Wednesday, July 1, 2009

TAXI DRIVER

"You are as useless as a flashlight with no batteries in the dark."

- J. Alexander









Kung ang isang lalaki ay may yabang na maipagmamalaki. Intelektual. Six-packed abs. Sense of humor. Pitong pulgada. Angas ni James Dean. Kasing-tulis ni Wolverine. Mas gwapo pa kay Gael Garcia Bernal. Sa isang kindat. Patagong ngiti. Sa isang akbay. Kayang-kaya mong makuha ang sinumang babae. Walang tatanggi. Walang magrereklamo.



Dalawang bagay lang ang masarap sa mundo. Beer at babae. Pero sa akin, babae lang mabubuhay na ako. Wala pa kong ibang inanyayahan sa kama ko. Iyan ang aking prinsipyo. Nariyan naman ang kotse. May motel. At may bahay sila. Kaya hindi na kailangang dalhin pa sila sa bahay ko. Mahirap na ang matunton. Mahirap nang may maghabol. Dahil kung wala kang prinsipyo, wala kang mararating.



FHM, Maxim, Cosmopolitan, GQ, Preview, Details, Vogue. Binabasa ko lahat yan. Kailangan updated din naman ako. Woman on top. Yan ang paborito ko. Todong sarap. Pero hindi ka masyadong mapapagod. Marami akong natutunan dito. Metrosexual. Iyan ang modernong lalaki. Kahit magsuot ka ng pink na kamiseta, hindi mawawala ang pagkalalaki mo. Tigasin ka pa rin. Sa totoo lang, maraming chicks ang may gusto sa isang fashionistang barako.



Sa pagtapak ko sa pedal. Sa pagkabig ko sa manibela. Sa pagpatak ng metro. Magsisimula nang umikot ang mundo ko. Lahat ng magagandang babae nasa Maynila. Kailangan mo lang tumingin sa paligid. Bawat isa natatangi. One of a kind. Parang nais kong kilalanin lahat. Kaya gustong- gusto kong libutin ang buong Maynila. Ito ang siyudad. Ito ang buhay.



Sumakay si Virgie sa akin sa Tomas Morato. Mayaman. May asawa. Kaya hindi pa ako nag-aasawa dahil sa mga tulad nya. Anim na buwan syang mawawala. May asian trip sila ng mister nya. Kailangan nyang makipagkita sa akin. Pabaon raw nya sa paglipad nya. Madali syang mapasaya. Konting papuri lang. Madali syang mapaamo. “Ang ganda mo ngayon”. “Bagay sa iyo ang damit mo”. “Ang bango mo”. Ang kapalit nun, sapat na para mabuhay ng isang buwan. Makakabili pa ako ng damit at sapatos.



Mag-a-alas onse na ng gabi. Kailangan ko na bang umuwi sa maiinit kong kwarto at walang lamang pridyider? O pupunta ako sa Veteran’s Village, may mayayakap at breakfast in bed? Sya si Myrna. Ang aking semi-regular girlfriend. Masyado syang sensitibo. Pero masarap syang magluto. Minsan sinabihan nya ako ng I love you. Ang sinagot ko, Thank you honey. Nagtampo sya. Umiyak. Gusto nyang magsama kami. Gusto nya ng commitment. Translation: Pagdurusa. Wala syang asawa. Pero may isang anak. Minsan naiisip ko, kahit pala gwapo nagkakamali rin. Huwag na huwag papatol sa isang single mom. Kasi madalas may kasama silang accessory. Lalo pa’t hindi mo mapapahindian. Mapapalapit at mamahalin mo na rin.



Meron akong kapitbahay. Si Mr. Lin. Isang instik. May-ari ng pagawaan ng hopia sa Binondo. Araw-araw pinagluluto sya ng asawa nya ng paborito niyang chopsuey. Pinagpiplantsa. Pinaglalaba. Pero araw-araw nyang sinisigawan ang kawawang maybahay. Ginagawa nyang katulong. Isang araw nilayasan sya ng misis nya. Magmula noon, araw-araw nang umiiyak ang matandang intsik.


