Tuesday, July 7, 2009

KUBA





Siya si Quasimodo, iyon ang tawag ng mga tao sa kanya. Marahil sa literal na dahilan. Kubot ang likod nya. Madalas ko siyang makita sa ilalim ng malaking puno ng talisay sa may kanto. Nagsasalita ng mag-isa. Madungis. Taong grasa. Maikli, payat at baluktot ang kanang binti nya. Kung maglakad sya’y umiikot ito. Parang may sariling buhay. Sa ibang direksyon nagpupunta tuwing hahakbang sya. Gumegewang. Parang bubuwal sya anumang minuto. Madalas nyang murahin ang binti nya. Madalas nyang murahin ang mga taong nakikita nya. Madalas nyang murahin ang mundo.


Habang naghihintay ako ng jeep papuntang Marikina. Naroon sya. Bagong gising. Nakatingin sya sa akin. Tiningnan ko sya mula sa gilid ng mga mata ko. Tahimik lang sya. Pero nakakalusaw ang mga titig nya. Hindi siya nagsalita. Hindi nya ako minura. Siguro maganda ang gising nya. Siguro maayos ang mood nya. Siguro ganoon lang talaga sya tumingin. Siguro masaya ang panaginip nya. Parang gusto kong batiin sya ng “Good morning, Dude!”. Pero huwag na lang. Kasi parang gutom sya. Parang gusto nya akong kainin.


Tumalikod ako. Nagsimula syang magsalita;


“Matanda na ako, mga trenta. Malapit na bertdey ko. Maghahanda ako. Punta ka! Iniimbinta kitang gago ka! May lobo. May videoke. Kakanta ako, iyong kanta ni Freddie Aguilar. ‘Yung Magdalena. Peborit ko yun. Pangalan kasi yun ng nanay ko. Putangina kasi nanay ko. Oo! Tanginang puta sya! Madalas ko sya makitang naglalagay ng pulang-pulang lipistik. Parang namamaga nguso nya. Kung anu-anong burloloy ang sinusuot nya. Kita na nga panty nya sa suot nyang palda. Bakat lagi utong nya. Malalaki dyoga nun. Kung sinu-sino nga ang lumalamas. Kung sinu-sinong lalaki ang pumapasok sa bahay namin. Kapag may bisita sya. Ayaw nya akong ipakita. Kinukulong nya ako sa aparador. Minsan pinapaalis nya ko. Binibigyan nya ako ng piso. Ibili ko raw ng bukayo. Pero minsan lang talaga yun. Pag-uwi ko, hinahanap pa yung piso sa akin. Siguro kasi alam nyang hindi naman talaga ako umaalis. Nasa likod-bahay lang ako. Tangina, hindi ako naninilip! Ayoko kasing lumabas. Marami kasing tarantado sa labas. Pinagtatawanan ako. Ginagaya. Mamatay na silang lahat. Meron ngang siraulong pinahabol ako sa aso. Magnanakaw daw ako. Tiningala ko lang naman yung bunga ng papaya nila. Tangina, paano ko kaya aakyatin yun! Mabilis palang tumakbo yung gagong asong yun. Naabutan ako. Pag-uwi ko nang bahay. Dumudugo hita ko. Binatukan pa ko ng pokpok kong nanay. Bahala na raw akong mamatay. Wala raw syang perang pampagamot. Sabi nya hugasan ko raw. Tapos binigyan nya ako ang bawang. Balatan ko raw at ikuskos sa sugat ko. Lumabas ng bahay si nanay. Pinagmumura ang kapitbahay. Hirap na hirap akong abutin ‘tong lintik na sugat na ‘to. Hindi ko alam kung paano ipipihit ang katawan ko. Kaya kinapa ko na lang. Dahan-dahan ko kinuskos ang bawang. Pero madiin. Hayop na bawang na yun! Ang init! Tangina, ang hapdi!


