Thursday, December 31, 2009

PRESENT


"Nobody can go back and start a new beginning,
but anyone can start today and make a new ending."

- Maria Robinson






Hindi naman talaga ako nawala. Nandito lang ako. Umabsent lang.


Mahigit dalawang linggo rin akong hindi umuwi sa inuupahan kong kwarto. Kung uuwi man ako, hindi ako roon matutulog. Medyo kumapal na rin ang alikabok sa mga librong magkakapatong sa tokador. Nagtayo na rin ng mga dampa ang mga informal settlers na gagamba sa mga sulok ng kisame. Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakakapaglinis ng kwarto.


Umupo ako sa kama. Binuksan ko ang electric fan. Umikot ito. Hinika lang ako sa mga nagliparang alikabok. Kaya pala mainit. Kulob ang kwarto. Hangin ng electric fan at hininga ko lang ang umiikot sa buong kwarto. Binuksan ko ang mga bintana.


Pinakinggan ko ang bagong download na kanta sa cellphone ko.
FIREFLIES ng OWL CITY. Paulit-ulit ko itong pinatugtog. Siguro mga limang beses itong kumanta bago ko napilit ang sarili kong kumuha ng walis at simulang linisin ang kwarto.


Maraming gamit. Maraming kalat.


Inayos ko ang mga pictures sa photo album. Ang dami ko pa lang pictures. Photogenic. Marami ring hindi akin. Kaya hiniwalay ko. Ginupit-gupit ko yung hindi akin. Pinutol-putol sa maliliit na piraso. Binuhusan ko ng gasolina. Nagliyab. Naging abo.



Yung ibang gamit, pinamigay ko. Baka pwede pang pakinabangan ng iba. Wala naman rin akong paggagamitan. Di ko na kailangan. Wala nang silbi. Yung iba, tinapon ko. Dahil hindi naman kakailanganin ng mga pagbibigyan ko. Baka magagamit pa ng basurero. Iyon naman ang gusto ng basurero, basura. Hindi naman kasi akin . Pampasikip lang sa hawla ko.


Sentimental value? Nawala na lahat ng dahilan para itago pa ang mga itinapon na kalat. Kasabay ng mga ala-alang hindi ko na maalala. Di ko na matandaan kung paano sila naging akin. Di ko na matandaan ang mga kwento. Pinatay na ng maikling panahon. Wala nang dahilan para itago pa. Parang di ko nakilala. Parang hindi naging akin. Parang hindi nabuhay. Parang bula. Pumutok. Nawala. Ayoko nang makita, baka masapak ko pa. Nang araw na iyon nawala nang lahat. Natanggap ko na. Hindi na sila akin. Hindi ko na pag-aari. Hindi sila para sa akin. Hindi ako para sa kanila. Hindi kami para sa isa't-isa.


Nang matapos akong maglinis ng kwarto. Naligo ako. Humarap sa salamin. Nagbihis. Humarap muli sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa. Napagdesisyunan kong magpagupit. Parang gusto ko ng new look. Yung medyo pangkaraniwan. Yung kadalasang pinapagupit ng mga binatilyo sa barbero at sa bading sa parlor. Yung pang-masa. Yung tipong hindi ako kaagad makikilala sa malayuan o kapag nakatalikod. Dahil pangkaraniwan lang ang gupit ng buhok ko. Yung walang impact. Yung hindi kagulat-gulat. Yung hindi ako lilingunin ng maka-apat na beses ng mga tao sa daan. Yung di ako pagtitinginan ng mga taong makakasalubong ko. Yung di ako kaagad makikita sa gitna ng mala-sardinas na siksikan sa MRT Cubao Station tuwing rush hour. Gusto ko yung hindi kakaiba.


Gusto ko ng MOHAWK, yung BLOND.


Matagal ko nang inaasam na magpagupit ng ganito. Matagal na. Siguro mga dalawang araw na ang nakaraan. Kaya ang tanong kaagad sa akin ng gugupit, SIGURADO KA? Takip-bibig akong tumango. Habang pinapakiramdaman ko ang paggapang ng clipper sa magkabilang tagiliran ng ulo ko. Iniisip ko kung anong magiging itsura ko. Sa tingin ko bagay ko naman. Kaya ko namang pangatawanan. Astig kaya to, Rakenrol! Ang sabi ko sa manggugupit kulayan nya ng blond, platinum blond. Nainggit kasi ako sa kulay ng buhok ng mga albino o yung mga anak-araw. Limang oras na nakababad ang ulo ko sa steamer at peroxide. Hanggang sa humapdi na ang anit ko. Kulang na lang nga laklakin ko ang hair bleach at peroxide para pati kaluluwa't dugo ko mamuti.


Ito ay isang bagay na bago sa akin. Pero ginusto ko. Masaya ako. Gusto ko ngang umiyak at magtatalon sa tuwa. Matapos nga akong magupitan at makulayan, pakiramdam ko nagparasailing ako sa kahabaan ng EDSA. Bago ko pa pinagkatuwaan ang sarili ko. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga mangyayari. Alam kong pagtitinginan ako ng mga tao. Mga makakasalubong ko, mga kasabay ko sa jeep at elevator, mga ka-opisina at pamilya ko. May magugulat, may hahanga, may tatawa, merong tititig. Head-turner talaga. Nanay ko nga pinagtawanan ako. Marami ngang di makapagpigil at bigla nalang hahawakan ang ulo at buhok ko. Yung iba iniinterview talaga ako. yung tindera sa ukay-ukay ini-english pa ko.


Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kailangan ng pagbabago kung magkakaroon ng bagong simula. Pakiramdam ko isa na akong dating bagong AKO. Marami akong tinapos. Ngunit marami muling sisimulan. Marami akong tinapon. Ngunit marami muli akong itatago. Maraming nawala. Alam ko, maraming papalit.


Sabi nga kung hindi ka gagawa ng pagbabago, pagbabago ang gagawa sa iyo. Magkakarugtong ang lahat ng bagay sa buhay natin. Lahat ay pare-pareho kahit na magkakaiba. Maaaring magkakaiba ang mukha ng mga bagay sa iba't-ibang lugar, pero ang sitwasyon pareho lang. "Irony" ay isa sa mga bagay na mananatili sa buhay. Mararamdaman lang natin ito kapag iniwan na tayo. Kapag binalikan mo ang ilang pangyayari sa buhay mo, siguro nang mga nakaraang ilang taon. Magkakaiba ang mga pangyayari, pero parang magkakarugtong lang. Hindi natin maiiwasan ang pagbabago. pero anuman ang dumating, paikot-ikot lang. Minsan makikita mo na lang ang sarili mo sa kabilang mukha ng barya. Ang lahat ay nagbabago, kasimbilis ng pananatili ng lahat.














" I will color the world one step at a time..."


Thursday, November 26, 2009

TALENT TEST


I'm not a body with a soul, I'm a soul that has a visible part called body.


- Paulo Coelho , Eleven Minutes







Kasabay ng pagbuhos ng ulan, gumuguhit ng mga bilog at arko si Jojo sa rooftop ng Faculty Center. Mag-isa lamang sya. Sa pagkakataong ito, sinubukan nyang isulat ang kanyang pangalan. Marahang tumilamsik ang kanyang ihi habang isinusulat sa malamig na semento ang bawat letra ng pangalan nya. Pakiramdam ni Jojo nagtagumpay sya. Isang personal accomplishment. Ang sabi nya sa kanyang sarili;


"Siguro isa akong Shaman, hindi ko lang alam."


