Sunday, July 12, 2009

ANG MATADERO

“Going to church does not make you a Christian anymore than going to the garage makes you a car.”


- Dr. Laurence J. Peter











Matanda na si Bb. Daligcon. Isang matandang dalaga. Malakas ang boses nya. Parang laging galit. Sumisigaw. At ang laway nya, parang mga paniking nagliparan mula sa madilim at malalim na kuweba. Na binulabog ng isang galit na galit na halimaw. Ang mga paniki, naglipana sa mukha ng mga kamag-aral kong nakaupo sa harap nya. Sa tuwing magsasalita sya, parang panis na gatas ang sumasabog mula sa labi nya. Ang tanging panalangin lang ng mga kamag-aral ko, sana walang TB si Bb. Daligcon. Dahil madalas syang umubo sa mukha ng mga ito.


Katesismo ang tinuturo ni Bb. Daligcon. Ang sabi nya kailangang mabuhay kami sa katesismo. Huminga, kumain at matulog ng katesismo. Hanggang sa maging dugo na namin ito. Kailangang kabisaduhin namin ang Ten Commandments, ang Seven Sacraments, ang Seven Deadly Sins. Isapuso ang lahat ng dasal. Ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Sumasampalataya, Angelus, Litanya. Kailangang dasalin namin sila sa Ingles at Tagalog araw-araw sa klase nya. Isang salita lang ang makalimutan, dadapo sa katawan namin ang stick na hawak nya.


Isang araw may bago syang naisip. Kailangan daw matutunan namin ang mga dasal sa Latin. Dahil ito daw ang pinakabanal na salita. Latin daw kasi ang dinarasal ng mga martir habang isa-isang tinatanggal ang mga kuko nila at unti-unting binabalatan ng mga barbaro. Kami raw ang pinakawalang pag-asang klase sa buong kasaysayan ng pagtuturo nya sa mababang paaralan na iyon. At dahil banal daw ang Latin, kaya bibigyan kami ng katiting na pag-asa ng Diyos. Para raw hindi kami tuluyang mahulog sa impiyerno o purgatoryo.


Nagtaas ng kamay si Quintos. Sya ang palatanong na si Quintos. Sa lahat ng inip na inip na mga batang nandoon, sya lamang ang may lakas ng loob na magtanong. Hindi nya kayang pigilan ang sarili nya. Nanginginig syang tumayo. At ang tanong nya, “Bb. Daligcon, ano po ang purgatoryo?”


Patay kang bata ka. Gumulong ang mga mata ni Bb. Daligcon hanggang langit. Lagot. Papatayin nya si Quintos. Walang kurap ang buong klase. Naghihintay kung paano kakatayin ni Bb. Daligcon si Quintos. Sa halip pinagsabihan lamang nya ito. “Mister Quintos, huwag mo nang alamin kung ano ang purgatoryo. Hindi ka naman doon mapupunta. Kaya wala ka nang pakiaalam kung ano ang purgatoryo. Narito ka para mag-aral ng katesismo. At gawin ang lahat ng pinapagawa sa iyo. Hindi ka narito para magtanong. Dahil mga naliligaw lang ang nagtatanong. Hindi ako responsible kung maligaw ka. Naiintindihan mo ba Mister Quintos?”


“Opo.”
“Opo?”
“Opo, Bb. Daligcon.”


Itinaas muli ni Quintos ang kamay nya. “Bakit po nagtatanong ang mga naliligaw?”


Hindi humihinga ang buong klase. Nakikiramay sa pagpapakamatay ni Quintos. Ang mukha ni Bb. Daligcon namuti, tapos naging pula. Nagsimula siyang magsalita. Sumigaw na parang leon. Nagliparan ang laway nya kung saan-saan. Lumapit sya kay Quintos. Hinatak nya ito sa tenga papunta sa harapan ng klase. Mangiyak-ngiyak ang kaawa-awang si Quintos. Hinampas nya ito ng stick sa kamay, sa braso, sa hita.


