACRYLIQUE!!!!
wishing you more rainbows to color your world :)
kakabalik ko lang!!!! HAFFFY HAFFFFY birthday Acrylique!!!!!
More blogging years to come your way!!!!
Sana helwa yagamil
sana helwa yagamil
sana helwa sana helwa..
sana helwa yagamil...
happy birthday acry...
stem ng rose lang lang gusto mo?
eto ---]> 2 STEM
ayan ha nakacaps lock pa yan
hehehe... wish you all the best in life.. :)
stems pala nyahaha..sablay pa..
Happy birthday to you..happy birthday to you..happy birthday,happy birthday..happy birthday to you..happy birthday acrylique!Ü
wish you all the happiness you deserve..Ü ngayon ko lang nalaman,boy ka pala..ahihihi at teentalker ka rin pala..*apir*
Happy Birthday! alam mo ba crush kita tas bigla ko nalaman lalake ka pla.. wahaha.. natatawa ako. n_n ayun happy birthday ulit.
oyy... bday mo pala... hapi berday.... hehehe!
Oi, Happy Birthday!!! Nawa'y marami ka pang kaarawan na icecelebrate... Enjoy!!!
maligayang bati!
pano mo magiging hindi kamukha ang mga nasa larawan? hmmm...
maligayang kaarawan po :)
wow makulay nga ang buhay mo :)
naks naman bertdei mo na!!! pa burger ka naman parekoy.... hehehehehe
naks.. haberday... ^_^
put some clothes on, man! :P
kelangan pala tumitig sa kulay orange habang nageexam ano?? hehe! anyway i love earth colors--brown and green...
---
thanks for the compliment, amigo.
hahaha...
naaliw ako sa samu't saring kulay...
tapos biglang may batang naka-birthday suit? weheheh...
hapi burpday din sa iyo...
ipagpatuloy ang pagkulay sa mundo.. :D
OMG!
may nakita ako di ko sasabihin..
masayin ka talagang tao ano?
parang ang kulay ng buhay mo e
dabat sayo Rainbow ang pangalan mo hehehehe
oi.
LLM T-Shirt Very Soon :)
so colorful...piberdei!
damuho tong batang to, bakit may mga ganyan kang larawan...
isa ka talagang taong binubuhay ng mga kulay.
bakit iba na? mas gwapo ka na ngyon? ^ ^, okay hair mo pag mahaba ha
happy na birthday pa..
hahahahappy birthday, acrylique!!!
hehehe! ang saya at tunay na makulay ang buhay mo. hehe. kelan kaya ako magde-daring pose? hintayin nyo na lang. =)
kuya, pa-segue way po, ha?
dahil birthday mo pwede po bang...
Kuya, pwede bang bumoto ka at mag-iwan ng komento sa site na ito?
Heheh... Patulong lang po. Desperado lang makakuha ng t-shirt ni kuya mon. Heheheh... Pasensya na po sa abala.
http://www.designbyhumans.com/vote/detail/58792?page=1
Pakilagay rin po na kaibigan po kayo ni Rcyan. Salamat po talaga ng marami. Pasensya na po uli sa abala.
wow birthday mo pala ngayon!!! Happy Birthday! :)
Thanks for coloring the world... making us see the colorful side of it despite the dark areas... :)
wish you all the desires of your heart.. more colors to paint in your canvas!!
cheers to life! *_*
Hindi mo na nga kamukha kasi sila nakadamit ikaw hindi...MALIGAYANG BATI SA IYONG KAARAWAN, Nawa'y pagpalain ka pa ng mas maraming kulay ng buhay...
Wow, how very colourful! Happy birthday, Acrylique!
Interesting pictures at the bottom! Teehee! : )
wow, ang kulet..hehe
pebertdei!
dapar nilagay mo ung pinakita mong pic saken!
(ung galing sa g4m hahahaha)
weeeee piberdeiii sa u!
pa canton ka naman! ;)
happy birthday. cheers! :)
ayun makikibati na rin kahit ngayon lang ako mapadpad sa bahay mo
OMG! LOL! Hey Pole! Musta na?
Di raw alam ang mga kwento sa Remate... LOL!
Green fave mo? Lucky daw yan dahil dollars ang dating.
:)
napakakulay naman ng post na to...
at talagang naghubad ka pa para dito...hehe...jowk...
napadaan lang parekoy...
padaan ulit
Oh my... Daring pics! Happy Birthday! :D
Btw, where is that giant letter A?
Happy beer day!!!
Belated na ba tong greetings ko?
Di bale i-apply nalang natin ang kasabihang pinoy na nagsasabing:
Huli man daw at magaling napaglalalangan din (tama ba?) ahihi
Uy, na-late ako ng greeting sa pinakamakulay kong co-blogger ditey. Klap ako dahil you are not afraid to show all your fabulosa colors! Cheers to you! Mwah from your tunay na veyklas family! :)
makulay ang buhay...sa sinabawang gulay*laugh ^^
dahil nag hapii birthday sila...
ako din ...HABERDAY :)
hindi ko kinaya ang dalawang huling pictures!! hahaha!! :) belated hapi birthday!
Wenks... Bday mo pala, hahaha. Super busy kasi ako lately... Belated Happy B-day.. At talagang makulay ang b-day post mo, ah. hahaha...
makulay ang buhay mo a. at hibadero ka din pala. haha
kahit nao pang kulay ang gusto mong ipintura sa buhay mo make sure lang na masaya ka sa kalalabasan
happy birthday!
belated happy birthday! namiss ko ang pagpasyal dito. :D
matutulog na sana ako pero napahanga ako sa entry na 'to. totoo! :D
birthday mo po? hapi birthday! ^_^
mukhang bc ka ah... walang bagong wento... ;)
Grabe, ang tagal kong nawala. Pero andito ako. Humahabol sa bongga mong birthday dude! Sana mas madami pang biyaya, at mga kakulayan ng buhay ang iyong matamasa. I really hope for more success dude! Thanks for being a great friend, here in the blogosphere. Keep in touch! Cheers!
In my opinion one and all should browse on it.
Post a Comment