Thursday, April 15, 2010

ANG ARTISTA


"Bakit di mo ko ginalaw? Artista ako. Di mo ba ako kilala?"





"Pagod na akong gumalaw. Sawa na. Ikaw, hindi pa ba? Masaya na ako sa patingin-tingin."


"Pwede kitang pagbigyan. Gusto mo?"


"Pwede rin naman kitang bayaran. Masaya ka ba? Ilang taon ka na ba? Bakit ka ba nandito? Magpahinga ka na. Minsan, pag sumosobra. Di na masaya"




Pagkatapos ng gabing yun, parang may nagbago. Parang may nagbago ulit sa akin. Medyo nabawasan ang mga tanong sa sarili ko. Nakakapagod din pala yung ganito. Parang ang layu-layo ng pinuntahan ko. Parang pagod na pagod ako. Tama na siguro ito. Hanggang dito na lang siguro ang kaya ko. Kahit paano, malayo na rin ang narating ko. Kung meron man, marami na rin akong pwedeng ikuwento kung kinakailangan. Pwede rin namang di ko sabihin ang lahat. Pwede rin namng magkwento ako ng di totoo. Mag-imbento. Di naman rin nila malalaman ang totoo.


Kahit naman siguro sino may mga tinatago tungkol sa sarili nila. Na hanggang sa mamatay sila, walang nakakaalam. Saka wala naman silang pakialam sa mga nangyari sa akin dito. Kahit kelan naman di sila naging interesado sa buhay ko. Pero ngayon, kahit sa sarili ko, parang alanganin na ako kung kilala ko pa. Nasaan na kaya ang San Joaquin? Si Mang Mando? Ang anim na nakatikim sa pag-aari ko sa probinsya? Si Milagring at ang kanyang kamote't saging?



transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."





4 comments:

Rej said...

parang ang ganda. magaling yan si Lou Veloso. at astig ang mga linya. showing pa ba yan?

Dagger Deeds said...

I've seen Binyag a year ago. Kilala ng roomie ko noon yung lead.. Somehow, the film did not appeal to me, ewan. Siguro, I just want it to be a gay themed movie to be a lot less about sex and be more about a story. But that's just me.

itsyaboykorki said...

ello :)

muebles camobel said...

Wow, there is a lot of useful data above!