Thursday, December 31, 2009

PRESENT


"Nobody can go back and start a new beginning,
but anyone can start today and make a new ending."

- Maria Robinson






Hindi naman talaga ako nawala. Nandito lang ako. Umabsent lang.


Mahigit dalawang linggo rin akong hindi umuwi sa inuupahan kong kwarto. Kung uuwi man ako, hindi ako roon matutulog. Medyo kumapal na rin ang alikabok sa mga librong magkakapatong sa tokador. Nagtayo na rin ng mga dampa ang mga informal settlers na gagamba sa mga sulok ng kisame. Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakakapaglinis ng kwarto.


Umupo ako sa kama. Binuksan ko ang electric fan. Umikot ito. Hinika lang ako sa mga nagliparang alikabok. Kaya pala mainit. Kulob ang kwarto. Hangin ng electric fan at hininga ko lang ang umiikot sa buong kwarto. Binuksan ko ang mga bintana.


Pinakinggan ko ang bagong download na kanta sa cellphone ko.
FIREFLIES ng OWL CITY. Paulit-ulit ko itong pinatugtog. Siguro mga limang beses itong kumanta bago ko napilit ang sarili kong kumuha ng walis at simulang linisin ang kwarto.


Maraming gamit. Maraming kalat.


Inayos ko ang mga pictures sa photo album. Ang dami ko pa lang pictures. Photogenic. Marami ring hindi akin. Kaya hiniwalay ko. Ginupit-gupit ko yung hindi akin. Pinutol-putol sa maliliit na piraso. Binuhusan ko ng gasolina. Nagliyab. Naging abo.



Yung ibang gamit, pinamigay ko. Baka pwede pang pakinabangan ng iba. Wala naman rin akong paggagamitan. Di ko na kailangan. Wala nang silbi. Yung iba, tinapon ko. Dahil hindi naman kakailanganin ng mga pagbibigyan ko. Baka magagamit pa ng basurero. Iyon naman ang gusto ng basurero, basura. Hindi naman kasi akin . Pampasikip lang sa hawla ko.


Sentimental value? Nawala na lahat ng dahilan para itago pa ang mga itinapon na kalat. Kasabay ng mga ala-alang hindi ko na maalala. Di ko na matandaan kung paano sila naging akin. Di ko na matandaan ang mga kwento. Pinatay na ng maikling panahon. Wala nang dahilan para itago pa. Parang di ko nakilala. Parang hindi naging akin. Parang hindi nabuhay. Parang bula. Pumutok. Nawala. Ayoko nang makita, baka masapak ko pa. Nang araw na iyon nawala nang lahat. Natanggap ko na. Hindi na sila akin. Hindi ko na pag-aari. Hindi sila para sa akin. Hindi ako para sa kanila. Hindi kami para sa isa't-isa.


Nang matapos akong maglinis ng kwarto. Naligo ako. Humarap sa salamin. Nagbihis. Humarap muli sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa. Napagdesisyunan kong magpagupit. Parang gusto ko ng new look. Yung medyo pangkaraniwan. Yung kadalasang pinapagupit ng mga binatilyo sa barbero at sa bading sa parlor. Yung pang-masa. Yung tipong hindi ako kaagad makikilala sa malayuan o kapag nakatalikod. Dahil pangkaraniwan lang ang gupit ng buhok ko. Yung walang impact. Yung hindi kagulat-gulat. Yung hindi ako lilingunin ng maka-apat na beses ng mga tao sa daan. Yung di ako pagtitinginan ng mga taong makakasalubong ko. Yung di ako kaagad makikita sa gitna ng mala-sardinas na siksikan sa MRT Cubao Station tuwing rush hour. Gusto ko yung hindi kakaiba.


Gusto ko ng MOHAWK, yung BLOND.


Matagal ko nang inaasam na magpagupit ng ganito. Matagal na. Siguro mga dalawang araw na ang nakaraan. Kaya ang tanong kaagad sa akin ng gugupit, SIGURADO KA? Takip-bibig akong tumango. Habang pinapakiramdaman ko ang paggapang ng clipper sa magkabilang tagiliran ng ulo ko. Iniisip ko kung anong magiging itsura ko. Sa tingin ko bagay ko naman. Kaya ko namang pangatawanan. Astig kaya to, Rakenrol! Ang sabi ko sa manggugupit kulayan nya ng blond, platinum blond. Nainggit kasi ako sa kulay ng buhok ng mga albino o yung mga anak-araw. Limang oras na nakababad ang ulo ko sa steamer at peroxide. Hanggang sa humapdi na ang anit ko. Kulang na lang nga laklakin ko ang hair bleach at peroxide para pati kaluluwa't dugo ko mamuti.