Na anumang pagkakataon lalabas ang natatago nyang kapangyarihan na namana nya mula sa kanyang Indo-Malay na ninuno. Maaari ring sa kanyang Zodiac sign, Cancer, isang water sign. Kaya nagagawa nyang kontrolin ang tubig sa pamamagitan ng muscle control. Sa tingin nya konti pang practice makakaya na nyang gumawa ng bagyo o mahinang ambon. Naniniwala rin sya na biniyayaan sya ng kapangyarihan ng mga puno ng Acacia. Na ang mga dahon ay halos lumilim sa buong Diliman campus.




Natutuhan nya noong third year high school na Rain Tree ang isa pang tawag sa Acacia. Itinuro ito ni Bb. Farrin. Ang guro nya sa English noon sa Baguio. Pinagbasa sya noon ni Bb. Farrin ng isang kwento tugkol sa pag-iibigan ng dalawang Acacia. Alam nya, napapansin nya. Matamang nakatitig sa kanya si Bb. Farrin habang binabasa ang kwento. Sinusuri sya mula ulo hanggang paa. Bago pa matapos ni Jojo basahin ang kwento, sinabi ni Bb. Farrin:

"Tulungan mo ako sa pagbitbit ng mga test papers at mga libro hanggang sa bahay."



Umuulan nang araw na iyon, kagaya ng kwentong binasa nya. Mahihirapan nga sa pagdadala ng test papers ng limang section, mga report at mga libro si Bb. Farrin. Hinatid nya si Bb. Farrin hannggang sa maliit na kwarto na nirerentahan nito sa Calla Lilly. Matapos tulungan ni Jojo si Bb. Farrin sa pag-aayos ng mga test papers ng ayon sa section at alphabetical order, naupo silang magkatabi sa kama. Kumupas na asul ang kobre-kama na may may maliit na nakaimprentang dilaw na bulaklak. Nakapila sa headboard ang mga troll dolls at stuffed toys. May poster ng Menudo na nakapaskil sa dingding. Mas lumapit pa ng pagkakaupo si Bb. Farrin kay Jojo. Naamoy ni Jojo ang magkahalong Wrigley's Peppermint Gum na nginuya ni Bb. Farrin habang nakasakay sila sa taxi. At ang matamis na amoy ng Johnson's Baby Cologne na humahalimuyak mula sa katawan ni Bb. Farrin. Nakatitig si Bb. Farrin kay Jojo.. Hindi na malaman ni Jojo kung ano ang sasabihin o ang magiging reaksiyon nya kung papaanong katabi nya ang isang babaeng nakakatanda sa kanya, ang kanyang English teacher, na halos magkapalitan na sila ng hininga. Sa kakapusan ng mga salita, mapusok na hinalikan ni Jojo si Bb. Farrin. Ilang sandali lang nakapaibabaw na sya sa kanyang guro. Hindi pa rin mapaghiwalay ang kanilang mga labi na halos lumubog sila sa manipis na kama. Lumalangitngit ang mga bedsprings habang nakahawak ang mga kamay ni Jojo sa mapuputi at makikinis na hita ni Bb. Farrin sa loob ng nylon bikini panties na suot nito.



“Sus ginoo—Arru-uy! Agu-uy!” , ang tanging nasambit ni Bb. Farrin.
Iyon din ang FIRST TIME ni Jojo. Labing limang taong gulang si Jojo noon. May ipagmamayabang sya. Naka-tatlong rounds sila nang hapon na iyon. Masaya sya na hindi na nya kailangan pang magbayad ng babae at ito ay sa isang babaeng mas matanda sa kanya ng walong taon.


Binigyan sya ni Bb. Farrin ng pang-taxi pauwi. Halos matawa sya sa pagka-sweet sa kanya ng guro. Iyon din ang unang pagkakataon na hinalikan siya sa tenga. Isang bagay na ayaw nya. Hindi nya gusto ang pakiramdam na umiikot ang dila at laway sa bawat kurba ng tenga nya. Isipin lamang nya. nandidiri na sya.


Sa mga sumunod na linggo, binigyan sya ni Bb. Farrin ng dalawang T-Shirt, Bossinni at Giordano, at isang pares ng itim na hightop Converse sneakers. Ilang beses din sila nagkita hanggang sa kumuha ng post-graduate courses sa FEU si Bb. Farrin. Sinulatan sya ni Bb. Farrin ng ilang beses noong fourth year high school na sya at pinadalhan pa ng maraming T-shirts. Ngunit hindi ipinaalam ni Jojo kay Bb. Farrin na lumuwas sya ng Maynila upang mag-aral ng kolehiyo. Hindi na nya binalak na makipag-ugnayan pa kay Bb. Farrin. Inaasahan na lamang nyang mabalitaan isang araw kapag bumalik sya sa Baguio na nakapag-asawa na si Bb. Farrin o nakuha na nya ang pangarap nyang trabaho sa Guam o Brunei.


Pinangarap ni Jojo na maging pintor Bukod sa palagay nyang hindi sya gaanong matalino upang umabot sa mga quota ng matataas na kurso sa UPCAT. Sumubok sya sa Fine Arts. Sa talent test, pinag-drowing sya ng isang anyo ng tao gamit ang charcoal. Isang detalye mula sa Spoliarium ni Luna ang iginuhit nya. Napansin nyang nakatingin sa kanya ang dean habang gumuguhit sya. Ibinuka pa ni Jojo ang mga hita nya. Kumambiyo. Tiningnan nya ang dean at ngumiti. Pumasa sa talent test ng Fine Arts si Jojo.




"I will color the world one step at a time..."



Tuesday, November 10, 2009

500 DAYS OF SUMMER





"Have you ever been in love? Horrible isn't it? It makes you so vulnerable.
It opens your chest and it opens up your heart and it means that someone can get inside you and mess you up. You build up all these defenses, you build up a whole suit of armor, so that nothing can hurt you, then one stupid person, no different from any other stupid person, wanders into your stupid life...You give them a piece of you. They didn't ask for it. They did something dumb one day, like kiss you or smile at you, and then your life isn't your own anymore. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you crying in the darkness, so simple a phrase like 'maybe we should be just friends' turns into a glass splinter working its way into your heart. It hurts. Not just in the imagination. Not just in the mind. It's a soul-hurt, a real gets-inside-you-and-rips-you-apart pain. I hate love."

- Niel Gaiman








Naglalakad ako noong isang linggo sa Cinema ng Robinsons Galleria. Gusto kong manuod ng sine. Indie film. Habang nakangiwi akong nakatitig sa poster ng BOYLETS, SANGLAAN at ASTROBOY, nakita ko ang isang poster ng nakangiting lalaki na nakayuko at nakasuot na isang asteeg na shirt. Parang yung Radiohead montage shirt na napanalunan ko sa MTV Asia. Napanuod ko na rin ang bidang lalaki sa isang pelikula noon. Pero hindi ko maalala. Pagkatapos kong maubos ang Whopper Stunner ng Burger King, naalala ko rin. "The Lookout" ang pamagat. Binalikan ko ang poster. Mahigit limang minuto ko itong tinitigan. Napaka-oxymoron ng pamagat. Ang sabi ko, "Papanuorin kita kapag NOW SHOWING ka na."



