“The Ten Commandments were not a suggestion.”
- Pat Riley
“Mister Pandoy, ano ang pang-anim na utos ng Diyos?” tanong ni Bb. Daligcon. “Huwag kang mangangalunya.” Mabilis na sagot ni Pandoy.
“Huwag kang mangangalunya?”
“Huwag kang mangangalunya, Bb. Daligcon.”
“Ano ang panganagalunya, Mister Pandoy?”
“Hindi malinis na pag-iisip, hindi malinis na salita, masamang pagnanasa, Bb. Daligcon.”
“Magaling Mister Pandoy! Kahit na bobo ka kung minsan at medyo nangangamoy, dahil alam mo ang pang-anim na utos ng Diyos, makakarating ka sa langit.”
Siya si JR Pandoy. Mas sanay kami na tawagin siyang Pandoy. Hindi magkapares ang suot niyang tsinelas. Hindi magkapareho ng kulay. Minsan parehong kanan. Minsan parehong kaliwa. Depende raw kung anong naiiwan para sa kanya. Kalbo sya. Kinakalbo sya ng nanay nya. Para raw gumaling ang mga sugat nya sa ulo. Para rin daw mawala ang mga kuto nya. Marami rin syang sugat sa braso at siko, sa binti at tuhod. Tinutuklap nya ang mga natuyong sugat. Kinakamot hanggang sa dumugo muli. Kinakain nya ang natuklap na balat. Sipunin si Pandoy. Dinidilaan nya ang tumutulong sipon mula sa ilong nya. Kapag hindi tumutulo ang sipon nya, nangungulangot sya. Binibilog nya sa daliri ang naipong kulangot at kinakain.
Sya ang bunso sa pitong magkakapatid. Madalas butas ang suot nyang kamiseta. Minsan halos parang basahan na. Minsan din kapag pumapasok sya sa paaralan, dumudugo ang ilong nya o kaya meron syang black eye. Dahil kailangan nyang makipag-agawan sa damit at makipag-away sa mga kapatid nya tuwing umaga.
Sya ang pinakamalaki at pinakamatanda sa klase namin. Sampung taong gulang na sya. Hindi sya makapaghintay na tumanda. Sabi nya, pangarap nyang maging bombay. Marami raw kasing pera ang bombay. Gusto rin nya kasing magkaroon ng motorsiklo. At gusto nyang makapag-asawa ng isang babaeng may pulang tuldok sa noo. Kung paano nya gagawin yun, hindi ko alam.
Ayaw nya talagang mag-aral. Sya ang bully sa klase. Madalas syang magpaiyak ng mga kaklase namin. Pero mabait sya sa akin. Sa tingin ko mabait sya sa akin dahil sa keso. Pumapasok lang sya sa eskwela dahil sa libreng meryenda. Iyon din naman ang gusto ng lahat.
Iniipon ang buong klase namin sa canteen. Pipila. At isa-isa kaming bibigyan ng isang mangkok ng sopas at isang piraso ng cheese roll. Wala kaming pakialam kung gaano pa kaiinit ang sopas at ang panahon. Basta kakainin namin iyon ng buong sarap. Hihigupin hanggang sa huling patak ng sabaw. At ang cheese roll, parang pinahabang pandesal lang. Bakit kaya tinawag na cheese roll ang isang tinapay na walang cheese? Ang sabi ni Bb. Daligcon, baka raw nakalimutan lang lagyan ng keso ang cheese roll. Magpasalamat na lang daw kami dahil meron kaming kinakain. Pero binubulatlat pa rin ng bawat isa ang hawak na cheese roll. Umaasang makakita ng kahit maliit na piraso ng keso. Sa wakas, isa sa amin ang nakakita ng keso. At ako yun. Isang pirasong keso, na dalawang sentimetro ang haba. Hinawakan ko iyon ng dalawang daliri at itinaas. Lumapit sa akin ang mga kaklase ko. May nagmamakaawa. Bawat isa ay may inaalok na kapalit sa keso. May nagsabing ibibigay nya sa akin ang kalahati ng sopas nya kapalit ng keso. May isang ibibigay sa akin ang lapis nyang Bensia. Merong isa na ibibigay ang Funny Komiks nya. Si Ruel, ibibigay daw nya sa akin ang ate nya. Narinig sya ni Bb. Daligcon. At isang malakas na batok ang natanggap nya.
Nakita ko si Pandoy. Nakaupo lang sa isang sulok. Ubos na ang sopas nya. Wala syang suot na tsinelas. Nilapitan ko sya at ibinigay ang keso na hawak ko. Galit na galit na nagsisigaw ang ibang kaklase ko. May nagsabi ng “PAKYU”, “TANGA”, “BOBO”, “IDYOT KA”. Pagsisihan ko man ang ginawa ko. Gustuhin ko mang bawiin ang keso. Wala na akong magagawa. Pagkaabot ko sa kanya ng keso, mabilis nya itong isinubo. Nilunok. Di man lang nginuya. Di man lang nya ako binigyan ng maliit na piraso. Ang nasabi ko na lang sa isip ko, “PAKYU”, “TANGA”, “BOBO”, “IDYOT KA”. Nakatingin lang sa akin si Pandoy. At walang sinabi. Nakatingin lang din sa akin si Bb. Daligcon. Wala rin syang sinabi. Pero nakangiti sya.
