Friday, July 3, 2009

TRANSFEREE

"God gave men both a penis and a brain, but unfortunately not enough blood supply to run both at the same time.

- Robin Williams





“Dude, what’s up with the hair?”


Tumingala sya mula sa desk na kinauupuan. At tiningnan sa mata ang kaklaseng pumansin sa buhok nya.


“Wag mo lang syang pansinin,” sabi ni Monica. Ang isa pang kamag-aral na nakaupo sa likuran nya. Hinatak ang nginuyang bubble gum sa bibig. At idinikit ang napirasong bubble gum sa ilalim ng desk. “Kulang-kulang lang utak nyan.”


“She’s right.” Sabat ni Josh. ”I’m Josh. At ako ay kulang-kulang. I didn’t mean to insult your hair. It’s just that parang any moment may darating na ibon at mangingitlog sa ulo mo.”


“I’m Paolo,” sabi nya at akmang makikipagkamay.


“OMG, who the fuck shakes hands anymore?” hinatak ni Josh si Paolo papalapit sa kanya at nakipag-chest bump. “Cool!”


Nagulat si Paolo at mabilis na lumayo sa pakakadikit ng katawan nila. Tiningnan nyang muli sa mata si Josh. May kakaiba syang naramdaman dito. Hindi amoy alak si Josh. Kaya malamang hindi ito lasing.


“What the fuck is up with all that damned chewing gum, Monica?” tanong ni Josh. “May Bazooka convention ba, or what?”


“Gago!” Habang binabalatan ni Monica ang isa pang bubble gum at sinubo ito. “Alam mo namang hindi na ko nagyoyosi. Ito lang ang nagpapasaya sa akin.”


Tiningnan lang ni Paolo ang dalawang kaklase. Pakiramdam nya out of place sya sa usapan ng dalawa. Dahil sa malakas na tawanan ng mga ito.


“Pupunta ka ba sa Freshman Ball later?” Tanong ni Josh kay Paolo.


Tumango lang si Paolo at tumitig sa mata ng kaklase.


“Come on , Paolo,” hinatak ni Josh ang kamay ni Paolo papunta sa dance floor.


“Hindi ba natin hihintayin si Monica?” Lumapit si Paolo sa tenga ni Josh para maintindihan ang sinasabi nito. Dahil sa malakas na bass ng sound system.


“Fuck no!” Sigaw ni Josh. “Hayaan mo syang maghanap ng partner nya. Tonight you’re my man.”


“Ano?”


“I mean, if that’s cool with you,” bulong ni Josh kay Paolo habang halos magkadikit na ang mga katawan nila.


“Hindi ko talaga maintindihan.” Habang inilalayo ni Paolo ang katawan nito sa kasayaw.


“Chill, dude. I just want to have a good time. Yun lang. and I want it to be with you.”


“Huh?”


Idinikit muli ni Josh ang katawan nito kay Paolo. Lumakas ang tugtog. Mas uminit ang dance floor. Kumakabog ang dibdib ni Paolo. Pinigil nito ang hininga habang hinahalikan siya ni Josh. At nagpang-abot ang dila ng dalawa. Lahat ng ito first time sa kanya.


“That’s what I mean.” Nakangiting sabi ni Josh. “I just wanna get it on with you. You’re fucking hot , dude. Even with that silly haircut.”


“Ano bang meron sa buhok ko?” Nakatawang tanong ni Paolo. Kinakabahan pa rin at namumula ang mukha.


Dumating si Monica at sinamahan ang dalawa sa dancefloor.


“I should’ve known it. Pokpok ka talaga Josh!” sigaw ni Monica. “Everytime I get a new boyfriend. Palagi mo na lang inaagaw.”


“Girl, punta ka na lang sa Starbucks!” Pangungutya ni Josh.


Nagpatuloy ang tatlo sa pagsayaw sa saliw ng kanta ni Cyndi Lauper. Makalipas ang tatlong minuto. Nagyaya si Monica na lumabas at magyosi. Lumabas ang tatlo at pumunta sa likod ng Engineering Hall.


“Akala ko ba hindi ka na nagyoyosi?” tanong ni Josh habang inaabot ang lighter kay Monica.


“Amf! Sumakit ang panga ko sa pagnguya ng bubble gum.”


