Tuesday, November 10, 2009

500 DAYS OF SUMMER





"Have you ever been in love? Horrible isn't it? It makes you so vulnerable.
It opens your chest and it opens up your heart and it means that someone can get inside you and mess you up. You build up all these defenses, you build up a whole suit of armor, so that nothing can hurt you, then one stupid person, no different from any other stupid person, wanders into your stupid life...You give them a piece of you. They didn't ask for it. They did something dumb one day, like kiss you or smile at you, and then your life isn't your own anymore. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you crying in the darkness, so simple a phrase like 'maybe we should be just friends' turns into a glass splinter working its way into your heart. It hurts. Not just in the imagination. Not just in the mind. It's a soul-hurt, a real gets-inside-you-and-rips-you-apart pain. I hate love."

- Niel Gaiman








Naglalakad ako noong isang linggo sa Cinema ng Robinsons Galleria. Gusto kong manuod ng sine. Indie film. Habang nakangiwi akong nakatitig sa poster ng BOYLETS, SANGLAAN at ASTROBOY, nakita ko ang isang poster ng nakangiting lalaki na nakayuko at nakasuot na isang asteeg na shirt. Parang yung Radiohead montage shirt na napanalunan ko sa MTV Asia. Napanuod ko na rin ang bidang lalaki sa isang pelikula noon. Pero hindi ko maalala. Pagkatapos kong maubos ang Whopper Stunner ng Burger King, naalala ko rin. "The Lookout" ang pamagat. Binalikan ko ang poster. Mahigit limang minuto ko itong tinitigan. Napaka-oxymoron ng pamagat. Ang sabi ko, "Papanuorin kita kapag NOW SHOWING ka na."



This is NOT a LOVE STORY.
This is a STORY about LOVE.







Kadalasan pag-uwi ko ng bahay mula opisina. Magpapalit ng damit at hihiga sa kama. Magpapaantok. Pero lilipas ang oras hindi pa rin makatulog. Nakatulala lang sa kisame. Minsan sinusundan lang ang umiikot na electric fan. Minsan sinisilaw lang ang sarili sa liwanag na sumisilip sa bintana.

Kapag gusto kong tumahimik at tumunganga, maraming bagay akong naiisip. Kadalasan mga bagay na nangyari. Hindi naman maiiwasan yun. Tao lang ako. Hindi ko inaalala ang mga pangyayari sa buhay ko nang ayon sa pagkakasunod-sunod. Random lang. Kagaya ng dating pag-ibig. Minsan pinipilit kong maalala, pero wala talaga. Minsan nagsisimula ako sa malapit sa katapusan. Tapos tatalon sa bandang gitna. Kung kailan nangyari ang mga masasayang bagay. Pagkatapos babalikan kung saan nagsimula ang gaguhan at sakit. Sabi nga nila, "Magsimula raw sa simula". Pero minsan kasi hindi ko alam na iyon na pala ang simula. Sa tingin ko sa ganoong paraan din umikot ang "500 DAYS OF SUMMER."


The following is a work of fiction.
Any resemblance to persons living or dead is purely coincidental.
Especially you Jenny Beckman.
Bitch.



Nang mabasa ko ang Note na ito sa simula ng pelikula. Natawa na ako.
Ang sabi ko " HAHA, I LOVEET!"

May nabasa akong article na nagsasabing base ang pelikula sa lovelife ni Jenny Beckman. Kung sinuman sya at kung talagang sya ang pinagbasehan ng katauhan ni Summer, ilang beses ko syang minura sa kahabaan ng pelikula. Selfish Bitch!


Tama, Summer ang pangalan ng bidang babae. Maganda sya. May hawig kay Katy Perry. Mukhang mabango. Umikot ang istorya sa loob ng 500-day relationship nina Tom at Summer. Mula noong unang pagkikita hanggang sa paghihiwalay nila. Maraming nangyari. Series of flashback. Non-linear. Hindi sunud-sunod. Pero naapektuhan ako.






This is a story of boy meets girl. But you should know up front, this is not a love story.


Nagsimula ang pelikula sa Day 488. Nakaupo sa bench sina Summer at Tom. Nakapatong ang kamay ni Summer sa kamay ni Tom. May suot na wedding ring si Summer. Pareho silang walang imik.


