Saturday, August 29, 2009

ANG BISITA



“My evening visitors, if they cannot see the clock, should find the time in my face.”


-Ralph Waldo Emerson









Mahamog nang gabing iyon.Malamlam ang sinag ng buwan. Maaninag ang ilang bahagi ng matamlay na libingan.



Makikita ang lumang musileyo. Ang kinakalawang na tarangkahan ay nakakandado. Nababalutan ito ng kalawang at mga gumagapang na damo. At isang malaking puno ng akasya sa tabi nito.


Makikita ang mga nakahelerang puting nitso sa paligid at mga nakapilang puting krus na nakatayo sa damuhan. May mga dagang nagtatakbuhan sa tabi-tabi. Mas malinaw ang lahat ng ito kung kabilugan ng buwan.



Sa ganitong oras ng gabi, makikita ang isang maputlang babae. Umiindayog sa ihip ng malamig na hangin ang kanyang mahabang itim na buhok. Nakaupo sya sa isang puntod. Nakayuko. Pagdaka'y tatayo. Kung kumilos sya'y parang nagsasayaw. Hindi mo kaagad mapapansin na naroon sya at nakaupo. Sa unang tingin, para lamang syang hamog, liwanag o anino. Pero naroon sya. Minsa'y naglalakad papasok sa nakandadong tarangkahan.


"Pepe!" sigaw ng babae. Ang boses nya'y parang hangin na lumalasgaslas sa talahiban.
"Pepe, Halika rito!"


Yumuko ang babae, tumingin sa lupa. Isang anino ang gumalaw sa ilalim ng sinag ng buwan. Isang matangkad na lalaki. Tiningnan nya ang asawa. Pagkatapos ay tiningnan ang nasa lupa. At nagkamot siya ng ulo.



"Selya, aking irog", kung magsalita si Pepe ay parang isang makata. "Tama ba ang tinuturan ng aking paningin?"



Nakatuon ang mata ng mag-asawa sa isang batang nakaupo sa lupa.Tiningala sila nito. Napanganga ang bata. At bumagsak ang pacifier na kanina pa nya kinakagat. Itinaas nya nag mabibilog at mumunting mga kamay. Nais nyang magpakarga kay Selya.


"Sampalin mo ako", ang sabi ni Pepe. "Kung hindi bata ang aking nakikita."


"Malamang bata ito", sagot ni Selya. "Ang tanong, anong ginagawa nya rito?"


"Tama, iyon ang katanungan irog ko. Ngunit hindi manggagaling sa atin ang kasagutan. Dahil ang mumunting batang ito ay buhay. Wala syang kinalaman sa atin. Hindi sya bahagi ng ating mundo, irog ko ", sagot ni Pepe.



"Pepe, tingnan mo ang mga kamay nya. Ang liliit. Ngumingiti sya , Pepe. Nakakatuwa sya." Hinimas ni Selya ang ulo ng maliit na bata. Tumawa ang batang si Samuel.



Umihip ang malamig na hangin sa gitna ng natutulog na sementeryo. Lumikha ng ingay ang mga kawayan sa di kalayuan. May kung anuman ang biglang nagwawala sa may tarangkahan. Inaalog ito. Kinakalampag. Humahampas ang kadenang nakapalupot dito at ang mabigat na padlock. Parang isang hayop na gustong kumawala.



Binuhat ni Selya ang maliit na bata at niyakap ito. Hanggang ngayon kahit mahigit isandaang taon nang sumakbilang buhay sina Pepe at Selya, nanginginig pa rin sa takot si Pepe kapag nakakaita siya ng multo. Kahit araw-araw na silang nakikisalamuha sa kapwa patay. Araw-gabi sa sementeryo.



Mula sa tarangkahan, nakakita sila ng tatlong hugis na parang usok. Kulay abo. Parang telebisyon na walang signal. Noon lang sila nakakita ang ganoon. Hindi nila kauri.Dalawang malaki, at isang maliit. Ang isa sa malalaking usok ang nagningibabaw. Sumisigaw sya sa napakahinang tinig.



"Ingatan nyo ang baby ko! Alagaan nyo sya! Papatayin nya si Samuel!" , ang sigaw ng maliit na tinig.






"From now on I will only write about death..."




Tuesday, August 25, 2009

SEPULTURERO



“Seek knowledge from the cradle to the grave”

- Muhammad








Sinundan ni Jack ang amoy ng bata sa hangin. Nakarating sya sa sementeryo. Nasa kamay nya ang kutsilyo. Hawak nya ito ng mahigpit. Nakapikit sya. Tumigil sya sa paglakad. Nawalang bigla sa hangin ang amoy na tinutunton nya.



