Sa ika-labing anim na kaarawan ni Paolo, susubukan nyang mag-isa. Alam nyang kayang-kaya nya. Umaambon nang gabing iyon. Tutol man ang kanyang ama, hiniling nito na sa susunod na gabi na lang. Kapag hindi na maulan. Pero nagpumilit si Paolo. Aaalis syang mag-isa. Kahit hindi sumama ang kanyang ama. Iyon na ang huling gabing magkasama silang maghahanap.
Kinuha ni Paolo ang kanyang jacket. Sinundan sya ng kanyang ama sa dilim ng gabi. Nakarating sila sa madilim na bahagi ng parking lot ng isang sinehan. Ito ang lugar na napili ni Paolo. Tahimik silang naghintay. Nagmamatyag sa buong paligid.Isang oras na ang nakalipas, tanging sila lamang at mga kotse ang naroon. Bakas ang pagkainip sa mukha ng ama.
“Hayun sya,” bulong ni Paolo.
Isang maputing babae na may itim na buhok ang lumabas mula sa elevator. Maingay ang bawat hakbang nito. Sa tuwing magtatama ang semento at takong ng kanyang sapatos. Habang iwinawasiwas ang hawak nyang pulang payong.
“Sino sya? Pokpok ba sya?” tanong ng ama.
Isang artista ang babae. Wala syang masyadong kaibigan. Sabagay, hindi rin naman sya palakaibigan. Kaya madalas, mag-isa syang nanonood ng sine. Nakamasid sa bawat kilos nya ang mag-amang nasa dilim.Hinahanap nya ang kanyang kotse. Humakbang papalapit si Paolo. Nasipa nito ang isang latang basurahan.
Hinanap ng babae kung saan nagmula ang ingay. Bago pa sya lumingon, nasa likuran na nya si Paolo. Sinampal nya ang babae at sumubsob sa semento. Mabilis itong nakatayo at sumigaw. Hinampas nito ang hawak nyang payong. At tumama sa mukha ni Paolo. Nagpatuloy sya sa pagsigaw. Kasabay ng isang malakas na tadyak sa itlog ni Paolo. Nagtatakbo ito papalayo. Nabuwal si Paolo hawak ang kanyang harapan sa sobrang kirot. Nakita nya ang kanyang ama na akmang susunggaban ang babae.
“Huwag, akin sya!” sigaw ni Paolo.
Itinukod ni Paolo ang kanyang kamay sa semento at tumayo. Paika-ika syang tumakbo. Habang nakasalo ang kaliwang kamay nito sa kanyang harapan. Naabutan nya ang babae. Hinablot sa likod. Nabuwal sila at gumulong sa semento. Nakapatong si Paolo sa babae. Nagpumiglas ito at umiiyak. Nagmakaaawang huwag syang saktan. Ito na ang pagkakataon ni Paolo. Pinuntirya nya ang lalamunan ng babae. Buong lakas nya itong sinunggaban. Sa pagpupumiglas ng babae, nakailag ito. Hindi man lang sumayad ang labi ni Paolo. Sumubsob ang nguso ni Paolo sa magaspang na semento. Sandali siyang tumigil at lumuwag ang pagkakahawak nito sa babae. Ito ang pagkakataong hinintay ng babae. Nakatayo siya at mabilis na nagtatakbo.
“Shit!” sigaw ni Paolo habang hinahabol ang babae.
Sa pagkakataong ito mas bumilis ang mga kilos ni Paolo. Tinalon nya mula sa likuran ang babae. Ang matutulis nitong ngipin ay bumaon sa batok ng babae. Bumagsak ang babae. Dinig ni Paolo ang malakas na paghampas ng noo ng kaawa-awang artista sa basang semento. Mas lumalim ang pagbaon ng mga ngipin ni Paolo sa leeg ng babae. Wala na itong malay, kaya naging mas madali kay Paolo ang pagpatay. Sinaid ni Paolo ang dugong nanggagaling rito. Hanggang sa wala na siyang masipsip.
“Tama na yan!” suway ng kanyang ama. Hinahatak nito ang anak papalayo mula sa patay na babae.
“Iwanan mo ako!” sigaw ni Paolo. Kinagat nitong muli ang leeg ng babae. Pagkatapos ay tumingin sa ama. Nagtitigan sila.
“Ano na?” tanong ni Paolo habang pinupunasan ang dugo sa paligid ng kanyang bibig at sa baba.
“Hintayin mo ako rito. Ako na ang bahala sa katawan nya,” nakangiting sagot ng ama.
“Hindi. Ako na ang bahala. Umuwi ka na. Hintayin mo ako sa bahay,” pagtutol ni Paolo habang pinipilit na buhatin ang mabigat na katawan ng babae. “Uuwi rin ako kaagad.”
"I will color the world one step at a time..."
31 comments:
moonlight ba yan? haha
akala ko naman reypist si paolo, vampire pala hehe..
based pala ako.. woot woot!
@kheed
- SAVED!! :)
Haha, moonlight ba?
akala ko rin rapist..hehe
anu kayang gagawin nya dun pagkatapos?? hmmm...
@PinkNote
- Hmm. ano kaya ang pwedeng gawin yun pagkatapos?
ahaha!! kawawa naman yung babae haha!! :D
Ayus si daddy ah MOLAR support hehe!
Wow!! so fan ka pala ng twilight saga hehe!! ako hindi eh hehe
@Hinahap ni Paolo si Bella Swan Cullen aagawin nya k edward pero dapat mag ingat sila dahil si Jacob Black at tropa nya ay nasa paligid lang....
Talagang dinagdagan ang istorya?! ahahaha
hala...
takipsilim ito hehehe
nice one!
i lab'et!
hehhe..
Twilight Saga is back. Lol.
haha ayos ah.si paolo ba ang counter ego ni edward dito sa pinas?teka si bella ba yung babae?hndi cguro noh kasi bida yun.
nabitin ako ah.. kelan ang kasunod?
naks.. parang true blood lang...
Bakit Pangil yung title? Pati bakit niya sinipsip yung dugo nung artista? Masarap ba iyon? hehe
Ayos, Daleee ubos ang dugo...yes, tumama din hula ko sa wakas naiisp kona kasi agad eh titol pa lang. Godbless
uy nabitin ako.... sundan mo na agad.... akala ko bold yung binabasa ko... hahaha yun pala kampon ng kadiliman si paolo.... hahahahahaha jamming sila ng tatay niya?
akala ko rin rapist yun pala mga kampon ng Volturi .... hehe, malapit na ang New Moon :)
Kawawa naman ang babaeng dinner. Tsk tsk. :D
@HOMER
- CANINE and MOLAR support si Daddy!
Hindi namn masyadong fan. :)
@Jepoy
- Haha. sige lang. :)
@chorvacheorvamus
- Meron na bang Takipsilim?
@LhanDz
- Unahan ko na sila..:)
@HARI NG SABLAY
- Cguro ako si Bella. haha
@chikletz
- naku Chikz, mahilig ako mambitin! :)
@gillboard s
- Honga, bakit puro twilight nasa isip nila. hehehe
@ShatterShards
- Papalitan ko ba ang title? hehe. Pwede rin namang iba ang sipsipin. :)
@SEAQUEST
- haha. Sapul mo dude!
@saul krisna
-Hayan may karugtong na. :0
@shykulasa
- Malapit na nga!! :)
@- A n g e l -
- Siguro oras lang talaga nya.. :(
kakaibang kwento ng bampira. (^-^)
@Rcyan M.
- Pinalibutan na kasi ako ng mga bampira. :)
Post a Comment