Saturday, October 10, 2009

KITKAT

Go!... No, no, just wait a minute.


We're not really breaking up are we?

Come on.

This is just a fight we're having and tomorrow will be like it never happened, right?


- Allie, THE NOTEBOOK









Ano nga ba ang perfect girlfriend? Ang sabi nga nila, walang perfect kaya malamang walang perfect girlfriend.



Pero sa tingin ko, meron. Mayroong perfect girlfriend.



Sa tuwing lalabas kayo at magde-date, ang cute ng suot nya. Ang ganda-ganda nya. Ang bango-bango nya. Ito ang paraan nya para maging interesado ka sa kanya . Para naman sa kanya ka lang nakatingin. Dahil kapag nahuli ka nyang nakatingin sa iba, masasaktan sya. Di ka nya kakausapin. Matatadyakan ka na, masasampal ka pa.



Ang sabi mo, insecure lang sya.



Minsan kapag naglalakad kayo, hahawakan nya ang kamay mo. Napakahigpit, parang hindi ka nya pakakawalan. Kulang na lang magtatalon kayo habang naglalakad na parang Teletubbies. Ito ang paraan nya para ipakita sa lahat ng makasalubong nyo na swerte sya at hindi ka na available.



Ang asabi mo, possessive sya.



Ang sweet ng tawagan nyo. Minsan sobrang korni, minsan parang cartoon characters. Kahit ano pa man ang pet names nyo, kayo lang ang nakakaintindi. Ito ang paraan nya para ipakitang special ka. At walang ibang katulad mo sa buong kalawakan. Minsan tinext mo sya ng "babe", pero ang tawagan nyo ay "cookie". Nagalit sya.



Ang sabi mo, selosa sya.



Palagi ka nya tinetext. Niloloadan ka pa nya kapag hindi ka nagrereply. Kapag hindi mo pa rin sinagot ang text nya, tatawag s'ya sayo. Gusto lang nya malaman kung nasaan ka, kung ano na ang ginagawa mo. Gusto lang nya malaman kung ano na ang nangyayari sa iyo. Kung safe ka. Kung nakauwi ka na. Minsan ang sabi mo tulog ka. Pero biglang nagkasalubong kayo sa mall.



Ang sabi mo, nagger sya.



Umiiyak sya kapag binigyan mo sya ng regalo. Umiiyak sya kapag masaya sya. Umiiyak sya kapag nagkakatampuhan kayo. Umiiyak sya kapag may nasabi kang nakakasakit. Ito ang paraan nya para sabihing nasaktan sya, nasaktan mo sya at mahal ka nya. Mas mahal ka nya kaysa sa pagmamahal mo sa kanya. Pero unti-unting nagbabago ang relasyon nyo. Nagsisimula ka nang umiwas.



Ang sabi mo, masyado syang emosyonal.



Saan pa ba patutungo ito? Ano pa ang patutunguhan ng relasyon nyo. Mag-break na kayo. Iwanan mo na ang insecure, possessive, selosa, nagger at sobrang emosyonal mong girlfriend.



Para naman sumaya sya sa ibang mas karapat-dapat sa pag-ibig nya: Ang perfect boyfriend.









" I will color the world one step at a time..."



22 comments:

saul krisna said...

putcha nakakarelate ako dito ah.... may perfect diba? diba? hahahaha

for me walang perfect... nagiging perfect lang siya pag mahal mo na siya at nakuha mong matanggap yung mga flaws niya sa buhay... like panget na ugali, ubod ng tagal mag bihis, super kikay, etc...

kasi diba pag love mo... dapat pati negative side niya tanggap mo.... package deal kasi yun... parang buy 1 take 1 lang yun... ewan ko kung may connect yung mga sinabi ko sa post mo.... hahahaha

nagpunta ako kagabi sa awards night putek.... puro passosyal mga tao dun... di ako makasabay ah.... pero sarap ng food... teka nagpunta ka ba?

ACRYLIQUE said...