This is NOT a LOVE STORY.
This is a STORY about LOVE.







Kadalasan pag-uwi ko ng bahay mula opisina. Magpapalit ng damit at hihiga sa kama. Magpapaantok. Pero lilipas ang oras hindi pa rin makatulog. Nakatulala lang sa kisame. Minsan sinusundan lang ang umiikot na electric fan. Minsan sinisilaw lang ang sarili sa liwanag na sumisilip sa bintana.

Kapag gusto kong tumahimik at tumunganga, maraming bagay akong naiisip. Kadalasan mga bagay na nangyari. Hindi naman maiiwasan yun. Tao lang ako. Hindi ko inaalala ang mga pangyayari sa buhay ko nang ayon sa pagkakasunod-sunod. Random lang. Kagaya ng dating pag-ibig. Minsan pinipilit kong maalala, pero wala talaga. Minsan nagsisimula ako sa malapit sa katapusan. Tapos tatalon sa bandang gitna. Kung kailan nangyari ang mga masasayang bagay. Pagkatapos babalikan kung saan nagsimula ang gaguhan at sakit. Sabi nga nila, "Magsimula raw sa simula". Pero minsan kasi hindi ko alam na iyon na pala ang simula. Sa tingin ko sa ganoong paraan din umikot ang "500 DAYS OF SUMMER."


The following is a work of fiction.
Any resemblance to persons living or dead is purely coincidental.
Especially you Jenny Beckman.
Bitch.



Nang mabasa ko ang Note na ito sa simula ng pelikula. Natawa na ako.
Ang sabi ko " HAHA, I LOVEET!"

May nabasa akong article na nagsasabing base ang pelikula sa lovelife ni Jenny Beckman. Kung sinuman sya at kung talagang sya ang pinagbasehan ng katauhan ni Summer, ilang beses ko syang minura sa kahabaan ng pelikula. Selfish Bitch!


Tama, Summer ang pangalan ng bidang babae. Maganda sya. May hawig kay Katy Perry. Mukhang mabango. Umikot ang istorya sa loob ng 500-day relationship nina Tom at Summer. Mula noong unang pagkikita hanggang sa paghihiwalay nila. Maraming nangyari. Series of flashback. Non-linear. Hindi sunud-sunod. Pero naapektuhan ako.






This is a story of boy meets girl. But you should know up front, this is not a love story.


Nagsimula ang pelikula sa Day 488. Nakaupo sa bench sina Summer at Tom. Nakapatong ang kamay ni Summer sa kamay ni Tom. May suot na wedding ring si Summer. Pareho silang walang imik.


Summer: Are you ok?
Tom: I will be, eventually.


Ito rin ang paborito kong eksena. Nang magkita silang dalawa. Sa bench. Pagkatapos magpakasal ni Summer sa iba. Sige na, oo na, Umiyak ako. Di lang naman ako, pati ang kasama kong nanuod umiyak din. Naiintindihan ko si Tom. Naguguluhan sya. Ako rin naguguluhan. Di ko rin talaga maintindihan kung anong nangyari. Anong tumatakbo sa isipan ni Summer? Sa pag-ibig, pinaniniwalaan natin ang gusto nating paniwalaan. At sa bandang huli, ang gusto pa rin natin ang masusunod. Minahal ni Tom si Summer magmula pa noong unang makita nya ito. Siguro ang pananaw ni Tom tungkol sa pag-ibig hindi kasinglalim ng mga pananaw ni Shakespeare. Nagsusulat sya ng greeting cards. Pero pinaniniwalaan kaya nya ang mga sinusulat nya gaya ng;


Roses are red, violets are blue... Fuck you, whore!


Tom : I guess I just figured, why make something disposable like a building when you can make something that last forever, like a greeting card.


May ganoong trabaho pala. Nagtapos sya bilang arkitekto, pero binabayaran sya para magsulat ng greeting cards. Ganun naman talaga ang karamihan, iba ang pinapasukang trabaho sa tinaopos na kurso. Pero pambihira ang papasok ka sa isang malaking fully air-contiditioned na opisina. May libreng kape. Haharap ka sa flat screen na computer at uubusin mo lang ang maghapon sa pag-iisip ng mga kakornihan na isusulat sa greeting cards.


Tom: You don't want to be named as someone's boyfriend, and now your someone's wife?
Summer: I woke up one morning and I just knew.
Tom: Knew what? Summer: What I was never sure of with you.



Sweet si Summer. Matalino. Maganda. Tapat at totoo si Summer kay Tom. Ipinapakita nya kung sino sya. Yun lang hindi sya magiging pag-aari ni Tom. Casual at carefree relationship, hanggang doon lang ang kayang ibigay ni Summer. Alam ni Tom, ayaw ni Summer magka-boyfriend. Pero ok lang kay Summer ang friends..."friends with benefits". Isa sa mga bagay na hindi maintindihan ni Tom. Palagi sila magkasama. Naglalaro. Naghaharutan. Magkatabi matulog. Naghahalikan. Nagse-sex. Gusto ni Summer si Tom. Sya rin ang unang nagpakita ng motibo. Nang agresibong halikan nya si Tom sa may Xerox machine. Anong klase ng babae ang magugustuhan ka, seryoso, walang ibang lalaki sa buhay nya, pero wala syang balak magpakasal? At isang araw magugulat ka nalang. May bago syang nakilala. Biglang nagbago lahat. At biglang ikakasal na sya. Bakit sa iba? Bakit di na lang sa iyo? Matatanggap mo kaya na kaya ka lang nya mahalin ngayon, hindi forever?



Tom: What happens when you fall in love?
Summer: You believe in that?
Tom: It's love, it's not Santa Claus.



Ano bang mangyayari kapag na-inlove ka?


Nanatiling misteryoso si Summer sa kabuuan ng pelikula. Habang patuloy na nag-aabang si Tom. Ngunit hindi obligasyon ni Summer ang magpaliwanag. Kahit ano pwedeng mangyari. Ang hindi magkakasunod na pagpapalit-palit ng mga eksena ay nagbigay kalayaan sa isang romantikong pagkalito.


I love her smile.
I love her hair.
I love her knees.
I love how she licks her lips before she talks.
I love her heart-shaped birthmark on her neck.
I love it when she sleeps.



Tom, I know you think she was the one, but I don't. Next time you look back, I think you should look again


I hate her crooked teeth.
I hate the way she smacks her lips.
I hate her knooby knees.
I hate that cockroach shape splotch on her neck.








Tom: People don't realize this, but loneliness is underrated.


Naiintindihan ko kung nagalit si Tom. Naintindihan ko kung bakit sya nalungkot. Kung magbago man ang pananaw nya sa love, destiny at meant-to-be. Pero totoong may meant-to-be. Hindi lang sila para sa isa't isa ni Summer. Magbago man ang mga pangyayari sa kasalukuyan, iisa lang din ang magiging katapusan.

Most days of the year are unremarkable. They begin, and they end, with no lasting memories made in between. Most days have no impact on the course of a life.

Darating din ang panahon, makikilala rin natin ang taong para sa atin. Isang taong hindi natin alam na sumasaya kapag nakikita kang nakangiti. Isang taong hindi mo nappansing nasa paligid lang. Minamahal ka. Maaring matapos ang 500 days, pero magsisimula itong muli sa Day 1.



