Saturday, October 30, 2010

SHADES




“I generally avoid temptation unless I can't resist it”


-Mae West








Paluwas ako ng Maynila noon. Kagaya pa rin ng nakagawian, umupo ako sa may bandang likod ng bus, katabi ng bintana.
Hindi sa likod na likod, hindi rin sa gitna. Basta sa may bandang likod.
Nag-stop over ang bus sa San Fernando , Pampanga.
Sumakay sya. Tiningnan ko sya na papalapit sa kinauupuan ko.
Matangkad sya, maskulado, moreno at semikalbo.
Naka-semi fit sya na pink na tshirt at checkered na tokong.
May dala syang brown paper bag at maliit na sling bag. At may suot syang bubuyog shades na may white frame.
Tinitingnan ko sya habang umuupo sya sa tabi ko.
Pag-upo nya, binaba nya sa pagitan ng mga paa nya ang hawak nyang paper bag.
Yumuko ako para ayusin ang dala kong Duffel bag, para makaupo sya ng maayos.
At umupo rin ako ng maayos.
Inilagay nya sa pagitan namin ang sling bag nya.
Naramdaman kong may nagba-vibrate sa loob ng sling bag.
Binuksan nya yun at kinuha ang cellphone nya. Nasa loob ng sling bag ang dalawa nyang cellphone.
Habang binubuksan nya ang zipper ng sling bag, dumudikit ang braso nya sa tagiliran at tyan ko.
Tiningnan ko sya. Pero nakakailang. Naka-shades kasi sya. Di ko alam kung nakatingin din sya sa akin.
Kahit na alam kong ala-sais na nun at magdidilim na. Sinuot ko rin ang aviators ko. Haha.
Tiningnan ko ulit sya. May kinakausap sya sa isang phone at may katext naman sya sa isa.
Nang matapos syang magtext at wala na syang kausap sa phone, ibinalik nya sa sling bag na nasa pagitan namin ang mga cellphone.
Sumayad ulit ang braso nya sa tagiliran, tyan at braso ko.
Napansin ko, ilang beses nagvibrate ang mga phone nya sa loob ng sling bag.
Kukunin nya ang mga yun, Sasayad ang braso nya sa katawan ko. Sasagutin nya ang phone.
Ibabalik nya ang mga cellphone sa sling bag nya. Sasayad ulit ang braso nya sa akin.
Limang beses naulit yun. Yung panghuli, hindi nagvibrate ang phone nya.
Pero nasa sling bag ang kamay nya at nanatiling nakadikit sa tagiliran ko ang braso nya.
Pareho kaming naka-shorts nung araw na iyon.
Nakagawian ko na rin kasi ang magsuot ng shorts sa tuwing luluwas ako ng Maynila o tuwing uuwi ako ng probinsya.
Para kasi komportable. Tatlong oras kasi akong nakaupo lang sa bus. Saka presko. Haha
Dumikit ang hita nya sa hita ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng balat at balahibo nya sa hita ko.
Mainit. Kahit na malamig ang hanging binubuga ng aircon ng bus.
Gumalaw ang hita nya. Nagtataas-baba. Kinikiskis nya iyon sa hita ko. Nilabanan ko.
Gumalaw din ang braso nya sa tagiliran ko. Kumiskis din iyon.
Hanggang sa magdikitang mga braso naming na nagkikiskisan.
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin nap ala sya sa akin.
Ngumiti sya. Nginitian ko rin.
Kinagat nya ang labi nya. Inabot nya ang kamay ko.
Magkaholding hands na kami. Hinahaplos nya ang palad at mga daliri ko.
Bumulong sya. “ANG LAMBOT NG KAMAY MO”
Ngumiti ako. Sa loob-loob ko, nagpapasalamat ako sa lotion.
Habang hawak nya ang kamay ko, dumausdos iyon sa bukol na nasa harap nya.
Matigas iyon. Mainit.
Kinuha nya ang paper bag na nasa pagitan ng mga paa nya.
Pinantakip nya iyon sa sumunod na mangyayari.
Lumiyad sya ng kaunti. Pinaliit ang tyan nya.
Ipinasok nya sa loob ng shorts nya ang kamay ko.
Pasmado ako. Kaya medyo nanginginig ang mga kamay ko. Lalo na sa mga pagkakataong ganito.
Dumeretso ang mga palad ko sa kung anumang nasa loob ng briefs nya.
Mainit na laman. Matigas. Hinawakan ko ang ulo. Medyo basa. Malagkit.
Bagong ahit sya. Prepared. Nakakuyom na sa palad ko ang laman na iyon. Marahan kong hinagod.
Tiningnan ko sya. Nakakagat labi pa rin.
Inabot nya ang bukol na nasa harap ko. Ako naman ang lumiyad. Nagpaliit ng tiyan.
At malaya nyang naipasok sa loob ng briefs ko ang kamay nya.
Ginawa nya ang ginawa ko sa kanya.
Kanina lang nasa kahabaan kami ng NLEX. Biglang nasa Kamias na pala kami.
Hinugot ko ang kamay ko sa loob ng shorts nya. Ganun din ang ginawa nya.
Hinawakan nya ang kamay ko. Mahigpit.
Nagtanong sya. “SAAN KA BABABA?”
Sabi ko, “SA CUBAO. IKAW?”
Sagot nya, “SA ORTIGAS.”
Nasa Cubao na ang bus. Kinuha ko ang dala kong Duffel bag. .
Bumaba ako ng bus. Naglakad at di ko na sya nilingon.