Habang kinakangkang ang nanay ko ng kung sinumang hinayupak na lalaki. Nasa loob ako ng aparador. Nakikinig ako ang radyo.’ Yung de bateryang radyo. Tangina idol na idol ko si Jo Taruc. Pangarap ko dati maging radio announcer sa DZRH. Lagi ko ginagaya boses nya. Yung Balita Round The Clock. Tangina, galing nun. Pero sabi ng nanay ko. Hanggang pangarap lang daw yun. Sa tingin ko tama sya. Kasi nandito ako ngayon. Mataas rin mangarap nag nanay ko. Tangina, gusto raw nya yumaman. Gusto raw nya sumakay sa magandang kotse. Nagka-letse-letse lang daw buhay nya nung pinanganak nya ko. Mabait naman nanay ko. Sa tingin ko mahal nya ko. Kahit minsan sinasabi nya na sana pinalaglag na lang nya ako. Sana namatay na lang daw ako. Siguro ayaw din nya nakikitang nahihirapan ako. Kaya pangarap ko ring ibigay sa kanya ang mga pangarap nya. Paano ko gagawin yun? Magtitinda ako ng maraming banana cue. Pag-iipunan ko ang isang pulang kotse.


Minsan, binihisan ako ng nanay ko ng bagong t-shirt. T-shirt lang ang bago kasi luma na yung pantalon ko. Binigay ng kapitbahay noong nakaraang pasko. Sabi nya aalis kami. Ibibili nya ako ng siopao. Masarap yung siopao. Special siopao bola-bola. Tapos manamis-namis yung malapot na sauce. Putangina, heaven! Isinama ako ng nanay ko sa Binondo. Iniwan nya ko sa isang tindahan na amoy Vicks. Sabi nya hintayin ko sya doon. Bibili lang daw sya ng siopao. Dalawang araw ako naghintay. Hindi sya dumating. Siguro naligaw siya. Siguro hindi nya nakita na may tindahan rin ng siopao sa tabi ng tindahaan na amoy Vicks. Pinagtanung-tanong ko sya. Hanggang ngayon hinahanap ko siya. Hanggang ngayon hindi ko sya makita.


Matanda na nga ako, mga trenta. Malapit na bertdey ko. Maghahanda ako. Putangina, engrande! Ikaw, kelan bertdey mo?”


Dumating na ang jeep biyaheng Marikina. Pinara ko. Pagsakay ko at sa pagtakbo ng jeep. Tiningnan ko sya. Nakatitig sya sa akin. Nakangiti. At naka-dirty finger.





Nagmula ang larawan dito...



"I will color the world one step a time..."

55 comments:

Anonymous said...

adik!!! ..l..

naaliw na naman ako!!!

Yj said...

sheeeeeeeeeet... naiyak ako....

ano ba yan.... kainis... ang saya ko kanina eh... huhuhuhuu

SEAQUEST said...

totoo naman yan eh, kung isa-isahin mo lang tlaga ang kwento ng bawat isa sa mga katulad nia marami kang matutuklasang mapait na karansan behind their eyes, sa totoo lang nakakalungkot dahil sadyang may mga magulang na naging pabaya pero ayoko din naman kasing husgahan sila kasi maraming dahilan kung bakit din nila yun nagagawa, kaya ako binibigyan ko na lng sila pagkain minsan nilalagay ko na lng sa tabi nila minsan kahit na pano makabwas man lang sa hirap na dinaranas nila....Godbless

Jepoy said...

peborit ko rin ang bukayo!

Kawawa naman si Quasimodo ang taray ng name lol kulang siguro sya sa kain ng siopao :-D

KESO said...

nice one.

nalunggkot ako bgla.
ampp.

iniwan lng sya ng nanay nya.
aww.

keb said...

Grabeh, salbahe kasi ang mundo, napakasakit tanggapin ng mga ganyan. Pero mas masakit ma dirty finger. Haha.

Hari ng sablay said...

tsk. buhay nga naman.

parang si lando, yung kanta ni gloc9 at kiko,hehe nging taong grasa din

gillboard said...

kung ako yun, tumakbo nako palayo... takot ako sa mga taong grasa, nahipuan nako ng isa dati... hehehe...

ACRYLIQUE said...

@LhanDz

- haha Lando, one week ako di pumasok sa ofis kaya ganun. :)

ACRYLIQUE said...

@Yj

- Hala, ganun ba? Just be happy, ok? :)

ACRYLIQUE said...

@SEAQUEST

- That is so nice. :)
Totoo, madami silang kwento. Kahit na karamihan parang gawagawa lang. Pwede na nga sila mag-blog. Just continue the good deeds. And to all taong grasa out there. ROCK ON!

