"Puberty was very vague.
I literally locked myself in a room and played my guitar."
- Johnny Depp
Malakas ang ulan kagabi. Pumunta ako sa likod bahay. May lumang swimming pool doon. Hindi na ito ginagamit. Malumot. Madalas itong walang tubig. Dahil sobrang lakas ng ulan kagabi, halos napuno ito ng tubig-ulan. Maraming lumalangoy sa pool. Mga tuyong dahon ng narra. Mga itim na palaka. At napakaraming maliliit na itim na bilog na may mata at buntot. Mga butete.
Madalas kong itanong dati, Ano sila? Saan sila nagmula? Napag-aralan namin sila sa school noong elementarya. Ang walang katapusang LIFE CYCLE OF A FROG. Kakaiba. Nakakamangha. Kahit na kadalasan pangit sila. Natutunan ko.Paglipas ng mga araw mabilis ang kanilang pagbabago. Mula sa isang itim na bilog na may mata at buntot. Magkakaroon ito ng dalawang paa. Iikli ang buntot. Maggiging apat ang mga paa. Lalapad sila. Hahaba. Lalaki. Mawawala ang buntot. Lolobo ang tiyan. Tutubuan ng kulugo. Minsan makinis din naman. At magsisimula nang kumokak.
Kagaya ng tao, nagbabago ang kanilang anyo. Kagaya ng tao, paano sila nabubuo?
Sinubukan kong magtanong. Tinanong ko ang tatay ko. Ang sabi nya, galing daw sa langit ang mga butete. Kasabay ng ulan. Pero paano nabubuo ang tao? Kasabay din ba ng ulan? Tumawa lang sya. Tinanong ko ang nanay ko. Tumawa lang din sya. Binatukan pa ako. Tinanong ko ang mga kalaro ko. Marami akong nakuhang sagot. Magkakaiba. Karamihan hindi ko maintindihan. Mayroon ding hindi ko mapaniwalaan. Nagtawanan na lang kami.
Sinubukan ko ring alamin ang kasagutan nang mag-isa. Nagpunta ako sa silid-aklatan. Binuklat ang ilang libro at encyclopedia. Mas lalo akong naguluhan. Nakasulat kasi sa Ingles. Na nagpatulo ng sipon at dugo sa ilong ko. Tiningnan ko na lang ang mga larawan. Natuwa ako.
Minsan pag-uwi ko galing eskuwela. May nakita akong dyaryo. Mas maliit ito sa mga pangkaraniwang dyaryo na binibili ng tatay ko tuwing umaga. Nakasulat ito sa Tagalog. Naka-balumbon ito kasama ng malalaking dyaryo. Binuklat ko. At binasa ang pamagat. A-BAN-TE. Binuklat ko pa. Nakarating ako sa page 8. Nagpatuloy ako sa pagbasa. XE-REX XA-VI-E-RA. Kakaiba ang istorya. Malalim ang nilalaman. Nasabi ko sa sarili ko, "Ahhhh, ganun pala yun." Napangiti ako.
"People's reactions to opera the first time they see it is very dramatic; they either love it or they hate it.
If they love it, they will always love it.
If they don't, they may learn to appreciate it, but it will never become part of their soul."
- MY BESTFRIEND'S WEDDING.
Kamakailan lang. Noong Satyembre, napadpad ako sa RCBC Plaza sa Makati. Nabalitaan ko kasi na ipapalabas dito sa Pilipinas ang isang dula, isang musical na hango sa librong nabasa ko noon. SPRING AWAKENING.
MGA TAUHAN:
Joaquin Valdes bilang Melchior , isang matapang, gwapo at matalinong binatilyo na atheist.
Nicco Manalo bilang Moritz , ang bestfriend ni Melchior na nangarap at nagnasa sa mga kababaihan na ikinabigo nya.
Kelly Lati bilang Wendla, isang kababata at nagmahal kay Melchior.
Bea Garcia bilang Ilse, isa sa kanilang mga kababata na lumayas sa kanilang bahay upang maging Bohemian, sya ang huling nakausap ni Moritz bago ito nagpakamatay.
Jc Santos bilang Hanschen, isang kamag-aral na umakit kay Ernst.