She's better than the girl of my dreams...becuase she's real.









"I will color the world one step at a time..."










Thursday, October 15, 2009

BUTETE


"Puberty was very vague.
I literally locked myself in a room and played my guitar."

- Johnny Depp








Malakas ang ulan kagabi. Pumunta ako sa likod bahay. May lumang swimming pool doon. Hindi na ito ginagamit. Malumot. Madalas itong walang tubig. Dahil sobrang lakas ng ulan kagabi, halos napuno ito ng tubig-ulan. Maraming lumalangoy sa pool. Mga tuyong dahon ng narra. Mga itim na palaka. At napakaraming maliliit na itim na bilog na may mata at buntot. Mga butete.


Madalas kong itanong dati, Ano sila? Saan sila nagmula? Napag-aralan namin sila sa school noong elementarya. Ang walang katapusang LIFE CYCLE OF A FROG. Kakaiba. Nakakamangha. Kahit na kadalasan pangit sila. Natutunan ko.Paglipas ng mga araw mabilis ang kanilang pagbabago. Mula sa isang itim na bilog na may mata at buntot. Magkakaroon ito ng dalawang paa. Iikli ang buntot. Maggiging apat ang mga paa. Lalapad sila. Hahaba. Lalaki. Mawawala ang buntot. Lolobo ang tiyan. Tutubuan ng kulugo. Minsan makinis din naman. At magsisimula nang kumokak.


Kagaya ng tao, nagbabago ang kanilang anyo. Kagaya ng tao, paano sila nabubuo?


Sinubukan kong magtanong. Tinanong ko ang tatay ko. Ang sabi nya, galing daw sa langit ang mga butete. Kasabay ng ulan. Pero paano nabubuo ang tao? Kasabay din ba ng ulan? Tumawa lang sya. Tinanong ko ang nanay ko. Tumawa lang din sya. Binatukan pa ako. Tinanong ko ang mga kalaro ko. Marami akong nakuhang sagot. Magkakaiba. Karamihan hindi ko maintindihan. Mayroon ding hindi ko mapaniwalaan. Nagtawanan na lang kami.


Sinubukan ko ring alamin ang kasagutan nang mag-isa. Nagpunta ako sa silid-aklatan. Binuklat ang ilang libro at encyclopedia. Mas lalo akong naguluhan. Nakasulat kasi sa Ingles. Na nagpatulo ng sipon at dugo sa ilong ko. Tiningnan ko na lang ang mga larawan. Natuwa ako.


Minsan pag-uwi ko galing eskuwela. May nakita akong dyaryo. Mas maliit ito sa mga pangkaraniwang dyaryo na binibili ng tatay ko tuwing umaga. Nakasulat ito sa Tagalog. Naka-balumbon ito kasama ng malalaking dyaryo. Binuklat ko. At binasa ang pamagat. A-BAN-TE. Binuklat ko pa. Nakarating ako sa page 8. Nagpatuloy ako sa pagbasa. XE-REX XA-VI-E-RA. Kakaiba ang istorya. Malalim ang nilalaman. Nasabi ko sa sarili ko, "Ahhhh, ganun pala yun." Napangiti ako.






"People's reactions to opera the first time they see it is very dramatic; they either love it or they hate it.
If they love it, they will always love it.
If they don't, they may learn to appreciate it, but it will never become part of their soul."

- MY BESTFRIEND'S WEDDING.



Kamakailan lang. Noong Satyembre, napadpad ako sa RCBC Plaza sa Makati. Nabalitaan ko kasi na ipapalabas dito sa Pilipinas ang isang dula, isang musical na hango sa librong nabasa ko noon. SPRING AWAKENING.





MGA TAUHAN:


Joaquin Valdes bilang Melchior , isang matapang, gwapo at matalinong binatilyo na atheist.

Nicco Manalo bilang Moritz , ang bestfriend ni Melchior na nangarap at nagnasa sa mga kababaihan na ikinabigo nya.

Kelly Lati bilang Wendla, isang kababata at nagmahal kay Melchior.

Bea Garcia bilang Ilse, isa sa kanilang mga kababata na lumayas sa kanilang bahay upang maging Bohemian, sya ang huling nakausap ni Moritz bago ito nagpakamatay.

Jc Santos bilang Hanschen, isang kamag-aral na umakit kay Ernst.

Nar Cabico bilang Ernst, isa sa kanilang mga kamag-aral, inosente at nahulog sa pang-aakit ni Hanschen.

Miguel Mendoza bilang Georg , is pang kamag-aral na pinagnanasahan ang kanyang piano teacher na malalaki ang boobs.

Sitti bilang Martha , isa sa mga kaibigan ni Wendla na inabuso ng kanyang ama.

Inno Martin bilang Otto , isa pang kamag-aral na nanaginip sa kanyang ina.

Yanah Laurel bilang Thea , matalik na kaibigan ni Wendla na nakipaglambingan sa ilalim ng carpet upang pagbigyan ang pagnanasa ng mas nakakatanda.

Ava Santos bilang Anna, matalik na kaibigan ni Martha na hindi matanggap ang sinapit ng kaibigan.



ANG DULA :


Ang SPRING AWAKENING ay hango sa isang dula na isinulat ni Frank Wedekind noong 1891. Patungkol sa buhay ng mga kabataang nagbibinata at nagdadalaga. Tumatalakay sa sex, homosexuality, abortion, masturbation, child abuse at suicide. Liberal. Matapang. Ipinabawal ito noong unang beses na isinadula, noong kapanahunan ni Wedekind. Ang makabagong bersyon nito na nilapatan ng mga awiting isinulat ni Duncan Sheik at Steven Sater ay tumanggap ng mga parangal mula sa Tony Awards.


Ang kwadradong payak na entablado ay punung-puno ng mga di mapigilang emosyon, pag-ibig at panghihinayang na sumabog at nagtalsikan sa Germany, noong 1891. Ito ang mundo na kinokontrol ng mas nakakatanda. At sa panahong ito ang nakakabighaning dalagitang si Wendla at ang walang takot na binatilyong si Melchior na nagtanggal ng kanyang buckle on stage ay nagkita.


At sa pagkikitang iyon, natagpuan nila ang sumisilakbong damdaming hindi pa nila naranasan sa buong buhay nila.


Ang batang magkasintahan, kasama ang kanilang mga kaibigan Moritz, Georg, Ernst, Ilse at Martha, ay lumaban at binangga ang lahat ng kaabang-abang sa panahon ng kanilang Puberty stage upang bigyang kahulugan ang pagbabago sa kanilang katawan at katauhan.


ACT 1 :


Nang malaman ni Wendla na nagbubuntis ang kanyang ate sa kanyang pangalawang anak, marami syang katanungan sa kanyang ina. Gusto nyang malaman kung saan nagmumula ang mga sanggol. Ngunit hindi iyon masagot ng malinaw ng kanyang ina. Hindi ito maintindihan ni Wendla. Ang sabi ng kanyang ina, nabubuo ang bata kapag minahal ng isang lalaki ang isang babae ng buong puso. Iyon lang ang sinagot ng kanyang ina. Wala nang kasunod pa. ("Mama Who Bore me").