Nagtawanan ang dalawa. Habang tahimik lang na nakikinig si Paolo. Tinapik ni Josh si Paolo sa likod at niyayang jumingle. Tumayo sila at lumakad sa kabilang bahagi ng Engineering Hall. Iniwan si Monica na sabik na sabik sa paghithit sa hawak na sigarilyo. At nakikinig sa dala nitong walkman.


Narating ng dalawa ang isang medyo madilim na bahagi ng hallway. Tumigil sila sa paglakad. Itinulak ni Josh si Paolo sa isang pader. Sinibasib nya ito ng halik. Lumaban si Paolo. Parang isang batang sinabik sa pagsipsip ng lollipop. Mabilis ang tibok ng dibdib nya at hinahabol ang paghinga. Bumaba ang mga halik ni Paolo. Pababa sa leeg ni Josh. Bumaba sa dibdib at bumalik muli sa leeg. Impit na ungol lang ang naririnig nya mula kay Josh.


Umakyat muli ang halik ni Paolo sa mga labi ni Josh. Napansin nyang hindi na ito lumalaban ng halik. Tiningnan nya si Josh. Tinitigan. Nakamulat ito ngunit hindi gumagalaw. Napansin nyang may tumutulo sa leeg ni Josh pababa sa dibdib nya. Tiningnan nya ang kabilang bahagi ng leeg nito. Nakita nya ang mga sugat. Maga kagat nya na napalibutan ang leeg at dibdib ng kaklase. Pinunas ni Paolo ang bibig nya sa kanyang braso. Napatitig sya sa pulang dugong gumuhit dito.





"I will color the world one step at a time..."



27 comments:

KRIS JASPER said...

Ano yun bampira? series of stories pala to. hmmm....

kheed said...

parang natatakot na akong magbasa dito uh, nandito ba si paolo?

chikletz said...

haha! dami nang nabibiktima ni paolo ah..

Niqabi said...

nyahaha buti nga kay josh ang landi kasi e...

teka? uso na ba ang salitang amf nung kapanahunan ng ng walkman at ni cindy lauper?..

LhanDz said...

twilight saga na naman? heheh..

ShatterShards said...

Kawawa naman si Paolo, mukhang hindi niya sinasadya yung nangyari kay Josh...

SEAQUEST said...

Yan mahilig mag flirt c loka kaya yun na jubos ang jugo nia...hehehe..

crappy said...

si paolo ba yung pintor?...ay mali ata ako.

shykulasa said...

ay continuation pala ito at me bagong biktima si Paolo .... hehehe

gillboard said...

nahihilig tayo sa vampire kwento ngayon ah...

- A n g e l - said...

Oooh bloodsucker, I like! Heehee. :D

ACRYLIQUE said...

@KRIS JASPER

- parang ganun na nga..

ACRYLIQUE said...

@kheed

- Wag ka naman matakot. :)

ACRYLIQUE said...

@chikletz

-Honga, ingat ka. Mahlig yan sa magaganda, :)

ACRYLIQUE said...

@Niqabi

- hehe. maharot kasi.. Siguo pinauso ni Cyndi Lauper ang Amf. :)

ACRYLIQUE said...

@LhanDz

- Haha

ACRYLIQUE said...

@ShatterShards

- Hindi nga kaya nya sinasadya?

ACRYLIQUE said...

@SEAQUEST

- Malandi kasi. kaya sinipsip ang dugo.. :0

ACRYLIQUE said...

@crappy

- Pwede rin syang maging pintor. :)

ACRYLIQUE said...

@shykulasa

- hehe. Seriees ito actually. :)

ACRYLIQUE said...

@gillboard

- Puro bampira kasi nakapaligid sa akin ngayon. :)

ACRYLIQUE said...

@- A n g e l -

-mas gusto ko yung greek-God Bloodsucker. :)

Rwetha said...

uhmm.. kasalukuyang madaling araw at patay lahat ng ilaw tapos me nabasa akong vampire? waaa...
kinilabutan ako... pinatay ko tuloy webcam ko.. bwahahaha

Rcyan M. said...

bampira story 2. twilight series ba ito? heheheh...

ACRYLIQUE said...

@Rwetha

Haha. Dont worry hindi sa webcam lumalabas si PAolo. :)

ACRYLIQUE said...

@Rcyan M.


--- haha. Di naman siguro Twilight. Pero series nga. :)

Xavier Randol said...

hmmmmm..... nice story huh? ;-]