Saturday, June 5, 2010

APAT NA GABI: Biyaheng Taxi



Night 1:

Pag-upo ko sa passenger's seat sa kanan ni Manong Drayber, tumingin ako ng diretso sa daan.

Manong Drayber: Nakakapagod. Galing pa akong Alabang.

(Nilingon ko si Manong, nagpupunas sya ng pawis. Tumakbo kaya si Manong habang hinahabol ang taxi nya mula Alabang hanggang Cainta?)





Night 2:

Manong Drayber: Toy, anong oras na?

(Toy daw?! Laruan ba ako?)

Ako: 11:23 po.

Manong Drayber: Hatinggabi na di pa ko nananghalian. Hanep na buhay to.

(Kinuha yung burger sa dashboard)

Manong Drayber: Ito dapat tanghalian ko kanina. Kaso nakalimutan kong kainin.

(Kumagat sya sa burger.)

Manong Drayber: Lintik, wala akong inumin.

(Hawak ko ang bagong biling 1L Pulpy Orange...)





Night 3:

Ako: Manong, sa Eastwood po.

Manong Drayber: Sa Colcenter ka?

Ako:
(Tumango...)

Naglitanya si Manong tungkol sa kurso nya noong college, sa pag-iipon, bank account nya at sa dating trabaho nya sa Saudi.

Manong Drayber: Ilang taon ka na ba?

Ako: Bente-siete po...

Manong Drayber: Talaga? Mukha kang bata.

(Sus! Si Manong umiistyle.)



Night 4:


Ako: Kuya, sa Eastwood po.

(Tumango si Manong Drayber)

Manong Drayber: Kwentuhan lang. Pwedeng makipagkwentuhan?

(Polite si Manong. Marunong magpaalam.)

Manong Drayber:Sa Colcenter ka?

Ako:
(Tumango...)

Manong Drayber: So, Lagi kang puyat?

Ako:
(Tumango...)

Manong Drayber: Galing mo sigurong mag-english.

Ako: Hehe...

Manong Drayber: Pwede ba kayong mag-absent dun?

Ako: Madami na po akong absent.

Manong Drayber: Pwede ka bang mag-absent ngayon?

Ako: Kuya, iliko mo dyan. May short cut dyan papuntang ofis namin.

(Pasalamat ka Kuya, cute ka. Kundi sumigaw ako ng REYP!)



"I will color the world one step at a time..."






"Gusto kong magpagupit...
Yung parang itlog na may bangs..."



14 comments:

Niel Camhalla said...

"Kuya, iliko mo dyan. May short cut dyan papuntang ofis namin."

Biglang liko sa ofis?

an_indecent_mind said...

hehehe! natawa naman ako kay kuyang polite-slash-may pagnanasa!

hehehehe!!

nice post!

chikletz said...

komedi ung isang wala syang inumin saka ung may pagnanasa.. hahaha! langyang mga drayber talaga o..

divisoria said...

sana dumadaan si 4 sa buendia...

joyo said...

haha may pagnanasa sayo si manong! aruy!

Arvin U. de la Peña said...

sige magpagupit ka,hehe.

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

ay! wagi ang biglang liko! :) hadavers na! :)

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

ay! wagi ang biglang liko! :) hadavers na! :)

keko said...

acq... namiss kita ah..

haha biglang liko factor.
natawa ako dun sa walang inumin. haha

Unni-gl4ze^_^ said...

saya saya naman,
may manong drayber na bolero yung sinabihn kang mukhang bata~
at my pagnanasa hehehe,,biglang liko eh heheheh,,,

nice post~

The Pope said...

It's my pleasure to invite you to support and join PEBA 2010 as Nominee.

Experience the joy of writing beyond blogging. Be A Nominee of PEBA 2010.

Inspire a Family, Inspire a Community, Inspire the World.

kyle said...

haha gusto ko yung night 4.. nice to be here again.. haha.. :))

RICO said...

nakakatawa nman iyong mga dryber na yan hehehe

sireyna said...

kalerks yung may pagnanasa natwa ako dun ha. ahahaha!