“Tingnan nyo ang insektong ito!”
“Patawad po Bb. Daligcon,” tuluyan ng umiyak si Quintos.
“Patawad? Bakit ka humihingi ng tawad?”
“Patawad po dahil nagtanong ako.”
“Tama, Quintos! Dahil sa susunod na magtanong ka. Ibabalik kita sa pinagluwalan mo! Naiitindihan mo ba, Quintos?”
“Opo.”
“Opo?!”
“Opo, Bb. Daligcon.”
“Ngayon, bumalik ka na sa kinauupuan mo kutong-lupa ka!”


Pagkaupo ni Quintos, hinatak nya ang laylayan ng kanyang kamiseta. Ipinunas sa basang-basang mukha na pinaghalong luha nya at laway ni Bb. Daligcon.


“Ang sinumang tatanga-tangang batang magtanong muli sa klase na ito, babalatan ko ng buhay, dudukutin ko ang mata, puputulin ko ang dila at ipapakain sa aso. Naiintindihan nyo?”

“Opo, Bb. Daligcon.” Sabay-sabay na sagot ng buong klase.


At itinaas muli ni Quintos ang kamay nya.







Nagmula ang larawan dito...




"I will color the world one step at a time..."

37 comments:

RaYe said...

buti di ako nagkaroon ng gurong katulad nya... palatanong pa naman ako.. bwahahaha

SEAQUEST said...

I was being a student catechist & same as well when i was in college pero di naman ako ganyan noh...

gesmunds said...

with that kind of teacher, she's not enabling students to establish their faith,, which is the purpose of teaching catechism., instead, she's pushing them away.

dapat alam ni Bb. Daligcon ang dahilan ng kanyang pagtuturo..

bakit kaya yan ang storya mu ngayon,, minsan ba naging 'quintos' ka ba? hehe..

ShatterShards said...

May guro rin akong ganiyan dati. Pero ang itinuturo niya, Filipino at Sibika. LAhat ng turo niya, sapilitan. Natapos ang taon na parang wala akong nalaman.

Ax said...

i could not agree more. there is an indelible division between being religious and righteous.

OT: salamat sa pagdalaw kay kuya Eli. salamat ng marami.

HOMER said...

Power trip lang yan kasi naterrorize lang kasi si BB QUintos nung nagaaral lang sya.. haha!!

Pero pero pero, mali yang ginagawa nya ha, corporal punishment physical or mental is detrimental to a child's education. Kaya dapat isumbong yang mga ganyang teacher sa XXX o kaya kay Manong Mike Enriquez! hehe!!! :D

gillboard said...

may ganyang guro ako noong hayskul...

at meron din akong kaklaseng ganun.. hahhaa

Niqabi said...

Nakakatakot naman si BB. Daligcon? Why the heck is she teaching catechism with an attitude such as that?..

Ang galing mo talaga magkwento acry.. kakaelibz..*hail icon*

SuperGulaman said...

ummmm....makulay ang pagkakagawa ng kwento...acrylique talaga... nagustuhan ko kung pano mo ilarawan ang mga eksena...ayuz na ayuz... mejo natatakot na tuloy ako baka makasalubong ko si Bb. Daligcon... ;)

superjaid said...

di pa pala ako nakapagcomment dito kagabi,dun pala ako nakapagcomment sa isa,anyways..buti na lang di ako nagkaroon ng prof na tulad nya..lucky me..haha those kind of teachers never really know the essence and impact their profession could make..haaay..siguro maraming masamang dinanas ung teacher na un kaya ganun sya..kawawa naman si quintos..

Niel said...

wala pa yatang celfone o bantay bata hotline nung panahon na yan

Anonymous said...

haizzz... banal-banalan... kaya ako hindi ako masaydong nagsisimba... kasi alam ko sa sarili ko kung ano ang tama at mali, hindiko kailangang magpakitang tao para malaman ng buong mundo na malapi ako sa Diyos kapag lagi ako nagsisimba...

may mga taong magaling mangaral, magturo pero hindi nila kaya iapply sa sarili nila... haizzz...