Nar Cabico bilang Ernst, isa sa kanilang mga kamag-aral, inosente at nahulog sa pang-aakit ni Hanschen.
Miguel Mendoza bilang Georg , is pang kamag-aral na pinagnanasahan ang kanyang piano teacher na malalaki ang boobs.
Sitti bilang Martha , isa sa mga kaibigan ni Wendla na inabuso ng kanyang ama.
Inno Martin bilang Otto , isa pang kamag-aral na nanaginip sa kanyang ina.
Yanah Laurel bilang Thea , matalik na kaibigan ni Wendla na nakipaglambingan sa ilalim ng carpet upang pagbigyan ang pagnanasa ng mas nakakatanda.
Ava Santos bilang Anna, matalik na kaibigan ni Martha na hindi matanggap ang sinapit ng kaibigan.
ANG DULA :
Ang SPRING AWAKENING ay hango sa isang dula na isinulat ni Frank Wedekind noong 1891. Patungkol sa buhay ng mga kabataang nagbibinata at nagdadalaga. Tumatalakay sa sex, homosexuality, abortion, masturbation, child abuse at suicide. Liberal. Matapang. Ipinabawal ito noong unang beses na isinadula, noong kapanahunan ni Wedekind. Ang makabagong bersyon nito na nilapatan ng mga awiting isinulat ni Duncan Sheik at Steven Sater ay tumanggap ng mga parangal mula sa Tony Awards.
Ang kwadradong payak na entablado ay punung-puno ng mga di mapigilang emosyon, pag-ibig at panghihinayang na sumabog at nagtalsikan sa Germany, noong 1891. Ito ang mundo na kinokontrol ng mas nakakatanda. At sa panahong ito ang nakakabighaning dalagitang si Wendla at ang walang takot na binatilyong si Melchior na nagtanggal ng kanyang buckle on stage ay nagkita.
At sa pagkikitang iyon, natagpuan nila ang sumisilakbong damdaming hindi pa nila naranasan sa buong buhay nila.
Ang batang magkasintahan, kasama ang kanilang mga kaibigan Moritz, Georg, Ernst, Ilse at Martha, ay lumaban at binangga ang lahat ng kaabang-abang sa panahon ng kanilang Puberty stage upang bigyang kahulugan ang pagbabago sa kanilang katawan at katauhan.
ACT 1 :
Nang malaman ni Wendla na nagbubuntis ang kanyang ate sa kanyang pangalawang anak, marami syang katanungan sa kanyang ina. Gusto nyang malaman kung saan nagmumula ang mga sanggol. Ngunit hindi iyon masagot ng malinaw ng kanyang ina. Hindi ito maintindihan ni Wendla. Ang sabi ng kanyang ina, nabubuo ang bata kapag minahal ng isang lalaki ang isang babae ng buong puso. Iyon lang ang sinagot ng kanyang ina. Wala nang kasunod pa. ("Mama Who Bore me").
Sa eskwela, ang mga binatilyo ay nararanasan na ang ibang klaseng paggising. Madalas. Hindi lang sa umaga. Walang pinipiling oras. Habang nag-aaral ng Virgil at Latin. Ang inaanatok at nerbiyosong si Moritz ay binigkas ng mali ang isang linya. Na syang ikinagalit ng kanyang guro. Tumayo ang rebelde at matalinong si Melchior at ipinagtanggol ang kamag-aral. Ngunit walang pakialam ang guro. Hinampas nya si Melchior . Sa pagkakataong iyon nabuksan ang kayang isipan sa kababawan at sa katotohanan ng paaralan at sosyalidad. Ninais nyang baguhin ang lahat. (“All That’s Known”). Sa pagkakataong iyo, naging matalik silang magkaibigan.
Maraming gumugulo sa isipan ni Moritz, mula sa pagbabago sa kanyang katawan hanggang sa kanyang mga pagnanasa at panaginip. Sumulat si Melchior ng isang sanaysay na tumatalakay sa mga pagbabagong ito, babae man o lalaki. Isang sanaysay na kumpleto pati larawan. (“The Bitch of Living”). Habang ang mga kabataang babae naman ay nagkukumpulan sa paaralan upang pag-usapan kung sino ang kanilang gustong pakasalan. Una sa kanilang listahan ay ang radical, matalino at gwapong si Melchior .
