Friday, April 2, 2010

SI LESTER


"Leo, may tipo ka. Pwede ka mag-artista.
Malaki naman ang iyo. May abs ka.
Saka maganda yung kulay mo .
Barakong-barako.
Ipapakilala kita sa producer ko.
Sigurado, magugustuhan ka nun."

-Lester









Iba kasi si Lester. Taga Maynila kaya iba ang amoy. Kakaiba. Malinis ang ngipin. Makinis ang balat. Iba ang ngiti. Parang mayaman. Basta ang alam ko ibang klase kung anuman ang gagawin namin. Di naman siguro kasalanan ang ginagawa ko. Di naman ako namimilit. Niyayaya lang ako. Sumasabay kung ano ang gusto.


Dito nagsimula ang lahat. Marami syang kinukuwento. Marami syang plano. Binuo nya sa isip ko ang isang mundo na kahit minsan , di ko naisip na papasukin ko. Binigyan nya rin ako ng pera. Hindi singkwenta. Tatlong daan. Pinainom at pinakain pa nya ko pagkatapos. Iba talaga ang taga-Maynila. Di mabaho ang hininga at paa.


Naniwala ako sa mga sinabi ni Lester. Nagdesisyon ako na sumama sa kanya. Saglit kong iiwan muna ang paborito kong lugar. Si Mang Mando at mga kwento nya. Si Milagring na alam kong kahit wala ako, mananatiling maghihintay sa akin. Iyon yata ang hula.


Nang araw na iniwan ko ang San Joaquin. Alam kong darating ang araw na babalik ako rito. Di ko lang alam kung paano at kung kailan. Basta sigurado ako sa sarili ko na babalik ako dito. Kung saan nagsimula ang kwento ko.


Sa Maynila, mas marami pang katulad ni Lester. Iba dun ang amoy. Kakaiba. Malinis din ang ngipin. Makinis ang balat. Iba ang ngiti. Parang mayaman din. Ang dami nyang pinakilala s akin. Ang dami pala nyang kaibigan. Pagkatapos nya akong ipakilala sa iba, di ko na sya uli nakita. Ito siguro ang sinasabi ni Lester na kailangang gawin ko. Makisama sa mga taong pwedeng makatulong sa akin dito. Pero pag pala puro ganon, nakakasawa din. Di ko alam na ganito pala ang ibig sabihin pag sumama sa Maynila.


"Pwede kang mag-artista.
Malaki ang ari mo. Maganda ang kulay mo.
Barakong-barako. Ipapakilala kita kay Direk. "

-Producer


Maraming nagbago. Di ako sanay pero di yata ako marunong sumunod sa agos. Pero sumabay ako. Pictorial dun, pictorial dito. Iba-ibang kulay ng brief. Iba-ibang kulay ng background. Lahat yata ng pwedeng gawing props nagamit na namin sa pictorial. Lahat na yata ng gulay sa kantang bahaykubo, nagamit ko nang pantakip sa malaking ari ko . Chin up. Chin down. Wonderful. Great. Beautiful. Yun ang sabi ng photographer dun sa may Tondo.


Oh, patigasin mo ng konti. Para mas maganda. Ibaling mo sa kanan, sa kaliwa naman. Ang hirap din palang magpa-pictorial. Isang araw yun na wala akong ginawa kundi tumayo, tumihaya, bumukaka. Dapat raw gawin ko para sa publicity. Publicity ng movie ko.


Ang dami kong pinuntahan na auditon para sa pelikula. Pero pagkatapos ng konting acting-acting. Paghuhubarin ako. Titingnan kung makinis daw ako. Kung marami raw akong peklat. Marami nang nagyari. Nasanay na ko sa mga ganoong pangyayari.






transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."







4 comments:

caloy said...

ang ganda. nakikita ko ang sarili ko., hahahah!

rico de buco said...

tsk tsk..nagoyo lang siya..malungkot..

muli akong nabuhay sa blogosphere,musta na tol..

Check Dash said...

hello po ang ganda po ng blog niu ^^ pa daan po.

saul krisna said...

hmmm nice one na naman pre... galing mo talaga... hehehe