Saturday, April 24, 2010

BINYAG


"Umalis na ho sya. Iniwan na nya ako.
A
lam nyo ho ba , babalikan pa rin nya ako?"

-Milagring





Malapit na ako sa San Joaquin. Di ko alam kung babalik pa ako sa Maynila. Ano bang ginawa ko dun? Sabagay wala rin namang pagkakaiba sa mga ginagawa ko dito. Meron pala. Meron na pala.


Anuman ang nangyari sa akin sa Maynila. May natutunan man ako o wala, ang sigurado ako. Dito mas bagay ako. Dito sa lugar na kapag nandito ka, wala ka nang iisipin pa na iba. Parang lagi kang nag-iisa. Eto ang paraiso ko. Tahimik. Walang istorbo. Totoo. Di katulad ko.


Ngayon kahit medyo malabo, parang naiintindihan ko na si Mang Mando. Di ako sigurado. Pero sa pinagdaanan ko, di ko na rin alam kung ano ang mga nangyari sa buhay ko. Isa lang ang nasisiguro ko.



"Malaki talaga ang iyo.
Mas lalong lumaki mula nung mabinyagan kita."

-Mang Mando


Parang kadikit na ng buhay ko si Mang Mando. Ang buhay nya, ang mga pinagdaanan nya. Ang mga sana na hindi na nya pinagdaanan. Pareho kami, halos walang pinagkaiba. Kung may natutunan man sya, ewan ko sa kanya.


Lumipas ang mga araw. Bigla na lang nawala si Mang Mando. Sabi ng iba nalunod. Tinangay ng mga agos. Sinama ng mga sirena. Ginahasa ng mga syokoy. Nagpakamatay. Pinatay. Di ko lang alam kung ano ang totoo. Kaya siguro madalas ako ngayon dito. Inaalala ang mga ginagawa nya. Ang mga hindi nya dapat ginawa. Pero kung hindi nya kaya ako bininyagan, may mababago ba sa kapalaran ko? Malalaman ko ba kung sino ako?


Si Milagring naman, lalong wala na syang maasahan. Gusto nya akong tabihan. Gusto nya akong samahan. Pwede kaming sabay kumain ng kamote't saging. Magkantahan. Magtawanan. Magsayawan, tulad ng ginagawa ni Mang Mando dati sa tabing dagat.









transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."




4 comments:

Goryo said...

Sino si mang mando? kaano-ano niya si Milagring?

♥superjaid♥ said...

bitin. sino nga ba si mang mando?

Yj said...

Alam mo pwede kang mag artista. Malaki ang burat mo. Maganda ang kutis mo, moreno. Ipapakilala kita sa talent manager na kaibigan ko.

bwahahahaha

sakpin said...

hayuf talaga kung makacomment tong si YJ hahaha...

so sino ka sa mga characters?