Hala! Nandun ako. Naka-upo kami sa loob. Naghahanap ako ng kakilala. Syayang naman, di tayo nagkita. Nagutom nga kami. Di namin alam na may food. Busy kami sa pagpalakpak. Pero di man lang tinawag panagalan namain. Nyahaha.

Kasama ko sina otep.wordpress.com, taympers.com at manilabitch.blogspot.com.

Gagawa ako post about PBA next time. :)

shykulasa said...

mukhang na inspire ka ng The Notebook ha :D

wala talagang perfect, lahat may sablay, pero ok lang yun kasi boring kaya yung perfect ^^

di na ko pumunta sa PBA, it was a busy day for me yesterday kaya i choose to go home and get some rest, sayang nga but maybe next year :D

eli said...

wala namang perpektong tao..pero laging may better.hehe

malungkot minsan kase nasasaktan o madalas tayong masaktan. sabi ng isang kaibigan ko "PAGDATING SA PAG-IBIG HINDING HINDI KA MATUTUTO"..gat nagmamahal ka raw kase, puso ang umiiral at hindi ang isip.

Goryo said...

may kilala akong taong perfect.. kaso hindi siya pang-girlfriend o pang wife material...

Siya si... Perpekto Yasay - for senator!! ahihi

Perpektong-perpekto di ba?

an_indecent_mind said...

ganda ng post mo, looking in a neutral and broader side...

mas may kahulugan..

tingin ko, hindi yun yung "bagay ka sa akin" o "bagay ako sayo", kundi, "bagay tayong dalawa"..

so palagay ko, ang "perfect" para sayo e iba sa "perfect" para sa akin...

nice post!

Unknown said...

i guess it will gonna be perfect once you owned it.. isn't it?

B. said...

veeeeerrry well-written...

ZaiZai said...

perfect tong post na to :)

madz said...

Wow, puno ng laman ang mga sinabi mo. Tama nga naman. May mga bagay na ginagawa ang mga babae na para sa amin ay positive, pero ang dating sa mga guys, negative. Kung baga sa linya 'beauty is in the eyes of the beholder'.

Kaya sa tingin ko, understanding and communication are among the major recipes of a perfect relationship.

RaYe said...

walang perpektong tao, lalo na perpektong bf/gf...

hmnn... may naalala ako sa post mo.. hahah.

acceptance, communication >> sila importante para maging almost "perfect" ang isang relasyon.

citybuoy said...

sabi nga nung my sister's keeper (at ipaparaphrase ko na) you don't love someone because they're perfect. kung may perfect man na girlfriend, i'm sure meron at meron yang hindi maganda. haha malay mo may athlete's foot.

you love someone because they're not perfect.

Jepoy said...

Sobrang Cheesy *Imitating John Lloyd*

Ako perfect ay hindi pala. pag pumayat ako perfect na ahahahaha

Anonymous said...

ayun,,

lahat ng nabasa ko sa taas, ayos! kasi naman

those flaws complete the
aspects of a perfect girlfriend!!!

"Dahil sa selosa ka, possessive ka, nagger ka etc, kaya ka naging perfect para saken."
Naks

Anonymous said...

That's the challenge of being a human being. We are different in many ways.

Joyo said...

haha natawa ako dun sa nagkasalubong sa mall! ;P ok lang siguro maging selosa, possessive, emosyonal minsan, pero wag OA kase nakakasakal...

Joyo said...

haha natawa ako dun sa nagkasalubong sa mall! ;P ok lang siguro maging selosa, possessive, emosyonal minsan, pero wag OA kase nakakasakal...

Anonymous said...

wala namang perfect person eh. ako lang. wahahaha! jk!! ganun kasi talaga. sabi nga ng lola ko pag tatlo sa limang characteristics na gusto ko sa isang lalake ay meron sya.. wag ko na daw pakawalan. si lola gumaganun. hahaha!

Dagger Deeds said...

Haay... loving and letting go. Pag ukol daw, dun lang bubukol eh.

The Lady in Green Ruffles said...

ganda naman nito!

Rcyan said...

hmm. maaaring hindi lang talaga kayo ang perfect people meant for each other. =(

Rouselle said...

OMG. Love this post. ♥