Tuesday, July 14, 2009

HOSTIA

“ Is Jesus Truly Present in the Eucharist?”


- John Parish








Ang sabi ni Bb. Daligcon, sa susunod na araw daw darating ang pari para mag-obserba sa pagtuturo nya ng Katesismo. Kaya ituturo nya sa amin kung paano gawin ng tama ang Holy Communion.


Kumuha sya ng mangkok. Gumupit ng malilit na bilog na papel. Sinlaki ng singkwenta sentimos. Yung barya na may agila at sa kabilang mukha ay si Marcelo H. del Pilar. Ibinigay nya kay Pandoy ang mangkok na may papel. Pinaluhod nya si Pandoy. Kumuha sya ng isang bilog na papel. Bumulong siya ng "Katawan ni Kristo". Sinabi nya kay Pandoy na magsabi ng "Amen". At ilagay ang bilog na papel sa dila ni Pandoy. Sa pamamagitan ni Pandoy ipinakita sa amin ni Bb. Daligcon ang wastong paglabas ng dila at paglagay ng bilog na papel. Kapag nasa dila na ang papel, tumigil daw sandali at dahan-dahang ipasok ang dila. Pagdaupin ang mga kamay. Tumingala sa langit. Pumikit. Hayaang malusaw ang papel sa dila. Marahang lunukin. Magdasal at magpasalamat.




Pinigilan namin ang malakas na tawa nang ilabas ni Pandoy ang dila nya. Noon lang kami nakakita ng isang malaki at nangingitim na dila. Minulat nya ang kanyang mga mata. Hinuhuli kung sino ang mga tumatawa. Wala syang magawa dahil hindi pa sya pinapatayo ni Bb. Daligcon.


Pagkatapos, kaming lahat naman ang pinaluhod. Isa-isa kaming binigyan ni Bb. Daligcon ng bilog na papel. Bumubulong sya sa Latin. Ang sinumang mahuli nyang tumatawa ay sinisigawan nya na parang leon.
Sinabi nya sa aming ilabas ang dila, yung tama lang para hindi malaglag ang hostia sa sahig. Dahil kung malalaglag daw ang hostia, iyon ang pinakamalalang mangyayri sa pari. Kung dudulas daw kasi ito sa dila, kailangang lumuhod ang pari at pulutin ito ng kanyang dila. Didilaan rin nya ang sahig kung sakaling gumulong ito at tumalbog-talbog. Mamamaga daw ang dila ng pari. Magiging sinlaki ng singkamas. At ikamamatay nya.


Ang First Communion daw ang pinakabanal sa lahat. Ito raw kasi ang unang pagkakataon na tatanggapin namin ang dugo at katawan ni Kristo. Ewan ko ba, sa tuwing pinag-uusapan ang First Communion mas excited pa si Bb. Daligcon kaysa sa amin. Palakad-lakad sya sa loob ng kwarto. Paikot-ikot. Ikinukumpas ang hawak nyang stick. Dahil magiging tunay na Kristiyano na kami.


Palagi nyang sinasabi na sa bawat klaseng tinuruan nya may nagiging pari at madre. At dahil kami ang pinakawalaang pag-asang klase na tinuruan nya. Ayon sa kanya, nagdadalawang isip sya kung may magpapari sa amin. Pero ang bawat isa daw ay may dahilan kung bakit nabuhay. Bawat isa ay may misyon. Hindi raw namatay si Kristo sa krus para sa wala. Namatay daw sya para iligtas kami. Ang iligtas kami sa apoy ng impiyerno.


Pagkatapos, pinauwi na nya kami.



Nagmula ang larawan
dito...




"I will color the world one step at a time..."

26 comments:

ShatterShards said...

Anong lasa ng bilog na papael? Malamang hindi ito kasing lasa ng tunay na hostia.

I've never had my first holy communion. My school decided to delay the rites because our batch apparently was too young for communion. Unfortunately, I switched schools after that year, and my batch at the new school already had their communion the year before.

My parents didn't bother to arrange for me to have it then, and I didn't mind either. hehe

RaYe said...

hmmnn.. parang di naman ganun turo sa amin sa st. scho...

ang naalala ko pa, minsan may madreng nakalaglag ng hostia sa floor ng quadrangle.

pinulot nya yung hostia, hinalikan yung lugar kung san iyon bumagsak, isinubo ang hostia at nilunok..

talagang si bb. daligcon... kaiba ang teaching style.. ehehe

lucas said...

[Dahil kung malalaglag daw ang hostia, iyon ang pinakamalalang mangyayri sa pari. Kung dudulas daw kasi ito sa dila, kailangang lumuhod ang pari at pulutin ito ng kanyang dila.]

really? ngayon ko lang nalaman to ah. well, i'm no catholic. it's just interesting to know such things... very complex kasi yung mga rights at ceremonies ng mga katoliko pansin ko...

Anonymous said...

haha! nananakot lang ba si bb. daligcon? hangkulet! LOL!

ung samin naman haw-haw flakes ung pinagpraktisan namin na hostia.. ung sa inyo papel????

haha!

Jepoy said...