Nagmula ang larawan dito...
"I will color the world one step at a time..."

34 comments:
Totoo ba ito, may bahid ng kabaitan si Bb Daglicon? Kumusta na nga pala si Pandoy?
may naalala akong classmate ko nung elementary sa public school...
nagpapakabully sya para di mahalata ng iba yung hirap ng buhay nila..
asan na kay yun ngayon?
Ang siba ni Pandoy. Ang takaw sa Keso di manlang nag thank you. :-D
hi there. thanks for visiting my blog. call me john. dude is too cool for me, far from being one.
congratulations to you as well.
could you help me in adding to my blogroll sites that are serviced by blogger. wordpress kasi ako. thanks.
Wow, very nice. Di nga naman suggestions lang ang ten commandments. We should live with it.
Hhhmm i like your blog! ;D
sarap nyang sopas!!
kaya lang kawalang gana pag nakasabay mong kumain si pandoy habang nagkukutkot ng kanyang sugat hanggang magdugo! wahahaha!
Paano yan ang hilig ko pa naman ngumuya, sabi wag daw ngunguya!! haha!!!
SERYOSO, first time ko lang nalaman sa tagalog yang mangalunyang yan haha!!! Well di kasi ako religious kahit nga ata yung english version di ko saulo hihi!!
Pero.. I'd LIKE THAT! haha!!
ASteeeg ka jan di naman, Slyt lang hehehe...hindi ko nalalaitin c pandoy, hindi ko na rin tatalakayin ang tinanong ni Bb. Daligcon pero alam ko sa kabila ng pagiging matadero nia napangiti mo cia kasi nakita niang binigyan mosi pandoy kahit walng inaalok na kapalit, meaning ang bait mo ha!! sana di ka pa kunin ni Lord "joke"...Pero totoo kasi si pandoy lang ang walng inalok na kapalit sa iyo eh but still cia ang pinili mong bigyan...kaya para sa iyo MORE POWER este GOdbless pala.
"Kinakain nya ang natuklap na balat. Sipunin si Pandoy. Dinidilaan nya ang tumutulong sipon mula sa ilong nya. Kapag hindi tumutulo ang sipon nya, nangungulangot sya. Binibilog nya sa daliri ang naipong kulangot at kinakain."
KAdiri naman to! hhehehe
kadiri si pandoy. haha! gutom ako nang pumasok sa blog mo..lalong nagutom sa sopas. ngaun nawalan ng gana. haha!
adik kasi si pandoy eh.
saka ang lalim nung pangangaluya. hehe.
first time ko rin nalaman yung pangangaluya..
kumusta na kaya si pandoy?.. sana magaling na mga sugat nya at di na sya kumakain ng langib ba yun?..hehehe
noong nag-aaral ako, lapitin din ako sa bully, di yung binubugbog pero kaibigan ng mga bully. ewan ko ba... pero la ako kilalang tulad ni Pandoy.
mangalunyang? bago sa pandinig ko. Salamat may bago akong naidagdag sa kinakalawang ko ng bokabularyo.^^
di na nakapagthank you sa kasabikan sa keso..hehehe
hmmm... buti hindi uamalma si BB.Daligcon... may puso rin pala ang gaga.. hehehe
sino si pandoy? pabatok nga rin kahit isa lang. heheh..
pinag-iisip ako nito sa kung anumang ugali meron si dalignon... malamang e may malupit na nakaraan lang siya sa buhay, it doesnt necesssarily mean na wala na siyang puso.. kahabag-habag naman ang pandoy... pero nakakatuwa na alam niya ang ika anim na utos at malamang alam niya isabuhay ito...
@ShatterShards
- Haha. may tinatago ring kabaitan si Bb. Daligcon. Matagal nang tumigil sa pag-aaral si Pandoy. Di ko na sya nakita pagkatapos nun.
@Rwetha
- honga, nasan na kaya ang mga bully dati sa school ngayon?
@Jepoy
-Siba nga.
@johnryanrecabar
- hello JOHN! :)
@Chyng
- Thanks. akala ko multiple choise ang ten commandments. :)
@an_indecent_mind
-hehe. kawalang gana ba?
@HOMER
-Masama ang ngumuya. Bawal ngumuya. :)
@SEAQUEST
-hehe. MORE POWER!
@LhanDz
- Ano kaya lasa nun?
@chikletz
- I gues nabusog ka na. :) Malalim ba?
@Niqabi
- Ano kaya lasa ng langib? hehe matagal ko na di nakikita si Pandoy.
@gillboard
- Bully-magnet ka pala. :)
@missGuided
-hehe. Mangalunya. :)
@PinkNote
- Naexcite siguro. :)
@dhyoy
- minsan may puso din sya. di lang masyado ginagamit.
@Rcyan M.
- sige batukan mo. :)
@gesmunds
- Hehe. Actually in real life 3 guro si Bb. Daligcon. Pinag-isa ko lang sa story. At isa sa mga guro na iyon, pinakain ng papel ang isa sa mga estudyante nya. ;)
Post a Comment