Minulat nya ang kanyang mga mata. Nagsalubong ang mga kilay nya. At tiningnan ang paligid. Umaasang may maririnig syang iyak ng isang bata.



Nagsalita sya sa dilim, “Nasaan ka?”

Magaspang at malaki ang boses nya. May narinig syang kumaluskos.



“Anong kailangan mo?” , sabi ng isang mahinahong boses.



Matangkad si Jack. Ngunit mas matangkad ang nagsalitang lalaki. Parehong itim ang suot nila. Tumingala si Jack.



“May hinahanap ako”, sabi ni Jack. Itinago nya sa likuran ang hawak nyang kutsilyo.



“Sa gitna ng sementeryo, sa hatinggabi?” tanong ng lalaki.

“Isang bata. Napadaan ako kanina. May narinig akong umiiyak. Nakita ko ang isang bata sa loob ng musileyo”, paliwanag ni Jack.

“Mataas ang bakod ng musileyo. Nakakandado ang gate. Kung aakyat ka sa bakod at makita mo ang bata. Paano kang makakaakyat muli na may dalang bata?”

“Tatawag ako ng saklolo. Hanggang sa may dumating.”

Kumalansing ang hawak na susi ng lalaki. “Kung ganon ako yun”, ang sabi nya.





Pinili ng lalaki ang pinakamalaking susi, “Sumunod ka sa akin”, dugtong nya.

Sumunod si Jack sa likuran, hawak pa rin nito ang kutsilyo.

“Kung ganun ikaw ang sepulturero?” tanong ni Jack.

“Ako ba? Ako nga.” Ang sabi ng lalaki.



Naglakad sila patungo sa gate ng musileyo. Sigurado si Jack na nasa loob ng musileyo ang bata. May susi ang sepulturero. Hawak nya ang kutsilyo. Pareho silang nasa dilim. Malayang nyang magagawa ang lahat. Kayang-kaya nya. Itinaas nya ang kanang kamay na may hawak na kutsilyo.



“Kung meron ngang bata,” sabi ng sepulturero.”Malamang hindi rito sa sementeryo. Maaaring nagkakamali ka lang. Malabong magkaroon ng bata na gumagala ng ganitong oras ng gabi. Maaaring pusa lang ang narinig at nakita mo. Ngayon, sabihin mo sa akin kung bata nga ang nakita mo.” Tanong ng sepulturero.



Nag-isip si Jack.



Binuksan ng sepulturero ang gate. “Isang pusa” sabi nya. “Ang alaga kong pusa. Maaaring inakala mong bata ang pag-ngiyaw nya. Nagkamali ka lang ng pagpasok dito sa sementeryo. Ang batang hinahanap mo maaaring nasa paligid lang. Ngunit wala siya dito sa musileyo.”



Tumayo sa labas ng musileyo si Jack. Nasa loob ng musileyo ang sepulturero. Kinandadong muli ang gate. At itinago ang susi.



“Saan ka pupunta?” Tanong ni Jack.

“Lilinisin ko ang musileyo at dito ako matutulog”, sagot ng sepulturero. “Magandang gabi.”



Humakbang patalikod si Jack ng dalawang beses. Itinago nya sa likuran ng kanyang jacket ang kutsilyo. Mula sa dilim at anino, pinanuod ng sepulturero ang pag-alis ni Jack.





"From now on I will only write about death..."








Sunday, August 23, 2009

KAMATAYAN







"FROM NOW ON I WILL ONLY WRITE ABOUT DEATH..."








Saturday, August 22, 2009

TAKAS









Magmula nang matutong maglakad si Samuel, nakita nya kung gaano kalawak ang mundo. Nalaman nya kung gaano karami ang kaya nyang gawin. Natutunan nya ang paggamit ng kamay at paa sa pag-akyat at pagbaba sa kahit na anong bagay.

Nang gabing iyon, nagising sya mula sa isang malalim na pagkakahimbing. Ginising sya ng isang malakas na kalabog mula sa labas ng kanyang kwarto. Nagising sya at hindi na sya makatulog. Gusto nyang maglaro at lumabas mula sa kanyang kuna. Mataas ang bakod ng kanyang kuna. Ngunit alam nyang kaya nyang makaalis doon. Kailangan lamang nyang gamitin ang kanyang mga kamay at paa.

