“We sometimes encounter people, even perfect strangers, who begin to interest us at first sight, somehow suddenly, all at once, before a word has been spoken.”
Nasan na kaya sya ngayon?
Ano na ang itsura nya?
Naalala pa kaya nya ako?
Tag-araw noon, kalagitnaan ng Abril. Umuwi ako ng Pampanga upang magbakasyon.
Lumabas ako ng bahay, umupo sa terrace para magpahangin. Abala ang mga tao sa labas. May bagong lipat sa tapat namin. Una ko syang nakita na nakasuot ng baseball cap, maluwang ang pananamit, at kapansin-pansin ang pagsipsip nya sa straw na nakatusok sa isang tetrapak juice. Habang ang nanay nya ay abala sa pagmando sa mga kargador. Nakatingin ako sa kanya. Tumingin sya sa akin. Nginitian nya ako at inalok ng tetrapak juice na hawak nya. Nagulat ako, nginitian ko rin sya.
Ano kaya ang pangalan nya?
Magmula noon, isa na sya sa mga taong nakikita kong nagdaraan sa tapat namin. Ang terrace, official tambayan ko na. Pero sa dami ng mga tao na nandoon, sya lang ang inaabangan ko. Sya lang ang hinahanap ko. Lilingunin. Susundan ng tingin. Makikipagngitian.
Matangkad sya sa akin ng kaunti. Mapupungay ang mga mata. At harang ang tenga. Para sa akin espesyal sya. Nararapat lang na pagbuhusan ng pansin.
Isang umaga, lumabas sya ng bahay nila. May dalang timba. Kahit alam kong may tangke kami ng tubig, dali-dali akong kumuha ng timba. Excited na nagpunta sa poso. Mahaba ang pila. Sya ang nasa dulo. Wala syang suot na t-shirt. At may sipsip na tetrapak juice. Kinalabit ko sya.
“Uy!”
“Kumusta?”
“Ikaw pala…”
Iyon ang unang usapan namin.
Lumipas pa ang mga araw. Araw-araw na rin ako nakikipila sa poso. Sinasabayan sya sa pag-igib ng tubig. Nakikipagkwentuhan.
Isang umaga, tinanghali ako ng gising. Kahit pupungas-pungas pa, nagmadali akong lumabas ng bahay para abangan sya. Naghintay ako. Di ko sya nakita. Sabi ng kapitbahay, umalis na raw sila. Lumipat na ng ibang tirahan.
Bakit di nya ko hinintay?
Bakit di sya nagpaalam?
Sayang sana maaga ako gumising.
Siguro hinintay nya rin ako.
Sana nakausap ko pa sya.
Sana nakapagpaalam man lang ako.
Ilang tag-araw na rin ang nakalipas.
Paminsan-minsan kahit maraming softdrinks sa tindahan, sa halip na sago’t gulaman. Sinusubukan kong namnamin ang sarap na dulot ng juice sa TETRAPAK.
Nagmula ang larawan dito...
" I will color the world one step at a time..."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
reminds me of my psuedo-soulmate from FEU
Wow. really?
Musta na kaya ang mga pseudo-soulmate na yan?
may iba na kaya silang ka-pseubo-soulmate? :)
hamo na yun.. lilipas din yan.. may dadating din na bago.. :) salamat ha sa pagdaan sa bahay ko. ganda pala ng blog mo. ingat!
cool header pala :D
@Dencios - Salamat sa pagtambay sa veranda ko... hehe
Tag-ulan na kaya limot ko na sya.. :)
Nung first time ko makita yung picture ng crayons, naisip ko agad mag-blog.. ;)
Ang lungkot naman... ayoko ng ganyang sitwasyon.
Aaayyyy he got away?? Asarr naman :(
@The Green Man - Ayoko rin ng ganung sitwasyon. Pero ganun talaga ang buhay... :)
@Angel- hehe. I am sure marami pa namang darating... :)
ha?! sayang naman. di bale mkikita mo payun sa mga pagawaan ng tetrapak, alam ko dun siya mdalas tumambay,lols
@HARI NG SABLAY - Hehehe, wag na lang. Dito na ko sa pagawaan ng Biogesic nakatambay.. :)
sayang naman...
sometimes, strangers have uncanny ways of leaving marks on us...and fates are sometimes really mocking...
---
APIR! thanks for dropping for following the coffin rock :D
@Lucas - **high-five**
Yup, that's right. And it is very Uncanny how we meet the same stranger in different types and forms...
Post a Comment