Monday, July 20, 2009

PENGUIN

"Every long lost dream led me to where you are

Others who broke my heart they were like Northern stars

Pointing me on my way into your loving arms

This much I know is true

That God blessed the broken road

That led me straight to you "


-"Bless The Broken Road" by Rascal Flatts







Sa tuwing panahon ng yelo, sa gitna ng mga disyertong niyebe ng Antartica. Isang makasaysayang paglalakbay ang gumuguhit sa pinakamalamig na puso ng mundo. Isang paglalakbay na ilang libong taon nang nagaganap. Isang paglalakbay ng tunay na pag-ibig.


Sa mahigit kumulang na walong buwan, sisimulan ng mga Emperor Penguin ang paglalakbay sa kanilang breeding cycle. Maglalakad ang ilang libong penguin papunta sa kanilang breeding ground. Iiwanan nila ang magandang buhay sa asul na karagatan. Susundan lamang ang liwanag ng bituin mula sa katimugan. Susuungin ang daluyong ng malakas na hangin, matinding lamig at mapanganib na mga hayop. Aakyatin ang mga bundok na yelo. Magsisimula at magpapatuloy sa maliliit na hakbang.


Pagdating sa tagpuan, ang pugad ng suyuan. Magsasayaw ng swabeng indayog. Kasabay ng pag-awit ng musika ng puso. Hahanapin ng Emperor Penguin ang tanging kapareha na makakasama nila buong buhay. Magsisimula na ang suyuan. Uusbong ang isang pag-ibig na tanging mga Penguin lamang ang nakagagawa. Sa pagkakataon na makita na nila ang durugtong sa kanilang buhay, hanggang kamatayan na ang katapatan sa pagmamahal.


Magsasama ang mag-asawang Penguin hanggang sa makapangitlog ng isa ang babaeng Penguin. Pagkatapos nito, babalik na sa karagatan ang babaeng Penguin upang manginain. Bubusugin ng husto ang sarili at mag-iimbak ng pagkain sa kanyang katawan para sa inakay nito. Habang ang lalaking Penguin ay maiiwan upang alagaan at limliman ang kanilang itlog. Sa loob ng dalawang buwan, maglalakbay muli ang mga lalaking Penguin. Upang maghanap ng mas mainam na lugar na may magandang klima para sa mabuting kalagayan ng mga itlog. Habang nakaipit sa pagitan ng kanilang mga paa ang kanilang itlog sa buong panahon ng paglalakbay.


Pagkatapos ng dalawang buwang paglalakad at walang pagkain. Mapipisa na ang mga itlog. Hindi sapat ang reserbang pagkain ng mga tatay na Penguin para sa kanilang mga inakay. Kaya kapag hindi dumating sa tamang panahon ang babaeng Penguin, mamatay sa gutom at lamig ang munting inakay.


Sa pagdating ng babaeng penguin. At sa oras na mabuo ang munting pamilya. Ang lalaking Penguin naman ang aalis at manginginain sa karagatan. At pupunan naman ng ina ang pagkukulang sa anak. Dahil sa mahabang panahon na pagkakawalay dito. Haharapin ng inakay ang mga panganib ng lamig, kadiliman at mababangis na hayop.


Sa pagdating ng tag-init. Kapag nalusaw na ang mga bundok ng yelo. Iiwanan na ng mga magulang ang kanilang mga malalaking inakay sa karagatan upang maghanada sa panibagong paglalakbay. Panibagong breeding cycle. Uulitin nila ng maraming beses. Maglalakad sila ng ilang daang milya sa ibabaw ng malamig na teritoryo ng mundo. At muling magtatagpo ang nagkalayong mag-asawa. Gaya ng kanilang unang pagtatagpo. Pupunuin nila ng mainit na pag-ibig ang malamig na Antartica. Gaya ng magkasintahang sabik sa unang pagkikita.


Sa loob ng apat hanggang limang taon, mamumuhay sa karagatan ang mga batang Penguin. At pagkatapos, susunod na rin sa yapak ng kanilang mga magulang. Magsisimula ng panibagong paglalakbay upang makabuo ng sariling munting pamilya. At ang hanapin ang nag-iisang kabiyak ng kanilang mga puso.








"I will color the world one step at a time..."