"I will color the world one step at a time..."

Thursday, October 28, 2010

SI ANTHONY




“By persistently remaining single,

A man converts himself into a permanent public temptation.”

-Oscar Wilde









Paluwas ako ng Maynila noon. Galing akong probinsya.

Alas-tres ng hapon ako nakasakay ng bus.

Kagaya nang nakagawian, umupo ako sa may bandang likod.

Hindi sa likod na likod, hindi rin sa gitna, basta sa may bandang likod. Katabi ng bintana.

Nag-stop over ang bus sa San Fernando , Pampanga upang magsakay ng pasahero.

Unti-unting napuno ang kaninang halos walang laman na bus.

Nakita ko syang sumakay, suot ang asul na t-shirt at maong na pantalon na punit ang kanang tuhod.

May dala syang dyaryo, Philippine Star.

Mga 5’7” sya. Kayumanggi. Matipuno. Semikalbo.

Naghahanap sya ng mauupuan. Pero nilagpasan nya ang unang dalawang bakanteng upuan. At umupo sya sa tabi ko.

Magkadikit ang mga hita namin nang umupo sya. Dumikit din ang braso nya sa braso ko.

Matigas ang muscles ng braso nya.

Kinuha nya ang dyaryo. Binuksan. Nagbasa sya. Nakibasa din ako nang patago.

Pero palihim ko ring sinusulyapan ang mukha nya.

Paminsan-minsan nahuhuli ko syang nakatingin sa akin.

Babawiin ko ang tingin, babaling ako sa bintana at ngingiti.

Sa kahabaan ng NLEX, di pa rin nya tinatanggal ang pagkakadikit ng hita at braso nya sa akin.

Naramdaman kong gumalaw ang hita nya. Ikinikiskis nya yun sa hita ko.

Nilabanan ko rin o siguro muscle reflex ko lang.

Ganun din ang ginawa nya sa braso nya na nakadikit sa braso ko.

Nakatingin sya sa akin. Ngumiti ako. Ngumiti sya.

At nakapatong na ang kaliwang kamay ko sa hita nya.

Dinukot nya sa bulsa ng pantalon ang cellphone nya.

Akala ko nagtetext sya. Pero pinakita nya sa akin ang tinype nya.

Tinype nya ang phone number nya. Dinukot ko rin sa bulsa ko ang cellphone ko.

Kinopya ko ang number nya.

Nagtype sya ulit. ANO NAME MO?

Tinext ko sya. MARK, u?

Tama, MARK ang hook up name ko. Walang kinalaman dun si Mark Bautista. Yun lang ang unang pumasok sa isip ko.

Nagsalita sya. Bumulong. ANTHONY.

Ngumiti ako.

Tinanong nya ko, SAAN KA NAKATIRA?

Sumagot ako, SA CAINTA, IKAW?

Sabi nya, SA QUEZON AVE.

Ngumiti ako. Nasa Quezon Ave na pala kami at bababa na sya.

Pinagmasdan ko syang bumaba ng bus.

Pagbaba nya. Tumingin sya sa akin. Nakangiti sya at nagtext.

“MAY PLACE KA BA?”