Habang ang si Hanschen ay natutuhan ang paggamit ng kanyang palad upang paligayahin ang sarili habang tinitingnan nag malaswang larawan. At si Georg, patuloy na pinagpapantasyahan ang kanyang piano teacher na malalaki ang bilugang hinaharap.(“My Junk”). Masyadong ninamnam ni Moritz ang sanaysay na isinulat ni Melchior para sa kanya . Ngunit lalong sumilakbo ang damdaming pumupukaw kay Moritz kaugnay sa kanyang mga pagbabago.
Inamin ni Martha na inaabuso sya ng kanyang ama. Wala raw pakialam ang kanyang ina. Gusto nyang isikreto na lamang ito ng lahat. Dahil ayaw nyang matulada kay Ilse,isang lagalag matapos abusuhin rin ng sariling ama. Pinagkaisahan ng mga guro na ibagsak sa paaralan si Moritz. Nabalitaan ito ng kanyang ama at ikinagalit nito. Ikinakahiya nya si Moritz. Gusto nyang umalis at magpuntang America. Ngunit wala syang mautangan na pera.
Dismayado si Melchior . Mahirap nga namang maipit sa gitna ng pagiging bata at pagbibinata. Sa gitna ng bagyo at mga dayami. Nagkita silang muli ni Wendla. Ito ang ikatlong pagkakataong nagkita ang dalawa. Napansin ng dalawa ang mga magagandang pagbabago sa kanilang katawan. Na nagpabilis sa daloy ng mga hormones sa kanilang katawan. Naghalikan sila. Pumalag si Wendla sa simula. Pero bumigay din. Nalaman at ginawa nila ang kahulugan ng salitang SEX.
MGA AWITIN:
“Mama Who Bore Me” – Wendla
“Mama Who Bore Me (Reprise)” – Wendla and Girls
“All That's Known” – Melchior
“The Bitch of Living” – Moritz, Melchior and Boys
“My Junk” – Girls and Boys
“Touch Me” – Boys and Girls
“The Word of Your Body” – Wendla and Melchior
“The Dark I Know Well” – Martha, Ilse and Boys
“And Then There Were None” – Moritz and Boys
“The Mirror-Blue Night” – Melchior and Boys
“I Believe” – Boys and Girls
ACT 2:
Sa pagtatapos ang mainitang paglalaban nina Wendla at Melchior sa dayami. Natauhan sila sa kanilang ginawa. (“The Guilty Ones”). Habang si Moritz ay lumayas sa kanilang bahay. Nagpunta sa gubat. At may dalang baril. Nakasalubong nya si Ilse. Inaya ni Ilse si Moritz tungo sa pagbabagong buhay. Ngunit di pumayag ang binata. Sa pag-alis ni Ilse, sinubukan syang tawagin ni Moritz. Ngunit huli na ang lahat. ipinasok ni moritz ang baril sa kanyang bibig at hinatak ang gatilyo.
Sa pagkamatay ni Moritz, sinisi ng mga magulangl at mga guro si Melchior . Dahil sa sanaysay na isinulat nya para kay Moritz. Alam nyang wala syang kasaanan. Ngunit wala syang nagawa. Pinatalsik sya sa eskuwela. (“Totally Fucked”). Sa gabi ring iyon, nagkita sina Hanschen at ang mahiyaing si Ernst. Inakit ni Hanschen. Nahulog sa pang-aakit si Ernst. Bumigay ito. Sinabi nyang iyon ang kanyang unang sexual experience at mahal na nya si Hanschen . At pinagsaluhan ng dalwa ang isang matamis na halik.
Nagkasakit si Wendla. Dinala si Wendla ng kanyang ina sa doktor. Nalaman nilang buntis ang dalagita. Nagalit ang kanyang ina. Naguguluhan si Wendla. Hindi nya alam kung paano iyon nangyari. At noon nya rin nalaman ang kasagutan sa kanyang mga tanong, kung paano nabubuo ang mga sanggol. Pinadalhan ni Wendla ng sulat si Melchoir tungkol sa kanyang kalagayan. Natanggap ito ng mga magulang ni Melchior . Ngunit hindi nila ipinaaalam ito sa binata. At ipinadala sya sa isang malayong paaralan na hindi nalalaman ang kalagayan ng kasintahan.