Mayroon akong bestfriend, si Marlon. Nakipagbreak sa kanya ang girlfriend nya, si Lisa. Isang office girl sa Makati. Pumara si Lisa sa akin sa Malate. Pauwi sya galing gimik. Dumaan kami sa isang gasolinahan. Nagyaya pa syang uminom. Na nauwi sa isang umaatikabong digmaan sa ibabaw ng dining table ng bahay nya. Lumipas ang mga araw. Ang sabi sa akin ni Marlon nagkabalikan na sila ni Lisa. Halos makalimutan ko na ang amoy ni Lisa nang makita ko syang muli. Pauwi sya galing trabaho. Buntis daw sya. Hindi nya alam kung sino ang ama. Kung manganak sya at kamukha ko ang bata. Iyon na siguro ang katapusan ng pagkakaibigan namin ni Marlon.


Iniisip ko wala nang mas masaklap pa kaysa kamatayan. Pero isang umaga, isang pangyayari ang gumising sa akin. Hindi ko na magawa ang dating nakagawian sa isang malamig na umaga. Di na makalipad si Astroboy. Patay na nga si Optimus Prime. Di na tigasin si Manoy. Knock out na si Pacman. Di na makadungaw si Kapitan. Tumumba na si Ironman. Di na makalangoy si Free Willy. Hindi ito maaari.Bakit ako pa? Masyado pa akong bata para sa Viagra.





"I will color the world one step at a time..."

41 comments:

ACRYLIQUE said...

**Woot-woot**

I am back!!!

I went hunting up in the North to retain my sparkle. Haha!

Miss you Guys!!

DN said...

hehehehhe. as usual maganda na naman ang kwento mo.

hahahhaha. bakit kaya napaaga ang pagsuko ni manoy? :P

Jepoy said...

Una sa lahat ang tagal mong absent...

Hunting talaga?! lol

Pangalawa... Panu na si Manoy ang bilis naman nag wagayway ng puting bandila....

Awwwwwwwwwwwwwwwww!

SEAQUEST said...

Yan kasi mahilig takot naman sa commitment eh di ngayonsan cia napunta sa wala hehehe,...curios ako anong meron pag na inlove sa isang single mom?

Rico De Buco said...

napagod sa kakaflag ceremony..hhehehee

HOMER said...

May post ako dati re "ITS COMPLICATED" na status, naisip ko lang kasi madaming advantage kasi kung walang commitment eh,pero sabi ng isang kaibigang babae unfair daw sa babae, pabor daw sa lalaki yun, pero pero why would you commit when youre not ready. Masarap naman talaga yung affection and intimacy diba? Why do we have to give labels to a relationship kasi? wala lang sana pwede nalang yung 'masaya' kayong dalawa together, nood sine, tabi matulog, magkayakap, magkiss, magsex, or masaya lang kayong naguusap. No attachments, no commitments. Parang concept ng live-in. Wala lang, mas trip ko yun, kaso sa culture kasi nating mga Pinoy di ubra eh hehe!!

Re: sex sa kotse, mahirap yan baka may makahuling guard or brgy tanod haha!! maireport pa kayu, mahirap na kaso yan haha!! :D may kakilala kasi ako naganyan..

PASENSYA na naki-BLOG nako dito haha!! :D

Anonymous said...

bakit kaya laging takot sa commitment ang mga lalake? pansin ko lang ah. hehe.. mas gusto ko nila single and to mingle..

mga lalake talaga o.. haha!

Anonymous said...

hahaha... naaliw ako!

Joel said...

haha ayan na yung karma, kelangan na ng viagra. hehe

ingat ingat lang sa mga ginagawa natin..

Jepoy said...

@Chicketz si Arvin hindi takot sa commitment. Acrylique sana maka relate ka ahahaha

Yun lang

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

Winner! may taxi driver kwento rin ako...kaya lang, mahalay masyado for general consumption. Haha :)

dÖLL said...

huhuuh :((

commitment = PAGDURUSA!