31 comments:

Superjaid said...

wow!ganun pala yun?astig naman..may natutunan nanaman akong bago..salamat sa post na to!Ü

parang buhay din ng tao yung sa penguin noh?pero bilib ako sa pagiging responsable at patience ng mga penguin..Ü

HOMER said...

Galing talaga ni Kuya Kim isa na namang trivia ito.. MATANGLAWIN ROcks!!!! (Seriously kamukha mo talaga si Kuya Kim!) haha!!!

DN said...

Naiimagine ko na nagbo-voice over ka sa isang Pinoy-dubbed animal planet-like series. :D

Happy feet!

Niqabi said...

parang eksena sa movie na happy feet ang ganda...

buti pa mga penguin loyal..

ShatterShards said...

Ang sweet naman ng post na ito, na inalay talaga kay Peng.

Kakaiba talaga ang loyalty ng mga ibon, ano? Sa oras na makakuha ng kapareha, panghabang-buhay ang kanilang pagsasama.

Rico De Buco said...

parang ung napanood ko lng sa animal planet ah..Nagawan tlg ng nOBELA ang mga cute na penguin..hehehe

Anonymous said...

parang march of the penguins lang ah. hehe. pwede siguro ikaw na lang ung narrator dun mas masaya pa.

Joel said...

bagong kaalaman na naman, ngayon naman ay tungkol sa penguin hehe

salamat sa impormasyon.

gillboard said...

para lang penguin penguin, pano ka ginawa? hehe

an_indecent_mind said...

galing! kakabilib naman ang mga penguins...

Anonymous said...

gumaganon pala ang mga penguin... hmmm...

piberdei sa may berdei... ;)

RaYe said...

if only humans can love the same way as penguin does...



e di mas masaya sana mundo...

*lol*

Maria said...

cute tlga mga penguin.. sana makakita ako ng live ^ ^,

ACRYLIQUE said...

@superjaid

-Walang anuman. Mas responsable yata sila kesa sa tao. :)

ACRYLIQUE said...

@HOMER

- Haha. Seryoso? MatangLawin? haha

ACRYLIQUE said...

@DN

-Haha. gusto ko yung imagination mo. :)

ACRYLIQUE said...

@Niqabi

- Honga, buti pa ang mga Penguin.

ACRYLIQUE said...

@ShatterShards

-Hay sana nga basahin nya.

ACRYLIQUE said...

@RICO DE BUCO

-haha. Cute kasi sila talaga. :)

ACRYLIQUE said...

@chikletz

- Gusto ko yung March of the Penguins. Sige, papalitan ko si Morgan Freeman at Ate Shawie.

ACRYLIQUE said...

@kheed

-Salamat. Araw-araw may bagong kaalaman. :)

ACRYLIQUE said...

@gillboard

- Hehe. Ung ni-narrate ni Ate Shawie. :)

ACRYLIQUE said...

@an_indecent_mind

-I love Penguins. :)

ACRYLIQUE said...

@dhyoy

-Honga eh, Hopeless romantic pala ang mga Penguin. :)

ACRYLIQUE said...

@Rwetha

- Sana nga kagaya magmahal ng mga tao ang mga Penguin. :)

ACRYLIQUE said...

@curious_girl

- haha. Di bale, magkikita tayo. :)

SEAQUEST said...

Wow ang galing, The Penguin

gesmunds said...

naisip ko ngayon lang,,, sana penguin na rin ako.. lol!
galing galing naman... sino kaya ang may bday na peng? :)

Crappy ^_^ said...

kung ang tao parehas lng ng penguin, malamng sa malamang, di ako insekyur kung bat single pa din ako. haha

aba'y 4 'gang 5 taon ang aabutin bago sya makahanap ng labidabs e. =)

Rcyan said...

ako, hahanapin ko ang ka-penguin ko! hehe. balang araw, matatagpuan ko rin siya. who knows when? =)

pa-segue way uli. nais komh nuling i-plug.

Kuya, pwede bang bumoto ka at mag-iwan ng komento sa site na ito?
Heheh... Patulong lang po. Desperado lang makakuha ng t-shirt ni kuya mon. Heheheh... Pasensya na po sa abala.


http://www.designbyhumans.com/vote/detail/58792?page=1

Pakilagay rin po na kaibigan po kayo ni Rcyan. Salamat po talaga ng marami. Pasensya na po uli sa abala.

Anonymous said...

sana makita ko na rin ang penguin ko! Ü