Sinagot ko, UHM, OO. ALAM MO BA ANG STA LUCIA?

Sumagot sya. “YUP. PUNTA LANG AKO SA BOARDING HAUS, TAPOS PUNTA NA KO DUN.”

Sagot ko, CGE KITA TAU DUN LATER.

Bumaba ako sa Cubao. Sumakay ng jeep papuntang Cainta.

Nagtext sya. “NANDITO NA AKO SA STA LUCIA.”

Di ko alam, pero ang bilis nya, naunahan pa nya ako.


"I will color the world one step at a time..."


Wednesday, October 27, 2010

KABITEROS WITH DIANNE NECIO


“Gentlemen, the Queen!
She gazed at us serene,
She filled his flush,
Amidst the hush -
And gathered in the green”
































"I will color the world one step at a time..."

Saturday, June 5, 2010

APAT NA GABI: Biyaheng Taxi



Night 1:

Pag-upo ko sa passenger's seat sa kanan ni Manong Drayber, tumingin ako ng diretso sa daan.

Manong Drayber: Nakakapagod. Galing pa akong Alabang.

(Nilingon ko si Manong, nagpupunas sya ng pawis. Tumakbo kaya si Manong habang hinahabol ang taxi nya mula Alabang hanggang Cainta?)





Night 2:

Manong Drayber: Toy, anong oras na?

(Toy daw?! Laruan ba ako?)

Ako: 11:23 po.

Manong Drayber: Hatinggabi na di pa ko nananghalian. Hanep na buhay to.

(Kinuha yung burger sa dashboard)

Manong Drayber: Ito dapat tanghalian ko kanina. Kaso nakalimutan kong kainin.

(Kumagat sya sa burger.)

Manong Drayber: Lintik, wala akong inumin.

(Hawak ko ang bagong biling 1L Pulpy Orange...)





Night 3:

Ako: Manong, sa Eastwood po.

Manong Drayber: Sa Colcenter ka?

Ako:
(Tumango...)

Naglitanya si Manong tungkol sa kurso nya noong college, sa pag-iipon, bank account nya at sa dating trabaho nya sa Saudi.

Manong Drayber: Ilang taon ka na ba?

Ako: Bente-siete po...

Manong Drayber: Talaga? Mukha kang bata.

(Sus! Si Manong umiistyle.)



Night 4:


Ako: Kuya, sa Eastwood po.

(Tumango si Manong Drayber)

Manong Drayber: Kwentuhan lang. Pwedeng makipagkwentuhan?

(Polite si Manong. Marunong magpaalam.)

Manong Drayber:Sa Colcenter ka?

Ako:
(Tumango...)

Manong Drayber: So, Lagi kang puyat?

Ako:
(Tumango...)

Manong Drayber: Galing mo sigurong mag-english.

Ako: Hehe...

Manong Drayber: Pwede ba kayong mag-absent dun?

Ako: Madami na po akong absent.

Manong Drayber: Pwede ka bang mag-absent ngayon?

Ako: Kuya, iliko mo dyan. May short cut dyan papuntang ofis namin.

(Pasalamat ka Kuya, cute ka. Kundi sumigaw ako ng REYP!)



"I will color the world one step at a time..."






"Gusto kong magpagupit...
Yung parang itlog na may bangs..."



Saturday, April 24, 2010

BINYAG


"Umalis na ho sya. Iniwan na nya ako.
A
lam nyo ho ba , babalikan pa rin nya ako?"

-Milagring





Malapit na ako sa San Joaquin. Di ko alam kung babalik pa ako sa Maynila. Ano bang ginawa ko dun? Sabagay wala rin namang pagkakaiba sa mga ginagawa ko dito. Meron pala. Meron na pala.


Anuman ang nangyari sa akin sa Maynila. May natutunan man ako o wala, ang sigurado ako. Dito mas bagay ako. Dito sa lugar na kapag nandito ka, wala ka nang iisipin pa na iba. Parang lagi kang nag-iisa. Eto ang paraiso ko. Tahimik. Walang istorbo. Totoo. Di katulad ko.


Ngayon kahit medyo malabo, parang naiintindihan ko na si Mang Mando. Di ako sigurado. Pero sa pinagdaanan ko, di ko na rin alam kung ano ang mga nangyari sa buhay ko. Isa lang ang nasisiguro ko.