Sa eskwela, ang mga binatilyo ay nararanasan na ang ibang klaseng paggising. Madalas. Hindi lang sa umaga. Walang pinipiling oras. Habang nag-aaral ng Virgil at Latin. Ang inaanatok at nerbiyosong si Moritz ay binigkas ng mali ang isang linya. Na syang ikinagalit ng kanyang guro. Tumayo ang rebelde at matalinong si Melchior at ipinagtanggol ang kamag-aral. Ngunit walang pakialam ang guro. Hinampas nya si Melchior . Sa pagkakataong iyon nabuksan ang kayang isipan sa kababawan at sa katotohanan ng paaralan at sosyalidad. Ninais nyang baguhin ang lahat. (“All That’s Known”). Sa pagkakataong iyo, naging matalik silang magkaibigan.


Maraming gumugulo sa isipan ni Moritz, mula sa pagbabago sa kanyang katawan hanggang sa kanyang mga pagnanasa at panaginip. Sumulat si Melchior ng isang sanaysay na tumatalakay sa mga pagbabagong ito, babae man o lalaki. Isang sanaysay na kumpleto pati larawan. (“The Bitch of Living”). Habang ang mga kabataang babae naman ay nagkukumpulan sa paaralan upang pag-usapan kung sino ang kanilang gustong pakasalan. Una sa kanilang listahan ay ang radical, matalino at gwapong si Melchior .


Habang ang si Hanschen ay natutuhan ang paggamit ng kanyang palad upang paligayahin ang sarili habang tinitingnan nag malaswang larawan. At si Georg, patuloy na pinagpapantasyahan ang kanyang piano teacher na malalaki ang bilugang hinaharap.(“My Junk”). Masyadong ninamnam ni Moritz ang sanaysay na isinulat ni Melchior para sa kanya . Ngunit lalong sumilakbo ang damdaming pumupukaw kay Moritz kaugnay sa kanyang mga pagbabago.


Inamin ni Martha na inaabuso sya ng kanyang ama. Wala raw pakialam ang kanyang ina. Gusto nyang isikreto na lamang ito ng lahat. Dahil ayaw nyang matulada kay Ilse,isang lagalag matapos abusuhin rin ng sariling ama. Pinagkaisahan ng mga guro na ibagsak sa paaralan si Moritz. Nabalitaan ito ng kanyang ama at ikinagalit nito. Ikinakahiya nya si Moritz. Gusto nyang umalis at magpuntang America. Ngunit wala syang mautangan na pera.


Dismayado si Melchior . Mahirap nga namang maipit sa gitna ng pagiging bata at pagbibinata. Sa gitna ng bagyo at mga dayami. Nagkita silang muli ni Wendla. Ito ang ikatlong pagkakataong nagkita ang dalawa. Napansin ng dalawa ang mga magagandang pagbabago sa kanilang katawan. Na nagpabilis sa daloy ng mga hormones sa kanilang katawan. Naghalikan sila. Pumalag si Wendla sa simula. Pero bumigay din. Nalaman at ginawa nila ang kahulugan ng salitang SEX.


MGA AWITIN:


“Mama Who Bore Me” – Wendla
“Mama Who Bore Me (Reprise)” – Wendla and Girls
“All That's Known” – Melchior
“The Bitch of Living” – Moritz, Melchior and Boys
“My Junk” – Girls and Boys
“Touch Me” – Boys and Girls
“The Word of Your Body” – Wendla and Melchior
“The Dark I Know Well” – Martha, Ilse and Boys
“And Then There Were None” – Moritz and Boys
“The Mirror-Blue Night” – Melchior and Boys
“I Believe” – Boys and Girls


ACT 2:


Sa pagtatapos ang mainitang paglalaban nina Wendla at Melchior sa dayami. Natauhan sila sa kanilang ginawa. (“The Guilty Ones”). Habang si Moritz ay lumayas sa kanilang bahay. Nagpunta sa gubat. At may dalang baril. Nakasalubong nya si Ilse. Inaya ni Ilse si Moritz tungo sa pagbabagong buhay. Ngunit di pumayag ang binata. Sa pag-alis ni Ilse, sinubukan syang tawagin ni Moritz. Ngunit huli na ang lahat. ipinasok ni moritz ang baril sa kanyang bibig at hinatak ang gatilyo.


Sa pagkamatay ni Moritz, sinisi ng mga magulangl at mga guro si Melchior . Dahil sa sanaysay na isinulat nya para kay Moritz. Alam nyang wala syang kasaanan. Ngunit wala syang nagawa. Pinatalsik sya sa eskuwela. (“Totally Fucked”). Sa gabi ring iyon, nagkita sina Hanschen at ang mahiyaing si Ernst. Inakit ni Hanschen. Nahulog sa pang-aakit si Ernst. Bumigay ito. Sinabi nyang iyon ang kanyang unang sexual experience at mahal na nya si Hanschen . At pinagsaluhan ng dalwa ang isang matamis na halik.


Nagkasakit si Wendla. Dinala si Wendla ng kanyang ina sa doktor. Nalaman nilang buntis ang dalagita. Nagalit ang kanyang ina. Naguguluhan si Wendla. Hindi nya alam kung paano iyon nangyari. At noon nya rin nalaman ang kasagutan sa kanyang mga tanong, kung paano nabubuo ang mga sanggol. Pinadalhan ni Wendla ng sulat si Melchoir tungkol sa kanyang kalagayan. Natanggap ito ng mga magulang ni Melchior . Ngunit hindi nila ipinaaalam ito sa binata. At ipinadala sya sa isang malayong paaralan na hindi nalalaman ang kalagayan ng kasintahan.

Sa malayong paaralan, nabasa ni Melchior ang sulat ni Wendla. Tumakas sya at sinubukang hanapin ang dalagita. Ngunit huli na ang lahat. Dinala si Wendla ng kanyang ina sa isang abortionist. Sinubukan nilang ipalaglag ang bata. Na-overdosed si Wendla sa abortion pills. pagdating ni Melchoir sa bayan. Ipinaabot nya ang isang sulat para kay Wendla sa isang kaibigan. Na nagsasabing magkita sila sa sementeryo. Sa hatinggabi. Sa sementeryo, narating ni Melchior ang libingan ni Moritz. Nangako sya sa puntod ng kaibigan na palalakihin nya ang anak nila ni Wendla na may pagmamahal at walang paglilihim tungkol sa pagkakabuo ng mga sanggol. Napansin din nya ang bagong hukay na libingan ni Wendla. Dahil sa kalungkutan, nagtangkang maglaslas ng pulso si Melchior . Ngunit bumangon mula sa libingan ang kaluluwa ni Wendla. Pinigilan sa pagtatangkang pagpapakamatay ang kasintahan. Binigyan nya ito ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay at mabuhay sa kanilang magagandang alaala. (“Those You’ve Known”).


