Sunday, July 5, 2009

VIRGIN LABFEST 5: SCHOOL OF LIFE (Isang Review)

"An unstable tone combination is a dissonance; its tension demands an onward motion to a stable chord. Thus dissonant chords are 'active'; traditionally they have been considered harsh and have expressed pain, grief, and conflict."


Roger Kamien




School of Life (Mga Dulang Walang Pinag-aralan)




Isang Mukha ng Pandaraya by Oggie Arcenas, directed by Roli Inocencio
Ang Huling Lektyur ni Misis Reyes by Tim Dacanay, directed by Hazel Gutierrez
Mababang Paaralan ng Caniogan by Job Pagsibigan, to be mounted by the SipatLawin Ensemble




ANG HULING LEKTYUR NI MISIS REYES


First time ko makita ang Manila Bay. Kahit maulan ang hapon na iyon. First time ko makarating sa CCP. "Ah, ganun pala ang itsura nun." First time ko makapanuod ng play...doon. Excited ako.


Ang tema ng mga dulang pinanuod ko ay School of Life (Mga Dulang Walang Pinag-aralan). Sumasalamin sa pagkakaiba ng pinag-aralan sa paaralan. Higit sa ipinakitang galing ng mga dula. Mas nanumbalik sa akin ang mga naranasan ko sa paaralan. Ang mas tumatak sa isip at damdamain ko, si Misis Reyes. Ang Huling Lektyur ni Misis Reyes.


Monologue. Sa tingin ko, madaling isulat. Ngunit mahirap isadula. Lalo pa at napakahaba ng mga linya. Napakaraming sasabihin. Ikaw at mga props mo ang aarte. Sarili mo ang support. pero ikaw lang ang bida. Nasa iyo ang spotlight.


Si Misis Reyes. Sa tingin ko kilala ko siya. Siya ang paborito kong guro. Ang aking guro sa English. Sya ang bukod tanging guro na nagbigay sa akin ng uno sa classcard noong kolehiyo. Naaalala ko pa. Sya ang nagsabi sa akin ng, "It's all in your charms, Darling. It is all in your charms." Sya ang paborito ko. Malamang ako rin ang paborito nya. Lahat ng sinasabi ko, pinapaboran nya. Binibilang namin ng seatmate ko kung ilang beses nya ako sabihan ng VERY GOOD. Kahit hindi ako nag-re-recite. Ako lagi ang "good example" nya.


Second year college ako noon, second semester, Finals. Ang Finals namin, kailangan naming gumawa ng isang speech. Ang topic ko, SEX EDUCATION. Dalawang araw bago ang finals. Nakarating sa amin ang isang napakasamang balita. Para sa akin, mas doble ang sama. Pumanaw bigla si Mrs. Reyes. Inatake ng hika. Nakitang walang buhay sa banyo. SLN. Talagang mas masamang balita para sa akin. Wala na ang aking paboritong guro. Ang tanging guro na nakakasundo ko. Ang tanging uno na nakukuha ko. Ang buhay nga naman.


May pumalit sa kanya para mag-administer ng Finals namin. Si Miss Morales. Hindi sya bias...sa akin. Hindi na ako ang paborito. Nang nag-deliver ako ng speech, puro negative comments ang natanggap ko. Wala syang pinapaboran. Kaya ang final grade ko, 2.0. Misis Reyes, sana man lang naghintay ka, kahit ilang araw man lang. Sana kinaya mo pa kahit konti. Na-miss kita...kanina.


Ngunit hindi iyon ang talagang tema ng dula. Nagkataon lang na pareho ang pangalan nila ng bida. Sa dula, ang tinuturo ni Misis Reyes sa high school ay MUSIC. Magaling ang pagganap ni Marjorie Ann Lorico bilang Misis Reyes. Naipakita nya sa entablado ang buhay ng isang guro at pagiging sensitibo nito sa buhay. Ang buhay ni Misis Reyes na unti-unti nyang naikukuwento sa pagitan ng bawat lektyur. Isang lektyur na pinaghandaan nya ng mabuti. Sa sobrang paghahanda, late sya sa klase. Ang kanyang nakaraan at problema sa pamilya ay gumugulo sa isipan nya nang araw na iyon. Pag-ibig na nauwi sa paghihiwalay nila ng kanyang asawa. Ang pagiging addict ng anak nya sa dota at internet. Ang tampuhan at di pag-uusap nila ng ate nya. Ang pagiging bakla ng pamangkin nya.