"Malaki talaga ang iyo.
Mas lalong lumaki mula nung mabinyagan kita."

-Mang Mando


Parang kadikit na ng buhay ko si Mang Mando. Ang buhay nya, ang mga pinagdaanan nya. Ang mga sana na hindi na nya pinagdaanan. Pareho kami, halos walang pinagkaiba. Kung may natutunan man sya, ewan ko sa kanya.


Lumipas ang mga araw. Bigla na lang nawala si Mang Mando. Sabi ng iba nalunod. Tinangay ng mga agos. Sinama ng mga sirena. Ginahasa ng mga syokoy. Nagpakamatay. Pinatay. Di ko lang alam kung ano ang totoo. Kaya siguro madalas ako ngayon dito. Inaalala ang mga ginagawa nya. Ang mga hindi nya dapat ginawa. Pero kung hindi nya kaya ako bininyagan, may mababago ba sa kapalaran ko? Malalaman ko ba kung sino ako?


Si Milagring naman, lalong wala na syang maasahan. Gusto nya akong tabihan. Gusto nya akong samahan. Pwede kaming sabay kumain ng kamote't saging. Magkantahan. Magtawanan. Magsayawan, tulad ng ginagawa ni Mang Mando dati sa tabing dagat.









transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."




Thursday, April 15, 2010

ANG ARTISTA


"Bakit di mo ko ginalaw? Artista ako. Di mo ba ako kilala?"





"Pagod na akong gumalaw. Sawa na. Ikaw, hindi pa ba? Masaya na ako sa patingin-tingin."


"Pwede kitang pagbigyan. Gusto mo?"


"Pwede rin naman kitang bayaran. Masaya ka ba? Ilang taon ka na ba? Bakit ka ba nandito? Magpahinga ka na. Minsan, pag sumosobra. Di na masaya"




Pagkatapos ng gabing yun, parang may nagbago. Parang may nagbago ulit sa akin. Medyo nabawasan ang mga tanong sa sarili ko. Nakakapagod din pala yung ganito. Parang ang layu-layo ng pinuntahan ko. Parang pagod na pagod ako. Tama na siguro ito. Hanggang dito na lang siguro ang kaya ko. Kahit paano, malayo na rin ang narating ko. Kung meron man, marami na rin akong pwedeng ikuwento kung kinakailangan. Pwede rin namang di ko sabihin ang lahat. Pwede rin namng magkwento ako ng di totoo. Mag-imbento. Di naman rin nila malalaman ang totoo.


Kahit naman siguro sino may mga tinatago tungkol sa sarili nila. Na hanggang sa mamatay sila, walang nakakaalam. Saka wala naman silang pakialam sa mga nangyari sa akin dito. Kahit kelan naman di sila naging interesado sa buhay ko. Pero ngayon, kahit sa sarili ko, parang alanganin na ako kung kilala ko pa. Nasaan na kaya ang San Joaquin? Si Mang Mando? Ang anim na nakatikim sa pag-aari ko sa probinsya? Si Milagring at ang kanyang kamote't saging?



transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."





Thursday, April 8, 2010

LARO



"Sorry. Pasensya ka na. Kasi first time ko eh.
Anong gagawin natin dito? Ano ang gagawin mo?"

-Kenjie





Tumakbo ng ganun-ganon lang ang buhay ko. Kung gaano kabagal ang buhay sa San Joaquin, ang bilis-bilis naman sa Maynila. Ni wala nga akong matandaang pangalan sa sobrang bilis. Ang dami nilang nandyan. Ang dami-dami. Di ko matandaan kung may natuloy ba akong pelikula. Di ko rin alam kung saan lumabas yung mga litratong pinagkukuha nila. Ang alam ko lang parang nakakapagod lang. Ganun ba talaga sila?


Naguguluhan ako. Nalilito. Parang biglang di ko na kilala ang sarili ko. Pero ang alam ko hindi na ako makukuntento sa paglalangoy lang sa dagat. Sa singkwenta pesos. Sa tatlong daan. Sa tatlong libo. Parang gumulo ang mundo ko. Pakiramdam ko kahit siguro maghubad ako sa dagat na pinagliliguan ko, di na nito kayang burahin ang lahat ng laway na dumampi sa katawan ko. Sari-saring laway. Di ko na alam. Di ko na alam kung bakit ko pa ginagawa ito.