Summer: Are you ok?
Tom: I will be, eventually.


Ito rin ang paborito kong eksena. Nang magkita silang dalawa. Sa bench. Pagkatapos magpakasal ni Summer sa iba. Sige na, oo na, Umiyak ako. Di lang naman ako, pati ang kasama kong nanuod umiyak din. Naiintindihan ko si Tom. Naguguluhan sya. Ako rin naguguluhan. Di ko rin talaga maintindihan kung anong nangyari. Anong tumatakbo sa isipan ni Summer? Sa pag-ibig, pinaniniwalaan natin ang gusto nating paniwalaan. At sa bandang huli, ang gusto pa rin natin ang masusunod. Minahal ni Tom si Summer magmula pa noong unang makita nya ito. Siguro ang pananaw ni Tom tungkol sa pag-ibig hindi kasinglalim ng mga pananaw ni Shakespeare. Nagsusulat sya ng greeting cards. Pero pinaniniwalaan kaya nya ang mga sinusulat nya gaya ng;


Roses are red, violets are blue... Fuck you, whore!


Tom : I guess I just figured, why make something disposable like a building when you can make something that last forever, like a greeting card.


May ganoong trabaho pala. Nagtapos sya bilang arkitekto, pero binabayaran sya para magsulat ng greeting cards. Ganun naman talaga ang karamihan, iba ang pinapasukang trabaho sa tinaopos na kurso. Pero pambihira ang papasok ka sa isang malaking fully air-contiditioned na opisina. May libreng kape. Haharap ka sa flat screen na computer at uubusin mo lang ang maghapon sa pag-iisip ng mga kakornihan na isusulat sa greeting cards.


Tom: You don't want to be named as someone's boyfriend, and now your someone's wife?
Summer: I woke up one morning and I just knew.
Tom: Knew what? Summer: What I was never sure of with you.



Sweet si Summer. Matalino. Maganda. Tapat at totoo si Summer kay Tom. Ipinapakita nya kung sino sya. Yun lang hindi sya magiging pag-aari ni Tom. Casual at carefree relationship, hanggang doon lang ang kayang ibigay ni Summer. Alam ni Tom, ayaw ni Summer magka-boyfriend. Pero ok lang kay Summer ang friends..."friends with benefits". Isa sa mga bagay na hindi maintindihan ni Tom. Palagi sila magkasama. Naglalaro. Naghaharutan. Magkatabi matulog. Naghahalikan. Nagse-sex. Gusto ni Summer si Tom. Sya rin ang unang nagpakita ng motibo. Nang agresibong halikan nya si Tom sa may Xerox machine. Anong klase ng babae ang magugustuhan ka, seryoso, walang ibang lalaki sa buhay nya, pero wala syang balak magpakasal? At isang araw magugulat ka nalang. May bago syang nakilala. Biglang nagbago lahat. At biglang ikakasal na sya. Bakit sa iba? Bakit di na lang sa iyo? Matatanggap mo kaya na kaya ka lang nya mahalin ngayon, hindi forever?



Tom: What happens when you fall in love?
Summer: You believe in that?
Tom: It's love, it's not Santa Claus.



Ano bang mangyayari kapag na-inlove ka?


Nanatiling misteryoso si Summer sa kabuuan ng pelikula. Habang patuloy na nag-aabang si Tom. Ngunit hindi obligasyon ni Summer ang magpaliwanag. Kahit ano pwedeng mangyari. Ang hindi magkakasunod na pagpapalit-palit ng mga eksena ay nagbigay kalayaan sa isang romantikong pagkalito.


I love her smile.
I love her hair.
I love her knees.
I love how she licks her lips before she talks.
I love her heart-shaped birthmark on her neck.
I love it when she sleeps.



Tom, I know you think she was the one, but I don't. Next time you look back, I think you should look again


I hate her crooked teeth.
I hate the way she smacks her lips.
I hate her knooby knees.
I hate that cockroach shape splotch on her neck.








Tom: People don't realize this, but loneliness is underrated.


Naiintindihan ko kung nagalit si Tom. Naintindihan ko kung bakit sya nalungkot. Kung magbago man ang pananaw nya sa love, destiny at meant-to-be. Pero totoong may meant-to-be. Hindi lang sila para sa isa't isa ni Summer. Magbago man ang mga pangyayari sa kasalukuyan, iisa lang din ang magiging katapusan.

