Tuesday, March 23, 2010

SI LEO



"Dito ko naranasan ang langit.
Di ko lang alam kung kaya ko pang ulitin."

-Mang Mando







Ako si Leo, dito ako isinilang sa San Joaquin. Basta dito rin nakatira ang mga magulang ko na di ko naman nakita kahit anino. Dito raw sila lumaki pero wala namang naiwan kahit na isang kamag-anak nila. Wala ring naiwang litrato. Na pwede kong makita at masabi kung sino ba ang kamukha ko.


Dito tahimik, Walang gulo. Parang kuntento na ang lahat ng tao. Walang masyadong nangyayari. Saksi ang San Joaquin sa mga kwentong naganap sa akin. Di ko alam kung may mapupulot kayo. May maganda. May di masyadong maganda. Pero sa pupuntahan ko ngayon, walang pagdududa. Maganda talaga.


Ito ang paraiso ko. ito ang mundo ko. Tahimik. Walang istorbo. Halos laging walang tao. Tumatakbo ang oras nang di mo alam kung nakakailan nang minuto. Maganda ang alon. Minsan malakas. Minsan hindi. Malinaw ang tubig. Di katulad ng mga nangyayari sa akin. Pero sa lugar na ito, nangyari ang mga bagay na hindi ko alam kung dapat ngang mangyari. Basta ang alam ko. Ang sigurado ako. Nung bata ako, dito ang langit ko.


Gaya ng sinabi ko, wala akong kamag-anak sa probinsyang ito. Siguro mabait lang sa akin ang Diyos. Dahil nanatiling buhay ako kahit walang nag-aasikaso. Di nakapag-aral. Pero di naman ako bobo. Marunong sumulat. Marunong bumasa. Hindi alam kung paano natatapos ang bawat araw na dumaraan. Basta pag nandito ako, ayos na.


May ilang tumutulong na hindi ko naman kakilala. Di mo alam kung bakit ginagawa nila yun. Pero mararamdaman mo kung ano ba talaga ang habol nila.


Pero isang araw, nagbago ang lahat. Di ko alam kung ano yung nakita ko. Pero ang sigurado, may kakaibang naramdamn ako. Di ko alam kung ano. Pero...


Ang bilis tumakbo ng araw. Ang bilis ng balik ng alon sa dalampasigan matapos nyang sumalpok sa batuhan. Maraming nangyari. Marami ring di dapat mangyari. Patuloy akong lumalangoy sa agos ng buhay. Ah basta. Bahala na. Pero agos naman talaga ang buhay. Minsan ang kailangan mo lang namang gawin ay sumabay.




transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO






"I will color the world one step at a time..."




11 comments:

KESO said...

nice. ang deep. iba ka mgsulat. :)

ShatterShards said...

Binyag? Indie film? Showing na, or kasali sa Cinemalaya?

ShatterShards said...

Siyempre hindi muna ako nagbasa ng links bago nag-comment, di ba? Haha! Didn't hear of this movie. Maganda ba?

ACRYLIQUE said...

@KESO
-Actually, sinulat ko lang yung narration ng movie habang pinapanuod ko. hehe. I love the story. Parang similar kami ng writing style ng writer.

ACRYLIQUE said...

@ShatterShards
-Haha. Honga mukhang di ka nagbasa sa baba.
Di ko rin alam na may ganitong movie. 2008 pa sya. medyo matagal na. di ko nga rin napanuod to sa sinehan. Nakita ko lang sa youtube kagabi.Dun ko pinanuod. Nagandahan ako sa movie and with some parts of the movie. pero yung ibang scenes di masyadong maganda ang execution, a bit lame. hehe. pero naenjoy ko.

eMPi said...

ang ganda ng sunset

Julianne said...

galing nito. simple pero astigin.

Julianne said...

galing nito. simple pero astigin.

Julianne said...

galing nito. simple lang pero astigin.

Arvin U. de la Peña said...

ang ganda ng lugar..

KESO said...

hahahha, transcribe from the film BINYAG by MICO S. JACINTO --- di ko nabasa sa bandang dulo, hahaha. pero oo nga, pareho kayo ng style, kaya akala ko sarili mong kwnto. iba kp din. hehe