OMG...

anyways, super ayos ng entry na 'to!


Good Morning ... ò

shykulasa said...

na miss kong basahin ang mga kwento mo pero sumabay ka pala sa bakasyon ko hehe, anong hinunting mo sa norte?

rare commodity na talaga ang mga lalakeng committed, hay! but who needs them, hehe

ORACLE said...

tsk! tsk! tsk! Good luck na lang parekoy. Mag kapote kasi aba! Tag-ulan na, minsan may biglaang baha, minsan nakakalunod kung papaanod ka. Dapat matuto tayong lumangoy kahit gaano man kadumi ang tubig dahil kung tutuusin, lilinaw din ito pag humupa na ang ulan...

joyo said...

bakit kailangan niya ng gumamit na ng viagra? hmmmm....

Niel said...

hay naku. sabihin mo kay manong taxi driver, may iba pa naman syang parte ng katawan. may dila sya. balita ko patok daw yun.

saka baka gusto nya din magbranch out sa iba like being a bottom. doink!

an_indecent_mind said...

ok talaga entries mo brod...

ingat ingat lang... madami pang susuunging labanan...

"too many girls for you, so little time.." hahaha!!

PinkNote said...

yan ang tinatawag na karma..haha

Hari ng sablay said...

ayoko mngyari sakin yun, yung viagra ktapat ko,haha yun na nga lang kaligayahan ko,lols

citybuoy said...

BUTI NGA! haha haay as usual, na-move mo nanaman ako.

ACRYLIQUE said...

@DN

- Hehe. thanks dude. Bakit nga kaya ang aga?

ACRYLIQUE said...

@Jepoy

-Almost a week din akong absent. yes! hunting! Haha, gudluck kay manoy.

ACRYLIQUE said...

@SEAQUEST

- Siguro masarap nga ma-inlove sa single mom. :)

ACRYLIQUE said...

@RICO DE BUCO

- Honga, nag-bow agad.

ACRYLIQUE said...

@HOMER

- Affected ka tol? APIR! haha.
Approve ako sa concept mo. We are here to break the norms. :)

ACRYLIQUE said...

@LhanDz

- ako rin naaliw!

ACRYLIQUE said...

@chikletz

-Hoinga, mga lalaki talaga. hehe

ACRYLIQUE said...

@kheed

- hays. naku talaga. :)

ACRYLIQUE said...

@Jepoy

- hmmm. Sino si Arvin? haha nakealam. :)

ACRYLIQUE said...

@Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas

- I-post mo yang taxi driver story mo. :)

ACRYLIQUE said...

@d O L L

- Salamat! Ayos din tayong lahat! :)

ACRYLIQUE said...

@shykulasa

- Na-miss rin kita. hehe.
ipopost ko ang ginawa ko sa norte next time. :)
Extinct na talaga ang mga matitinong lalaki. tsk.tsk

ACRYLIQUE said...

@ORACLE

- Tama. titiin din ang tubig kanal. :)

ACRYLIQUE said...

@joyo

- bakit nga kaya kailangan nya gumamit ng viagra?

ACRYLIQUE said...

@an_indecent_mind

- life is short! :P

ACRYLIQUE said...

@Niel Camhalla


- Honga. back to back. from top to BOTTOM! :)

ACRYLIQUE said...

@PinkNote

-what comes around goes around.

ACRYLIQUE said...

@HARI NG SABLAY

- Haha. Grabe nga. :)

ACRYLIQUE said...

@cb :: 林偉文

- Buti nga sa kanya. hihi pabling kasi.. :P

Rouselle said...

Well, serves him right, don't you think? Selfish creep. Wahaha. Affected! :D

San ka pumunta Acrylique? Welcome back!

ACRYLIQUE said...

@- A n g e l -

- Ganun siguro dapat ang ginagawa sa mga pabling. :)