Ginagawa ko ba ito dahil sa kailangan? Ginagawa ko ito dahil sa gusto ko. Gusto ko ba? Gusto ko ba dahil kailangan? Gusto ko, dahil gusto ko.


Pakiramdam ko, para na akong si Mang Mando. Ang dami ko nang sinasabi na hindi ko naman naiintindihan. Sigurado na ko, ang dumi-dumi ko.


Patuloy na dumaan ang araw. Ganun pa rin. Paulit-ulit. Nawala na ang mga audition. Ang mga pictorial. Parang ganun lang na nawala ang lahat. Parang si Lester. Pati pagkakakilala ko sa sarili ko, parang nawala na rin. Sino na ba ko? Ewan ko. Di ko na kayang sabihin kung sino ako. Minsan gusto kong ako ang pinaglalaruan. Minsan naman gusto kong ako ang may pinaglalruan. Di ko kayang ipaliwanag kung ano ang nangyayari s aakin. Para akong sabog na di naman nagdidroga. Adik na wala namang tinitira. Kahit kanino pwede.




transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."




Tuesday, April 6, 2010

INIT



"Buti pa ang init, kapag pagsapit ng gabi, naiibsan.
Pero paulit-ulit ang init...
Ang sarap ng kamote, eh ang saging kaya, masarap din?"

-Milagring








Hayun katulad ng dati, mainit na naman ang ulo nang umuwi si Milagring.
Nagdadabog parang sasabog.

Ganun pa rin si Mang Mando, walang pagbabago.
Parang makata na ang daming kinukuwento.
Hanggang sa may isang bisitang dumating.
Unang kita ko palang sa kanya, magaan na ang loob ko.
Maamong mukha, mukhang di nakakasawa.
Mukhang alam ko na kung ano ang hanap.
Di na ako bobo pagdating sa mga kwentong ganito.


Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim...
Bilang na bilang ko kung ilang beses ko na naibigay ang gusto nila sa isang tulad ko.


Una kay Lito na manikurista.

May sariling parlor na mabaho ang hininga at paa.

Si Mang Tony na mangingisda na iba pala ang gusto nyang sisirin.
Medyo mabaho rin sya. Malansa, malansang malansa.

Si Jessie na kasama ko sa pangangahoy.
Na di naman pala kahoy na matigas ang hanap.

Sa kapwa tricycle driver ko na si Antonio na may tatlong anak na lalaki.

Si Berto na kaibigan ko na nagpautang sa akin.
Pagkatapos naming magbasketbol, ako naman ang nilaro nya.

At kay Lito ulit na manikurista na umulit ulit pagkatapos nya ko bigyan ng sikwenta.
Pero mabaho pa rin ang paa at hininga.

Sa totoo lang, sinubukan ko ang sinasabi nilang tama.
Yung normal daw na ginagawa, ngunit kahit anong pilit na gawin ko.
Iba pa rin ang hanap at gusto ng katawan ko.





transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."




Friday, April 2, 2010

SI LESTER


"Leo, may tipo ka. Pwede ka mag-artista.
Malaki naman ang iyo. May abs ka.
Saka maganda yung kulay mo .
Barakong-barako.
Ipapakilala kita sa producer ko.
Sigurado, magugustuhan ka nun."

-Lester









Iba kasi si Lester. Taga Maynila kaya iba ang amoy. Kakaiba. Malinis ang ngipin. Makinis ang balat. Iba ang ngiti. Parang mayaman. Basta ang alam ko ibang klase kung anuman ang gagawin namin. Di naman siguro kasalanan ang ginagawa ko. Di naman ako namimilit. Niyayaya lang ako. Sumasabay kung ano ang gusto.


Dito nagsimula ang lahat. Marami syang kinukuwento. Marami syang plano. Binuo nya sa isip ko ang isang mundo na kahit minsan , di ko naisip na papasukin ko. Binigyan nya rin ako ng pera. Hindi singkwenta. Tatlong daan. Pinainom at pinakain pa nya ko pagkatapos. Iba talaga ang taga-Maynila. Di mabaho ang hininga at paa.


Naniwala ako sa mga sinabi ni Lester. Nagdesisyon ako na sumama sa kanya. Saglit kong iiwan muna ang paborito kong lugar. Si Mang Mando at mga kwento nya. Si Milagring na alam kong kahit wala ako, mananatiling maghihintay sa akin. Iyon yata ang hula.