Ito ay isang bagay na bago sa akin. Pero ginusto ko. Masaya ako. Gusto ko ngang umiyak at magtatalon sa tuwa. Matapos nga akong magupitan at makulayan, pakiramdam ko nagparasailing ako sa kahabaan ng EDSA. Bago ko pa pinagkatuwaan ang sarili ko. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga mangyayari. Alam kong pagtitinginan ako ng mga tao. Mga makakasalubong ko, mga kasabay ko sa jeep at elevator, mga ka-opisina at pamilya ko. May magugulat, may hahanga, may tatawa, merong tititig. Head-turner talaga. Nanay ko nga pinagtawanan ako. Marami ngang di makapagpigil at bigla nalang hahawakan ang ulo at buhok ko. Yung iba iniinterview talaga ako. yung tindera sa ukay-ukay ini-english pa ko.


Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kailangan ng pagbabago kung magkakaroon ng bagong simula. Pakiramdam ko isa na akong dating bagong AKO. Marami akong tinapos. Ngunit marami muling sisimulan. Marami akong tinapon. Ngunit marami muli akong itatago. Maraming nawala. Alam ko, maraming papalit.


Sabi nga kung hindi ka gagawa ng pagbabago, pagbabago ang gagawa sa iyo. Magkakarugtong ang lahat ng bagay sa buhay natin. Lahat ay pare-pareho kahit na magkakaiba. Maaaring magkakaiba ang mukha ng mga bagay sa iba't-ibang lugar, pero ang sitwasyon pareho lang. "Irony" ay isa sa mga bagay na mananatili sa buhay. Mararamdaman lang natin ito kapag iniwan na tayo. Kapag binalikan mo ang ilang pangyayari sa buhay mo, siguro nang mga nakaraang ilang taon. Magkakaiba ang mga pangyayari, pero parang magkakarugtong lang. Hindi natin maiiwasan ang pagbabago. pero anuman ang dumating, paikot-ikot lang. Minsan makikita mo na lang ang sarili mo sa kabilang mukha ng barya. Ang lahat ay nagbabago, kasimbilis ng pananatili ng lahat.














" I will color the world one step at a time..."


12 comments:

Anonymous said...

parang trip ko din magpamohawk ah, hehehe. tamang tama, new year, new look.

happy new year bro!

Superjaid said...

ohmygawd!wow watta hair kapataid..hehehe ganyan yun hair style na type ng jowa ko kaso baka di bagay sa kanya pero sayo bagay..astig!happy new year!

richard said...

astig.. ma-try nga ang buhok na yan... yan ba uso this 2010? heehe

HOMER said...

taenang buhok yan haha!! i like it! sana lang pwede ako magpaganyan haha!!! HAPPY NEW YEAR ACRYLIQUE namiss kita haha!!

MgaEpal.com said...

Happy You Year! Manigong "sana kumpleto pa ang mga daliri nyo" sa inyong lahat!

Anonymous said...

huwaw new look nga! nice bagay naman... happy new year! ako rin naglinis ng kwarto ang dami ko ring tinapon... :))

KESO said...

WAW! HAHA. ANG CUTE! BAGAY SAYO KUYA.
HAPI NEW YEAR!

ITSYABOYKORKI said...

was here :)happy new year

Unknown said...

wow, hahaha. galing ng buhok ah.. yellow n yellow! Happy new year!

citybuoy said...

inggit ako! haha gusto ko rin.

bakit nga ganun no? pag may breakup or anything big na kaganapan, ang first impulse ng mga tao (or most people na kilala ko) ay MAKEOVER!!! siguro kasi pag nagbago na yung labas, baka magbago din yung loob. tama ba?

"Pakiramdam ko isa na akong dating bagong AKO."

ang ganda nito. buti nalang at bumalik ka na sa pagbblog. :D

RaYe said...

astig sa hair!
rock on dude!
\m/

gesmunds said...

i really agree sa mga sinulat mu... sobrang tumama rin sakin... kung pwede lang rin ako magpaganyan ng buhok... kaso diko kaya..di ako ganun katapang...

change is good!
truly,, good things are yet to come!!