ACRYLIQUE said...

@Jepoy


-Mas masarap nga raw yata kasi ang siopao sa bukayo. :)

ACRYLIQUE said...

@cheezy

- Wag na po malungkot. :)

ACRYLIQUE said...

@keb

-Haha. wala na talagang sasakit pa sa dirty finger

ACRYLIQUE said...

@HARI NG SABLAY

-buhay nga naman talaga

ACRYLIQUE said...

@gillboard

-ang sexy mo yata kasi.:)

Eli said...

a while ago I was ay anufi's blog laughing and now malungkot na ako because of this post haaay. Interesting choice of words... nakakadala talaga.

Arvin U. de la Peña said...

napakagandang kuwento..parang naiinspire ako na muling magsulat ng kuwento..kung titingnan mo ang blog ko siguro mahigit 50 ang kuwento doon..may enjoy ako sa tula kasi madali lang gawin..pag kuwento kasi inaabot ng dalawang yellow pad o sobra pa..galing..

ACRYLIQUE said...

@ELAY

- Promise, masaya na next time.

ORACLE said...

Kanya kanyang istorya ng buhay. Kanya kanyang diskarte. Ang mahalaga natuto tayong lumaban at mahanap ang dahilan sa patuloy na pakikibaka sa totoong buhay...

Anonymous said...

simple but moving.

and that's how you write a very effective story. props to you.

Joel said...

tsk! nakakaawa..

talagang merong dahilan sa likod ng istorya ni Quasimodo na wala ni isang nakakaalam..

Anonymous said...

nung nag-aaral ako sa baguio, marami akong nakikitang taong grasa sa daan... meron pa lagi malapit sa bahay namin, nandon siya lagi sa park, nakaupo sa isang silya don, minsan malayo ang tingin, minsan tumatawa mag-isa, minsan nagsasalita... hindi ko nga lang maintindihan dahil ibang lenggwahe ang gamit niya, ilokano ata siya.... Minsan nantitrip na manakot. Hehe!

Marami sa atin pinandidirihan sila, nilalayuan,kung ituring pa ng iba masahol pa sa hayop... hindi nila alam kung ano ang hirap na pinagdaraanan ng taong yun... hindi kasi nila alam ang pakiramdam ng iwan, ang mag-isa. Hindi nila alam kung paano mabuhay ng ganon. Hindi nila alam kung gaano siya kalungkot.

Minsan dumaan ako don inabutan ko siya ng hansel biscuit... nakita ko ngumiti siya. Mula noon alam ko inaaabangan niya ako. Kaya lagi na ako bumubili ng biscuit para sa kanya.

Kumusta na kaya yun... haizzz nacarried away ako. Naaawa kasi ako sa mga taong katulad nila.

crappy said...

may ibang tao talaga na natitiis nilang nawawalay sa kanila yung mahal nila sa buhay.

sana mahanap na si quasimodo ng pamilya nya.

RaYe said...

i've read one story din ng taong grasa a few years back.. almost the same, except siya, iniwan ng anak nya sa home for the aged kasi "ayaw nilang alagaan"..
nakakaawa.. pero minsan, naiinis din ako, kasi madalas akong napagtitripan ng ibang taong grasa e.. :(

Niqabi said...

grabe naman yung nanay nya?..
masakit na katotohanan pero nangyayari pala talaga yung ganun?
kung gano kamahal ng isang ina yung anak nila meron din palang basta bsat na lang nag-aabandon.

in fairness, naalala mo lahat ng sinabi nya ha.. hehhe bow ako sa photographic memory mo po. :D

gesmunds said...

hi there acrylique! pasyal lang... good spot,, nakakatuwa ang mga story mo,, simple pero in touch with reality,, at un ung malupit dun,, minsan kasi may mga bagay na nandyan palagi sa pali-paligid natin pero hindi natin nabibigyan ng pansin... and you're doing a good job in putting this stuffs in writing and make your readers appreciate the colors your painting...

i like your style,, keep it up!

btw,, heartrending ang story ni quasimodo,, but its more depressing thing is that we are not capable of doing anything about that fact... ;(
not unless you're working to a NGO..

shykulasa said...

nakakaawa naman si quasimodo, walang kwentang mga magulang yan! hehe nakaka highblood kasi eh...

marami akong nakikita nyan dito sa may recto, nakakaawa pero natatakot ako kaya lumalayo ako, few years back kasi habang nagaabang ako ng GLiner sa may quiapo me sumuntok sa likod kong babaeng taong grasa habang may sinasabi! grabeh nagulat at natakot ako! ang sakit eh kala ko nga kutsilyo eh kahoy lang pala...

but they seriously need help!

