Thursday, April 8, 2010

LARO



"Sorry. Pasensya ka na. Kasi first time ko eh.
Anong gagawin natin dito? Ano ang gagawin mo?"

-Kenjie





Tumakbo ng ganun-ganon lang ang buhay ko. Kung gaano kabagal ang buhay sa San Joaquin, ang bilis-bilis naman sa Maynila. Ni wala nga akong matandaang pangalan sa sobrang bilis. Ang dami nilang nandyan. Ang dami-dami. Di ko matandaan kung may natuloy ba akong pelikula. Di ko rin alam kung saan lumabas yung mga litratong pinagkukuha nila. Ang alam ko lang parang nakakapagod lang. Ganun ba talaga sila?


Naguguluhan ako. Nalilito. Parang biglang di ko na kilala ang sarili ko. Pero ang alam ko hindi na ako makukuntento sa paglalangoy lang sa dagat. Sa singkwenta pesos. Sa tatlong daan. Sa tatlong libo. Parang gumulo ang mundo ko. Pakiramdam ko kahit siguro maghubad ako sa dagat na pinagliliguan ko, di na nito kayang burahin ang lahat ng laway na dumampi sa katawan ko. Sari-saring laway. Di ko na alam. Di ko na alam kung bakit ko pa ginagawa ito.


Ginagawa ko ba ito dahil sa kailangan? Ginagawa ko ito dahil sa gusto ko. Gusto ko ba? Gusto ko ba dahil kailangan? Gusto ko, dahil gusto ko.


Pakiramdam ko, para na akong si Mang Mando. Ang dami ko nang sinasabi na hindi ko naman naiintindihan. Sigurado na ko, ang dumi-dumi ko.


Patuloy na dumaan ang araw. Ganun pa rin. Paulit-ulit. Nawala na ang mga audition. Ang mga pictorial. Parang ganun lang na nawala ang lahat. Parang si Lester. Pati pagkakakilala ko sa sarili ko, parang nawala na rin. Sino na ba ko? Ewan ko. Di ko na kayang sabihin kung sino ako. Minsan gusto kong ako ang pinaglalaruan. Minsan naman gusto kong ako ang may pinaglalruan. Di ko kayang ipaliwanag kung ano ang nangyayari s aakin. Para akong sabog na di naman nagdidroga. Adik na wala namang tinitira. Kahit kanino pwede.




transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."




No comments: