“Should we all confess our sins to one another we would all laugh at one another for our lack of originality”
- Kahlil Gibran
Kinagabihan, nakaupo kaming tatlo sa ilalim ng poste at nagbabasa. Ako at si Melvin ay nagbabasa ng komiks. Nagbabasa ng libro si Mike tungkol kay Karpio. At nagkkwento s na parang alam nya ang lahat tungkol kay Karpio. Meron din akong alam tungkol kay Karpio. Pero may kwento syang noon ko lang narinig.
Tumatanda na si Karpio. Malungkot siya at gusto ng mag-asawa. At kalungkutan ang nagpapahina sa kanya. Maaaring ikamatay nya ito. Ang lahat ng kababaihan ay hinahangad na mapangasawa si Karpio. At hinahangad rin nyang mapangasawa. Ang kasalan ay magiging engrande. Bonggang-bongga. Sya ang susunod na magiging Sultan. Kung kaya nyang patayin ang lahat ng kalaban. Bakit hindi nya pwedeng mapangasawa ang lahat ng babae? Syempre, gusto rin naman kasing sumaya ng ibang kalalakihan. Huwag kang ganid Karpio. Kaya naiisip ng sultan na magkaroon ng isang patimpalak para kay Karpio. Inipon ang lahat ng kadalagahan. Pinaupo sila sa taas ng burol. Magpapahabaan sila ng ihi. Ang may pinakamahabang ihi ang mapapangasawa ni Karpio. Isang babaeng nagngangalang Esme ang nanalo. Magmula noon naging sikat si Esme sa kanyang mahabang ihi.
Nagtawanan kaming tatlo. Ngunit sa palagay ko hindi naintindihan ni Melvin ang kwento. Bata pa siya. Tumawa lang sya marahil sa salitang ihi. Ang sabi ni Mike, ako ay nagkasala. Dahil pinakinggan ko ang kwento nya. At kailangan kong sabihin ito sa pari sa aking First Confession. Sabi ni Mike ang ihi ay isang marumi at masamang salita. Kailangan ko ngang ikumpisal.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano ko sasabihin sa pari ang kasalanan ko? Lahat ng kaklase ko, alam na nila ang kasalanang ikukumpisal nila. Kabisado na nila ang kanilang sasabihin. Halos pare-pareho ang kasalanan nila. Nagsinungaling. Nagnakaw ng pera sa pitaka ng nanay. Sinaktan ang kapatid. Hindi sumunod sa magulang. Nagmura. At ako, may isang kasalanan na walang kapareho. Sa oras na marinig ito ng pari, kakaladkarin nya ako palabas ng simbahan. Hanggang sa kalye. Ipapaalam nya sa lahat na nakinig ako sa isang maruming kwento tungkol kay Karpio. Tungkol sa ihi ni Esme. Kamumuhian ako ng lahat.
Sa araw ng First Communion, sinamahan kami ni Bb. Daligcon sa simbahan para sa aming First Confession. Bawat isa ay ibinubulong sa sarili ang kasalanan nila, ang sasabihin nila. Nauna si Quintos sa confession box. Sinusubukan kong pakinggan ang kasalanan ni Quintos. Para naman malaman ko kung mas malala pa ang kasalanan nya sa kasalanan ko. Ngunit wala akong marinig. Ang hina ng usapan nila. Nang matapos sya, umiiyak siyang umalis sa confession box.
Ako na ang susunod. Madilim ang confession box. May malaking krus sa may ulunan. Lumuhod ako. Bumukas ang isang maliit ng bintana. Nakita ko ang isang mukha. Ang mukha ng pari.
“Anak…”
“Basbasan mo po ako, Father. Sapagkat ako ay nagkasala. Ito po ang aking unang kumpisal.”
“Sige, sabihin mo sa akin ang mga kasalanan mo.”
“Nagsinungaling po ako, nagnakaw sa pitaka ng nanay ko, nagmura po ako.”
“Meron pa bang iba?”
“Nakinig po ako sa isang kwento tungkol kay Karpio at Esme.”
“Sa tingin ko, hindi iyon kasalan.”
“Kasalanan po iyon. Dahil nanalo si Esme sa pahbaan ng ihi.”
Nakarinig ako ng malalim na paghinga mula sa pari. Tinakpan ng pari ang bibig nya. Para syang nabubulunan. Namumula ang mukha nya.
“Anak, saan mo narinig ang kwento na iyon?” Natatawang tanong ng pari.
“Kay Mike po, kalaro ko.”
“Saan nya nakuha iyo?”
“Nabasa po nya sa isang libro.”
“Ah, sa libro. May mga librong hindi pwede para sa mga bata. Kaya iwasan mo nalang ang ganoong mga kwento. Magbasa ka na lamang ng mga kwento tungkol sa buhay ng mga santo.”
“Opo, Father.”
“Meron pa bang iba, anak?”
“Wala na po.”
“Para sa parusa mo, magdasal ka ng tatlong Abaginoong Maria, tatlong Ama Namin at ipagdasal mo rin ako.”
“Ako po ba ang may pinakamasamang kasalanan?”
“Ha-ha, hindi anak.”
Nagmula ang larawan dito...
"I will color the world one step at a time..."

22 comments:
hindi ko alam kung bobo ba talaga ako ngayon o sadyang forever slow na ako dahil di ko magetz kung bakit naging marumi ang salitang ihi,haha pero natawa talaga ako sa kwento na to,medyo weird lang..haha
Matagal na kong di nagcoconfess. Nung college retreat pa ata before grad. :(
Hindi ko pa yata nabasa yung libro tungkol kay Esme at Karpio.
At matagal na rin akong hindi nangungumpisal.
di ko naintindihan yung sa pahabaan ng ihi.. ekspresyon ba yan? hmmm...
i think ang pahabaan ng ihi is pagalingan/patimpalak ba or something? hehehe di ko alam.. basta maganda pa rin yung kwento.. :)
meron ba talagang libro tungkol kay Karpio at Esme?
parang nawawala rin ako, hehe :)
hmnn... naalala ko last confession ko nung college retreat:
"bless me father for i have sinned.. my sins are: 1. impure thoughts...."
lol...
npaisip ako matagal na din pala akong hndi nangungumpisal lampas 5 taon na ata,
pahabaan ng ihi?eh bading ata yun eh,hehe
funny story.. but it made me think why is the challenge like that.. confessions.. hmmm.. i can't remember when i had the last one..
thanks for dropping by at my blog po. are you a painter? i love to sketch.
akala ko pinoy ang nagpinta nun. then again, maraming pagkakapareho sa kasaysayan ng latin america at pilipinas
Sino ulit nanalo sa pahabaan ng ihi? =) hehehe
@superjaid
- Haha. Salamat! :)
Bakit nga ba marumi yung ihi?
@HOMER
- haha, Ako din!
@ShatterShards
- Hehe. Di ko pa rin nababasa. :)
@gillboard
- literal na pahabaan ng ihi. :)
@Niqabi
- literal na ihi contest. :)
@shykulasa
- gawa-gawa ko lang yun. :)
@Rwetha
- hmm , impure thoughts. :)
@HARI NG SABLAY
- HAHA. baka nga bading si Esme. :)
@justkyut
- hindi ko rin alam bakit ganun ang challenge. :)
@erasmusa
-dashboard confessional yung painting. :)
@Goryo
- Hala. nakalimutan ko na rin. :)
Post a Comment