Anonymous said...

hehehe, kung ako yung kaklase ni quintos, magsusumbong ako sa DepEd.

Eli said...

nakakapanggigil naman si bb. daligcon! pero infairness tawa ako ng tawa sa post lalo na dun sa mga laway niyang animo'y paniki na lumalabas sa kweba haha. anyway, hmmm dapat hindi pinagtuturo ung mga ganyang tao! ang sarap soplakin! Hindi ka naman maisasalba ng relihiyon eh, hindi ka mapupunta sa langit dahil sa RELIHIYON at kung anu anu mang dasal! Kahit na kabisado mo lahat ng dasal eh kung wala naman sa puso mo si Christ, wala rin.

ayan nobela.

shykulasa said...

walang karapatang magturo ang ganyang klase ng guro na takot ang dinudulot sa estudyante at hindi kaalaman!

bilib ako kay Quintos! :)

ACRYLIQUE said...

@Rwetha

- hehe. Siguro maraming kagaya ni Bb Daligcon. di lang sa eskuwela. :)

Joel said...

anong klaseng guro yan? napakamainitin ang ulo, walang karapatang tumayo sa harapan ng mga estudyante ang isang pikon na teacher hehe..

ACRYLIQUE said...

@SEAQUEST

- Wow, katekista ka dati? Asteeg! :)

ACRYLIQUE said...

@gesmunds

- Hindi ako naging Quintos. Tahimik lang kasi ako. Observer. :)

ACRYLIQUE said...

@ShatterShards

- Haha. Kagaya ruin nya ang guro ko sa Filipino. :)

ACRYLIQUE said...

@Ax

-Salamat din sa pakikikulay. Naaaliw ako sa bahay ni Kuya Eli, :)

ACRYLIQUE said...

@HOMER

- Power tripper nga malamang. Yey, buti na lang may blogger friend akong abogado. :)

ACRYLIQUE said...

@gillboard

- Kumusta na kaya ang guro at kaklase mo nung hayskul?

ACRYLIQUE said...

@Niqabi

- *hail-icon* to you as well. :)

ACRYLIQUE said...

@SuperGulaman

- Haha. Salamat! Akala ko hindi ko kayang gumawa ng nakkatawang kwento. hehe. Maraming Bb. Dlaigcon sa paligid. :)

ACRYLIQUE said...

@superjaid

- Lucky you. Marami nga sigurong masamng naranasan si bb. Daligcon.

ACRYLIQUE said...

@Niel Camhalla

- Check! Wala pa ngang celfone at bantay bata nun. Baranggay hall lang. :)

ACRYLIQUE said...

@dhyoy

- Tama. Maraming kagaya si Bb. Daligcon. Ang kabanalan nila puro salita lang.

ACRYLIQUE said...

@Maxwell5587

- hehe. Honga, bakit walang nagsumbong sa DepEd?

ACRYLIQUE said...

@ELAY

- Salamat talaga. walang problema kahit nobela. Masaya ako dahil may nagbabasa ng mga sinulat ko at may naapektuhan. maganda man o hindi ang mga puna. Maraming Salamat talaga. :)

ACRYLIQUE said...

@shykulasa

-Bilib din ako kay Quintos. :)

ACRYLIQUE said...

@kheed

- haha. may kabaitan naman sigurong tinatago si Bb. Daligcon.

Ax said...

masu surprise ka pagnakabalik na siya! hehe.

ACRYLIQUE said...

@Ax

-Saan ba siya galing? :)

PinkNote said...

bad trip tong katekistang to...grrr

ACRYLIQUE said...

@PinkNote

- hehe. grr talaga?

Rcyan said...

Isa po ba itong serye? maabangan nga ang susunod na kabanata. (^^,)