Nang araw na iniwan ko ang San Joaquin. Alam kong darating ang araw na babalik ako rito. Di ko lang alam kung paano at kung kailan. Basta sigurado ako sa sarili ko na babalik ako dito. Kung saan nagsimula ang kwento ko.


Sa Maynila, mas marami pang katulad ni Lester. Iba dun ang amoy. Kakaiba. Malinis din ang ngipin. Makinis ang balat. Iba ang ngiti. Parang mayaman din. Ang dami nyang pinakilala s akin. Ang dami pala nyang kaibigan. Pagkatapos nya akong ipakilala sa iba, di ko na sya uli nakita. Ito siguro ang sinasabi ni Lester na kailangang gawin ko. Makisama sa mga taong pwedeng makatulong sa akin dito. Pero pag pala puro ganon, nakakasawa din. Di ko alam na ganito pala ang ibig sabihin pag sumama sa Maynila.


"Pwede kang mag-artista.
Malaki ang ari mo. Maganda ang kulay mo.
Barakong-barako. Ipapakilala kita kay Direk. "

-Producer


Maraming nagbago. Di ako sanay pero di yata ako marunong sumunod sa agos. Pero sumabay ako. Pictorial dun, pictorial dito. Iba-ibang kulay ng brief. Iba-ibang kulay ng background. Lahat yata ng pwedeng gawing props nagamit na namin sa pictorial. Lahat na yata ng gulay sa kantang bahaykubo, nagamit ko nang pantakip sa malaking ari ko . Chin up. Chin down. Wonderful. Great. Beautiful. Yun ang sabi ng photographer dun sa may Tondo.


Oh, patigasin mo ng konti. Para mas maganda. Ibaling mo sa kanan, sa kaliwa naman. Ang hirap din palang magpa-pictorial. Isang araw yun na wala akong ginawa kundi tumayo, tumihaya, bumukaka. Dapat raw gawin ko para sa publicity. Publicity ng movie ko.


Ang dami kong pinuntahan na auditon para sa pelikula. Pero pagkatapos ng konting acting-acting. Paghuhubarin ako. Titingnan kung makinis daw ako. Kung marami raw akong peklat. Marami nang nagyari. Nasanay na ko sa mga ganoong pangyayari.






transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."







Sunday, March 28, 2010

MANG MANDO



"Kung hindi mo susubukan, Kelan? Baka kapag handa ka na bukas, ang bukas naman ang hindi handa sa iyo."

- Mang Mando







Iyan si Mang Mando, Lagi syang nandito. Katulad ko. Ako, habang lumalangoy at sumasabay sa agos ng tubig. Sya naman umuusad na parang hanging sabik. Di ko maintindihan ang mga sinasabi nya. Pero minsan ramdam ko kung ano ba talaga ang gusto nya. Para syang isang makata na wala namang natatapos na tula. Tatawa. Titigil. Tatawa uli. Para syang alon. Paiba-iba ang sumpong.



Naiintindihan nya kaya ang mga sinasabi nya? Ang nakapagtataka, parang di sya tumatanda. Ano kaya ang sikreto nya? Ano kaya ang iniinom nya?


Di ko alam kung ano ba talaga ang binabantayan ni Mang Mando sa tabing dagat. At kung minsan may mga kinikilos sya na hindi mo talaga maintindihan. Parang may mundo sya na tanging sya lang ang nakakaalam. Dito kaya sa dagat galing ang kanyang sikreto na parang di sya tumatanda? May kaibigan kaya syang syokoy at sirena? Ang daming drama ni Mang Mando. Ang dami nyang seremonyas. Dapat siguro sila ni Milagring ang magsama. Pareho yata silang gustong maging artista.


Pero isang araw, nagbago ang lahat. Di ko alam kung ano yung nakita ko. Pero ang sigurado, may kakaibang naramdaman ako. Di ko alam kung ano. Pero...





transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."






Friday, March 26, 2010

SI MILAGRING




"Ako si Milagring. Gusto mo ng saging?"








Nagpakilala na ang tanging babaeng nakausap ko na higit sa isang oras. Alam ko ang binabalak nya. Pero alam ko ring wala syang mapapala.