Dagger Deeds said...

Haha, nung bata ako may kapit bahay kaming ganyan, binabaril namin ng water gun tapos tumatakbo... takot ata sa tubig... Ayun, ala na sya ngayon, niligaw ata nung pamilya nya, tsk, tsk..

miss Gee said...

nahabag ako! :c

Rcyan said...

nakamamanghang istorya. sana matuto tayo sa kanya. (^^,)

Rouselle said...

Ma-issueng taong grasa ito. Heehee. For some strange reason, I'm really scared of them. Napakaunpredictable kasi, just like this one in your story.

Anonymous said...

nakakaiyak naman 'to.. walang kwenta ang nanay nya.. tsk.

ACRYLIQUE said...

@Arvin U. de la Peña

- Salamat. Sulat lang ng sulat, mapa-kwento o tula. Maraming matutuwa kaopag nabasa nila. :)

ACRYLIQUE said...

@ORACLE

- Iyon siguro ang istorya ng buhay. Patuloy sa paglaban, matuto at dumiskarte. :)

ACRYLIQUE said...

@ Maxwell5587

- Thanks dude! Apir!

ACRYLIQUE said...

@kheed

- Tama. Marami silang kwento sa buhay. Di lang pinapansin.

ACRYLIQUE said...

@dhyoy

- I am sure. Malaki ang pasasalamat sa iyo ng taong yun. Masuwerte sya sa yo. Just keep up the good deeds. Nagpapasalamat ako para sa kanya.

ACRYLIQUE said...

@crappy

- Sana lang hanapin sya ng pamilya nya.

ACRYLIQUE said...

@Rwetha

- bakit ka pinagttripan ng ibang taong grasa? I know someone kasi who became a taong grasa. Really heartbreaking.

ACRYLIQUE said...

@Niqabi

-- Hindi naman talaga siya nangyari. Based lang sa totoong nangyari. :)

ACRYLIQUE said...

@gesmunds

-- Salamat! Gusto ko mang maging NGO, parang malabo, kahit gusto ko silang tulungan. Ito lang muna magagawa ko kasi hindi naman ako si Superman. :)

ACRYLIQUE said...

@shykulasa

- Hinampas ka nga kahoy ng isang taong grasa? Awts.

ACRYLIQUE said...

@Dagger Deeds

- Kawawa naman, parang pusa lang. tsk tsk

ACRYLIQUE said...

@missGuided

- ako rin :(

ACRYLIQUE said...

@Rcyan M.

- Salamat dude. :)

ACRYLIQUE said...

@- A n g e l -

- Nakakatakot nga mga unpredictable, in that sense kahit hindi taong grasa. :)

ACRYLIQUE said...

@chikletz

- Honga. Basta maganda pa rin tayo. :)

jei said...

Nasa office ako habang binabasa ko 'to. Parang gusto ko tuloy umuwi bigla at hagkan ang mga anak ko. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ko sila kasusuklaman at iiwanan ng basta-basta. Ano ka? Makikipagpatayan pa ako para sa mg anak ko no! Tsk, bakit ganun ang nanay niya?

jason said...

nice post!

pwede ko ba i-copy for my facebook acct? syempre,iki-credit ko sayo hehe

Superjaid said...

awww..nalungkot naman ako dito..haaay..

ACRYLIQUE said...

@jei

- Aww. ang loving na nanay. :)

ACRYLIQUE said...

@Jason


- surely! u can post it. :)

ACRYLIQUE said...

@superjaid

-Salamat sa pakikikulay. :)

Yami said...

Nakakaiyak naman ang kwento mo. Nanay din kasi ako at napapagalitan ko rin ang anak ko kapag tinatamad siyang magaral ng lesson niya. Pero mahal ko anak ko. Kawawa naman si Quasimodo...