Sa malayong paaralan, nabasa ni Melchior ang sulat ni Wendla. Tumakas sya at sinubukang hanapin ang dalagita. Ngunit huli na ang lahat. Dinala si Wendla ng kanyang ina sa isang abortionist. Sinubukan nilang ipalaglag ang bata. Na-overdosed si Wendla sa abortion pills. pagdating ni Melchoir sa bayan. Ipinaabot nya ang isang sulat para kay Wendla sa isang kaibigan. Na nagsasabing magkita sila sa sementeryo. Sa hatinggabi. Sa sementeryo, narating ni Melchior ang libingan ni Moritz. Nangako sya sa puntod ng kaibigan na palalakihin nya ang anak nila ni Wendla na may pagmamahal at walang paglilihim tungkol sa pagkakabuo ng mga sanggol. Napansin din nya ang bagong hukay na libingan ni Wendla. Dahil sa kalungkutan, nagtangkang maglaslas ng pulso si Melchior . Ngunit bumangon mula sa libingan ang kaluluwa ni Wendla. Pinigilan sa pagtatangkang pagpapakamatay ang kasintahan. Binigyan nya ito ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay at mabuhay sa kanilang magagandang alaala. (“Those You’ve Known”).
Sa pagtatapos ng dula, kinanta ng lahat sa pamumuno ni ilse ang “The Song of Purple Summer”
MGA AWITIN:
“The Guilty Ones” – Wendla, Melchior, Boys and Girls
“Don’t Do Sadness” – Moritz
“Blue Wind” – Ilse
“Don’t Do Sadness/Blue Wind” – Moritz and Ilse
“Left Behind” – Melchior, Boys and Girls
“Totally Fucked” – Melchior and Full Company (except Moritz)
“The Word of Your Body (Reprise)” – Hanschen, Ernst, Boys and Girls
“Whispering” – Wendla
“Those You’ve Known” – Moritz, Wendla and Melchior
“The Song of Purple Summer” – Ilse and Full Company
Sa panunuod ng SPRING AWAKENING, patnubay ng magulang ang kailangan. Ang bawat paggiling sa mga awitin ng mga tauhan ay parang isang emosyonal na orgy sa maliit na entablado. Ilang beses ko rin gustong takpan ang mga mata ko. Pero sinubukan kong pigilan. Hindi ako kumurap. Napalunok na lang ako ng laway. Una, sa pagtitikol ni Hanschen habang nakapantulog.Habang nag-eenjoy naman si Georg sa kanyang makamundong pagnanasa sa kanyang piano teacher na malalaki ang boobs. Ikalawa, ang pang-aakit na nagtapos sa paghahalikan nina Hanschen at Ernst. At ang huli, ang marahang pag-ulos ni Melchoir sa kahubdan ni Wendla habang unti-unting namamatay ang ilaw sa ritmo ng “I Believe” .
Maaaring malaswa para sa iba ang dula. Maaari rin namang nakakalibog. Ngunit ito ay gigising sa natutulog nating kaisipan ukol sa seksuwalidad. Isang katotohanan na nagsasabing makapangyarihan ang dula. Hindi maitatago ang galing sa pag-awit at pagbibigay buhay ng mga artista sa bawat tauhang ginampanan. At sa bandang huli, isang masigabo at bonggang-bonggang palapak ang hinandog ko. May flying kiss pa.
Hindi matatawaran ang galing ng direktor na si Charo Aresopacochaga sa pagbibigay ng isang napakagandang bersyon ng Spring Awakening. Hinding-hindi ako nagsisi sa aking panunuod at sa nadamang emosyon habang pinapanuod ang dula. Ako ay napatayo, naggising, napanganga, natulala at pakanta-kanta pa habang pinapanuod at pagkatapos mapanuod ang Spring Awakening.