Dalawang teddy bear ang nasa loob ng kuna. Ang isa, katabi nyang matulog. Ang isa ay nakaupo sa isang sulok ng kuna. Kinagat niya ang pacifier. Tumayo sya. Hinawakan ng maliliit nyang mga kamay ang bakod ng kuna. Inapakan ng kaliwang paa ang hita ng teddy bear. Inangat ang kanang paa at inapakan ang ulo ng teddy bear. Binuhat ang sariling katawan hanggang sa nakaapak na ang dalawang paa nya sa ulo ng teddy bear. Bumitin sya palabas ng kuna at bumagsak sa mga stuffed toys na nasa sahig. Mga stuffed toys na ineregalo sa kanya noong unang taong kaarawan nya. Ang iba ay stuffed toys ng nakatatanda nyang kapatid.

Nagulat sya nang bumagsak sya sa sahig. Masakit pala. Pero pinigilan nyang umiyak. Kasi alam nyang kapag umiyak sya, pupuntahan sya sa kwarto at ibabalik sya sa kuna.

Gumapang sya papunta sa pinto ng kwarto. Palabas.

Magmula nang matuto syang maglakad, nalaman nyang mahirap umakyat ng hagdan. Ngunit mas madaling bumaba ng hagdan. Siple lang. Bumaba sya ng paupo. Nagpatalbog-talbog sa suot nyang diaper. Habang kagat-kagat pa rin ang pacifier. Iyon ang pabortito nya. Kahit ilang beses nang sinabi ng Mama nya na malaki na sya para sa pacifier.

Napakasaya nya. Pakiramdam nya sa kanya ang mundo. Masaya sya dahil nagawa nyang bumaba ng hagdan. Masaya sya dahil walang nakakita sa kanya. Masaya sya dahil walang pumigil sa kanya.

Nang marating nya ang huling bahagdan ng hagdan, halos magtatakbo sya nang makitang bukas ang pintuan palabas ng garahe. Nakita nya ang mga bisikleta ng Dadi at Ate nya. Ang sabi nya sa kanyang sarili, "Balang araw makakapag-bisikleta rin ako." Natanggal sa pagkakadikit ang suot nyang diaper. Nahulog ito sa kanyang paanan.

Nakita niyang bukas ang gate. Pakiramdam nya ay nag-iimbita ito. Pagkakataon nyang makita ang buong mundo. Nagpatuloy siya sa paghakbang hanggang sa makalabas sya sa daan. Nakangiti syang tinitimbang ang sarili sa bawat hakbang. Sa ilalim ng buwan at aandap-andap na ilaw ng poste.




"I will color the world one step at a time..."

Wednesday, August 19, 2009

KUTSILYO


“My body is a journal in a way. It's like what sailors used to do, where every tattoo meant something, a specific time in your life when you make a mark on yourself, whether you do it yourself with a knife or with a professional tattoo artist.”

- Johnny Depp





May kamay sa dilim, may hawak itong kutsilyo.


Inukit na kahoy ng bayabas ang hawakan ng kutsilyo. Ang talim nito ay mas matalim pa sa labaha. Kung mahihiwa ka nito, hindi mo mararamdamang nahiwa ka, hindi kaagad.


Nagawa na lahat ng kutsilyo ang dapat nitong gawin nang marating nito ang kabahayan. Ang talim at ang hawakan ay basa. Nakabukas ng bahagya ang pinto kung saan dumaan ang lalaking may hawak ng kutsilyo. At dahil sa bukas na pinto, nagbabago ang kapalaran ng buong kabahayan.



Huminto ang lalaki mula sa tahimik na paghakbang. Itim ang buhok nya at mga mata. Palagi syang may suot na itim na guwantes. Tumayo sya ng walang imik. Hinugot nya ang puting panyo mula sa likurang bulsa ng kanyang pantalon. Pinunasan ang hawak na kutsilyo at kanang kamay na may suot na itim na guwantes. Isinuksok nyang muli ang puting panyo sa kanyang bulsa. Malapit nang matapos ang gawain nya. Iniwan nya ang babae sa kama, habang ang lalaki sa sahig, ang batang babae sa makulay nitong kwarto na napapaligiran ng mga manika at stuffed toys. Isa na lang at matatapos na sya. Ang batang lalaki sa kuna. Inayos nya ang pagkakahawak ng kanyang mga daliri sa kutsilyo. Sinabi nya sa kanyang sarili, hindi sya ngingiti hangga't hindi sya natatapos.