Tinuruan nya akong magsulat. Bumasa. Dami-dami nyang kwento. Minsan naman di ako interesado. Pati nga buong buhay nya, naikuwento na nya. Ang pag-aaway ng nanay at tatay nya. Ang pagkakahuli nya sa nanay at tatay nya na nag-aaway sa kama. Ang pagkakaiba ng saging at kung anong sustansya ang nakukuha sa kamote. Mahilig din sya sa mga hula.


May hula daw kasi sa kanya na may isang lalaking nasa dagat ang mapapangasawa nya. Dami nyang kwento talaga. Ang pangangati ng dibdib nya. Ang hilig nya sa mga artista. Lagi nya akong pinagmamasdan. Binabantayan. Parang wala nang ibang lalaking pwede nyang samahan. Umasa syang masusuklian ko lahat ng kabutihan nya. Pakiramdam ko nga, bata palang kami ni Milagring, may kalandian na sya. Parang ayaw nyang humiwalay sa akin. Kuna nasaan ako, asahan mo di magtatagal nakabuntot na sya agad. Minsan nga naisip ko, itulak ko kaya sya sa dagat.







Laging ganito ang takbo ng buhay ko. Tulog. Gising. maligo sa dagat. Konting laro kasama si Milagring. Parang walang bukas. Sige nang sige.



Ang bilis tumakbo ng araw. Ang bilis ng balik ng alon sa dalampasigan matapos nyang sumalpok sa batuhan. Maraming nangyari. Marami ring di dapat mangyari. Patuloy akong lumalangoy sa agos ng buhay. Ah basta. Bahala na. Pero agos naman talaga ang buhay. Minsan ang kailangan mo lang namang gawin ay sumabay.


Parang si Milagring. Ayaw pa rin akong tigilan. Lagi pa ring nandyan at nag-aalok ng kanyang kamote at saging. Walang pagsasawa. Waring di nakakahalata. O talagang ayaw lang nyang magpahalata. Minsan nagmumukha nang kawawa.



Kahit makulit alam mo kung ano ang habol nya. Alam mo ang nasa isip nya. Naghahangad sya ng isang bagay na wala sa akin. Na di ko naman kayang ibigay sa kanya. Hayun, umaasa na naman sya. Pero kilala ko na yan . Di ako kayang tiisin nyan. Gagawin ang lahat mapansin lang. Tumbling sya nang tumbling. Giling nang giling. Alam kong naiinis na sya pero tuloy pa rin. Kulang na lang siguro, pagtangkain nya akong gahasain. Walang kapaguran, parang may inaasahan. Habang lagi syang nakatingin sa akin, sa iba naman nakapako ang aking tingin.



Kahit naman di sigurado si Milagring sa paborito nyang manghuhula,


Walang kasawa-sawa. Ayaw sumuko.


Lalong lumalabo ang tyansa nya.


Lalo ngayon na nakilala ko na sya....





transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."







Tuesday, March 23, 2010

SI LEO



"Dito ko naranasan ang langit.
Di ko lang alam kung kaya ko pang ulitin."

-Mang Mando







Ako si Leo, dito ako isinilang sa San Joaquin. Basta dito rin nakatira ang mga magulang ko na di ko naman nakita kahit anino. Dito raw sila lumaki pero wala namang naiwan kahit na isang kamag-anak nila. Wala ring naiwang litrato. Na pwede kong makita at masabi kung sino ba ang kamukha ko.


Dito tahimik, Walang gulo. Parang kuntento na ang lahat ng tao. Walang masyadong nangyayari. Saksi ang San Joaquin sa mga kwentong naganap sa akin. Di ko alam kung may mapupulot kayo. May maganda. May di masyadong maganda. Pero sa pupuntahan ko ngayon, walang pagdududa. Maganda talaga.


Ito ang paraiso ko. ito ang mundo ko. Tahimik. Walang istorbo. Halos laging walang tao. Tumatakbo ang oras nang di mo alam kung nakakailan nang minuto. Maganda ang alon. Minsan malakas. Minsan hindi. Malinaw ang tubig. Di katulad ng mga nangyayari sa akin. Pero sa lugar na ito, nangyari ang mga bagay na hindi ko alam kung dapat ngang mangyari. Basta ang alam ko. Ang sigurado ako. Nung bata ako, dito ang langit ko.