Sa pagtatapos ng dula, kinanta ng lahat sa pamumuno ni ilse ang “The Song of Purple Summer”


MGA AWITIN:


“The Guilty Ones” – Wendla, Melchior, Boys and Girls
“Don’t Do Sadness” – Moritz
“Blue Wind” – Ilse
“Don’t Do Sadness/Blue Wind” – Moritz and Ilse
“Left Behind” – Melchior, Boys and Girls
“Totally Fucked” – Melchior and Full Company (except Moritz)
“The Word of Your Body (Reprise)” – Hanschen, Ernst, Boys and Girls
“Whispering” – Wendla
“Those You’ve Known” – Moritz, Wendla and Melchior
“The Song of Purple Summer” – Ilse and Full Company


Sa panunuod ng SPRING AWAKENING, patnubay ng magulang ang kailangan. Ang bawat paggiling sa mga awitin ng mga tauhan ay parang isang emosyonal na orgy sa maliit na entablado. Ilang beses ko rin gustong takpan ang mga mata ko. Pero sinubukan kong pigilan. Hindi ako kumurap. Napalunok na lang ako ng laway. Una, sa pagtitikol ni Hanschen habang nakapantulog.Habang nag-eenjoy naman si Georg sa kanyang makamundong pagnanasa sa kanyang piano teacher na malalaki ang boobs. Ikalawa, ang pang-aakit na nagtapos sa paghahalikan nina Hanschen at Ernst. At ang huli, ang marahang pag-ulos ni Melchoir sa kahubdan ni Wendla habang unti-unting namamatay ang ilaw sa ritmo ng “I Believe” .


Maaaring malaswa para sa iba ang dula. Maaari rin namang nakakalibog. Ngunit ito ay gigising sa natutulog nating kaisipan ukol sa seksuwalidad. Isang katotohanan na nagsasabing makapangyarihan ang dula. Hindi maitatago ang galing sa pag-awit at pagbibigay buhay ng mga artista sa bawat tauhang ginampanan. At sa bandang huli, isang masigabo at bonggang-bonggang palapak ang hinandog ko. May flying kiss pa.


Hindi matatawaran ang galing ng direktor na si Charo Aresopacochaga sa pagbibigay ng isang napakagandang bersyon ng Spring Awakening. Hinding-hindi ako nagsisi sa aking panunuod at sa nadamang emosyon habang pinapanuod ang dula. Ako ay napatayo, naggising, napanganga, natulala at pakanta-kanta pa habang pinapanuod at pagkatapos mapanuod ang Spring Awakening.



Kahit pa pala noong 1800, noong wala pang internet na pwedeng mag-download ng porn anytime . Hindi pa naililimbag ang Playboy, FHM at Maxim. Apektado na ang lahat sa mundong kinasasangkutan ng salitang SEX.








Ngayon narito ako sa likod bahay. Pinapanuod ang mga butete na lumangoy sa lumang swimming pool. Hawak ko ang isang tabloid. Pinilas ko ang isang pahina. Tinupi ko at ginawang bangkang papel. At pinaanod ko sa tubig kasama ng mga butete.



**********************************************



Spring Awakening is a Tony Award-winning rock musical adaptation of the controversial 1891 German play of the same title by Frank Wedekind. It features music by Duncan Sheik and a book and lyrics by Steven Sater. Set in late-nineteenth century Germany, it concerns teenagers who are discovering the inner and outer tumult of sexuality. The original play was banned in Germany due to its portrayal of masturbation, abortion, rape, child abuse and suicide. In the musical, alternative rock is employed as part of the folk-infused rock score.



The Philippine production opened in Manila,
on September 25 to October 18, 2009
Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Building, Makati
Directed by Chari Arespacochaga
<http://www.atlantisproductionsinc.com/>




"I will color the world one step at a time..."



Saturday, October 10, 2009

KITKAT

Go!... No, no, just wait a minute.


We're not really breaking up are we?

Come on.

This is just a fight we're having and tomorrow will be like it never happened, right?


- Allie, THE NOTEBOOK









Ano nga ba ang perfect girlfriend? Ang sabi nga nila, walang perfect kaya malamang walang perfect girlfriend.



Pero sa tingin ko, meron. Mayroong perfect girlfriend.



Sa tuwing lalabas kayo at magde-date, ang cute ng suot nya. Ang ganda-ganda nya. Ang bango-bango nya. Ito ang paraan nya para maging interesado ka sa kanya . Para naman sa kanya ka lang nakatingin. Dahil kapag nahuli ka nyang nakatingin sa iba, masasaktan sya. Di ka nya kakausapin. Matatadyakan ka na, masasampal ka pa.



Ang sabi mo, insecure lang sya.



Minsan kapag naglalakad kayo, hahawakan nya ang kamay mo. Napakahigpit, parang hindi ka nya pakakawalan. Kulang na lang magtatalon kayo habang naglalakad na parang Teletubbies. Ito ang paraan nya para ipakita sa lahat ng makasalubong nyo na swerte sya at hindi ka na available.



Ang asabi mo, possessive sya.



Ang sweet ng tawagan nyo. Minsan sobrang korni, minsan parang cartoon characters. Kahit ano pa man ang pet names nyo, kayo lang ang nakakaintindi. Ito ang paraan nya para ipakitang special ka. At walang ibang katulad mo sa buong kalawakan. Minsan tinext mo sya ng "babe", pero ang tawagan nyo ay "cookie". Nagalit sya.



Ang sabi mo, selosa sya.



Palagi ka nya tinetext. Niloloadan ka pa nya kapag hindi ka nagrereply. Kapag hindi mo pa rin sinagot ang text nya, tatawag s'ya sayo. Gusto lang nya malaman kung nasaan ka, kung ano na ang ginagawa mo. Gusto lang nya malaman kung ano na ang nangyayari sa iyo. Kung safe ka. Kung nakauwi ka na. Minsan ang sabi mo tulog ka. Pero biglang nagkasalubong kayo sa mall.



Ang sabi mo, nagger sya.



Umiiyak sya kapag binigyan mo sya ng regalo. Umiiyak sya kapag masaya sya. Umiiyak sya kapag nagkakatampuhan kayo. Umiiyak sya kapag may nasabi kang nakakasakit. Ito ang paraan nya para sabihing nasaktan sya, nasaktan mo sya at mahal ka nya. Mas mahal ka nya kaysa sa pagmamahal mo sa kanya. Pero unti-unting nagbabago ang relasyon nyo. Nagsisimula ka nang umiwas.



Ang sabi mo, masyado syang emosyonal.



Saan pa ba patutungo ito? Ano pa ang patutunguhan ng relasyon nyo. Mag-break na kayo. Iwanan mo na ang insecure, possessive, selosa, nagger at sobrang emosyonal mong girlfriend.



Para naman sumaya sya sa ibang mas karapat-dapat sa pag-ibig nya: Ang perfect boyfriend.









" I will color the world one step at a time..."



Thursday, October 8, 2009

KAKU



Well that's what we do, we fight...
You tell me when I am being an arrogant son of a bitch and I tell you when you are a pain in the ass.
Which you are, 99% of the time. I'm not afraid to hurt your feelings.
You have like a 2 second rebound rate, then you're back doing the next pain-in-the-ass thing.
So it's not gonna be easy. It's gonna be really hard.
We're gonna have to work at this every day, but I want to do that because I want you. I want all of you, forever, you and me, every day.
Will you do something for me, please? Just picture your life for me? 30 years from now, 40 years from now? What's it look like?
If it's with him, go. Go! I lost you once, I think I can do it again.
If I thought that's what you really wanted. But don't you take the easy way out.

- Noah, THE NOTEBOOK






Alam ko, naiintindihan ko. May mga bagay na nawawala, natatapos. Biglaan. Hindi ka handa. Minsan hindi mo rin maintindihan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Minsan haharap ka sa isang kaibigang ibang-ibang na sa kaibigang kilala mo noon. Maaaring iba na ang mga bagay kumpara noong simula. Maaaring natatakot ka sa hinaharap. Maaari ring inaabangan mo ang kinabukasan.