"Basbasan nyo po ako Padre pagkat akoy nag kasala..." yan ang mga katagang dapat naming ma memorize nung first mag take kame ng first communion at nakalimutan ko na yan nung turn ko na. Sabi ko sa Pari "Kuya Next time nalang ako ha.." kaya hindi ko na tikman ang hostia noon kagad...

gillboard said...

may pinaghuhugutan ba tong mga kwentong to...

ACRYLIQUE said...

@ShatterShards

- sana yung wrapper ng white rabbit na lang ang ginamit. hindi papel. hehe

- i think it wont hurt naman if you did not get a formal first communion:)

ACRYLIQUE said...

@Rwetha

- hehe. ganun talaga yata ginagawa nila sa nahulog na hostia.

ACRYLIQUE said...

@lucas

- usually ang ginagawa ng pari o madre kapag nahulog ang hostia pinupulot lang pero hahalikan ang floor.

ACRYLIQUE said...

@chikletz

- may haw-haw milk candy pa ba? miss ko yun. ;)

ACRYLIQUE said...

@Jepoy

-Haha. Masabi nga minsan yun sa pari. "Kuya next time na lang ako ha." :)

ACRYLIQUE said...

@gillboard

-Syempre naman. lahat ng bagay may pinaghuhugutan.

Let's just say, base ito sa tunay na pangyayari. :)

ShatterShards said...

@ Lucas: The host has been consecrated, and as such, represents the body of Christ. It is sacrilegious to leave it on the floor, and even the crumbs are as important as the whole pieces. Kaya usually, may acolytes na kasama yung pari during communion, para sumalo ng mga hostia na hindi nag-swak sa bibig ng parokyano.

Yikes! Sinasapian na naman yata ako... But then again, 8 years of religious schooling is hard to erase. hehe

eMPi said...

ganon ba yon? ang alam ko rin kapag di naubos ang hostia at yong tinatawag na dugo ni kristo, ay kakainin lahat at iinumin ng pari yon.


gandang umaga.. :)

Superjaid said...

di ko alam na ganun pala ang mangyayari kapag nahulog ang ostia..di rin kasi ako catholic..hehe Ü ano kayang lasa nung bilog na papel?dapat nga papel na lang nung white rabbit ang ginamit,wahaha Ü

SEAQUEST said...

HIndi naman kailangan dilaan kapag nahulog ito ng pari o ng layko o sinuman na nagbibigay ng komunyon ang dapat lang talaga pulutin ito atkung maari oo halikan ang lugar kung san nahulog ang ostis kasi nabasbasan na ito durong the holy eucharist, pero kung hindi pa namn namimisahan weehhhh wag ka maingay pinapapak namin yan nuon nun ngwowork ako sa simbahan lalao na yung alak ang sarap hehehe....pero ciempre pag namisahan na di na puede pero ang gingawa namin nun sa mga batang nag first communion sinsawsaw namin muna sa alak before give it the child paradi na macurious sa lasa ng alak and it also represent as the blood of God during sa pagpapako sa kanya sa krus...mahabang expalanation eh...search nio na lang...

SEAQUEST said...

At saka hindi lang catholic ang gumagamit ng hostia even methodist...

batang narS said...

haha. jst remembred my frst holy communion..at ng pers time kung magkumpisal.hehe.dun din kasi namit ko ang bespren ko hanggang ngayon:D

Bi-Em Pascual said...

ako nun minsan, sakristan sa misa. tapos nung communion na, ung pansalo sa bibig ng mga tao, sinahod ko sa bibig ng pari. nagulat tuloy sha sabay natawa kasi sa kanya ko sinahod. di na ko nagsakristan uli...

joyo said...

e bakit kailangang papel pa ang pinagpraktisan... kelupit naman... pwede naman kendi hihi.. :)

Anonymous said...

hindi ung hawhaw milk candy sinasabi ko.

iba pang haw haw..ung bilog bilog na pula na flat..tas chinese ung letters ng wrapper. parang hostia talaga pero pula tas mas maliit ng onti sa hostia.

haba ng explanation ko. haha!

Eli said...

tama naman siya sa sinabi niya na bawat isa ay may misyon pero ang sabihin na "Ang First Communion daw ang pinakabanal sa lahat. Ito raw kasi ang unang pagkakataon na tatanggapin namin ang dugo at katawan ni Kristo."? Ewan ko lang ah.. Hindi parin pala natatapos ang saga kay Bb. Daligcon. lovvee it.

Niel said...

malaman. mahirap isubo. kita mo si seaquest, ayaw tanggapin ng buo.

Arvin U. de la Peña said...

ok..

Ako ay isa ng muslim dahil sa kagustuhan kong maging asawa ang dalawang blogger na kilala mo. Nakapagsulat pa ako ng tula para sa kanilang dalawa at iyon ang new post ko..hope u read it..

Unknown said...

i cant even remember if i've experienced a first communion ritual :)

PinkNote said...

kawawang pandoy nilagay talaga sa dila ang papel..hahha at teka, talagang dila ang gagamitin ng pari sa pagpulot ng nalaglag na ostiya..hehehe^^