Gaya ng sinabi ko, wala akong kamag-anak sa probinsyang ito. Siguro mabait lang sa akin ang Diyos. Dahil nanatiling buhay ako kahit walang nag-aasikaso. Di nakapag-aral. Pero di naman ako bobo. Marunong sumulat. Marunong bumasa. Hindi alam kung paano natatapos ang bawat araw na dumaraan. Basta pag nandito ako, ayos na.


May ilang tumutulong na hindi ko naman kakilala. Di mo alam kung bakit ginagawa nila yun. Pero mararamdaman mo kung ano ba talaga ang habol nila.


Pero isang araw, nagbago ang lahat. Di ko alam kung ano yung nakita ko. Pero ang sigurado, may kakaibang naramdamn ako. Di ko alam kung ano. Pero...


Ang bilis tumakbo ng araw. Ang bilis ng balik ng alon sa dalampasigan matapos nyang sumalpok sa batuhan. Maraming nangyari. Marami ring di dapat mangyari. Patuloy akong lumalangoy sa agos ng buhay. Ah basta. Bahala na. Pero agos naman talaga ang buhay. Minsan ang kailangan mo lang namang gawin ay sumabay.




transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO






"I will color the world one step at a time..."




Sunday, February 14, 2010

SANTACRUZAN


"I dreamed I was a butterfly, flitting around in the sky; then I awoke. Now I wonder: Am I a man who dreamt of being a butterfly, or am I a butterfly dreaming that I am a man?"


- Chuang Tzu


Noong tag-araw, bago magsimula ang freshman schoolyear. Isinama si Jojo ng dean sa isa sa mga Santacruzan ng mga bakla sa Malabon. Ang dean ang nagbigay ng private scholarship kay Jojo.


Kasama ang isa pang paboritong scholar ng dean, si Daniel Lim. Si Daniel ay malaki ang katawan, tisoy at bigotilyo. Kung tatawagin mo sya, bago sya lumingon, mag-f-flex muna sya ng kanang bicep nya. Kamukha nya ang Super Mario Brother. Halos mawala ang mga singkit nyang mga mata sa tuwing ngingiti ito. Isa rin syang print ad model at sumubok magpinta na gaya ni Malang. Madaldal sya. Makuwento. Malapit na raw sya magkaroon ng billboard sa EDSA. Ilang beses nya ring binanggit ang isang bago at sikat na couturier na may gusto sa kanya. Ilang beses na rin daw sila nag-date. Ngunit nagtataengang-kawali lang si Jojo. Hindi sya interesado. Mas ginusto nyang panoorin ang prusisyon ng mga bakla kesa sa kwento ng kasamang modelo.


Magkatabi sina Jojo at ang dean. Pinagmasdan ni Jojo ang mukha ng dean. Nakita nya kung gaano kakapal ang makeup foundation na nasa mukha nito. Na naiilawan ng iba't ibang kulay ng incandescent bulbs na nakasabit sa gilid ng daan. Napansin nya, sa pagkislap ng mga ilaw, aninag pa rin sa ilalaim ng makapal na foundation makeup nag mga kulubot sa mukha ng dean.
Patagong sinasagi ng kamay dean ang harapan ni Jojo. Paminsan-minsan, hinihimas nya ito. Sa maikling panahon, naging eksperto na si Jojo sa ganitong mga bagay. Medyo tutuksuhin ni Jojo ang dean. Liliyad pa sya ng kaunti habang nakadampi ang kamay ng dean sa harapan ng kanyang pantalon. Pagkatapos, marahan syang lalayo. Hanggang ganoon pa lang naman ang ginagawa ng dean sa kanya. May paninindigan din naman si Jojo. Meron syang pinaniniwalaan. Hindi sya makikipagtalik sa kapwa lalaki. Kahit na sa pagkakataong iyon ineenjoy na lamang nya ang ginagawa ng dean. Dahil kung hindi, mababagot sya.


Pinilit nyang maaliw sya sa mga kumikinang na mga reyna na may nagtataasang mga kilay at tatlong kulay ng buhok. Mahinhing naglalakad sa mga ulap na dilaw, berde at rosas, organza at ruffles o kaya’y makintab na itim na satin. Sa tingin ni Jojo, napaka-tipikal, mala-probinsya. Kapareho ng mga sinusuot ng mga kababaihan sa isang kotilyon noon sa kanila. Ito ang unang beses na namasyal sya sa Malabon. Pero parang nasa probinsya pa rin sya.

"I will color the world one step at a time..."