Ngunit sa kabila ng passion nya sa pagtuturo ng musika, nagmungkahi sya kay Sister Principal na magturo ng isang sensitibong subject. SEX EDUCATION. Isang mabuting liberal na guro na may mabuting layunin. Syanga naman, wala bang karapatan ang mga nabuntis na estudyante na makapag-aral. At karapatan ng bawat estudyante na matutunan ang isang importanteng bagay na nagiging sanhi ng napakaraming populasyon ng Pilipinas. Ilang buwan nyang pinaghandaan at pinag-aralan ang subject na ito. At sa araw ng presentasyon nya sa harap ni Sister Principal. Masasabi kong talagang pinaghandaan nya. Dahil may dala syang isang malaking drowing. Kinulayan pa niya ng 'brown'. Teka, paano ko nga ba ide-describe ang drowing. Isa itong malaking 'titi' na iginuhit nya sa isang malaking illustration board. San ka pa? Titi talaga kung titi. Ayon sa kanya, burat. Pagkatapos ng demo nya. Isang malaking HINDI rin ang ibinigay ni sister Principal. At dahil sa prustrasyon, naisipan ni Misis Reyes na ituro ang pinakaasam-asam nyang sex education sa huling lektyur nya bago ang graduation.


Honga naman. Ano nga ba nag pinagkaiba ng sex sa love making sa pagtatalik sa kantutan? Ano nga ba ang masama sa pagiging bakla? Sa pagkakalugmok ng iyong anak sa mga porn sites? Isang puting babae na pilit pinapasukan ng isang malaking negro. Mali man, iyon ang pakakarinig ko. Ano ba ang masama kung ituturo sa mag high school students kung paano ang tamang pagsusuot ng condom? Gamiting example ang isang saging na lakatan at strawberry flavored condom. Pindutin lamang ang dulo at dahan-dahang ipasok sa kabuuan ng saging. Paalala; Hindi sa saging ginagamit ang condom, example lang. Mapait nga naman ang rubber, kaya dinilaan nya. Para malamang strawberry flavor ang condom? Hindi isang beses nya itong dinilaan, tatlong beses pa. Word of the day- DISSONANCE. Na pinauso ni MOZART (Mochart). At ano nga ba naman ang pinagkaiba ng chupan sa syopan? At bakit kailanganing kuwestiyunin ang pagyoyoga ng isang music teacher?



Sa madaling salita. Naaliw ako. Natuwa. Marami akong natutunan. Iyon naman ang importante, ang hindi ka malimutan ng manonood mo. Kung mayroon pang pagkakataon na mapanuod ko ito, uulit-ulitin ko. Hanaggang sa makabisa ko na ang bawat linya ng monologo. Ako na ang aarte sa harap ng salamin. Sana nga maulit pa. Kasi hanggang ngayon lang (July 5) ang pagsasadula.







Virgin Labfest 5 is "Untried, untested unpublished and unstaged" plays from playwrights - emerging and established - make their first public appearances by leading directors, actors and designers from Philippine theater community.

It's being held at the Cultural Center of the Philippines (CCP) from June 23, 2009 to July 5, 2009 with matinee (3 pm) and night performances(8 pm).

SET A: School of Life (Mga Dulang Walang Pinag-aralan)
June 23: 3pm, 8pm
July 4: 8pm
July 5: 3pm

MPC by Job Pagsibigan, to be mounted by the SipatLawin Ensemble
Ang Huling Lektyur ni Misis Reyes by Tim Dacanay, directed by Hazel Gutierrez
Isang Mukha ng Pandaraya by Oggie Arcenas, directed by Roli Inocencio

SET B: It's Complicated(The Buhul-Buhol Trilogy)
June 24: 3pm, 8pm
July 3: 8pm
July 4: 3pm

Salise by J. Dennis Teodosio, directed by Roobak Valle
Ang Mamanugangin ni Rez by Clarissa Estuar, directed by Paolo O'Hara
So Sangibo A Ranon Na Piyatay O Satiman A Tadman by Rogelio Braga, directed by Riki Benedicto

SET C: Blood Sports (Trilohiyang Dinuguan )
June 25: 3pm, 8pm
July 3: 3pm
July 5: 8pm

Kitchen Medea by Kiyokazu Yamamoto, directed by Yoshida Toshihisa
Doc Resurrecion: Gagamutin ang Bayan by Layeta Bucoy, directed by Tuxqs Rutaquio
Asawa/Kabit by George de Jesus III, directed by George de Jesus III

SET D: The Family That _______s Together(Tatlong Dulang Walang Diyos)
June 26: 3pm, 8pm
June 30: 3pm
July 2: 8pm

Boy-Girl ang Gelpren ni Mommy by Sheilfa Alojamiento, directed by Carlo Pacolor Garcia
Maliw by Reuel Molina Aguila, directed by Edna Vida
Cherry Pink and Apple Blossom White by George Vail Kabristante, directed by Paul Santiago

SET E: Life is a Trap (Three Plays in Search of Escape)
June 27: 3pm, 8pm
June 30: 8pm
July 1: 3pm