Kahit pa pala noong 1800, noong wala pang internet na pwedeng mag-download ng porn anytime . Hindi pa naililimbag ang Playboy, FHM at Maxim. Apektado na ang lahat sa mundong kinasasangkutan ng salitang SEX.
Ngayon narito ako sa likod bahay. Pinapanuod ang mga butete na lumangoy sa lumang swimming pool. Hawak ko ang isang tabloid. Pinilas ko ang isang pahina. Tinupi ko at ginawang bangkang papel. At pinaanod ko sa tubig kasama ng mga butete.
**********************************************
Spring Awakening is a Tony Award-winning rock musical adaptation of the controversial 1891 German play of the same title by Frank Wedekind. It features music by Duncan Sheik and a book and lyrics by Steven Sater. Set in late-nineteenth century Germany, it concerns teenagers who are discovering the inner and outer tumult of sexuality. The original play was banned in Germany due to its portrayal of masturbation, abortion, rape, child abuse and suicide. In the musical, alternative rock is employed as part of the folk-infused rock score.
The Philippine production opened in Manila,
on September 25 to October 18, 2009
Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Building, Makati
Directed by Chari Arespacochaga
<http://www.atlantisproductionsinc.com/>
"I will color the world one step at a time..."
23 comments:
Parang ang ganda nito, gusto ko manood! kelangan lang ba pumunta dun tas magbabayad tas makakanood kana?haha hirap naman maging taga probinsya!=))
my alter ego tells me everyone should read xerex at least once in a lifetime. :D
mukhang maganda yun ah..
about sa nauna mong post, naalala ko mommy ng friend ko.. in-explain sa kanila yung ganun thru "the birds and the bees"... hahaha
tingin ko, dapat maging open ang ganung discussion. tingin ko kasi, the more na parang bantulot tayong i-discuss yun, the more na nagiging curious ung iba, lalo na mga teens.. :D
hehehe... i've never red a xerex article... wahahha..
sana movie musical na lang sya para mas accessible...
parang ang ganda nito kapatid..san ba pwedeng mapanuod to??^__^
first of al... takot ako sa palaka! haha. mas gusto ko na palibutan ako ng mga ipis kesa daga. haaay...
i heard that spring awakening is a provocative play. sigurado ako, sobrang edited ang version dito to the point na wala na ang essence nung orig. tingin ko lang nman :P
Waaah!!! I won't be able to see this kahit gustuhin ko... Busy with my new job.
sana may re-runs para mapanood ko din.
naaalala ko yung panahong nanonood ako sa dulaang UP ng mga ganitong tema.. di ko pa nabasa ang spring awakenings.. pero sa pagkakasalaysay mo ng kwento, mukang maganda nga panoorin ang musical play na ito.. :)
akala ko nga it is another kim chui movie.. galing mo talagang blogger..
wala na bang remate at bandera? nung maliit ako yun yung may sex education eh.
hindi ko naman mapapanood.. so, maghahanap nalang po ako ng ebook.. hehehe... salamat po.. tsaka kung malaswa yung dula para sa iba, siguro focus lang sila sa physical aspect nung play.. may mga lessons din yan sigurado.. hahaha
Nalala ko sabi ng teacher namin dati. Pinagdala niya ang mga estudyante ng pictures ng man-made na mga bagay, ang dinala ng isa, picture ng baby :)
Naalala ko 'yun dahil sa kwento mo kung saan nanggaling ang butete :P
maganda kaya yan?hmmmm
maganda kaya yan?hmmmm
may nakapagsabi sakin nuon na si xerex ay pseudonym ng isang magaling at kilalang writer.
(sa isang inuman ito, lols)
pero yung sa play na yan, gusto ko rin yan mapanood. andaming great reviews tungkol dyan.
matagal na akong di nakakapanood ng play... mukhang maganda yan ah..
nice review acrylique! kakaiba ang intro. hehehe.
gusto kong manoood!!! gusto ko manood!! panu makakuha ng tickets? mhilig ako sa musical!!!
di ko alam kung manonood ako..
padaan po sa napakagandang blog na ito..
NYOG | Not Your Ordinary Guide
Duncan Sheik's Half Life da best!
Post a Comment