Most days of the year are unremarkable. They begin, and they end, with no lasting memories made in between. Most days have no impact on the course of a life.

Darating din ang panahon, makikilala rin natin ang taong para sa atin. Isang taong hindi natin alam na sumasaya kapag nakikita kang nakangiti. Isang taong hindi mo nappansing nasa paligid lang. Minamahal ka. Maaring matapos ang 500 days, pero magsisimula itong muli sa Day 1.



She's better than the girl of my dreams...becuase she's real.









"I will color the world one step at a time..."










17 comments:

Anonymous said...

sa totoo lang naririnig ko yang 500 days of summer na yan, parang di ko type... pero ng mabasa ko mga sinabi mo, parang gusto ko na panoorin... intriguing, interesting, nakakacurious... at alam ko makakarelate ako..

Anonymous said...

sa totoo lang naririnig ko yang 500 days of summer na yan, parang di ko type... pero ng mabasa ko mga sinabi mo, parang gusto ko na panoorin... intriguing, interesting, nakakacurious... at alam ko makakarelate ako..

Jepoy said...

Very good ang pag kaka sulat sa entry na ito. Ang galing ng relasyon ng idea mo at pag insert mo sa actual na kaganapan ng mubi. I love the movie, I am sure marami ang nakakarelate dito. Gusto ko rin gumawa ng entry about this ahahaha Inggitero talaga LoL

Salamat sa pag ka buhay mong muli sa mundo ng blogosphere :-D

citybuoy said...

parang imposibleng di makarelate sa 500 days of summer. galing nung pagkakasulat nya!

nice post!

ITSYABOYKORKI said...

napanuod ko to with my happiness intelligent story , nice post ..... :)

ShatterShards said...

That park scene will become a classic. Such a very romantic scene, but not in any conventional kind of way. It hurt, seeing them interact, especially Summer's explanation.

I'm waiting for the dvd, an original, if I could find one.

Rouselle said...

I found this movie really cute. If it had been another Summer, the movie wouldn't have been as charming and effective. Zooey Deschanel is flaky as she is adorable. ♥

Love The Smiths, too!

miss Gee said...

nyc. I haven't heard about this movie until now.I think i need to watch this.thnx. Dahil jan mag sisimula nako maghanap nito :)

Kris said...

Summer: I woke up one morning and I just knew.
Tom: Knew what?
Summer: What I was never sure of with you.


this line is kick-ass, and i love it. your review, on the other hand, is truly different maybe because this was the first 500 days of summer review in the vernacular. :P

the movie is smart. plus, it has a not-so-happy ending which i adore the most.

Anonymous said...

uu nga, kamukha ni zooey deschanel si katy perry sa movie na to.

astig yung movie no? di sya generic and yung mga lines nila, may lingering effect. di sadya ang pagkakapanuod ko dito, nagkataon lang, pero thank God i did. :)

Dagger Deeds said...

Hahaha... Wow, gusto ko rin ang movie na ito, grabe spoiler ka ah. Buti na lang tagal na nung ipinalabas yung film.

HOMER said...

Never have I read a critique slash commentary on a movie written with such remarkable words. Obviously you didn't watch the movie, you immersed yourself in it!

Bravo!! galing galing mo Acrylique! Para sa 'batong' tulad ko na hindi masyadong naka relate sa movie, I was moved by your thoughts.. Napaisip ako, and I couldnt agree more with everything you said.

Ayan! I took time talaga to comment kahit wala na ko time masyado hehe!! Isa lang ibig sabihin nun, MAGALING Ka kasi Magsulat! hehehehehe!!

glentot said...

Huhu naiyak naman ako sa napaka-in depth look mo on one of my favorite films of 2009...

I am so Tom. And I ate the Summers of the world.

Unknown said...

kyo ha, nku damn n ng sabi sa movie n to.. looking forward to watch it..

Bi-Em Pascual said...

im sooooo gonna watch this...

Anonymous said...

...and then Autumn came.

this movie made me hurt so bad. it's so good.

eliment said...

interesting...may mga kaibigang nagsasabi na maganda nga ito..pero wala pa akong time para panoorin. maybe sa Christmas break ma-karir ko ito. hehe ..tnx