Isang Araw sa Peryahan by Nicolas B. Pichay, directed by Chris Millado
Paigan by Liza Magtoto, directed by Sigrid Bernardo
Hate Restaurants by David Finnigan, directed by J. Victor Villareal

The Virgin Labfest 4 Revisited
June 28: 3pm, 8pm
July 1: 8pm
July 2: 3pm

Ang Kalungkutan ng mga Reyna, written and directed by Floy Quintos
Ang Bayot, Ang Meranao at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte by Rogelio Braga, directed by Nick Olanka
Uuwi na ang Nanay kong si Darna, Job Pagsibingan’s adaptation of Uuwi na ang Nanay Kong si Darna by Edgar Samar, directed by Catherine Racsag






"I will color the world one step at a time..."

31 comments:

HOMER said...

Sayang napurnada ang uno! Si Mrs. Reyes kasi eh di nakapaghintay masyadong excited sumakabilang buhay haha!! :D

Naku wala nakong time sa plays hehe!! saka medyo malayo sa CCP. hehe!! :D

gillboard said...

mukhang interesting yan.. nabasa ko yan kay ewwik.. kaya lang la ako time for plays..

DN said...

Honga naman. Ano nga ba nag pinagkaiba ng sex sa love making sa pagtatalik sa kantutan?

-------

Haha. We live in a euphemistic country. Kung ayaw mo. ma-X rating ng MTRCB, bulayin mo ng mabuti ang mga salitang gagamitin mo at mga eksenang kukunan mo. Nyahahaha.

Anonymous said...

play ba yan... gusto ko manood nyan... haizz kaso di pwede... napaka-interesting!

RaYe said...

hmnn.. parang magandang panoorin.. pero ala pa ako time sa ngayon.
mukha pa namang interesante yung paksa..

livingstain said...

san ba ako makakabili ng mga book na yan.

ACRYLIQUE said...

@HOMER

- Si Mrs. reyes kasi. hay

ACRYLIQUE said...

@gillboard

- Buti i found time. :)

ACRYLIQUE said...

@DN

- Lintik na MTRCB. hehe

ACRYLIQUE said...

@dhyoy

- I found time rin lang. hihi

ACRYLIQUE said...

@Rwetha

-Super interesting. :)

ACRYLIQUE said...

@livingstain

-available yung books sa CCP. P400 each

Joel said...

mukhang interesting nga, sana napanuod ko din sya ng magkaroon din ako ng sapat na kaalamanan pagdating sa sex education hehe

Dagger Deeds said...

Aba, you're busy watching plays, ha?

<*period*> said...

ang masasabi ko lang ay madaya ka talaga, hindi mo ako isinama..huhuhu

Anonymous said...

mukhang ayos ang play na to ah. gusto ko man panoorin ay malayo ako.. huhuhu...

Jepoy said...

dumugo ang ilong ko ang lalim :-D

PinkNote said...

Sana nakaexperience rin ako na maging psborito ng teacher -- kaso indi e..kahit kelan..=(

shykulasa said...

wrong timing si Mrs Reyes, sayang ang uno mo! hehe

mukhang naenjoy mo yung play ha, buti ka pa ako inaantok pag nanood nyan, dapat sa first row ang pwesto ko kung manonood or else itutulog ko na lang sa bahay :)

ACRYLIQUE said...

@kheed

- hehe. Ako din eh. Kulang na kulang pa kaalaman ko.

ACRYLIQUE said...

@Dagger Deeds

-hehe. someday i will write them. :)

ACRYLIQUE said...

@<*period*>;

-haha. next time. marami pa naman. :)

ACRYLIQUE said...

@chikletz

- hayaan mo palalapitin ko sila sayo. :)

ACRYLIQUE said...

@Jepoy

- hehe. malalim ba?

ACRYLIQUE said...

@PinkNote

- dont worry meron ding may paborito sa yo. :)

ACRYLIQUE said...

@shykulasa

- sobrang wrong timing talaga.
super front row ako nung nanood ng play. haha. for 50-60 audience lang. :)

Unknown said...

Na-touch ako sa rebyu mo. Pagbati sa pagpapanalo mo! Tim Dacanay

http://gibbscadiz.multiply.com/journal/item/1333/Virgin_Labfest_5_blog_contest_We_have_winners

Anonymous said...

Nice brief and this enter helped me alot in my college assignement. Say thank you you seeking your information.

Anonymous said...

I loved your blog. Thank you.

muebles valencia said...

So, I don't actually believe this will work.

Unknown said...

Maraming salamat sa review na ito! =) After 5 Years ay masasabi kong tawang tawa at tuwang tuwa pa rin ako sa kung paano namin ginawa ang prod na ito. Salamat at natuwa ka. Labfest season na ulit. =D