Alam ko nasanay ka na sa isang buhay na kasama sya. Minsang iisa lang kayo. Ngunit ngayon, tumatakbo na ang oras sa pagitan ninyong dalawa. Sumisikip. Hindi na kayo makagalaw. Ibang-iba na talaga ang lahat. Maaaring nagbago ka na. Maaaring nagbago na sya. Maaari ring pareho na kayong nagbago. Habang nabubuhay sya sa hinaharap. Patuloy ka pa ring umaasa sa nakaraan. Maaari ring ang kabaligtaran.


Alam ko galit ka. Pakiramdam mo mag-isa ka. Naguguluhan. Mahahanap mo ang mga kasagutan kapag tumigil ka na sa pagtatanong. Maaaring naiinis ka. Pakiramdam mo sobra na. Pakiramdam mo naghihintay ka sa wala. Pakiramdam mo kinalimutan ka na. Maaaring nawawalan ka na ng pag-asa. Maaaring wala ka nang pakialam. Maaaring nauubusan ka na ng pasensya. Maaaring napapagod ka na, sa pagmamahal at sa pag-asa.


Alam ko, hindi madaling tumanggap ng payo. Dahil kadalasan sa bandang huli ang nasa puso mo ang nasusunod. May katigasan kasi ang ulo mo. Madali kasing magbigay ng payo kaysa isagawa ito. Minsan kasi gusto mo lang ng kausap. Nais mong makinig. Gusto mong mapakinggan.


Kung magmamahal ka, ipakita mo. Ipadama mo. Makinig. Kahit paulit-ulit ang pangyayari, hindi ibig sabihin na dapat mo itong balewalain. Bigyang pansin ang maliliit na bagay. Maaari lamang manatili ang tao ng napakatagal. Huwag hayaang matangay ka na lang ng agos ng oras at panahon. Pwedeng magpahinga. Ngunit huwag manatili. Magpapatuloy ang buhay. Hindi titigil sa pag-ikot ang mundo kapag huminto ka. Maging masaya. Higit sa lahat mahalin mo ang sarili mo.






" I will color the world one step at a time..."

Tuesday, October 6, 2009

DANUM


Natapos din ang unos.
Pero iba na ako nang makaraos.
Iba na ang tingin ko sa mundo. '
Yung ibang pananaw ko, bumuti. '
Yung iba...hindi ako sigurado.


-
ABNKKBSNPLAKo Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong















Taong 1988.


Nakadungaw kami ng dalawa ko pang nakababatang kapatid sa salaming bintana sa ikalawang palapag ng bahay ni Lola. Kasalukuyang naghe-headbang noon sa himpapawirin ang bagyong si Unsang. Nagbibilang kami ng mga kapatid ko ng mga yerong nagliliparan sa palaisdaan. Huhulaan namin kung kaninong bubungan ng kapitbahay iyon nagmula.


Mataas na ang baha. Umapaw na ang ilog sa likod-bahay. Pantay na sa pilapil ang tubig ng palaisdaan. Inaayos ni Nanay at Lola ang mga inakyat na gamit mula sa ibaba ng bahay. Dumating si Tatay, kasama ng ilang kapatid nya. Ang sabi nila, kailangan daw naming lumikas. May parating na tidal wave.


Di ko pa masyadong naiintindihan ang sinabi nila. Pero nararamdaman ko, nakakatakot. Nagsimulang umiyak ang dalawa kong kapatid. Tiningnan ko sila. Ang sabi ko, wag na silang umiyak. Pero lalong lumakas ang iyak nila. Wala na akong nagawa. Umiyak na rin ako. Ang sabi ni Tatay, bakit daw kami umiiyak? Lalo lang daw lalakas ang bagyo kapag umiyak kami. Binuhat ako ni Tatay. Tumigil na ako sa pag-iyak. Binuhat ng mga tiyuhin ko ang dalawa ko pang kapatid. Umiiyak pa rin sila.


Lumalim na pala ang baha. Hanggang leeg na ni Tatay. Malamig ang tubig. Sobrang lakas ng hangin at ng ulan. Gusto kong umiyak. Pero pinigilan ko. Halos di na makita ang pilapil na dinaraanan namin. Kinakapa na lang ni Tatay ng mga paa nya. Ang ilang bahagi nito, natibag na.


Lumikas ang buong baryo.Nangangambang maabutan ng tidal wave at ng mga buhawi. Pumunta kami sa bayan. Kumatok sa mga malalaking bahay na naroon. Makikituloy lang hanggang sa lumipas ang bagyo. Ang unang bahay na kinatok namin, hindi kami pinagbuksan.


Nakakalungkot.


Ang ikalawang bahay, pinatuloy ang pamilya namin. Pinaghanda pa kami ng makakain at damit. Kinabukasan, tumigil na ang bagyo. Bumaba na ang baha. Bumalik sa baryo sina Tatay. Maraming bahay at bangka raw ang nasira. Pero nanatiling nakatayo ang aming bahay. At maayos pa rin ang aming bangka.




Ang ikalawang bahay, pinatuloy ang pamilya namin. Pinaghanda pa kami ng makakain at damit. Kinabukasan, tumigil na ang bagyo. Bumaba na ang baha. Bumalik sa baryo sina Tatay. Maraming bahay at bangka raw ang nasira. Pero nanatiling nakatayo ang aming bahay. At maayos pa rin ang aming bangka.










Taong 2006.


May parating daw na bagyo., si Milenyo. Pero tahimik ang langit. Walang ulan. Walang hangin. Natatandaan ko ang sabi ni Tatay noong bata pa ako. Kapag ganoon daw ang panahon. Malakas ang bagyong darating. Sa Maynila na ako nakatira. Alas-otso ng umaga, nakauwi na ako mula opisina. Nagmamadali akong umuwi. Hindi dahil sa bagyo. Kundi kailangan kong maglaba. Wala na kasi akong isusuot.


Dating gawi, marami pa ring sasakyan. Nakakabit pa ang napakarami at naglalakihang billboards sa EDSA. Pag-kauwi ko, sinimulan ko nang maglaba. Nakatapos ako maglaba bago mananghalian. Makulimlim kaya nagsampay ako sa lanai na nasa rooftop. Nag-ipon na rin ako ng ng maraming tubig sa mga balde. Kahit gustuhin ko man, hindi ko kayang mag-ipon ng kuryente. Kumain ako ng tanghalian at naupo sa terrace. Naghihintay ng bagyong Milenyo. After lunch daw kasi sya darating. Nainip ako. Pumasok ako ng kwarto at nakatulog.