Ang kuwarto ng batang nasa kuna ay nasa itaas ng bahay. Tahimik siyang umakyat ng hagdan. Tinulak nya ang pintuan ng attic. Pumasok sya. Itim na balat na sapatos ang suot nya . Pinakintab na parang mga itim na salamin sa dilim. Maaaninag ang repleksyon ng buwan sa sapatos nya. Hindi maliwanag ang buwan nang gabing iyon. Ngunit para sa kanya, tama lang ang liwanag. Sanay ang mata nya sa dilim. Nakita nya ang batang nakakumot. Kahit sa ilalim ng kumot kabisado nya kung alin ang ulo, dibdib, katawan, kamay at mga paa. Lumapit sya sa kuna. Dumungaw sya. Itinaas ang kanang kamay na may hawak na kutsilyo. Pinuntirya nya ang dibdib ng bata. Ibinagsak nya ang kanang kamay ng buong lakas. Ngunit ang nasa ilalim pala ng kumot ay isang teddy bear. Wala ang bata.



Sininghot nya ang hangin. Naamoy nya ang bata. Amoy gatas. Parang chocolate chip cookie. At ang maasim na amoy ng basang disposable diaper. Naamoy nya ang baby shampoo sa buhok ng bata. At isang gomang laruan na laging kinakagat ng maliit na bata. Lumabas ng kwarto ang lalaki. Sinundan ang amoy ng bata sa hangin. Bumaba sya ng hagdanan. Pumasok sa kusina, banyo, salas at garahe. Nakita nya sa garahe ang basang diaper sa tabi ng dalawang bisikleta.



Ipinasok nya ang kutsilyo sa bulsa ng kanyang jacket. Lumabas sya ng bahay. Tumingin sya sa buwan. Sininghot ang hangin. At mabilis na humakbang sa ilalim ng aandap-andap na ilaw ng poste.






"I will color the world one step at a time..."

Monday, August 17, 2009

PICTURE EXERCISE



“Every artist dips his brush in his own soul, and paints his own nature into his pictures.”

- Henry Ward Beecher




Nagmula kay PINKNOTE, Salamat sa Tag.
Ang hirap ng ehersisyong ito.
Mahirap maghanap ng pictures. Ang dami.
Hindi pa naman ako mahilig mag-picture.

Heto sisimulan ko na...


1. A picture of you in your room.



Inaantok na talaga ako nyan.


2. A picture of you that shows what you do when you're bored.



Kapag wala akong magawa, hindi ako nagbabasa.
Camwhoring! Yun ang the best!







3. A picture of you with a team or a club you're in.




Miss ko na ang MATRIX CBG TEAM J.











4. A picture of you in one of your fave outfit.



Kasabay kong binili ang shirt na ito at ang CANCER shirt ko.




5. Youngest pic of you in digital form.



Hanapin nyo na lang ako.
Madali lang naman ako hanapin.



6. A picture that shows the real you.



Child at heart.
Fan ni Barney!



7. A picture of you being absolutely ridiculous



First session FREE!




8. A picture of you making a goofy face.



Blow-up!


9. a picture of you that you had no idea was being taken



Promise, di ko alam yan.


10. a picture of a time when everything was changing



Lahat nagbabago kapag tulog ako.


11. A picture of you on your birthday or fave holiday



X-mas?


12. A picture of you that you edited to make yourself more attractive.



Haha. Pinadilim ko lang.


13. A picture that makes you smile.




Si NOG-NOG!











14. A picture of a night that you regret.

N/A


15. A picture of you very drunk.



Lasing sa liwanag.


16. A picture of you with a new haircut.



Buzzed!







17. A picture of a time in your life that's over but you wish it wasn't.



My TV guesting in Umagang Kayganda.
Dapat binigyan nila ako ng sariling show.
Haha!



18. A picture of a time in your life that's over and you couldn't be more thankful that it is.

N/A

19. A picture of you that you were anything but happy.



Saya ka-jamming ni Manang eh.


20. A picture of you when you were different from the person that you are now.



This is me... 7 years ago. Bata, sariwa, inosente. Yikes!









21. A picture of you with someone that you love.



PENG...





22. A picture of how you'd like the world to see you.



All SMILES!







23. A picture of how you'd like to spend everyday.



Ang Matulog!
Kailangan ko yan para lumaki.





24. A picture that makes your heart hurt.



HEARTBREAKING! Bawal na sa akin ito!



Pati ito! Darn!



25. A picture of one of your best days/nights of your life.



EK adventures! Apir!










Hayan, Photo Album! Salamat!







"I will color the world one step at a time..."