Thursday, January 7, 2010

ANG LALAKI




"If I do dream, would all my wealth would wake me!
If I do wake, some planet strike me down, that I may slumber in eternal sleep!"

- William Shakespeare








Hindi ako matatakutin. Yung mga Korean at Japanese horror movies, sisiw lang sa akin. Kaya kong mag-horror movie marathon ng mag-isa sa hatinggabi.


Isang pelikula lang ang natatandaan kong natakot ako. Pinanuod ko ang 30 Days of Night. Pag-uwi ko ng bahay mula sinehan, pakiramdam ko mangyayari sa totoong buhay. Nanatili sa isip ko ang ideya na anumang sandali darating ang mga bampira. At uubusin tayong lahat. Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Hindi ko na ulit pinanuod ang pelikula.


Natatakot din pala ako.


Hanggang sa malaman ko ang tungkol sa pelikulang PARANORMAL ACTIVITY. Napanuod ko ang trailer. Nagugulat ang mga nanunuod. Napangiti ako. Interesante. Isang istorya na sa tingin ko pamilyar sa akin. First day of showing at initial screening sa Gateway Cinema, nandun na ako. Kasama ang ilang officemates. Hindi lang pala kami ang excited. Marami rin. Puno ang sinehan. Maraming tao. May mga nakaputing uniform. Mga nursing students yata sila. Yun ang nakita ko. Di ko na inalam kung iyon din ang nakita ng mga kasama ko.


Hindi talaga ako matatakutin. Siguro nasanay na rin ako. Kasi kadalasan, kung ano o sino man ang makita ko, hindi nila ako pinapansin. Maliban na lamang sa ilan na tumatawag sa pangalan ko at mga batang gustong makipaglaro. Dumating din ang panahon na iniwasan ko ang matataong lugar. Gaya ng mga malls. Dahil mas malamang sa hindi, lalo't hindi ako pamilyar sa lugar at iba-iba ang mga taong naroroon. Hindi ko matutukoy kung sino ang totoong tao at sino ang hindi.


Nagtrabaho ako noon sa isang industrial plant. Umupa ako ng isang bedspace malapit sa planta. Tama lang ang kwarto para sa dalwang tao. May sariling kusina at banyo. Ang sahig ay nalalatagan ng puting bulaklaking linoleum. Medyo maingay kapag lumakad ka ng nakayapak. Dalawa ang higaan. Isang kama at isang floor mattress. Pinakilala sa akin ng landlady ang makakasama ko sa kwarto. Mas nauna sya sa aking umupa sa kwarto. Mas mataas sya sa akin ng kaunti. Bilugan ang mukha at katawan. Maputi. Bikolano. Laging naka-grey boxer shorts. Billy ang panagalan nya. Sya ang matutulog sa kama. Ako sa floor mattress. No choice. Hindi naman kami pwedeng magtabi sa kama.


Tahimik naman ang mga nagdaang mga gabi. Maliban sa hilik, kuliglig at mga impit na ungol. Maayos naman akong nakatulog. Lumipas ang tatlong buwan. Isang gabi, nagising ako sa maiingay na yapak sa linoleum. Pagmulat ng mata ko, nakita ko ang mga paa ng naglalakad. Lumabas sya galing sa banyo. Papalapit sya sa higaan ko. Umapak sya sa mattress. Hinakbangan ako. Sinundan ko ng tingin kung saan sya papunta. Lalabas sya ng kwarto. Ang nasa isip ko si Billy. Pero saan sya pupunta nang ganoong oras? Noon ko lang din nakita ang kabuuan ng naglalakad. Isang lalaki. Matangkad. Naka white shirt at maong pants. Bumangon ako. Umupo sa mattress. Nakita ko si Billy, mahimbing na natutulog sa kama.

Sino ang lalaki?


Dalawang gabi pa ang lumipas. Maingay na langitngit ng kama ang gumising sa akin. Bumangon ako. Umupo sa mattress. May nakaupong lalaki sa kama ni Billy. Inuuga nya ang kama. Akala ko si Billy. Hindi ako sigurado kung si Billy nga. Nilapitan ko. Tinitigan ko kung sino. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko. Hindi sya si Billy. Hindi rin sya nakatingin sa akin. Nakatingin sya sa kanan. Patuloy nyang inuuga ang kama. Sya ang lalaking nakita kong naglalakad noong isang gabi. Iyon pa rin nag suot nya. Nakita ko si Billy. Mahimbing pa ring natutulog.

Iyon na ang huling gabi ko sa kwarto.






"I will color the world one step at a time..."







14 comments:

citybuoy said...

oh farck.. that's really scary. haha in fairness sa mumu, may fashion sense sya. haha

Niel said...

bading ba si billy? doink!

Andrei Alba said...

yun ang nakakatakot.

more than paranormal activity na hindi ko naman kinatakutan. tinawanan ko lang.

sumisigaw lang ako sa mga morbid na movies. keri lang naman ang horror.

Anonymous said...

sino nga kaya yung lalaking yun? sana may kadugtong, hehe.

saul krisna said...

hahaha natawa ako sa post mo... pero kakatakot din... ayaw ko sa mga mumu na pelikula... baka mapabilis ang buhay ko kapag na nuod ako nun... hehehe

Julianne said...

buti na lang tanghaling tapat ko to nabasa. :D

Jepoy said...

scarry shit! Musta Acrylique?!

Anonymous said...

ay putek. ayoko na nga! haha! kakapraning un ah..

ITSYABOYKORKI said...

waaaaaa katakot!!!!

Yj said...

keri na sana na natakot ako basta may sex eh... hmmmmmmmmmp

Unknown said...

Whoah, ganun ba? ang lalaki ay lalaki talaga. kahit maging bakla man, sa huli ay lalaki parin. At ganun ang buhay.

Douglas said...

HOLYSHIT!

natakot ako. alas tres na ng madaling araw sinasabi pa naman na oras ito ng mga demonyo.

Anonymous said...

waaaaaaaaaah ikseri! ako non kakaripas ako nang takbo...

KESO said...

waaaaaaaaah.katakot nman.