Paggising ko, nagsisimula nang umulan at humahampas na ang hangin. Nalala ko, meron pala akong sinampay! Nagmadali akong umakyat sa rooftop. Kitang-kita ko mula sa rooftop na naglilipran ang mga bubong at yero na galing sa kung saan. Pumasok ako sa lanai. Ang mga nilabhan ko, kailangan ko nang labhan ulit. Ngkalat sila sa loob ng lanai. Mabilis ko silang inipon at pinagsama-sama sa laundry basket. Sobrang lakas ng hangin. Gumagalaw ang buong lanai. Naririnig ko ang mga kapitbahay, liliparin daw ni Milenyo ang lanai. Naisip ko, kami lang ang may lanai sa rooftop dito. At nasa loob ako ng lanai. Tumataob ang lanay. Mula sa kinatatayuan ko, binuhat ko ang laudry basket at tumalaon ng ala-Lito Lapid palabas ng pinto. Mga apat na metro rin yung tinalon ko. Pagkatalon ko, nakita ko ang lanai tuluyan ng nilipad. Nagpagulong-gulong ang lanai sa bubungan ng mga kapitbahay. Bumagsak ng ilang ulit. Hanggang sa tuluyan nawasak. Kinabahan ako. Kung hindi ako sinapian ni Lito Lapid malamang nasa loob ako ng lanai at nagpagulong-gulong kasama ng mga sinampay ko.













Taong 2009


9 am,nasa 28th floor ako. Umuulan ng ubod lakas. Uuwi na sana ako. Ang tanong ko;


"May bagyo ba?"


Hindi ko talaga alam. Wala kasing AM station ang radyo ng celphone ko. Hindi rin ako nanunuod ng tv. Kung manunuod naman ako. Walang newsbreak sa Starworld o sa F. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakaamoy ng dyaryo. Kasi pag-uwi ko galing opisina, matutulog lang ako. Gigising. Kakain. Maliligo. Magbibihis. Opisina ulit. Matutulog. Magne-net. Uuwi.


Kahit sobrang lakas ng ulan at hindi ko pa rin alam na bumabagyo. Umuwi pa rin ako. Antok na antok na kasi. Pagbaba ko ng CyberOne Building. Huwaw! Baha! Matagal-tagal na rin akong hindi lumulusong sa baha. pagdating ko sa Magsaysay, ang sabi ng mga tricycle drivers. Malalim na raw ang baha sa Gate 5. Hindi na nila kaya pang dumaan. Samakatuwid, kailangan kong lumakad sa hanggang bewang na baha. Wala akong choice, gusto ko nang umuwi. Malakas ang agos. Mabagal lang ang lakad. Maraming batang naliligo sa baha. Natawa ako. Di ko lubos maisip na nagswimming din ako sa baha dati. Mga alaala ng pagiging bata. Pagdating ko sa Gate 5, walang bumibiyaheng jeep. Ang daming pulis. May motorcade ba ang isang artista o may convoy ang isang pulitiko?

Sa Gate pa lang ng Vista Verde, malalim na ang baha. Hanggang bewang. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa bahay namin. Ang mga dinanan kong mga kotse halos lubog na ang kalahati.



11:15 am, nakarating na ako sa bahay. Naratnan ko ang mga taga-doon na nakatingin sa baha. Nagtatanong kung gaano ito kalalim. Hindi sila makapaniwala. Naniniwala silang hindi aabot sa loob ng bahay ng baha. Hindi pa kasi nangyayari iyon.


Ang bilis tumaas ng baha. 11:30 am, hanggang bewang na ang baha sa loob ng bahay namin. bago pa maubos ang baterya ng celphone ko, kinuhanan ko ng litrato ang daang dinaanan ko mula sa bintana ng kwarto.






Ang kaninang dinaanan kong mga kotse na halos kalahating nakalubog, lumubog na ng tuluyan.
Kalahating oras pa ang lumipas, mas lumakas ang agos. Lagpas-tao na ang tubig. Hindi na ko pwedeng lumabas at magtampisaw sa baha.



Naakyat namin sa second floor ang ref, tv, washing machine, sofa set at iba pang appliances. Nakalimutan ang food storage sa kitchen. Huli na nang maalala namin. 3 itlog, dalawang instant noodles at bigas lang ang nasagip namin. Sa ikalawang araw, kailangan naming lumabas at lumangoy sa malalaim na baha upang bumili ng pagkain. Kung saan man bibibli, bahala na. Nakabili kami ng cup noodles at junk food sa 7 eleven. Yun lang ang natirang paninda nila. Walang itlog, tinapay at delata. Mabuti na alng may nagbagsak ng relief goods mula sa helicopter sa bubungan namin. Ayos! Busog na!


4 na araw din ang lumipas bago naubos ang adrenaline sa sistema ko. Apat na araw ang lumipas bago ko naramdaman ang pagod at naging emosyonal sa mga pangyayari.





Nang matanggap ko ang tawag mo at umiiyak ka. Malalim na ng baha sa inyo. Kagigising mo lang. At mag-isa ka. Sinubukan kong puntahan ka ng mga oras na iyon pero hindi ko makaya. Malakas ang agos. Ayokong may masamang mangyari sa iyo. Sana maging ok ka. Alam ko magiging ok na ang lahat.


Dahil labis akong nag-alala, kaya nilangoy ko ang baha kinabukasan at pinuntahan ka. Mabuti na lang at walang nagyaring masama sa iyo. Maraming nawala. Pero ang alaala pwedeng balikan.


Pwede kang malungkot tuwing umuulan. Pwede kang umiyak tuwing lulubog ang araw.

Sinubukan kong lumayo, ngunit pinigilan ng bagyo.



LOVE is when you take away the FEELING, the PASSION, the ROMANCE

and you find out you still CARE for that person”



ISANG MAGANDANG PAALALA:



Nang dahil sa bagyo, hindi ako madalas makapag-internet. Kanina lang ako pumasok sa opisina. Dahil wala akong magawa, ginoogle ko ang sarili ko. Lumabas sa isang result ang link ng Philippine Blog Awards. Isa ako sa mga Official Nominee para sa BLOGGER'S CHOICE AWARDS.


Sumaya ako. Kahit hindi ko inaasahang mananalo ako, napangiti naman ako.
Ayon sa email na natanggap ko;
PBA09: Congratulations!
We have verified your blog of CRAYONS and PASTELS at http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com/and it complies with the guidelines of the2009 Philippine Blog Awards.You are now an official nominee!

Special Awards: Bloggers' Choice

PLEASE READ ALL INSTRUCTIONS CAREFULLY BEFORE VOTING

To vote you must be a FILIPINO blogger and must have established a blog before JUNE 2009.
To vote for a blog, we REQUIRE you to make a post that expresses which blog you are voting for.

The voting period:

NATIONAL: October 1, 2009 9:00 in the morning to October 7, 2009 10:30 in the evening.

For example:
---------------------------------------------------------------------------------
My Vote for the 2009 Bloggers' Choice Award (National)

I vote for OF CRAYONS AND PASTELS.

Bloggers' Choice Award
2009 Philippine Blog Awards
---------------------------------------------------------------------------------

After making your post, fill out the FORM below completely.

***Important Note:

a. Every blogger can only vote for one Bloggers' Choice entry. Duplicate votes will be invalid.

b. Make sure that you provide the correct link to your post for us to qualify your vote.








"I will color the world one step at a time..."






PAHABOL:


Dahil tiyak naman akong hindi mananalo sa botohan ng PBA, iboboto ko na lang ang isang makulit na kaibigan. Oi, OTEP, heto na ah! Sabi nya kasi pangarap raw nya. Teka, yung SHIRT ko!




MY VOTE FOR THE BLOGGERS' CHOICE AWARD (NATIONAL)

I VOTE FOR LIBRE LANG MANGARAP
BLOGGERS' CHOICE AWARD
2009 PHILIPPINE BLOG AWARDS